Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Da Estrelya sa Karimlan

nyxxica
--
chs / week
--
NOT RATINGS
1.1k
Views
Synopsis
Neriah is happy living with her parents, she would not ask for anything more than to be with her parents for longer. but in an unexpected event her parents had an accident, she was lost and lonely. one of his parents' best friends adopted her and bring her to live in a small town, when she first met the children of his adoptive parents, she was thankful because finally she's has family, they were all kind, except for one... what's wrong with him ?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 01: Pag kikita

Agad akong bumangon ng tumunog ang aking alarm clock, alas sais na pala ng umaga, hinila ko ang kurtina sa bintana ng aking kwarto kaya pumasok ang sikat ng araw sa buong silid. pumunta mo na ako ng banyo para mag linis ng katawan at mag bihis, ngayun kasi ang araw kung saan ay aalis ako kasama ang aking mga magulang para mag magdiwang ng aking ika labing pitong kaarawan.

Ilang minuto ang lumipas ng marinig kung bumukas ang pinto ng aking kwarto, agad kung tinapos ang pag ligo at pag bihis ko bago lumabas ng banyo.

"Maganda umaga mama" Bungad ko tska ngumiti, naka upo siya sa dulo ng aking kama habang nasa katabi niya naman ang isang malaking pulang kahon, lumapit ako sa kaniya para humalik sa pisnge

"Magandang umaga at Maligayang kaarawan Neriah" Saad nito, ngumiti ako at nag pasalamat "ito nga pala ang regalo ko saiyo anak, sana ay magustuhan mo" saad nito, agad naman nalipat ang tingin ko sa pulang kahon na katabi niya

"Ano po ito mama?" Tanong ko, ngunit ngumiti lamang sya at sinenyasan akong buksan ang kahon kaya agad ko naman inalis ang mga balot nito, napangiti ako ng makita ang kulay abong balahibo, mas lalo akong napangiti ng ma kumpirmang isang pusa ang nasa loob

"Iyan ang pinili ng papa mo, gusto ko sa nang aso ang iregalo sayo kaso nakipag debate pa sya sakin kaya hinayaan ko na" Saad nito, niyakap ako sa sya bago kinuha ang kulay-abong pusa

"Salamat po rito mama" masayang saad ko habang hinihimas ang pusa, mabalahibo ito at ma amo, kulay asul ang kaniyang mata na mas lalong bumagay sa kaniyang kulay

"Halika na at nag hihintay na ang papa mo sa ibaba, dalhin mo na ang gamit mo at aalis na tayo" Saad ni mama bago tumayo at umalis ng silid

Kinuha ko naman ang aking maliit na back pack, kasama ang aking pusa na pinalanganan kung klaus bago umalis ng kwarto

Maayos at masaya ang naging pag diriwang ng aking kaarawan, dumalaw mo na kami sa puntod ng aking lolo at lola bago tumuloy sa benunda park kung saan kami mag pipicnic. lahat ay maayos at masaya lalo na't narito na si klaus, nilalaro ni papa si klaus habang kumakain naman si mama, kinuha ko ang aking cellphone at naisipang kumuha ng litrato

"Mama! say cheez!" Tawag ko sa kaniya ngumiti naman sya at umaaktong kakainin ang isang slice ng pizza, natawa ako ng mabitawan ni mama ang hawak na pizza dahil sa biglaang pag sulpot ni papa sa kalagitnaan ng pag kuha ko ng litrato

"Ano ka ba nahulog tuloy" saway ni mama kay papa, ngumisi naman si papa "sorry na gusto lang sumabay eh" saad nito

Sinenyasan ako ni papa na lumapit sa kanila, ibinigay ko ang cellphone kay papa dahil gusto niya raw lahat kami makuhanan ng litrato, nakiusap si papa sa isang babae kung pwede kami makuhanan ng litrato at pumayag naman ito. Agad kung binuhat si klaus para isabay sya sa picture, dahil parte narin sya ng pamilya

Nag pasalat kami sa babae pag katapos, napansin naming medjo dumidilim ang kalangitan at mukhang uulan kaya napag pasiyahin naming umuwi na.

"Akala ko pa naman ay hindi na uulan" Saad ni papa sa loob ng kotse

"Palagi naman umuulan papa tuwing kaarawan ko" Natatawang sagot ko, simula bata pako lagi kaming nasa loob ng bahay kapag nag didiriwang ng aking kaarawan, palagi kasing umuulan o kaya naman masama ang panahon kaya hindi kami nakakalabas, naipag didiriwang ko naman ang kaarawan ko ayun nga lang ay kinaumagahan na

"Ipagluluto na lang kita ng paborito mo anak" Saad ni mama kita ko sa rear view mirror ang kaniyang ngiti na para bang sinasabing wag na akong malungkot, ngumiti naman ako sa kanya at itinuon ang tingin sa labas ng bintana ng kotse

Ilang minuto ang nakalipas, napunta sa unahan ang tingin ko sinakop ng nakaka silaw na liwanag ang buong loob ng kotse, napagtanto kung nanggagaling iyon sa isang malaking truck na mukhang nawawalan ng preno, kinabahan ako ng nag pagewang gewang ito at mukhang babangga iyon sa sasakyan namin, agad kung binuhat si klaus mabilis na binuksan ni mama ang pinto ng back seat bago ako halikan sa noo

"Neriah TALON!" sigaw nito

"Mama ayoko!" Naiiyak na saad ko

"Neriah please" pakiusap ni mama, bakas sa kaniyang mukha ang kalungkutan at takot

sunod sunod ang daloy ng aking luha ng makita ko ang mukha ni papa sa rear view mirror habang binabanggit ang salitang "I love you" tinignan ko ang truck na papalapit na sa aming sasakyan bago tumalon paalis ng kotse

iminulat ko ang aking mga mata, nang lalabo ang aking paningin at hindi ko maigalaw ang aking mga binti, inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar bago masilayan ang sasakyan namin na umuusok at durog, sa hindi kalayuan nakita ko si mama at papa. Pinipilit ko silang tawagin ngunit walang lumabas na boses sa aking bibig, kundi luha ng makitang nakahandusay sila pareho at naliligo sa kanya kanya nilang dugo. Naramdaman ko ang pag kahilo at panlalabo ng aking mga mata, pinipilit kung magising dahil ayokong mawala sa paningin ko si mama at papa, ngunit hindi ko na kaya at parang babagsak ang talukap ng aking mata ilang segundo ang lumipas ng nakarinig ako ng ingay sa paligid at sirena ng ambulansya bago ako tuluyang mawalan ng malay