Chereads / The Man I Waited For A Long Time / Chapter 5 - Chapter Five

Chapter 5 - Chapter Five

*LUNCH BREAK*

Pagkatapos ng meeting ay bumalik na agad ako sa room para ayain sina Cassy at Ella maglunch, ngunit bago ako makalabas ng gym ay biglang may humila sa braso ko kaya natigilan ako.

"Uhm...labas tayo mamaya? My treat, gusto ko lang mag thank you sa'yo sa pagtanggol sa'kin kaganina kay Sir Jace... Di ko naman kasi talaga sadya yon eh." Sabi niya sabay kamot sa ulo.

"Sus wala yon, alam ko namang hindi mo kayang gawin yon eh. Ikaw pa? Tsk mabait ka kaya." Sagot ko sa kanya saka ngumiti.

"So?... I'll see you later sa gate?." Hiyang ulit niya.

"Uh... I'll try, kung wala akong gagawin..." Sagot ko habang bahagyang inaalis ang kamay niya sa braso ko.

"Oh, sorry... Sige una na'ko, see you later! Bye!" Sabay alis habang pigil na pigil siya sa pag ngiti.

Napakunot ako ng noo habang hindi magkamayaw sa pagngiti nang makita siyang tumalon sa hallway sabay sigaw ng 'yes!'.

"Anong meron dun sa lalaking yon? Tsk." Sabi ko ng mahina sabay piling ng ulo habang nakangiti parin.

Hindi ko namalayang nakangiti parin pala ako habang naglalakad.

Wait...Stephanie...WOAH! Don't tell me na-iinlove kana sa lalaking yon?!?! WAHHH!! NO WAY!! Hindi pwede!! Remember you promise na hihintayin mo si Leo?!?! Ugh... As if naman na tanda niya pa ako, pfft. Baka nga hindi na ako kilala non eh... Pero kamusta ka na kaya Leo? Wala ka nang paramdam simula nung umalis kayo dito sa pinas...hystt Tama ka na nga Stephanie!!.

Kaka-isip ko nang kung ano-ano hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng classroom namin. Papasok na sana ako nang biglang lumabas ang dalawang bruha na mga nakangiti nang makita ako.

"So?... I'll see you later sa gate?." Sabi ni Cassy na ginagaya yung boses ni Jason.

"Uh... I'll try, kung wala akong gagawin..." Sagot naman ni Ella na ginagaya ang boses ko.

"Oh, sorry... Sige una na'ko, see you later! Bye!" Sagot naman ni Cassy na pilit ginagaya yung boses ni Jason.

Sabay pa silang humagalpak ng tawa, At nag-high five pa talaga sila.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa ginawa ng dalawang bruha, halos gayang gaya kasi nila yung nangyari kanina. Hyst.

Inirapan ko sila sabay lakad kunware ng mabilis, agad naman nila akong hinabol sabay kapit sa magkabila kong braso.

"Hoy!! Joke lang! 'to naman eh." Sabi ni Ella na nagbaby talk pa.

"Sooo?... Nanliligaw na ba?" Tanong ni Cassy sa'kin na tinataas-taas yung kilay niya habang sinusundot-sundot yung tagiliran ko.

"Nanliligaw? Pinagsasabi mo? Okay ka lang? Nagaya lang lumabas yung tao nanliligaw na agad? Hindi ba pwedeng gusto lang mag thankyou?Ang i-issue niyo naman." Sagot ko sabay irap ng mata sa kaniya.

"Hoy hindi mo sure, alam mo ganiyan yung mga galawan ng mga lalaki. Una mag-aaya lumabas tapos susunod-sunurin na yan, tapos don na papasok yung hihingin number mo, i-uupdate ka araw-araw. Sabay maghahanap na ng tiyempo yan para manligaw, tapos siyempre mafafall na ang bruha kaya sasagutin niya rin." Sagot ni Cassy.

"Tapos pag kayo na dun na magsstart mag-away tapos tatakbo sa kaibigan doon na maglalabas ng sama ng loob doon na iiyak, tapos mag-ooverthink ka na bakit lagi na siyang busy siyempre iisipin mo na may nilalandi na siyang bago. Tapos mare-realize mo na pagod ka na maghabol, pagod ka na umintindi sa kanya. Tapos ma-uuwi na sa hiwalayan-" Hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi ni Ella at tinakpan ang bibig niya.

"Huy ano ba, ang layo na ng mga sinasabi niyo. Wala pa nga oh! Hindi pa nga nanliligaw eh, nasa next level na agad kayo. Ang OA niyo."

"Sus, dun din naman mapupunta yon!." Sagot ni Ella.

"Ayaw mo, edi akin nalang si Fafa Jason. Arte neto, palibhasa may-" Kinurot ko si Cassy sa tagiliran para hindi niya matuloy ang sasabihin niya.

"Arayyy!!"

"OA mo ang hina lang non!" Sabi ko sabay bunggo sa kaniya. "Tara na nga nagugutom na'ko." Aya ko sa dalawa.

Pagkarating namin sa canteen agad na kaming pumila at kumuha ng pagkain.

"May new student daw ulit dito sa school natin ah? Hindi ko sure narinig ko lang kina Ma'am Carmen." Pagsisimula ni Ella pagka-upo namin.

"Sino daw? Kelan pa?" Tanong naman ni Cassy sabay subo.

"Hindi pa daw alam yung exact day pero pagkaka-alam ko next week na daw sabi ni Ma'am Carmen." Sagot naman ni Ella na naniningkit pa ang mata dahil iniisip niya kung ano yung mga nasagap niyang balita.

"Dakilang chismosa ka talaga noh, pati usapan ng mga teachers pinakikinggan mo." Singit ko sa usapan nilang dalawa.

Biglang hinablot ni Ella yung Sandwich sa tray ko.

"Hoy akin yan!!" Sigaw ko sabay hampas sa kamay niya.

"Akin nalang hindi naman pwede sa'yo yung peanut eh."

Hindi na lang ako pumatol dahil hindi nga rin kasi ako pwede non allergy kasi ako sa peanuts.

"Eh narinig ko lang naman eh! Di ko naman sadya, kasalanan ko bang dun pa sila nagchismisan sa library?!"

"Edi umalis ka na lang sana diba? Ang sabihin mo gusto mo talaga malaman kung ano yung pinag-uusapan nila, dami pang dahilan eh."

"Di ko naman kasi talaga kasalanan yon! Tsaka malamang maririnig ko talaga may tenga ako eh-"

"Oo na lang, kumain ka na lang diyan ang ingay eh." Putol ni Cassy sa sinabi ni Ella.