"That plant is 10,000 pesos, sir." Sabi ng cashier nang ipatong ko sa counter ang isang maliit na halaman. Nasa The Farm ako ngayon. Isang gardening store na nasa pinakagitna ng city. Kapag umuuwi ako sa bahay, madalas akong dumadaan dito para bumili.
"How to grow this one?" Tanong ko.
"You just need to put it outdoor, sir. No need to water it. It can grow by itself."
Umangat ang gilid ng labi ko at muling kinuha ang halaman.
"No thanks. Gusto ko yung aalagaan ko."
Kumunot ang noo nya at dumaan ang pagkaaliw sa mukha,
"Nakakapanibago naman po yun, sir. Madalas ayaw nila nang ganon. Gusto nila yung halaman na pwedeng mabuhay kahit walang alaga."
Inikot ko iyon sa kamay ko at tiningnan isa isa ang dahon.
"Even independent people needs care to live. You're saying this plant can live without it. But try leaving it outside without checking on it. Pests will feast on its leaves and will start to wither."
Inilapag ko ang halaman sa dati nitong kinalalagyan.
"Give me something I can take care of."
Ngumiti sya at agad na lumabas sa counter.
Pumunta sya sa hilera ng mga halaman at kinuha ang isang mas maliit na paso.
"This is a rare and high maintenance plant, sir. Calathea plant needs an indirect sunlight and preferred 65 to 80 degrees-"
Habang nag papaliwanag ang cashier ay napalingon ako sa apat na lalaking biglang nagsi-pasukan.
Magkakaakbay at mukhang sanay na dito dahil hindi na kinapkapan ng guard.
"Good afternoon, sir." Bati ng cashier na nakatingin sa isang partikular na lalaki.
"Good afternoon."
Kumunot ang noo ko pagkakita sa mukha ng nagsalita. Sandaling nagtama ang mga mata namin pero mabilis nya ring binawi at lumipat sa halamang hawak ng cashier.
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang bigla kong pagkasabik nang makita sya.
Sa bilis ng paglagpas nila sa harap ko ay nakita ko pa ang pagkunot ng noo nya bago sila pumasok sa isang pintuan.
"Kilala mo ba yung mga pumasok?" Tanong ko sa cashier.
"Sorry?" Kunot noong tanong nya
Bahagya akong lumapit sakanya.
"Yung pumasok sa loob, kilala mo ba?"
Tumikhim sya at ngumiti ulit.
"Sorry, sir. Pero hindi po kami pwedeng magbigay ng kahit anong personal information sa mga taong pumapasok dito."
Sumulyap ako sa pintuang pinasukan ng lalaki.
"May ibabalik lang ako sakanya." Sabi ko na may pagmamadali sa boses.
"Kanino po ba?"
"Doon sa lalaking nagsalita."
Napawi ang ngiti nya at sandaling natigilan.
"Bakit?" Tanong ko.
Mataman nya akong tinitigan habang may pagtataka sa mukha.
"Sigurado po ba kayong hindi nyo sya kilala?"
*