Chereads / Unraveling Gio Marfori / Chapter 5 - Chapter 1.3

Chapter 5 - Chapter 1.3

( KENZO POV )

**

Matapos ang gulo sa school ay halos araw araw na ulit kaming nagsisiksikan sa boarding house ko na nasa likod lang ng campus dahil ilang araw rin kaming nasuspende. Wala kaming balita sa lalaking dinala sa hospital pero alam naming hindi naman sya namatay.

"Tol, pagkain."

"Pakain ka naman. Bahay mo 'to eh. Bisita lang kami."

"Kenzo, bili ka ng pagkain sa canteen."

Isa-isa kong sinamaan ng tingin ang tatlong lalaking nakahilata sa kama ko.

These dumbass.

Minsan hindi ko alam kung mga kaibigan ko ba sila o mga anak.

Pinagpatuloy ko ang pagdidilig ng mga halaman sa mesa.

"Kenzo, tol. Nakita mo na ba 'tong bagong commercial ng mama mo? Alam mo kung hindi lang kita kaibigan, sinave ko na ang mga pictures nya." Ani Lucas. "Ang chix eh."

Dahan-dahan kong inalis ang isang u-od sa dahon ng monstera.

Maliit lang pero kapag hinayaan ko, siguradong papatayin nya ang halaman.

Peste.

Tinapon ko iyon sa basurahan matapos pisakin gamit ang daliri.

"Respeto naman, tol. Mommy yun ni Kenzo." Saway ni Ryu bago ako nakarinig ng paglagabog ng katawan ng tao.

Lucas, "Kaya nga kung hindi nya mama, tol! Kung makatulak ka, ano lalaban ka na sakin?"

"Siraulo." Masama ang tingin na tinalikuran sya ng higa ni Ryu. Ilang araw narin kaming hindi umuuwi sa mga bahay namin.

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Lucas tungkol kay mama at ibinaba lang ang maliit na watering can kasabay ang mahihinang katok sa pinto.

"Delivery!"

Sinenyasan ko si Lucas na buksan ang pinto,

"Pagkain ba yun, tol?"

"Tingin mo?"

Naghugas ako ng kamay at hinubad ang pangbahay na T-shirt para magbihis ng longsleeve na uniform. "Nakikita nyo ba ang mga itsura nyo? Mas mukha pa kayong hampaslupa kesa sakin."

Natatawang sabay sabay silang bumangon sa kama.

"What's the point of flexing your wealth?" Tanong ni Ryu, bunsong anak ng may ari ng sikat na chain of hotels sa bansa pero nasa boarding house ko na kasing liit lang ng banyo nya.

"Mauuna na akong pumasok. Linisin nyo ang mga kinainan nyo." Sabi ko habang nag aayos na ng buhok. "At wag na wag nyong hahawakan ang mga halaman ko."

Ryu, "Benta nalang natin mga yan, tol. Para may pangkain tayo mamaya."

Binaba ko ang blower, "Gago." Natatawang muli nyang ibinagsak ang katawan sa kama.

"Papasok ka, tol?" Tanong ni Jax. "Sama ako." Inaantok pang sabi nya. Apo ng isang Congressman at anak ng Mayor sa lugar namin.

Natawa lang ako at lumabas na.

Hindi sila papasok.

O tamang sabihing, hindi sila pumapasok.

Naabutan ko pa si Lucas na nagbabayad sa delivery man.

"1,500 yan, boss." Sabi ng baritonong boses.

"Wanpayb?! May ginto ba 'to ha? Apat na burger lang tapos ganon kamahal?" Reklamo nya. "Alam mo kung ako sayo, ipasara mo na yang tindahan nyo. Dagdag lang kayo sa pahirap naming mahihirap!"

"Sir, magbayad ka nalang. Delivery man lang ako, hindi ako kasosyo sa negosyo, okay?"

Patago akong natawa.

"Tangina naman, oh." Nakita kong kumuha sya sa wallet nya ng dalawang libo. "Ayan, may sobra pa yan. Ibili mo ng good manners and right conduct. Palasagot ka eh!"

Hindi natinag ang lalaki sa lakas ng boses nya at kinuha lang ang pera.

"Sige, boss. Salamat."

Isinukbit ko ang backpack sa balikat ko at handa nang tumalon sa kabilang bakod nang dumaan sa tapat ko ang delivery man.

Nakasuot sya ng tinted na helmet kaya hindi ko makita ang mukha.

"Kenzo Oliveros."

Mahina pero malinaw. Sa pagkakasabi nya ay alam kong nakangisi sya sa loob ng helmet.

Bahagya akong natigilan at nang akma kong hahablutin ang helmet nya ay mabilis nya nang pinasibad ang motor.

Who the hell...was that?

**