Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Blue Pigeon's Guild

rjcabaguio161
--
chs / week
--
NOT RATINGS
1.3k
Views

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

Walang inisip ang dalawang kabataan kungdi ang tumakbo lang sa daanan na may nakapalibot na kakahoyan. Tumatambol sa pintig ang kanilang puso sa pinaghalong takbo at pagod sa pagtakbo. Pinagpawisan ang kanilang noo at tumatagaktak ang pawis.

Sa kanilang patuloy na pagtakbo, ay nadatnan nila ang pasangang daan. Alam nilang na ang isa sa daan ay patungo sa isang village at ang isa ay patungong bangin. Kapag dalawa silang tatakbo sa isang daan ay mahahabol sila ng naghahabol na kalaban na nasa di kalayuang likuran nila.

"Jin sa Kaliwa at ako sa kanan!"

Alam ni Jin ang ibigsabihin ng kambal niya. Alam niyang nagsakripisyo ito para sa kanya. Dead end ang hahantongan nito at malabing makaligtas keysa sa kanya.

Wala siyang magawa sa desisyon nito, alam niya kung magsama sila mas lalo silang mapapahamak sa tatloo nilang kalaban. Kapag naghiwalay sila siguradong mahahati ang numero ng kanilang kalaban at more na may chance to survive.

Ngunit hindi inaasahan ni Klin, ang tumakbo sa kanan. Ang tatloong lalaking may suot ng itim na magarbong damit ay sa kanya lang nakasunod.

'Bakit ako lang ang target nila? Binaliwala lang nila si Jin? Ano ba ang pakay nila sa akin?'

Hindi niya lubos maisip ang nangyari. Bakit ba siya hinahabol ng myembro ng kulto? Hinahabol ba siya para irecruit o patayin? At bakit naman?

Pero ano mang dahilan iyon ay tila wala na siyang pag-asang makaligtas pa. Parang planado ang paghuli sa kanya. Pasalamat na lamang siyang mailigtas ang kambal niya. Sana nga lang, baka kasi may umabang din sa kambal niya.

Takbo lang siya nang takbo kahit na hinihingal na at tumutulo na ang pawis. Nilingon niya habang tumatakbo ang humahabol subalit parang kalmado lamang ito ang mga ito. Mataas ang tiwalang hindi siya makatakas.

Pagbalik ng tingin niya sa harap ay doon na niya nakita ang nakaabang palang isang higanting gagamba. Mabagsik ang aura nito na tila nagbigay pressure sa kanya dahilan na mapahinto siya sa pagtakbo.

Napa-awang ang kanyang bibig na napatingin doon, tila ang tanging pag-asa na lamang niya ay tumakbo sa kakahoyan. Subalit paglingon niya sa gilid ay naroon pala ang ibang gagamba na mas maliit na nasa harapan niya. Ngunit hindi niya maaaring maliitin iyon dahil kasing laki lamang niya ang mga ito.

Bigla namang humalakhak sa likod niya, ang tatloong nakaitim na may tattoo sa noo na uwak. Isang pagkakilanlan ng pagiging myembro ng Dark Crow Cult. Hinarap niya ang mga ito, at tinignan niya ang mga ito na may mabangis na tingin.

"Ano bang kailangan niyo sa akin at gusto niyo akong hulihin?" Tanong nito habang hinihingal.

Ngumisi ang nasa gitna na may mapulang buhok na patalinis pataas.

"Para gawing spirit slave, ibenta at tiyak pag-aagawan ka ng mga business tycoon kung malalaman nila ang iyong katalinuhan" ngisi nito sa kanya at may tingin na puno ng kasakiman. Tila ba tiningnan siya hindi bilang tao kundi isang pera o ginto.

'Spirit slave? Papatayin nila ako at kokontrolin nila ang kaluluwa ko'

Humakbang ang nasa gitna papalapit sa kanya. Gustuhin man niyang umatras at gustuhin man niya lumaban pero hindi siya makagalaw. Tatanggapin nalang siguro niya ang kanyang kapalaran niyang mamatay. Hanggang dito na lamang siya.

"Hindi naman maging masakit ang kamatayan mo bata, magpasalamat ka nalang" saka mula sa bulsa nito ay may kinuha itong dalawang botelya. Ang isang botelya ay walang laman habang ang isa ay may lamang itim na likido.

Naguguluhan si Klin kung ano iyong dalawang botelya at para saan. Habang ang lalaking lumapit naman sa kanya at binuksan ang lid ng dalawang botelya. Saka pinatakan ng tulo ang walang laman na botelya.

Ang dalawang kasama ng lalaki ay tila naboboringan. Malamang sa walang kwenta itong pagdarakip nila para gawing spirit slave. Hindi man lamang sila napapalaban. Kaya para lamang silang mga estatwa na walang expression na tumitingin lang sa ginagawa ng kasama nila. Kung mamarapatin nga siguro ay pwede ng mag-isa nalang ito.

Ang botelya na pinatuluan ng itim na likido ay inilapit ng lalaki sa ilong ni Klin na hindi makagalaw. Nawalan na rin ito ng pag-asang tumakas.

Nang malanghap niya ang likido ay parang kung ano ay hinihigop siya nito. Nilalabanan niya ang paghigop sa kanya pero napakalakas niyon. Napaluhod siya sa lupa hanggang unti-unti siyang nawalan ng hininga. Napahiga ang katawan niya nawalan na ng hininga.

Sumenyas ang lalaki na ayos na at tagumpay nilang nakuha ito. Umunang lumakad paalis ang dalawa at sumunod naman ang lalaking may dalang botelya. Saka sumunod din ang higanting gagamba na nagbigay pressure kay Klin at ang mga nito.

Lumapit ang mga gagamba sa kinaroroonan ng katawan ni Klin. Binigyan daan ng anak ng gagamba ang kanilang ina, o ang reyna. Natatakam itong lumapit sa katawan na nakahandusay.

"Pragos! Wag mong pakialaman ang katawan niyan kung ayaw mong ipakain kita kay Argerus" lumingon ang lalaking dalang botelya at tiningnan ito na may awtoridad.

Dismaya man ay umalis ang gagamba pati na ang mga anak nito. Naiwan ang nakahandusay sa lupa na nakadilat pa rin ang mga mata. Ang mata ay may bakas paring pagkagulat.

Nang malayo na ang mga dumukot sa kaluluwa nito ay bigla na lamang may pumaimbulog na liwanag mula sa kalangitan at patungo ito sa katawan niya. Pumasok ito sa katawang lupa ni Klin. Ang nakalahad na kamay niya ay may unti-unting asul na marka nabubuo.

Nabuo ang marka sa pigura na asul na kalapating may ginto susi sa nguso. Ang nakahandusay na lalaki ay biglang gumalaw ang kamay. Ang nakapikit na mata nito'y nito unti-unting bumuka.

Nang magkamalay ay bumungad sa espiritong nakapasok sa katawang walang laman na kaluluwa. Agad na pumasok ang mga alaala sa tunay na may-ari ng katawan na iyon. Nahilo siya sa dami ng alaalang pumasok sa isipan.

Nang maging maayos ang pakiramdam niya ay tumayo siya. Nilibot niya ang tingin sa kakahoyan. Napalagay naman ang daliri niya sa labi saka may iniisip.

'Paanong napunta ako sa mundong ito? Akala ko ba isang simpleng laro ang BPG pero bakit naman ata napunta ako sa tunay nitong mundo.'

System initiation...

Congratulation Sidrach, you are the 13th Guildmaster of Blue Pigeons Guild.

System binding to the host.

Binding completed...

Checking Host Data...

Name: Sidrach R. Drasuvich

Level: 1

Exp: 000

Previlidge: None

Rank:

...

Inilahad niya ang kanyang kamay at nakita niya ang marka. Pinagtaka niyang bakit may susi sa sungo nito na sa Games naman ay wala. Iniisip niya kung para saan ito.

Ngunit mula sa himpapawid ay nakita niya ang malaking asul na ibon na papalipad patungo sa kanya. Dala nito ang gintong rolyo. 'hmmm. Blizzard? Narito rin siya?'

Lumapag ang malaking ibon sa harap niya at bumuo ito ng alikabok dahil sa hinangin ng pakpak nito. Inilapit ng ibon ang rolyo na kinuha naman ni Sidrach.

Maligayang bati sa iyo bagong Guildmaster! Sidrach D. Arsuvielle

Dalawang Taon na rin na nakatingga ang Guild at ikinagagalak namin namin na makahanap ng aasahan naming ipagkatiwala ang Guild na ito. Alam kong naguguluhan ka sa marka sa iyong palad na may gintong susi. Iyan ang susi para buksan ang enerhiya ang magpagana sa bawat silid at mga kagamitan. Lalabas din ang mga maging kaagapay mo upang hindi ka na masyadong mahihirapan.

Mula sa punong Mensahero:

Drasuvich

Matapos mabasa ang liham ay ikinagulat ni Sidrach ang unti-unti nitong paglaho. Napansin niyang nakababa ang leegan ng kalapati pati ang ulo nito. Tulad lang din ng pasimula kung saan bagong pasok lang niya sa BPG Game.

Humawak siya sa tila kwentas na taling kulay ginto na nasa leegan ng kalapati. Saka siya sumakay sa nakababang leegan nito. Nang makasakay na siya ay inangat na ng kalapati ang kanyang ulo sa hinanda nito ang pakpak.

Mabilis na pumaitaas ang ibon habang ang sakay naman nito ay napasigaw na 'woooohhhh, ang sarap sa feelings'. Hinangin ang buong katawan nito na para bang ililipad pati kaluluwa niya. Hiningpitan niya ang kapit sa tali para hindi mahulog.

Nang nasa itaas na sila ay humina na ang lipad nito. Kita niya sa ibaba ang mga bundok, puno, at may mga mababangis na hayop na lumilipad. Sa taas nila tiyak na ikakamatay niya kung mahulog siya. Buti na lamang wala siyang fear of heights baka ipipikit na lamang niya ang  kanyang mata.

Hindi nagtagal ay nakita na niya rin sa wakas ang malapalasyong guild. Sa itaas ng gusali ay makikita ang mga sanga-sanga at dahon na malabong na puno na tila ba pinuproteksyonan niya ang gusali sa init at ulan. Habang sa nakapalibot naman ay walang anong halaman na makikira kundi ang mga dambuhalang bato.

Inilapag siya ng ibon sa hindi mabatong parte kon saan parang ginawa ito para daanan nila. Bumaba siya sa kalapati at ang kalapating iyon ay lumiit at naging normal ang laki saka lumipad patungo sa sanga ng puno sa malapalasyong guild.

'haist. Maging guildmaster na ako for real. Kakayanin ko kaya kung hindi na katuwaan lang ang ano mang mangyari?" Napabuntong hininga na lamang siya. Heto na siya ngayong, para lang iyong nababasa niya sa webnovel na character na napunta ang kaluluwa sa ibang katauhan.