Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

I'm a Ghost in Another World

🇵🇭PeeMad
--
chs / week
--
NOT RATINGS
717
Views
Synopsis
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world. . . as a ghost! And possessed the body of a beautiful woman Elaine Suarez who have a loving family that she desire. As she acclimates to her new existence, she explores the realm of magic and found out her duties as a Supreme Spirit that will change her new world forever. Disclaimer: This story is written in Taglish.

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

NOONG UNANG panahon, sa planetang tinawag na Maharlika, may isang kwentong pinagpasa-pasahan kada henerasyon ang napaglumaan na ngunit hindi kailanman dapat isawalang bahala. Ang kwentong ito ay tungkol sa pagdating ng isang hinirang at ito'y tinawag nilang Supreme Spirit na may kakayahang mamuno bilang Emperor.

Ang sabi sa kwento, isang bathala ang hinirang dahil kaya nitong gamitin ang lahat ng uri ng elemental magic at tinawag nila itong supreme magic. Ilan lamang sa mga nagpakalat ng kwento ay ang tungkol sa nabuhay daw ito sa ibang mundo at mapupunta ang kaluluwa nila sa kanilang mundo upang pumili ng taong karapat-dapat nilang sapian. Ngunit malayo na sa pantasya na mangyari ito kaya sila na mismo ang nagpabaliwala nito. Ang hindi nila alam, hindi ito kathang-isip na mabubuhay muli ito bilang isang sanggol at makakaalala sa takdang gulang nito.

Ang Supreme Spirit ay nabubuhay sa loob ng isa o higit pang taon kaya kapag ito'y namatay, may papalit muli. Ang kasalukuyang Supreme Spirit ay malapit ng mamaalam at papalit dito ang isang dalagang humiling na gusto pang mabuhay muli.

Sino siya?

Alamin natin ang buong kwento nang muli niyang pagkabuhay.

Mabubuhay ba ito bilang isang tao?

Nagkakamali kayo.

Dahil muli itong mabubuhay bilang isang multo.

....

ALAS-ONSE ng gabi sa lupain ng Spirit Woodland na matatagpuan sa Southwest Land, may daanan itong kumukonekta sa dalawang kaharian— ang Anastasia Kingdom at Harald Kingdom. Sa gitnang bahagi lamang ito pwedeng daanan ng mga gustong tumawid papunta sa dalawang kaharian. Hangga't maaari, kailangan nilang iwasan ang lugar na ito dahil napapalibutan ang bawat sulok nito ng napakaraming ligaw na kaluluwa.

Sa daanan, may isang karwahe ang dumadaos sa madilim na lupain. May isang coachman na pinapaandar ang dalawang kabayo at nasa loob ng karwahe ang isang babaeng may dalang libro.

Kapansin-pansin ang puti buhok ng dalaga at ang kutis nitong porcelana dahil sa suot nitong itim na dress. Nakaladlad lamang ang buhok nito habang nakatingin sa labas ng karwahe, pinagmasdan ang Spirit Woodland na kilala sa pinakanakakatakot na lupain sa kanilang lugar. Pinamumugaran ito ng mga multo at may sabi-sabing ang lupain na ito'y konektado sa ibang mundo.

Napangiti ang dalaga nang maalala ang mga bagay na tungkol sa nasabing lugar. Isa siyang manunulat na mahilig sa pantasyang kwento kaya hindi alintana sa kanya ang lugar.

Kinuha niya ang maliit na kahon, kasama ang isang panulat na gawa sa charcoal, sa tabi nang kanyang inuupuan. Inilapag niya ang libro sa magkadikit na hita at binuksan ito. Ang libro ay may mga pahinang walang sulat kaya doon siya nagsimulang magsulat kahit na umuuga ang karwahe.

'Spirit Woodland ang tawag ng karamihan ngunit kilala bilang isang mapayapang lupain para sa mga kaluluwa na naliligaw ng kanilang tatahakin.'

Ang laman ng libro ay tungkol sa paglalakbay ng babaeng nagngangalang Elaine Suarez. Ito'y uuwi pa lamang sa kanilang tahanan sa Anastasia Kingdom. Ang una niyang naging destinasyon sa paglalakbay ay ang Forest of Sonja— na matatagpuan sa kanang gilid ng Anastasia Kingdom. Pabilog na paglibot ang ginawa ni Elaine sa Southwest Land kaya ang huli niyang destinasyon ay ang Spirit Woodland.

"Lady Elaine?" tawag ng matandang coachman.

Sumilip naman si Elaine sa bintana at tiningnan ang matanda.

"Ano po iyon?" tanong niya.

"May dalawang kahina-hinalang karwaheng sumusunod sa atin."

Tumingin agad si Elaine sa likuran at nakita ang dalawang karwaheng mabilis na tumatakbo papunta sa kanila. Sa sobrang bilis nito, hindi nila namalayang pinagitnaan na sila ng dalawang karwahe.

Nang matanaw ni Elaine ang nasa loob ng nasa tapat niyang karwahe, nakita niya ang isang pamilyar na lalakeng nakangisi sa kanya.

"Lord Diego?!" bulalas niya.

Si Diego Ceasar ay isang lalakeng gusto siyang pakasalan. Halos doble ang edad nila sa isa't isa kaya hindi sumang-ayon si Elaine. Atsaka, pinili niyang maglakbay kaysa magpakalulong sa pagkakaroon ng asawa. Lalo na't hindi naman niya ito mahal.

"Elaine Suarez. . . O' aking irog, narito ako para ika'y pakasalan. Tinatanggap mo ba ako bilang iyong magiging kabiyak habang buhay?" nang-aakit na saad ni Diego habang nakangusong nakapikit kay Elaine.

Nirolyo ni Elaine ang kanyang mata. "Paulit-ulit ko ba sa 'yong sasabihing ayoko pang magpakasal at hindi kita gusto, Lord Diego."

Halos mawala sa balanse si Diego nang marinig niya ang salita ng dalaga. "Hindi mo ako type? Isa akong mayamang tao, kaya kang buhayin, makisig, at syempre, gwapo rin."

Halos maduwal si Elaine sa huling salitang narinig niya kay Diego. Hindi naman siya kagwapuhan ngunit masama ang ugali nito kaya sa paningin niya, pangit ang ginoo.

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi kita gusto. Kailan mo ba ako tatantanan, Lord Diego?"

Nagulat si Diego at lumungkot ang mukha ngunit napalitan agad ito ng ngisi na ikinagulo ng dalaga.

"Kung hindi ka rin pala magiging akin—" May nilabas itong rebolber na sa dulo ay may kulay abong magic circle at tinapat ito sa dalaga, "Pwes! Hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba, mahal kong Elaine!"

Nagulat ang dalaga at namuo ang takot sa buong katawan niya. Hindi niya inaasahang mababaliw na ito ng husto sa kanya.

"Lord Diego! A-anong ginagawa mo?!" singhal ni Elaine na may kaunting utal dahil sa panginginig ng katawan.

"Kailan kita tatantanan? Kapag wala ka na!" natatawang saad ni Diego at dinuro pa lalo sa kanya ang rebolber. "Sa tagal kong paghihintay sa pagbalik mo, ganyan ang sasabihin mo? Sobra mo akong sinaktan! Kaya pagdudusahan mo itong ginawa mo sa akin!" Tinapat niya ang rebolber sa coachman at binaril ito sa ulo.

Umalingawngaw ang gatilyo ng pagbaril. Napatili sa gulat si Elaine at napayukong nakahawak sa dalawa niyang tenga.

"Ayoko namang mawala ka ng walang pagdudusa kaya hahayaan kitang mamatay ng paunti-unti sa lupaing ito!" dagdag pa ni Diego sabay humalakhak na animo'y isang baliw.

Dumausdos ang karwaheng sinasakyan ni Elaine sa gilid ng daanang may maraming nagtataasang mga puno. Nagtuloy-tuloy pa rin ang takbo ng kabayo kahit na wala ng buhay ang nagmamaneho. Dahil sa malubak na lupain, umuga-uga ang karwahe kaya halos mapatalon sa looban si Elaine.

Ang dalawang karwahe naman ni Diego ay sinundan ang karwahe ni Elaine. Habang sinusundan, pinagbabaril nila ang karwahe. Agad na napayuko si Elaine ngunit hindi niya maiwasan ang mga bala. Natamaan siya sa gilid ng tiyan, kanang binti, at kanang braso. Napahiga siya dahil sa sakit ng kanyang nga natamo at kasunod no'n ang pagbangga ng karwahe sa puno. Sa lakas ng pagkakabangga, nasira ang harapan nito at tumilapon si Elaine palabas. Ang kanyang likod ay tumama sa puno. Napapikit na lamang siya at pilit na hindi sumigaw dahil sa sakit ng pagkakatama niya sa puno.

Huminto ang karwahe ni Diego at pinagmasdan si Elaine na nakaupo sa punong binangaan. Dumudugo na ang labi at ibang parte ng katawan ng dalaga. Puno ng tama ng baril ang katawan nito at ilang minuto na lang ang nalalabi bago ang huli nitong paghinga.

Sumilip lang si Diego sa kanyang karwahe at himbis na maawa, namangha ito sa dalaga. Sa kabila ng trahedya, sa mga mata niya'y napakaganda pa rin ni Elaine, kahit pa ito'y nag-aagaw buhay na.

"O' aking Elaine. . . mananatili ka na lamang sa puso ko kapag ika'y nawala. Tingnan mo? Magiging isa kang magandang kaluluwa sa lugar na ito at baka sambahin ka pa nila."

Mahinang hinampas ni Diego ang kanyang dibdib at kunwaring naiiyak.

Hindi makapagsalita si Elaine dahil sa head injury, bone injury, at sa mga natamo niyang sugat. Tanging naririnig niya na lamang ay ang mga sinasabi ni Diego at ito'y hindi pa malinaw.

"Napakaganda mo pa rin kahit na malapit ka ng mamatay. Tangi ngang kakaiba ka sa lahat. Ngunit kailangan ko ng magpaalam sa 'yo, mahal kong Elaine," huling saad ni Diego at iniwan ang dalaga na nag-aagaw buhay.

Narinig lamang ni Elaine ang malakas na halakhak ni Diego na habang tumatagal, humihina ito. Patunay lamang iyon na lumalayo sila sa kanya.

Nanghihina, nilalamig, at nasasaktan ng husto si Elaine. Hindi na maayos na tumatakbo ang pisikal niyang katawan ngunit lumalaban ang kanyang kagustuhang mabuhay.

Saklolo!

Tulungan niyo ako!

Parang awa niyo na!

Mga sigaw mula sa kanyang isipan.

Nagbabaka sakaling may makakitang makakatulong sa kanya. Ngunit ang Spirit Woodland ay isang lupaing walang nakatirang tao dahil sa nakakatakot nitong lugar. Kahit may kakayahan siyang sumigaw, walang tutulong sa kanya.

Nararamdaman na niya ang unit-unting paglamig ng kanyang katawan at ang pagkirot pa lalo ng kanyang mga natamong sugat.

Mukhang ito na ang katapusan ko. . .

Inalay niya ang natitira niyang lakas para makatingala at nakita ang liwanag ng buwan na dumadampi sa kanyang mukha. Nakaya niyang ngumiti dahil mas nanaig ang kanyang kagalakan. Kahit sa huling sandali, binigyan siya ng liwanag na mapagmamasdan. Pahiwatig na may pag-asa pa? Ang liwanag ng buwan ang naging kanyang basehan para lumaban at ang pagmasid sa isang lumulutang na puting babaeng pababa sa kanya.

Nabuhayan siya ng loob na nagpahaba pa ng kaunti sa kanyang buhay.

Tulong. . .

Papikit-pikit siyang tumingin sa puting babaeng nakatingin sa kanya. Isa ba itong anghel? Ngunit wala itong pakpak. Sino ang bagay na iyon? Bago pa ito masagot, tinuldukan niya na kung ano ang puting babae.

Pinilit niyang ngumiti nang malamang isa lamang pala iyong multong babae. Matagal niya ng inaalam kung totoo ang mga ito at ngayon, nasagot na ang kanyang tanong.

Ang pantasyang nasa isip ko ay totoo pala. . .

Unti-unting bumigay ang kanyang katawan kasabay nang pagpikit ng kanyang mga mata. Natamasa niya ang huling hantungan ngunit hindi pa rito nagtatapos ang lahat dahil ito'y simula pa lang ng paglalakbay ng hinirang.

I'M A GHOST IN ANOTHER WORLD || PEEMAD