Chereads / Loving This Shrew / Chapter 11 - JARED

Chapter 11 - JARED

Pinagsabay kong lutuin ang dalawang itlog para hindi sayang sa gasul. Parehong sunny side up iyon pero hindi perfect ang pagkakaluto dahil medyo nabasag ang gitna. Ang isa ay medyo hindi luto ang yolk dahil iyon ang gusto ng kapatid kong babae.

"Jessie! Genrie! Kakain na" tawag ko sa kambal kong kapatid. Nakita kong nakabihis na silang dalawa at nanonood ng T.V sa sala. Maliit lang ang bahay na inuupahan namin at isang silip ko lang mula sa kusina, kita ko na agad ang sala. "Kumain na kayo dahil baka ma-late kayo sa school" sabi ko sa kanilang dalawa.

Si Jessie ay sumunod habang si Genrie ay nanonood pa rin sa TV. Pinaupo ko si Jessie sa upuan at kumuha ng panali sa kaniyang buhok. Nang makakuha ako ay tinali ko ang buhok niya patirintas habang kumakain siya.

"Genrie, kumain ka na rito" tawag kong muli sa kapatid kong lalaki.

"Wait lang po, kuya!" Sabi niya at ginagaya ang kung anong pinapanood.

Three years ago, our mom left and dad passed away and we three have lived together since then. Nag-aaral kaming tatlo at nagtatrabaho ako para may pangkain kami araw-araw at pambayad sa upa.

"Kuya! Ang galing nung babae sa boxing!" Tuwang-tuwang sabi ni Genrie.

"Genrie, tama na 'yan," sita ko sa kapatid ko, "Kumain ka na rito."

Tiningnan niya ako gamit ang malungkot niyang ekspresyon at kahit na ayaw niyang patayin ang TV ay sumunod pa rin siya. Hindi nagbago ang mukha niya hanggang sa makarating sa hapag kainan.

"Kumain na kayo riyan at ihahatid ko pa kayo sa school" sabi ko pagkatapos kong talian si Jessie.

Kinuha ko ang bag nila at hinanda ang mga librong gagamitin sa school. Nilagay ko rin ang pagkain at tubig nila. Hindi kami mayaman kaya nagsisikap akong mag-aral at magtrabaho para sa amin dahil kaming tatlo na lang ang magkakampi sa mundo. Kahit na mahirap, titiisin ko dahil kailangan naming makapagtapos.

Pagkatapos ko silang ihatid sa school nila ay dumiretso ako sa trabaho ko. May ilang oras pa naman ako bago magsimula ang unang subject.

"Welcome po" bati ko sa bagong dating na customer.

Isa akong waiter sa isang restaurant. Minsan ay nagde-deliver din ako ng pagkain kapag walang available sa amin. Nang makita kong may bakanteng lamesa na marumi. Lumapit ako roon at nilinis ang baso, platong may tira-tira pang kanin at manok. Pinunasan ko na rin ang lamesa at nilagyan ng sanitizer sabay punas ulit. Dinala ko sa likod ang mga plato at inilapag sa lababo kung saan si Shane ang naka-schedule na maghugas ngayon.

"Ito pa, Shane"

"Sige, lagay mo lang diyan" pagod na sabi niya. Napatitig ako sa kaniya saglit na mukhang napansin niya at lumingon sa akin, "Oh bakit?"

"Kaya pa?" Tanong ko at hinawakan siya sa balikat. Maliit na ngiti ang binigay niya sa akin sabay tango. Balak ko sana siyang tulungan kaya lang ay tinawag ako sa harap kaya nagpaalam na ako sa kaniya at pumunta sa labas. Pinagbuksan ko ng pinto ang customer at nagpasalamat sa pagkain nila sa restaurant namin.

"Balik po kayo, Ma'am" nakangiting sabi ko.

Tumingin ako sa relong pambisig. Trenta minutos na lang at mag-uumpisa na ang klase. Nagpaalam ako kay boss na papasok na ako. Alam naman niya ang schedule ko kaya pumayag siya. Nagpapasalamat ako sa kaniya dahil pumayag siyang magpart-time ako sa restaurant niya kahit ilang oras lang. Nagmamadali akong pumunta sa likod at kinuha ang uniform ko pamalit. Hinubad ko ang t-shirt at pinunasan ang katawan ng towel.

Naglagay rin ako ng perfume na binigay ni Walter, isa sa mga kaibigan ko rito sa restaurant.

"Boss, una na ako" paalam ko sa manager. Tumango lang siya. "Una na ako, pre" sabi ko kay Walter at tinapik siya sa balikat nang madaanan ko siya.

"Ge par, inom tayo mamaya?" Pahabol pa niya nang makalabas ako.

Lumingon ako para sumagot, "Hindi ako pwede mamaya, pre" sagot ko at tuluyan nang lumabas.

Ginamit ko ang bike papunta sa school dahil sayang lang ang pera pamasahe kung magco-commute ako. Pwede ko ring idagdag sa pambayad namin sa upa 'yon. Ilang kilometro lang naman ang layo ng restaurant sa school na pinapasukan ko. Kinuha ko ang salamin sa bag at sinuot iyon dahil medyo malabo ang mga mata ko. Kailangan ko ito para makita ang nakasulat sa board. Nakikita ko pa rin naman kahit walang salamin pero minsan malabo kaya iba ang nasusulat ko.

Hindi pangkaraniwang school ang pinasukan ko. School lang iyon ng mga mayayaman pero nakapasok ako dahil nanalo ako sa isang kompetisyon. Nakatanggap ako ng enrollment paper matapos kong manalo. Galing iyon sa may-ari ng school dahil kakaiba raw ang talinong meron ako at kailangan iyon ng school nila. Malaki ang tuition fee pero may bawas na bente pusyentos ang sa akin kapag lalaban ako.

Nagpapasalamat ako dahil may talino ako na nagagamit ko sa loob at labas ng school. Kahit na mahirap mag-aral sa school na iyon dahil nga mayayaman ang nag-aaral at maraming bully, tiniis ko. Ang school na iyon ay nakabase sa estado sa buhay at hindi sa talino. Kaya ang building ng mga mahihirap na katulad ko ay may kalayuan sa building ng mga nakatataas sa buhay. Sa tingin ko ay mas okay na ganoon dahil kaming mga mahihirap na estudyante ang mas nakakaintindi sa isa't-isa. Kaya lang, sa tuwing kakain kami ay kailangan naming pumunta sa canteen. Iisa lang ang canteen ng school pero malaki. Iba't-iba klase ng pagkain ang meron ngunit bago ka makakuha ay makakarinig ka muna ng insulto at kung ano-anong masasakit na salita.

Ganoon naman talaga ang buhay. Ang mga nasa baba ay laging naaapi. Kaya kayo-kayong magkakapantay na lang ang estado sa buhay ang nakakaintindi sa isa't-isa. Hindi naman maiiwasan ang bully sa school, lalo na kung ganitong school. Wala naman akong magagawa dahil kailangan kong makapagtapos. Para magawa iyon ay kailangan kong tiisin ang pang-iinsulto ng mga tao rito. Kailangan ko rin ng scholarship para makabawas sa gastusin.

Sa likod ng school ko pinarada ang bike na ginagamit ko rin sa pagde-deliver. Nagmamadali ako dahil late na ako. May shortcut akong dinaraanan pero ngayon ay nakasarado iyon dahil ginagawa ang daan kaya sa ibang daan muna ako.

Halos tumakbo na ako dahil medyo malayo pa ang building namin at mag-uumpisa na ang klase. Masungit pa naman ang unang prof namin. Saka ko lang naalala na may quiz pala kami ngayon doon. Habang malalaki ang hakbang na naglalakad ay kinuha ko ang notebook sa bag. Akmang bubuksan ko iyon nang bigla kong nabangga ang balikat nang kung sino.

Napatingin ako sa lalaki. Halos magkasingtangkad lang kami.

"Sorry" sabi ko at aalis na sana nang bigla niya akong hinawakan sa balikat at hinarap sa kaniya.

"Where do you think you're going?" Malamig niyang tanong.

"Ah, pasensya na kung nabangga kita. Hindi kasi kita nakita," sabi ko dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sa paraan ng pagtingin niya. Base sa mukha at pananalita niya ay mukha siyang kabilang sa A class.

"And do you think I would buy that?" Aniya sabay hatak sa kwelyo ko papunta sa kung saan.

Nang makarating kami sa field ay pabato niya akong binitawan. Ngayon ko lang napansin na may kasama pa pala siyang dalawang lalaki.

"You know," he began, his voice laced with bitterness, "it's been years since my friends visited me. Do you want to replace them? I'm feeling lonely."

He grabbed me by the collar and gave me a menacing look. "Answer me."

I shook my head, stammering, "N-no, I'm fine."

Suddenly, he jabbed me in the stomach, causing me to drop my notebook and kneel over in pain, clutching my abdomen.

"That's not the answer I wanted," he said sharply. "After you bumped into me, you're going to reject my offer of friendship? Your attitude is terrible, friend." With that, he kicked me. Unti-unting dumami ang mga estudyante sa field at nanood lang sa amin. Hindi pa siya nadala at sinapak ako ng ilang beses. Nalasahan ko na ang dugo sa aking labi.

Akmang sasapakin niya akong muli nang biglang may sumigaw na babae sa kung saan dahilan para mapahinto siya. Nakita kong nagsisitabihan ang mga nanonood sa amin at may babaeng naglalakad sa gitna at rinig ko pa ang tunog ng takong niya.

Isang maganda pero mukhang mataray na babae ang bumungad sa amin. Masungit siyang tumingin sa lalaking nakahawak sa akin.

"It's you again?" Mataray niyang sabi rito.

Maganda siya mula ulo hanggang paa, pero hindi kasama ang ugali. May makapal na makeup pero bagay naman sa kaniya. May mahabang kulay brown na buhok na may kulot sa dulo.

"My, my, look what we have here." Sabi ng nakahawak sa akin. Binitawan niya ako at lumapit sa babae. Naramdaman kong hinawakan ako ng dalawa niyang kasama. Nang tumingin sa akin ang babae ay nagtama ang aming mga mata. Nakita kong tumaas ang isang kilay nito.

"How are you, Nionahlie?"

Mukha siyang iritado nang bumaling sa lalaki. Nionahlie? That's her name?

"I told you not to use your filthy mouth to call my name, Sheldon," maarteng sabi niya.

"Hmm, showing up just now and this is the greeting I get?" He said.

Suminghal ang babaeng tinawag niyang Nionahlie at tumingin sa lalaki nang masama.

"No wonder the students around here can't stand you," he quipped, a smirk playing on his lips.

"Newbie?" Tanong niya. Sinulyapan ako ng lalaking nagngangalang Sheldon bago bumaling kay Nionahlie at umiling.

"Nah, just spotted him hanging around," He replied casually.

As I observed the two of them, I couldn't help but ponder. Both affluent and both possessed unbecoming attitudes. Is this truly the nature of the wealthy? Instead of being kind and helping others, they seem to delight in belittling us even further. My gaze lingered on Nionahlie. She's beautiful, tall, with a figure that's undeniably attractive. Her face alone is perfect. It seems like she has everything, except for a good personality.

I couldn't help but compare her to the stereotypes I've encountered. It's a common misconception that wealth equates to superiority, but in many cases, it only amplifies one's arrogance. Nionahlie epitomizes this stereotype perfectly. She exudes confidence, but it's tainted with a hint of condescension. It's as if she looks down on everyone else, including me.

But despite her flaws, there's no denying her allure. She commands attention effortlessly, drawing people in with her charisma and beauty. It's a shame that her personality doesn't match her outward appearance. Perhaps if she were more humble and kind, she would be truly admirable.

As for her companion, she's cut from the same cloth. She carries herself with an air of entitlement, as if the world owes her something simply because of her wealth. It's disappointing to see such potential wasted on frivolous displays of superiority.

Nang tumunog ang bell ay nakita kong umalis si Nionahlie. Maging ang lakad niya ay pang-beauty queen.

"You, my friend"

Lumipat ang tingin ko sa lalaking tumawag sa akin. It was Sheldon.

"See you later," aniya at umalis kasama ang dalawa niyang kasama.

Wala nang ibang tao sa field maliban sa akin na nananatiling nakaupo. Malakas ang pagkakasikmura niya sa akin kaya kahit araw-araw akong sumasabak sa mabibigat na trabaho ay wala pa ring panama sa suntok niya.

"Oh, Red, anong nangyari sa'yo?" Tanong sa akin ni Cazzy. Isa sa mga kaklase ko. "Na-bully ka ba?" Tanong niya ulit.

Tumango lang ako at dumiretso sa upuan ko. Bahagya pa akong dumaing dahil sinipa ako sa tagiliran. Lumapit sa akin si Caz at nag-aalalang tiningnan ang kalagayan ko.

"Pumunta ka kayang clinic? Samahan kita?" Tanong niya.

I shook my head, "Huwag na, mawawala rin 'to"

"Pero—"

"Okay, class, go back to your proper seats" Sabi ni prof pagkapasok. Walang nagawa si Caz kung hindi bumalik sa upuan niya sa harap. 

"Good morning, D class" bati ni Ma'am kaya nagsitayuan kami at kahit na may iniinda ay pinilit kong tumayo para bumati. Nang umupo kami ay nakita kong huminto ang tingin ni prof sa akin pero agad din siyang tumingin sa papel na hawak na sa tingin ko ay quiz namin.

Nang sumapit ang lunch break ay nilapitan ako ni Shane.

"Okay ka lang ba talaga?" Kita sa mga mata niya ang pag-aalala.

Ngumiti ako, "Oo, ayos lang"

Kahit nahihirapan ay pinilit kong tumayo para umalis. Pupunta akong canteen para kumuha ng pagkain. Walang bayad ang pagkain doon at parang eat all you can ang dating.

"Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Shane

"Sa canteen" sabi ko at nag-umpisa nang maglakad. Mabilis siyang humabol sa akin at pinigilan ako.

"Gusto mong samahan kita sa canteen?" Nag-aalangang tanong niya.

"Huwag na, ako na lang" nakangiting sagot ko at tuluyan nang naglakad paalis.

Ang balak kong pagkuha ng pagkain canteen ay nauwi sa panibagong pasa dahil nakita na naman ako ni Sheldon. Dinala niya ako sa gym at binato ng baseball na parang isang laruan. Wala akong magawa dahil wala namang laban ang isang mahirap na katulad ko sa isang mayaman na kagaya niya sa school na ito. Kung ano-ano pang masasakit na salita ang sinabi niya, pati sa kasama niyang lalaki. Sa sobrang inis ko ay binato ko sa kung saan ang bolang binigay niya sa akin at narinig kong may nabasag ngunit hindi ko iyon pinansin at nanatili ang aking masamang tingin kay Sheldon.

"Ingatan mo ang katawan mo, mas kailangan mo 'yan sa mga susunod na araw," aniya at umatras. Sinabihan pa niyang tapos na ang eksena na animo'y isa itong palabas. Nang mawala si Sheldon sa aking paningin ay pinagdiskitahan naman ako ng mga kasama niyang lalaki.

Puro para at galos ang inabot ko. Nahihirapan din akong maglakad pero sa room ako pumunta at hindi sa clinic dahil alam ko namang iba rin ang ugali ng mga nurse na nandoon. Iba talaga ang trato ng mga tao sa amin.

"Jared!" Nanlalaki ang matang tumingin sa akin si Shane nang makapasok ako sa room. Nakita ko naman ang mga kaklase kong nakatingin din sa akin nang may awa sa mata.

"Pre, mukhang mabigat ang kamay nung nakapuntirya sa'yo ah" sabi ni Julius. Isa sa mga kaibigan ko. Halos lahat naman sila ay kaibigan ko.

"I think you should go to the clinic," inalalayan ako ni Shane paupo sa aking upuan.

"Huwag na, ayos lang 'to"

Napadaing ako nang hampasin niya ako sa braso.

"Sira ka ba? Anong ayos lang 'yan?" Bakas ang pagkairita sa kaniyang boses.

Napangiti ako dahil may mga taong nag-aalala sa akin.

"Alam kong pogi ka pero hindi mo na kailangang ngumiti na parang wala kang iniinda," aniya at tinarayan ako.

I suddenly remembered the girl earlier. Her name is Nionahlie. I recall how she rolled her eyes and scoffed earlier. She has a different way of being snobbish compared to Shane; Shane is more reserved, while Nionahlie exudes an overwhelming aura of haughtiness.

May pagkamataray rin si Shane pero ibang-iba sa Nionahlie na 'yon. Siguro dahil iba ang buhay na meron sila.

But why am I comparing them?

Nang matapos ang klase ay agad akong umuwi para makakain na ang mga kapatid ko. Minsan ay nauuna silang umuwi. Hinahatid sila ni Walter dahil malapit lang naman ang bahay nina Walter sa inuupahan namin.

Kinuha ko ang susi sa bag dahil lagi kong nilo-lock ang gate namin. May double key si Walter kaya nakakapasok siya. Mapagkakatiwalaan ko naman ang isang 'yon. Naka-lock pa rin ang pinto, ibig sabihin ay wala pa ang mga kapatid ko.

Pagkapasok ay agad akong nagbihis at inayos ang mga libro ko sa lamesa. Dalawa ang kwarto, nasa iisang kwarto lang sina Jessie at Genrie. May second floor din ang bahay kaya may kamahalan ang upa.

Nagluto ako ng dalawang itlog at hotdog para sa kanilang dalawa. Hindi na ako kumakain dahil nilibre naman na ako nina Julius kanina. Busog pa ako.

"Kuya!" Rinig kong tawag ng kambal. Patakbo silang lumapit sa akin at yumakap.

"Kuya, isa lang mali ko sa quiz kanina," masayang sabi ni Genrie na ikinatuwa ko. Lumuhod ako at ginulo ang buhok niya.

"Talaga? Ang galing naman. Good job" nakipag-fist bump ako sa kaniya. Si Jessie naman ay dumiretso sa lamesa. "Oh, sabayan mo na si Jes. Pagkatapos niyong kumain ay magbihis at magtoothbrush na kayo, okay?" Sunod-sunod na tumango si Genrie at pumunta na rin sa lamesa.

Hinugasan ko ang kawaling ginamit sa pagluluto. Nilinis ko rin ang lababo at kusina dahil minsan may nakikita akong ipis na naglalaro ng tagu-taguan dito. Nakita kong inilapag ng mga kapatid ko ang pinagkainan nila sa lababo at nag-unahan sa pag-akyat sa itaas.

"Huwag kayong tumakbo, baka madapa kayo," saway ko sa kanila. Narinig ko naman yabag ng mga paa na bumagal.

Ilang minuto ang inabot ko sa pagliligpit at pag-aayos ng sala at kusina. Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay umakyat na ako sa itaas at nakita ko ang dalawa na natutulog na. Lumapit ako kay Genrie at inayos ang paa niyang walang kumot. Malamok dito tuwing gabi at tatlo lang ang electricfan na meron kami. Isa para sa kanila, sa akin, at sa sala.

Pagkatapos kong gawin ang mga dapat gawin ay nag-aral naman ako nang ilang minuto. May mga projects ako na kailangang habulin dahil hindi agad ako nakabili ng materials kaya hindi ako nakapagpasa.

Kinabukasan ay may panibago na namang eksena pagdating ko sa school. Naririnig ko ang sigaw ng isang babae.

"Can't you see that I'm walking?!"

It was her. Gusto ko sanang sumilip kaso maraming tao ang nakapalibot at hindi ako pwedeng makipagsiksikan dahil baka kung ano naman ang gawin nila. Nilagpasan ko na lang iyon at dumiretso na sa room.

Binati ako ng mga kaibigan ko pagpasok. Kinamusta rin nila ang sugat ko na medyo masakit pa pero sinabi ko na lang na ayos na ako para hindi sila mag-alala.

Nakinig ako nang maigi sa mga prof ko dahil madalas silang magtawag ng pangalan. Halos lahat naman kami ay nakakasagot at matataas ang grades.

Habang naglalakad papuntang canteen ay may biglang humawak sa braso ko na ikinagulat ko. Isang babae ang bumungad sa akin pagkalingon ko.

"Bakit?"

"A-ano..." nakayuko siya at hindi makatingin sa akin nang maayos, "P-pwede mo ba akong s-samahan sa canteen? Nahihiya kasi akong pumunta" namumula niyang sabi.

Naawa naman ako kaya sinabi kong ako na lang ang kukuha at isasabay ko na lang ang pagkain niya. Tumango siya at sinabing magkita kami sa rooftop. Pinagtitinginan ako ng mga tao habang kumukuha ng pagkain. Isang plato lang para sa isang tao kaya dinamihan ko ang kuha para sa aming dalawa nung babae.

Pagkarating ko sa rooftop ay nakit ko siyang nakaupo sa nakalatag na sapin. Bahagya pa akong nagulat ngunit hindi ko pinahalata. Nalaman kong siya pala ang babaeng pinag-uusapan kanina na nakatapon kay Nionahlie ng juice kanina. Mabait siya at palatawa. Mukha siyang mahiyain at mahinhin.

"By the way, I'm Nezel," pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay.

Inabot ko iyon at nakipag-shake hands, "Jared"

Magmula nang araw na iyon ay lagi na kaming kumakain sa rooftop. Minsan ay nagtataka sina Juls kung saan ako kumakain at sinabi ko kung saan. Binigyan lang nila ako ng makahulugang ngiti.

Maayos naman ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Maganda pala kumain sa rooftop dahil sariwa at malakas ang hangin. Magsisimula na sana kaming kumain nang biglang may dumating.

"Can we join?" Tanong nung babae, may kasama siya sa likod. Kung hindi ako nagkakamali ay sila yung kasama ni Nionahlie sa field.

"Uh..." tumingin sa akin si Nezel. Kahit nag-aalinlangan ay tumango ako dahil alam ko kung anong estado ng buhay meron sila.

"So, I heard you guys are friends?" biglang tanong nung babaeng nasa harap ko. Nakapatong ang siko niya sa lamesa at ang baba ay nakapatong sa palad.

"Yes" sagot ni Nezel.

Akala ko ay iyon na ang una at huli nilang pagpunta sa rooftop namin para kumain ngunit naulit pa iyon nang ilang araw. Mataray sila at sopistikada pero habang kausap kami ay nakita kong hindi sila katulad ng ibang mga mayayaman, hindi katulad ng kaibigan nila. Pero hindi ko alam kung pakitang tao lang ang ipinapakita nila sa amin.

Lumipas ang ilang araw na ganoon ang routine namin. Buong akala ko ay nakalimutan na ako nung Sheldon ngunit nagulat ako nang lumapit siya at kung ano-ano na naman ang masasakit na salita ang sinabi. Ayos lang sana kung ako lang pero nadamay ang mga kaibigan ko, pati si Nezel. Bigla ko siyang nasapak dahil sa insulto niya. Kahit ako ay nagulat din sa ginawa.

"I think you just dug your own grave," aniya matapos galawin ang panga. Masamang-masama ang tingin na ipinukol niya sa akin.

Matapos ng araw na iyon ay hindi ko na makalimutan ang ginawa ko. Until one day, I was summoned to the dean's office. He handed me a piece of paper, and as I read it, a chill ran down my spine. It was a complaint for assault. Sheldon's name was written as the plaintiff. I quickly rushed out of the office, frantically searching for Sheldon. I scoured every corner until I found him at his locker, placing something inside. Despite my hesitation, I approached him.

"Sheldon," I called out, my hands trembling.

"Yes?" He turned to face me, his gaze dropping to what I held. "Oh, that? I thought you'd get it tomorrow. My bad."

Inilahad ko ang papel sa harap niya.

Narinig kong tumawa siya, "Buddy, why are you so boring?" He asked me.

"Can you please... cancel this?" I pleaded in a low voice.

"How nice do you think I am?" He said and chuckled.

"Nagmamakaawa ako," mahinang sabi ng ko sa kaniya at nag-angat ng tingin.

"You punched me and now you want me to cancel this?," He pretended to grimace, clutching his jaw dramatically. "It took me two f*cking weeks to recover."

"I'm sorry, please, cancel this," I said, my hands are still trembling habang nakalahad ang papel sa kaniya na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya kinukuha.

"I didn't like what you did to me, so I can't forgive you," he continued, pausing for a moment to think. "But, I think you can make it up to me."

Tumingin ako sa kaniya, surprise and uncertainty written on my face. "P-paano?"

"Get down on your knees in front of me," Sheldon commanded.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung susunod ba ako o hindi. Kung susunod ako, para na niyang sinabi na sobrang baba ko. Kung hindi naman, magkikita kami sa korte.

"Why? Can't you do it?" Sheldon flicked the paper I was holding. "If that's the case, get the best attorney you can find."

Lumunok ako at unti-unting lumuhod sa harap niya. Nakayuko lang ako para hindi makita ang mapang-insultong tingin ng mga tao sa  paligid. Hindi pwedeng umabot ito sa korte. My siblings and I barely had enough to eat, let alone pay for a lawyer. So, even though it felt like a blow to my dignity, I did what he wanted. I knelt in front of him. It was the only way to get him to drop the complaint. Alam kong mababaw ang dahilan pero dahil mayaman siya, kaya niyang gawin ang lahat.

Isang takong ang nag-ingay sa paligid. Nagulat ako nang huminto iyon sa aking tabi. Tanging sapatos niya lang ang tiningnan ko dahil ayaw kong mag-angat ng tingin. Inagaw niya ang papel na nasa kamay ko.

"What do you want, Niona?" Tanong ni Sheldon.

"Let him be," rinig kong sabi ng babae, "You're just wasting your time on him," dagdag pa niya.

Tama siya. Sinasayang niya lang ang oras sa isang kagay ko.

"You despise wasting your precious time on people who aren't worth it, don't you?"

"He's my favorite toy," Sheldon remarked casually, as if discussing the weather. "So, spending time with him isn't a waste at all. It's entertainment."

Tumiim ang aking bagang. Nagsagutan pa silang dalawa dahil sa akin. Pinipilit ni Nionahlie ang gusto niya habang taliwas naman iyon kay Sheldon. I see that she's trying to make him busy. Biglang may dumating na teacher kaya nagsialisan na rin ang mga tao, pati si Sheldon. Akala ko ay aalis na rin ang babae sa tabi ko ngunit nanatali siya roon.

"Hey, get up"

"This is none of your business" nakayukong sabi ko.

Wala akong makitang dahilan para gawin niya ito.

"I just helped you and this is what I've got?" Aniya sa mataray na boses.

"Salamat sa tulong mo" sabi ko at nagmamadaling tumayo sabay alis.

Kailangan ko pa ring pumasok at kalimutan ang nangyari ngayon. Sana lang ay i-cancel na ni Sheldon. Nag-focus ako sa klase kahit ramdam ko ang panay na pagsulyap ni Shane sa akin.

Nang mag-uwian ay naglakad lang ako dahil nasira ang bike ko. May hindi magandang nangyari noong nagdeliver ako. While walking, I suddenly spotted Nionahlie at the waiting shed. I glanced around. It seemed her ride hadn't arrived yet, so she waited there.

I slowly sat at the far end. We both occupied opposite ends of the bench, as if a huge barrier separated us, preventing any closeness. I glanced at her. She had her eyes closed, earphones plugged in, perhaps lost in music. Her arms were crossed, and one leg was casually placed over the other. I found myself staring at her face. She had long eyelashes, perfectly trimmed eyebrows, a straight nose, and thin lips enhanced by lipstick. Her facial features were impeccably sculpted, captivating the attention of passersby. She was undeniably beautiful, but her personality was repulsive. What a waste.

Soon enough, a sleek car parked in front of us. She quickly stood up without acknowledging anyone around and effortlessly slipped into the vehicle.

Napailing na lang ako.

What a waste of beauty.