Ngayon ay nasa harap na siya ng babaeng ito na may pinakamagandang amoy. Ang babaeng imay ganitong amoy ay sobrang takot. Naririnig niya ang tibok ng puso nito, takot, at sindak ang naririnig niya at angpapakulo iyon ng dugo ni Matt.
Hindi makagalaw ang babae. Tinatawag siya nito, humihingi ito ng tulong.Ngunit hindi magawang lumapit ni Matt.Hindi siya maaring lumapit ng sobra sa ababaeng may mabangon dugo. Hndi maaari. Hindi niya ito mahawakan. Kapag ginawa niya ito ay magiging katapusan ng kanyang maluwalhating mga araw.
Kung hahawakan niya ito ay magiging katapusan din niya. Kung hinawakan niya ito, kailangan niyang mamuhay nang malayo sa kanya. Pero sa kanyang malakas na pandama, kitang kita niya ang panic sa mukha ng babaeng ito. Sa kabila ng dilim, kitang kita sa kanyang mga mata ang maputlang mukha ng babae. Naaamoy pa niya ang luha nito dahil sa takot at kawalan ng magawa. Nahihirapan huminga ang babae, at hindi maganda ang tunog nito. She is sweating a lot and almost choking to breath. Kailangang magdesisyon si Matt. Kung ililigtas ba ang buhay ng babaeng ito o hindi?
Ipinilig ni Matt Matt ang kanyang ulo at napangisi dahl sa hinid namapaniwala sa gustong gawin. Alinman sa mga paraan ang gawin niya, tulungan man ito o hindi ay ilalagay pa rin niya sa panganib ang babae.
Kaya, nagpasya si Matt na sundin ang kanyang mga instincts ngunit huli na siya. Nawalan na ng malay ang babae sa kanyang harapan. Umuungol siya nang malakas sa kawalan ng pag asa. At binuhat ang babae sa kanyang mga bisig. Nalandas ang gait sa mga mata at sa kuku ni Matt. Halos walang mapagsifdlan ang kanyang galit, Buhat man ang walang malay na dalaga sak ayng bisig ay naramdaman pa rin ng mga tao sa paligid ang glait ni Matt.
Lumilipad sa ere ang bawat masipa niya at bawat madakot ng isang kamay ay bumabalibag sa kawalan. Samantalang ang maliit at malambot na katawang babae ay yakap ng kanyang buong braso. Niyakap niya ito ng mahigpit halos saka bumulong.
"Sorry, I will be forever sorry to you from now on" bulong lamang ni Matt sa kanyang sarili. "Pero hindi ko matiis na makita kang nagdurusa" Bulong pa ng binata. Pagkatapos ay tinawag ni Matt si Toffee at hinayaan si Toffee ang bumuhat sa babaeng nawalan ng malay sa takot.
"Alagaan mo na lang siya tulad ng lagi mong ginagawa, kailangan niya ng medical attention bilis" sabi ni Matt ngayon sa normal na at mababa ang boes pero malungkot.
"Oh, f*ck bro,anong ginawa mo? Sabi ko nga sa iyo na lumayo ka na lang. Paano ngayon to?" Toffee burst out disparately.
Hindi matanggpa ni Toffe na sa tagal ng panahon na nagawa ni matt ng mag laylow. Hindi niya kayang tanggapin ngayon ang katotohanan na muli, kailangan ni Matt na magdusa at magsakripisyo muli para sa babaeng ito.
"She has that scent bro, you knew that very well, At aware ka rin na hindi ko maiiwasan yun. Bahagi yan ng sumpang ito sa akin. Alisin mo na lang siya dito please" Tinapik ni Matt ang balikat ni Toffee at tumalikod.
"Pwede ba kitang makita ulit o maglalaho ka na naman " basag ang boses ni Toffee pagkatapos. mauulit na naman ba ang nakaraan. Ilang buwan taon na naman kaya bago maging okay ang lahat? Wala na bang kaktapusan?
"Wag kang magalala dyan lang ako sa tabi tabi, kailangan bro, kailangan ko siyang protektahan kahit anong mangyari. Dapat, di ba?" Si Matt ang nagtatanong kay Toffee pero mas marami ang naging tanong niya sa sarili. Maging si Matt ay parang nawala sa sarili.
Ramdam ni Ella na may bumuhat sa kanya but she is heavily induced by fear. Narinig niya ang sirena ng bombero at ang pagdating ng mga pulis. May malay na siya ng lumabas sila ng pintuan at sa wakas ay nasilayan niya ang liwanag mula sa streetlight outside the bar. He saw a huge man walks away on their side. Likod na lang ang Nakita niya.
He's wearing a black jacket Hindi niya alam what came in to her pero sinundan niya ng tingin ang lalaking dumaan sa gilid nila.There is something about him that she can't explain. Ibinaba siya ng lalaking may karga sa kanya sa medic na sumalubong sa kanila.
"Sir, she needs medical attention. Hinimatay siya sa loob siguro dahil sa takot" Sabi ng lalaking may buhat buhat sa kanya. His voice is crisps and clear tone. Nakaamoy si Ella ng masasang na amoy ng gamot mula sa ospipital. Nakasimangot siya at dahan dahang binuksan ang kanyang mga mata. Tumingin siya sa paligid at wala siyang nakikitang tao.
"Nasan na po ung lalaking bumuhat sa akin?" tanong ni Ella sa lalaking naka scrub suit. "Umalis na po mam, may kailangan pa daw siyang puntahan" sagot sa kanya ng malamyang lalaking nurse.
Ella was disappointed. Una hindi man lang siya nakapagpasalamat dito.Ikalawa hindi man lang niysa nasilasyan kahit saglit ang mukha ng nangligtas sa kanya. Third, she feels empty knowing he just left her like that.
"Arte mo Ella ang drama oi," Ipagpasalamat mong binuhat ka nung tao kung hindi baka namatay ka sa suffocation sa loob ikalawa baka naabala mo yung tao masyado kang demanding sita ni Ella sa sarili. Tumingin si Ella sa paligid. Nagkakagulo pa din at may makapal na usok nga mula sa loob ng resto bar. Hinanap ng mga mata ng dalaga ang mga ka opisina. Pero wala siyang makita isa man sa mga ito.
Siguro nung nagkagulo ay kanya kanya na itong takbo sa takot at hindi man lang inisip na naiwan siya. Sabagay wala namang nakakaalam na may takot siya sa dilim at nagpapanic sa oras na makaranas na ganun. Isang bagay ang narealise talaga ni Ella sa araw na ito. She has no one to relay on but herself and that stranger.
At ang totoong kaibigan nakikilala sa oras ng kagipitan. And today is a very clear fact. She has no one. She has been alone all this time. Alam ni Ella na ang lalaking may buhat sa kanya ay hindi ang lalaking tagapagtangol niya. Una kahit madilim ay ramdam niyang malaking lalaki ang nasa kadilimang iyon. Ikalawa his voice has distinctive tone. Malagom at mababa. And he has this strong scent na kahit ilang metro ang layo ay amoy niya. At higit sa lahat meron siyang dating na hindi malaman ni Ella kung ano pero napakalaki ng epekto sa kanya.
The man carrying her a while ago has a normal height maybe about 5'9 if she's not mistaken. Well ok naman ang katawan nito. But his voice is different, hindi malagom or what she called a baritone. Nanatili pa si Ella ng ilang oras sa hospital na pinagdalhan sa kanila. Siya lamang pala ang costumer na naiwan sa loob at tatlong lalaking nakita raw sa loob na nakabulagta at may mga baleng buto.
Ayon pa sa nakarating sa dalaga ang tatlong lalaki ang pinaghihinalaang mga holdaper na pumasok sa loob at nagdulot ng kaguluhan. She hates the smell of alcohol and all hospital stuffs kaya halos tinapos lamang niya ang kanyang IV dose at nag pa discharge na agad.