Nag-ikot ikot ulit kami at nakita namin yung photo booth kaya niyaya ko siya doon at syempre hindi siya makakatanggi.
We take two pictures para tig dalawa kami, ang pogi niya talaga ackkk this guy never failed to make me blush.
Mag gagabi na kaya bago kami umuwi ay nag dinner na din kami dito sa mall, bumili din kami ng pasalubong kay ate para hindi ako masermonan.
Pag-uwi ko ay naka abang na nga si ate sa pinto, sinamahan na ako ni Geo para mag explain bakit kami ginabi.
Geo: good evening ate Yuri hinatid ko lang po si Yumi hehe (sabay kamot sa ulo)
Ate Yuri: HAHAHAHA bakit parang takot na takot ka yata?
Geo: nakakatakot ka daw po kasi manermon sabe ni Yumi eh
Ate Yuri: pumasok na nga kayo, dito ka na muna matulog Geo bukas ka na umuwi at anong oras nadin baka mapano ka pa sa daan
Geo: ahh cge po, ah ate eto po pala pasalubong binili namin para sayo favorite mo daw po yan eh
Ate Yuri: OMG thank youuu Geo pakasalan mo na to Yumi I like this boy for you sige akyat na ako babushh
Pag-akyat ni ate Yuri ay tumawa kami ni Geo sa sinabe ni ate Yuri
Yumi: oa talaga neto ni ate binigyan lang ng pasalubong pakasal na agad
Geo: narinig mo yun love pakasalan mo daw ako ha
Yumi: che tara na nga matulog na tayo
Umakyat na kami para makapag pahinga na dahil sobrang napagod ako sa gala namin nilibot banaman buong mall eh.
KINABUKASAN
Paggising ko ay wala na si Geo sa tabi ko kaya bumaba ako para silipin baka nasa baba lang siya.
Ate Yuri: oh gising ka na pala umalis na si Geo kanina pa baka daw kasi hanapin siya ng mommy niya kumain ka na anjan na ang pagkain mo
Yumi: opo ate
Pagtapos ko kumain ay naligo na ako dahil magsisimba ako mamaya, tuwing linggo ay nagsisimba kami ni ate pero minsan ako lang kasi busy siya sa mga school works niya.
Pagtapos ko maligo ay may tumawag sa phone ko, sinilip ko kung sino yun at nakita ko si Geo pala sinagot ko ito.
ON CALL
Geo: love free ba kayo ni ate Yuri mamayang dinner?
Yumi: opo love bakit?
Geo: gusto daw kayo makita nila mommy and daddy punta kayo ha send ko sayo later yung location ng restaurant.
Yumi: sige po love sabihin ko nalang mamaya kay ate Yuri
Geo: sige mag ingat ka sa pag alis mo ha lalo na hindi moko kasama need kasi ako ni dad dito sa office niya eh
Yumi: okay lang love kaya ko naman mag Isa sige na po babyee I love you
Binaba ko na ang call at naghanda nako umalis pinahanda ko na ang sasakyan sa driver namin para makaalis na kami.
Tinawag na ako ng driver dahil handa na daw ng sasakyan bago ako umalis ay tinanong ko muna si ate kung sasama ba siya, pagpunta ko ng kusina ay nakabihis na pala siya sasama daw siya dahil wala naman daw siyang gagawin.
Nauna na ako sa sasakyan dahil inaayos pa ni ate yung pinagkainan namin, habang naghihintay ay binuksan ko muna yung phone ko para tignan kung may chat ni Geo.
Wala naman kaya nag scroll scroll nalang ako sa Facebook habang nag scroll scroll ako ay dumaan sa fyp ko yung post ni Geo with other girl.
Arghh mamaya ka saking lalaki ka office pala ah, nakaalis na kami sa bahay at malapit na kami sa simbahan.
Bago kami pumasok sa simbahan ay bumili muna ako ng inumin ko para hindi na ako lumabas labas pa mamaya, tapos na ang misa kaya naglabasan na kami nagmamadali na akong makauwi para makausap ko na si Geo.
Pagkauwi ko ay chinat ko agad si Geo na magkita kami sa park ngayon, wala na akong pake kung may ginagawa siya pag hindi siya pumunta ako ang pupunta sakanila.
Buti naman ay nagpakita siya dahil kung hindi lagut siya sakin, may dala siyang bulaklak at pagkain pero di niya ako madadala sa ganyan ganyan niya kahit pagkain ang kahinaan ko.
Geo: what's the problem love you look upset po?
Yumi: who's the girl in your post hm?
Geo: oh HAHAHA hindi ko pa pala nasasabe sayo umuwi na si Liz nakwento ko na yun sayo diba?
Yumi: ahh yeah yeah btw how's your day love
Geo: I'm so tired love, but I'm okay na nakita na kita eh
Yumi: che manahimik ka nambobola ka nanaman
Geo: kelan ka pa po naniwala sa mga sinabe ko hm?
Liz is his cousin in his mom she visit here when they're have a long weekend, nakwento niya palang sakin yun but hindi ko pa siya nakikita.
Yumi: love let's have a dinner later? Sama mo si Liz I want to meet her po (about sa dinner na sinabe ni Geo kanina na kasama mom and dad niya ay nalipat na Isa pang bukas dahil busy pa ang parents niya)
Geo: okie love your wish is my command
It's 6:30 nang makapunta ako ng restaurant and wala pa sila so umupo muna ako and umorder ako ng drinks, a minutes later is dumating na din sila.
Liz: hello Yumi right it's nice to meet you
Yumi: owh hello Liz it's nice to meet you to have a sit
Liz: tama nga si kuya Geo your so pretty po
Yumi: lah huhu sinabe niya yun? (nahihiyang sabe ko)
Liz: opo actually he always tells me about you
Huhu hindi ko alam ano sasabihin ko sa loob loob ko nagwawala na yung puso ko sa sobrang kilig ackkk, sinabe ko na umorder na kami para makakain narin kami.
I have fun with Liz I'm 3 year's older to her, she's a sweet and funny kid and she's pretty and smart to sabe ni Geo na straight A student daw si Liz sakanila kaya it's the time na den para I celebrate yun.
Pagtapos namin kumain ay naisipan namin igala si Liz sa park and arcade sa favorite place namin ni Geo, i like Liz she's so kind to me I wish my daughter is like her.
Liz: ate Yumi sama ka po sa family dinner namin bukas ha
Yumi: ha? eh para sainyo lang yun eh (biro ko sakanya dahil kasama naman talaga ako doon)
Liz: please ate you'll be the part of the family na din naman eh
Yumi: okay po pupunta ako sunduin mo si ate ha
Liz: yey, opo sunduin ka namin ni kuya Geo diba kuya Geo?
Geo: opo opo
KINABUKASAN
Mga around 5 na kaya nag handa nako at nag ayus na ako dahil baka maya maya lang ay nanjan na sila Geo nakakahiya naman kung maghihintay pa sila diba, tapos na ako mag ayus kaya naupo muna ako sa sofa.
Maya maya ay lumapit yung maid namin at sinabeng may naghahanap daw sakin dinala ko na yung bag ko dahil alam kong sila Geo yun, pagkalabas ko ay hinihintay na ako nila Geo sa kotse tumakbo sakin si Liz at niyakap ako.
Liz: ate ang laki po pala ng bahay mo eh
Yumi: it's not mine hahaha sa ate ko yan
Liz: owhh can I come next time???
Yumi: oo naman kahit mag overnight ka pa
Liz: soon ate, tara na po naghihintay na sila mommy dun
Umalis na kami para makarating na agad kami roon, pagkarating namin ay pumunta kami sa napakahabang lamesa na may maraming pagkain sa ibabaw nang malapit na ako nagulat ako nang makita ko si....