Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Ang Buhay Ko (A Buko Lovestory)

Grace_Mediante
--
chs / week
--
NOT RATINGS
1.1k
Views
Synopsis
Kim hated Jeremy to the guts. Mula pagkabataay kaaway na ang tingin niya sa binata. But never did she imagine that on the loneliest night of her life, it was actually him who saved her.Sa kabila niyon ay hindi pa rin nabawasan ang disgusto niya sa binata.Sa katunayan ay lalo lamang nadagdagan. This actually led Jeremy to make a deal with her---na sa kasamaang-palad ay natalo si Kim. At bilang kapalit, isang linggong patutunayan ni Jeremy sa kanya na karapat-dalat niya itong magustuhan.He did everything for her to like him. And then the inevitable thing happened they fell in love.Kung kailan akala ni Kim ay magiging maayos na ang lahat, saka naman niya malaman ang secreto ni Jeremy. Kasinungalingan lamang pala ang lahat ng namagitan sa kanilang dalawa at hindi niya ito maaring angkinin.

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Unnamed

Ang Buhay Ko ( A Buko Lovestory)

Ctto: Honey Villa

-Prologue-

HINDI makangiti ang batang si Kim dahil malalaman ng mga kalaro niya na bungi siya. Ipinabunot kanina ng kanyang abuela ang dalawa niyang ngipin sa harap kaya nagmukha siyang monster na may pangil. Siguradong tutuksuhin lamang siya ng mga kalaro kaya pinanatili niyang nakasara ang bibig. Ayaw naman niyang manatili lang sa loob ng mansiyon dahil wala siyang kalaro. Kaya nga siya naroon sa bahay ng kanyang abuela ay para may mapaglibangan dahil summer vacation. Isa pa, nakaugalian na niyang umuwi sa hacienda dahil kapag may pasok ay madalang lamang niyang makita ang abuela.

Lumapit si Kim sa mga batang babae na naglalaro ng paper dolls. Gustong-gusto niyang nilalaro ang mga damit ng manyika, lalo na kapag binibihisan ang mga iyon. Umupo siya sa tabi ni Kathleen.Bumaling ang bata sa kanya. "Gusto mong sumali, Señorita?" Ipinagpapasalamat ni Kim na tinanong siya ni Kathleen dahil hindi na niya kinakailangang magsalita pa. Tumango siya bilang sagot. Ibinigay ni Khatlene sa kanya ang isang paper doll at saka sila nagpalit-palit ng mga damit. Sa sobrang katuwaan ay hindi niya namalayang napangiti pala siya. "Hala! May monster!"

Napaangat ng tingin si Kim sa narinig. Nakita niyang nakatingin ang lahat ng mga batang naroon sa kanya, pati na ang mga batang lalaki na nakasuot ng kumot na ginawang kapa at may mga hawak na kahoy na espada. Ang ilan naman ay nakasuot pa ng maskara para mas magmukhang mga superhero. Itinikom niya

ang bibig kasabay ng pagbadya ng mga luha sa mga mata. Noon naman lumitaw si Jeremy, ang batang kinaiinisan ni Kim nang lubos. Nakasuot ng pulang kumot at may suot na cowboy hat. Si Jeremy ang umaaktong leader ng mga batang lalaki dahil bukod sa pinakamalaki, bully rin ito.

Pero hindi nagpapatalo si Kim kay Jeremy. hindi natatakot dito. Hindi siya nagpapa-bully dahil alam niyang kaya niyang soplahin ang batang lalaki Itinuturing man siyang prinsesa sa bahay nila, alam naman niya kung paano ipagtanggol ang sarili. Ngunit ngayon ay hindi niya iyon magawa, lalo na nang makit niya kung paanong tumawa nang malakas si Jeremy habang nakatingin sa kanya.

Pinaningkitan ni Kim ng mga mata si Jeremy) habang pilit na pinipigilan ang mga luha."Bakit ka nandito?" tanong ni Jeremy saka lumapi sa kanya, namaywang pa na animo si Superman. "Bawa ang monster dito!"

"Hindi ako monster!"

"Monster ka at ako si Super Cowboy at kailangan kang parusahan!" Walang babalang umigkas ang kamao ni Jeremy at tumama sa kanyang panga. Bago tuluyang dumilim ang mundo ni Kim ay - narinig pa niya ang sigaw ng mga batang babaeng kalaro. "Lagot ka kay Señora Aurora, Jeremy! Isusumbong ka namin!"

**********************************************

CHAPTER 1

PAGKATAPOS pagmasdan ni Kim ang pagsibad ng kotse ni David palayo ay taas-noong muli siyang pumasok sa bar na pinanggalingan. The night was still young yet so many things had already happened to her thin Mapait siyang ngumiti. Yes, a hell of a lot of things had - already happened and the pain was slowly creeping inside her. But she would not let it show. Hindi siya magpapatalo sa sakit, at lalong lalong hindi siya iiyak Pumunta siya sa bar kasama si David, her boyfriend- now her ex-para mag-unwind. Napansin kasi niyang palagi na lang itong i-space out kapag kasama siya and she wanted to get his attention. Ngunit hindi siya nagtagumpay dahil kahit kasama na niya ang binata. ang puso at isip nito ay buong-buong inangkin ng isang babae si Lolita.

Si Lolita ay ang babaeng pansamantalang pinatira ni David sa bahay nito. He told her that she needed & place to stay in temporarily. Hindi niya nagustuhan ang ideya ni David ngunit hindi niya sinabi iyon sa binata Unang beses pa lang kasi niyang makita si Lolita ay iba na ang dating sa kanya ng babae. There was something about the woman that she did not like. Nakakatawangisipin na sa napakadaling panahon ay nakuha na agad ni Lolita ang puso ni David.

Ang akala ni Kim ay maibabalik niya sa dati ang binata. Ang akala niya ay maibabalik niya ang dati nilang samahan, ang dating pagtitinginan. But no, walang nangyari ni isa sa mga iyon. Instead, she saw how David struggled with his feelings for Lolita and how he could longer keep it to himself.

Bago pa dumating si Lolita ay may pagkakaunawaan na sila ni David. They were childhood friends and they practically grew up together so no words were needed as they knew that something was going on between them. Alam nila pareho ang kanilang nararamdaman, pero wala ni isa sa kanila ang gumawa ng unang hakbang para gawing opisyal iyon. She always thought that David was taking his time, so she waited. And then she met Robie, one of the models she worked with, who started making a move on her. Wala naman talaga siyang balak sagutin ang lalaki dahil inaantay niya si David. But it was Robie's actions that made David do his thing..

Naalala ni Kim kung paano naghanda si David sa bawat pagpapa-impress na ginagawa sa kanya. She immediately turned Robie down and focused on David.

They were okay at first. Ngunit unti-unting nararamdaman ni Kim na iba na sila sa dati ni David. She tried ignoring the signs and the suffocating feeling of indifference and still accepted his offer to be his girl. Ipinangako niyang ibabalik niya ang dati nilang pagtitinginan. But it was as impossible as moving a mountain with her bare hands. Alam niyang nakuha na ni Lolita nang buong-buo ang puso ni David. Kim knew him enough to know that he was so in love with her.

Kaya naman pagkatapos ng eksenang ginawa ni David kanina sa loob ng bar ay tuluyan na niyang tinapos ang kanilang relasyon. Sinugod kasi ni David si Kevin, ang matalik nitong kaibigan na nagkataong naroon din sa bar. And being the playboy that Kevin was, ano pa nga ba ang aasahan? Nasa gitna si Kevin ng mainit na pakikipaghalikan sa isang babae na nagmitsa upang magalit nang husto si David. Walang babalang sinugod ni David ang kaibigan at sinuntok. Narinig ni Kim na sinabi ni David na nililigawan ni Kevin si Lolita kaya naman nagalit nang husto ang una nang makitang may ibang kasamang babae ang huli.

She wanted to envy Lolita at that moment. Kahit kailan kasi ay hindi naging ganoon katapang si David sa pagsasabi ng nararamdaman para sa kanya. It only goes to show that he loved Lolita more. And it hurt so much that it sucked.

Kaya para matapos na pareho ang kanilang kamiserablehan, si Kim na ang tumapos ng relasyon nila ni David. It hurt and yet she thought that it was the only way to stop causing both of them more pain.

Dere-deretsong umupo si Kim sa isang stool sa bar counter. "One scotch, please," aniya sa bartender. "A scene and now a drink. Don't you think you've had too much for today, Miss?"

Napalingon si Kim sa nagsalita, at napakunot noo. Hindi niya kilala ang lalaki ngunit sa paraan ng pagkakangiti nito sa kanya ay tila kilalang-kilala siya. Ngunit hindi naman kataka-taka iyon. Sa linya ng trabaho niya bilang isang fashion blogger, normal lang siguro na makilala siya ng ibang tao. Hindi sa pagmamayabang ngunit isa siya sa mga pinakatanyag na fashion blogger sa bansa. Her love for dressing up urged her to take this path. And she was glad she did because she was more than happy with her job.

"No, I don't think so," sagot ni Kim saka matamang tiningnan ang lalaki. Gusto sana niyang paalisin ito dahil gusto niyang mapag-isa. She still had to deal with her loss for tonight .

"Where's your boyfriend?"

Muling bumaling si Kim sa lalaki. He was standing up, and yet his left elbow was propped up on the bar, holding his head. Nakatuon sa kanya ang mga mata nito kaya nakita niyang kulay-tsokolate ang mga iyon. "He followed his heart," mapait niyang wika saka deretsong ininom ang laman ng basong hawak.

Sumipol ang lalaki.

She ordered another glass of scotch before turning to the man beside her. This time, when she looked at him, it was not just his eyes that welcomed her, it was also his smile. Hindi niya napigilang pag-aralan ang kabuuan ng lalaki. His hair was longer than the usual cut for men. Sa katunayan, ang ilang hibla ng buhok nito ay tumatabing sa mukha and it gave him a rugged bad boy look. Makapal ang mga kilay nito, na bumagay sa mga matang tila tinunaw na tsokolate. Then her eyes moved w down to his nose, it was neither flat nor proud, but just the right kind. But when her eyes settled on his lips, she lost, sa the words to describe them. Masyado iyong mapupula pa para sa isang lalaki, tila nag-aanyayang halikan ito. And then there was his smile. It was what captivated w her so much that she had to turn away to stop herself from doing something stupid like touching his lips with hers. Darn! Kakatapos lamang niyang makipag-break sa na nobyo ngunit heto siya, tila gustong magpahalik sa isang lalaking hindi naman niya kilala dahil sa maganda nitong n mga labi? She must be out of her mind. Gusto sanang lumipat ni Kim ng upuan para layuan u ang lalaki nang matigilan siya sa tanong nito sa kanya.

"So, how's your heart?"

His eyes met hers and a bitter laugh escaped from a her mouth. "Hard and cold, like ice." Mataman siyang tinitigan ng lalaki nang ilang segundo bago tuluyang umupo sa katabi niyang stool. "Then I guess you really need something to melt it, don't you think?" Tumingin ito sa bartender. "Give me one scotch, too, please." "It will be very hard to melt, mister," Kim said as she sipped from her glass again. Naramdaman niyang nagsisimula nang uminit ang kanyang pakiramdam dahil sa iniinom na alak. She had low alcohol tolerance and knew she should not be drinking too much because it would mean trouble. But what did she care?

"I'm patient, Kim. And I have all the time in the world when it comes to you." Hindi naaalala ni Kim na sinabi niya ang pangalan Ost, sa lalaki. Ngunit lumipad ang lahat ng aprehensiyon niya para magtanong nang hawakan nito ang kamay niya at marahang pinisil. His hand was warm against hers and was somehow comforting. Feeling totally comfortable with a stranger was a crazy idea, if one were to ask her. ith Ngunit siguro ay nababaliw na nga si Kim dahil wala na siyang pakialam. Sa halip ay ngumiti siya sa lalaki.

They talked and drank the night away until she could no longer stand in her stilettos. Umiikot ang mundo niya, at hindi napigilang humagikhik nang maramdamang umangat ang mga paa mula sa sahig. She was being carried by two strong arms and for the first time that night, she felt like being cherished and taken care of- and it was undeniably nice.

Isiniksik ni Kim ang mukha sa leeg ng kumarga sa kanya. It was warm in there and she liked the scent she was inhaling. "Y-you won't hurt me, will you?" aniya sa garalgal na boses.

"Believe me," said the man who was carrying her, "since the first time I hurt you before, I vowed not to hurt you again and protect you always for the rest of my life."

Bahagya lamang naunawaan ni Kim ang sinabi ng ag lalaki dahil unti-unti na siyang nilalamon ng antok at il pagod. She fell asleep feeling safe that night.

KIM GROANED when she felt her head throbbing. Ang sakit na iyon ang tila alarm clock na gumising sa kanya. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata at sinubukang bumangon. When her eyes adjusted to the ki light, she was welcomed by a white ceiling. Kailan pa naging puti ang ceiling ng kuwarto niya? She turned to her side and realized that she was not in her bed, either! Napabalikwas siya nang mapagtantong wala siya sa sariling kuwarto. Nasaan siya?

Her eyes roamed around the room. Puro itim at puti siy ang mga kagamitan. A door on the left side looked as if there was a closet beside it. Nagkalat din ang damit sa iba't ibang bahagi ng kuwarto.

Binaha ng kaba ang dibdib ni Kim. What the heck happened last night? Dahan-dahan niyang itinaas ang kumot na nasa katawan upang i-check kung may suot siyang damit. Muntik na siyang mapatili nang makitang nakasuot lamang siya ng robe. Would she consider it a miracle that she was still wearing her underwear?

Pilit niyang inalala ang mga nangyari nang nagdaang gabi. The only thing she remembered clearly was that she was talking to a complete stranger at the bar and she wala let him hold her hand. Everything after that seemed to be vague and black. Ibig bang sabihin...?

Awtomatikong lumipad ang tingin ni Kim sa pinto sa kaliwang bahagi nang bigla iyong bumukas. Humigpit ang hawak niya sa kumot. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang lumabas doon ang lalaking kasama niya kagabi. Kahit hindi malinaw sa kanya ang karamihan ng mga nangyari nang nagdaang gabi, natatandaan naman niya ang mukha ng lalaki. It was the kind of face that one could not easily forget.

Umahon ang kakaibang kaba sa dibdib ni Kim. Nakahanda na siyang ibato ang unang hawak nang bumaba ang kanyang tingin sa katawan ng lalaki. He was naked from the waist up, at tuwalya lamang ang suot na nakapulupot sa baywang nito. Wala sa sariling napalunok siya nang makitang tumutulo mula sa mahaba nitong buhok ang ilang butil ng tubig papunta sa matipuno nitong dibdib pababa sa abs.

"Gusto mo ng kanin?"

Napaangat uli ang tingin ni Kim sa mukha ng lalaki

nang magsalita ito. "What?" "Mukha kasing inuulam mo na ako." He smirked at her. "Baka 'kako gusto mo ng kanin."

Antipatiko! Inihagis ni Kim ang hawak na unan sa lalaki na agad naman nitong sinalo.

"Hey, is that how you are going to greet me 'good morning' after what happened last night?"

Ano ang sinasabi ng lalaking ito? Nakakainis dahil wala siyang maalala kahit ano.

Tumayo si Kim mula sa pagkakaupo sa kama habang mahigpit pa ring kipkip ang kumot sa katawan. "Ano'ng Dinto ginawa mo sa 'kin?" "It's not about what I did. It's about what you did." ang Tumingin ang lalaki sa kanya na tila hindi makapaniwala. king "Don't tell me hindi mo matandaan?"

Naningkit ang mga mata ni Kim, gustong sakalin ang abi, lalaki. She had her lessons in self-defense at puwedeng- the puwede niyang patumbahin ito. Ngunit bakit hindi niya magawang kumilos man lang sa kinatatayuan? She knew why.

It was his smile, Darn, Kim! Dahil sa ngiti ng lalak ay napahamak siya kagabi kaya hindi na niya hahayaan ang sarili na muling madala sa mapanlinlang nitong ng "What did you do to me?" she hissed.

"Nothing," anang lalaki. "In fact, ikaw pa nga ang may ginawa sa 'kin. And, just in case hindi mo nga natatandaan, please take time to smell your clothes and mine in the laundry."

Naiintindihan ni Kim ang sinabi ng lalaki. Malamang ay hindi kinaya ng sikmura niya ang lahat ng kanyang ininom kagabi kaya inilabas din niya ang lahat ng iyon. She was somehow relieved knowing that she was safe. Sheerr, it, was safe and untouched.

Matalim na tinitigan ni Kim ang lalaki saka kinuha

ang kanyang purse na namataan niya sa bedside table. Pagkatapos ay tinungo ang pinto na nasa kabilang dako ng kuwarto. Kung ang pintong nilabasan ng lalaki kanina ay ang banyo, malamang ang isa ay ang daan palabas. "I swear if you ever come near me again," she successfully turned the knob and opened the door without breaking eye contact, "I'm going to kill you!" She immediately shut the door behind her and ran outside.

The house was not that big so she easily found her way out. Pero hindi ganoon kadaling takasan ang katangahang ginawa. What had she done to herself? Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni David, heto siya at gumawa na naman ng isa pang problema. What the heck am I thinking? Or was I even thinking when I went with him last night?

Bumuntong-hininga si Kim paglabas ng pinto. Alam niya na hindi siya nag-iisip kagabi. His easy smile, his scent and his warmth all of these made her feel loved and cherished which made her unable to think. Lumabas siya nang nakasuot lamang ng robe. Ngunit mas mabuti na iyon kaysa manatili sa loob ng isang kuwarto kasama ang isang antipatikong estranghero.

Damn! Gusto niyang sabihin na brokenhearted lang siya, pero hindi siya tanga. Pero sa mga ginawa niya, ano ang tawag sa kanya? Stupid, she thought.

Reviews