"Paluin mo sa ulo." Sabi ko kay Lucas na may hawak na baseball bat. Nasa lumang gymnasium kami kasama ang isang lalaking nakakita sa aming pumupuslit ng mga alak sa isang grocery store. Naka-uniform sya kapareho ng sa amin kaya dito namin sya dinala kahit hindi pa tapos ang klase. Yun rin kasi ang pinakamalapit at pinakatagong lugar na pwedeng pagdalhan.
Wala naman sana kaming balak na dalhin sya dito kung hindi nya lang sinubukang tumawag ng pulis kanina kahit pa nga pinakiusapan pa namin sya at balak nalang naming bayaran ang mga alak.
"Saan ba? Sa likod o dito nalang sa noo ng hayop na to? Para siguradong durog pati mukha!"
Jax, "Kahit saan basta hampasin mo na!"
"Wag! Wala akong pagsasabihan ng nakita ko, promise!" Takot na sigaw ng lalaki.
Biglang natumba ang inuupuan nya nang sipain iyon ni Jax.
"Sinungaling! Sige na! Hampasin mo na!"
Lumapit sakanya si Ryu at tinapik sya sa balikat.
"Kalma lang, 'tol. Alak lang yun."
Kaninang umaga pa mainit ang ulo nya kahit sya ang pinakamabait saamin.
Inalis nya ang kamay ni Ryu sa balikat nya at umupo sa gilid ng lalaki.
"Fucking liar!"
Sabay sabay na nanlaki ang mga mata namin nang agawin nya ang baseball bat kay Lucas at malakas na hampasin ang kamay ng lalaki.
"Anong ginawa mo?!" Malakas na tinabig ko sya
Namilipit ang lalaki sa sahig habang hawak ang kamay na may hawak ring isang cellphone na naka on-going call pa.
Hindi ko alam kung saan at kailan nya iyon nakuha. Hindi namin sya kinapkapan dahil wala naman talaga kaming balak na saktan sya.
Malakas iyong hinampas ng bat ni Jax hanggang sa madurog ang screen na habang hinahampas nya ay nadadamay ang kamay na nakahawak doon kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiwi dahil sa malalakas nitong paghiyaw sa sakit.
"Gago ka! Ipapahamak mo talaga kami? Pwes, tingnan natin kung magagamit mo pa ang kamay mo tuwing gabi!"
Bago nya pa ulit mahataw ng baseball bat ang kamay ng lalaki ay hinawakan na namin sya at inilayo.
"Tama na! Tama na!" Sigaw ko sakanya. "Gago ka ba?! Tatakutin lang natin, hindi natin papatayin!"
"Bakit tingin mo ba kriminal ako!? Kita mo naman na tumatawag nga sa pulis!"
Lahat kami ay natigilan sa sinabi nya at dahan dahang napatingin sa lalaki na ngayon ay nakangisi na.
"Not the police. But the director is coming."
"Anong sabi mo?" Mabigat ang boses na tanong ko.
Natawa sya, "Sabi ko, ang tatapang nyo pero ang tatanga nyo."
Para kaming isang mitsa na sinilaban pagkarinig sa sinabi nya at sabay sabay na tumakbo palapit sa lalaki
"TNGINA MO!"
"GAGO!"
"SIRAULO!"
"TARANTADO!"
Halos hindi alam ng lalaki kung alin ang unang sasalagin nang sabay sabay namin syang pinagtatadyakan hanggang sa alam namin na may isang parte na sa katawan nyang hindi nya na mapapakinabangan
"WHAT IS THE MEANING OF THIS?!"
Natigil lang kami pagkarinig sa dumadagundong na boses na iyon.
Ang director.
*******************
"YOU.ARE.SUCH.A.DISGRACE!" Malakas na sigaw nya nang nasa opisina nya na kami. Ang lalaki kanina ay dinala na sa hospital habang kami ay kinaladkad papasok dito.
"You, Mr. Kobayashi!" Duro nya kay Ryu. "Akala ko pa naman, ikaw ang matino-tino at may utak sa mga kaibigan mo! Pero ano na naman ito ha? Alam nyo bang pwede kayong magkaroon ng criminal records sa nangyari?!"
Walang umimik sa amin.
"At ikaw, Mr. Sy, akala mo ba porket Mayor ang ama mo, magkakaroon ka ng special treatment dito?" Nanlalaki ang mga matang sabi nya kay Jax. "Ano nalang ang iisipin ng ama mo sa kahihiyang 'to?"
"How about me?" Tanong ni Lucas.
"Mr. Alcaraz, wala na akong magagawa sayo. Pinanganak ka na yatang siraulo at walang modo."
Muntik na akong mapabunghalit ng tawa.
"What's funny, Mr. Oliveros?" Mabilis akong umiling. "Tingin mo makakatakas ka dito porket tatay mo ang nag donate ng lupa ng school na'to?"
Napawi ang tawa ko at malakas na hinampas ang mesa pagkarinig sa binanggit nya.
"What did you say?"
Tumayo si Ryu at hinarangan ako.
"Wag na, tol."
"See? You guys should learn how to respect elders!" Naiiling na sabi ng director.
Nagngalit ang mga ngipin ko bago muling sumalampak ng upo.
Ang maiugnay ulit sa taong matagal ko nang pinutol ang lahat ng koneksyon sa akin ay lubhang nakakagalit.
"Mrs. Aguirre, hindi porket hinahayaan namin kayong ibuka yang bibig nyo, pwede nyo nang sabihin ang lahat ng gusto nyong sabihin." Mabilis ang paghingang sabi ko na puno ng babala ang boses. "Wag nyong kakalimutan. Mga pamilya parin namin ang bumubuhay sayo at sa eskwelahang 'to."
Hindi nakaimik ang director pero hindi nagbago ang matigas nyang ekspresyon.
Jax, "Tara na."
Isa-isa na kaming tumayo at naglakad papunta sa pinto.
Bago kami lumabas ay saka lang namin narinig ang boses nya.
"I will let this pass. Pay for the medication. Pay for all of his expenses. But this is going to be my last warning. Let me catch you again, you will be kicked out of this school!"