"Ning! Bilis ang bagal mo naman maglakad mahuhuli na tayo eh, gusto mo bang mapagalitan ni ma'am tapos parusahan tayo na nakatayo sa labas ng classroom natin?"
"Oo na ! hinihingal na ako Jade alam mo ba? Masyado kang nagmamadali maaga pa naman eh gusto mo lang makita yung crush mo eh di ba?"
Napatingin si Jade kay Ning sabay ngiti at kinikilig na umirap sa kaibigan.
"Ah basta bilisan mo gagraduate na tayo sa sunod na buwan kaya magbabakasyon na naman di na natin siya makikita araw araw kaya bilisan mo diyan ang dami mo pang sinasabi ehh, bilis! " sabay tawa at takbo patungo sa kanilang classroom.
*Si Jade, ang kaibigan kababata ni Ning . Matanda lamang ito ng isang taon sa kanya at ngayon ay nasa grade 6 na sila sa elementary school, si Jade ay di naman masasabing mayaman ngunit nakakaangat sa buhay kaysa kay Ning na lumaki lamang sa Lolo at Lola nito. Kaya naman pinagbubuti niya ang kanyang pag-aaral upang masuklian ang kabutihang loob ng mga ito. *
*Ulila na sa ama at ina si Ning at sa loob ng 12 taon ay namulat na ito sa payak at simpleng pamumuhay. Tahimik siya na bata at kay Jade lang ito madalas na nakikipag kwentuhan. Matalino si Ning at pumapangalawa sa magaling sa kanilang school. Ang crush ni Jade na si Noah ang siyang nangunguna sa klase. Popular ito sa buong eskwelahan, dahil bukod sa matalino, mabait, at mayaman ay ubod ng gwapo itong si Noah kaya naman maraming kababaihan sa kanila na humahanga dito. *
•Final exam na Ning! Anong plano mo pagnakagrafuate na tayo? Saan ka papasok na school? " Tanong ni Jade sa kanya.
"Hindi ko pa alam kung nakasali ako sa scholarship program ng Mayor natin makakapasok ako sa St. Hilary pero kung hindi sa public school na lang ako di kasi namin kaya ang tuition fee sa private schools. Sige Jade mag review muna tayo. "
"Sige Ning! Galingan mo ah para magkasama tayo dun na papasok balita ko kasi dun din daw si Noah papasok. "
*Napatungo na lamang si Ning. Lingid sa kaalaman ng lahat hinahangaan rin ni Ning si Noah ngunit di niya masambit sa kaibigan dahil ayaw nitong malaman ang lihim niyang paghanga dito.*
**Announcement of honor students. Lahat ay tahimik at naghihintay sa guro nila. **
"Class our school year is about to end but I'm glad to be part of your journey for this past year, thank you everyone sa pagtitiyaga at sa pag aaral ng mabuti, but now I want you to know that it is just the beginning of your journey for your better future, class I will miss you all and I'm so proud to all of you. Now let's start to announce our honor students."
"Congratulations to everyone.....Happy Graduation day."
"Congratulations Ning! You made it . Bati ni Noah kay Ning."
*Di naman unang pagkakataon na pag uusap ng dalawa pero nabigla pa rin si Ning *
"Sa…sa ….salamat congratulations din sayo!" nahihiyang sambit ni Ning.
"Pwede ba tayong mag papicture? " Tanong nito sa kanya.
Laking gulat ni Ning sa narinig.
"Ha? Ahhmm ok sige!" nakayukong sabi nito, namumula ang pisngi niya sa narinig.
Lumapit ito sa isa sa kasama niya at May binulong at sabay tango. At bumalik ito sa tabi ni Ning sabay bulong.
"Huwag kang mag alala for memories lang kase baka sa Maynila na ako mag aral ng high school. !" Sabay ngiti nito sa kanya.
Napatingin si Ning kay Noah sa narinig pilit na tinago sa puso niya ang lungkot.
"Hindi ko na siya makikita! Magkakalayo na kami! "sambit niya sa sarili. Sabay yuko ng dalagita at nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata. Natulala siya ng ilang minuto kaya di niya narinig ang sinasabi ni Noah sa kanya.
"Ning! Ning halika na pa picture na tayo." Sabi nito
"Ok …"
maikling tugon niya.
"""Matapos ang group photo,isunod naman natin ang honor students. """saad ng mc.
Bumaba na ang karamihan at naiwan ang Valedictorian at Salutatorian.sabay ng sigawan at palakpakan, nagkatinginan ang dalawa sa entablado. Pilit na ngumiti si Ning at binati si Noah sa harap ng mga guro at kaklase Ng congratulations. Ganun din naman si Noah at sa di inaasahang tagpo niyakap siya ni Noah at sabay bulong.
""Hintayin mo ako babalik ako kapag nakagraduate na ako sa kolehiyo. Promise ko yan ""sabay halik sa pisngi niya.
Natulala ng tuluyan si Ning at di namalayan ang pag akay sa kanya ni Noah pababa sa stage.
Dahil sa kasiyahan di napansin ng karamihan ang naganap, lahat ay abala na tila normal lang ang nangyari, ngunit may isang matamang nakamasid at matinding selos ang naramdaman.
At nang matapos ang Graduation isa isa nang nagsi uwian ang mga tao.
Lumapit si Jade kay Ning at sinabi ang saluobin nito.
"""Ning….napansin kong kakaiba ang tingin sayo kanina ni Noah? Ano ang sinabi niya sayo?"""
"Ha? Wala binati niya lăng naman ako at kinunggratulate at ako daw ang nag top 1.! Yun lang naman bakit may dapat pa ba siyang sabihin maliban dun? ". Tugon niya sa kaibigan.
""Wala naman pero kakaiba kasi siya kanina laging nakatingin sayo eh, hmf mukhang may something kase eh!.Parang gusto ka niya napansin ko lang. Sige hayaan mo na nga, OK lang naman kung ikaw gusto niya.! Di ba? Sige uuwi na kami….congrats ulit ah. Dalaw ka sa bahay pag may free time ka ha. Sige bye bye….uwi na kami hinihintay na ako nila papa.""
"Sige Jade bye bye congrats din sayo! Salamat."
Habang naglalakad na si Ning pauwi dahil pinauna na niyang umuwi ang kanyang Lolo at Lola, May isang sasakyan na nakasunod sa kanya at dahil halos malapit na ang ta kịp-silim kung kayat padilim na ang daan patungo sa kanilang bahay.
Si Noah na matamang nakatingin sa dalagitang naglalakad ay malungkot at waring nasasaktan sa nakikita.
"""Mag-aaral akong mabuti at kapag nakapagtapos na ako at magkaroon ng magandang trabaho, babalikan kita pangako ko yan sayo Ning. Di ko man masabi sa ngayon na mahal kita pero napakatagal nang panahon na nakasubaybay ako sayo araw araw. You deserve a better life Ning. Wait for me.! Oh heaven please take care my Ning…"""taimtim na bulong nito sa sarili.
"Noah uwi na ba tayo oh dito muna tayo? Malamang hinihintay na tayo ng Daddy' at Mommy mo…"wika ni Mang Greg na driver nila Noah.
"Sandali na lamang po hintayin natin siya na makarating sa kanila"mahinang wika nito
Napabuntong hininga na lamang si Mang Greg ."Napakahabang panahon na lage niyang sinusubaybayan ang dalagita. Manang mana ka talaga sa ama mo kung magmahal kahit sa murang edad ay totoo.""".sambit niya sa sarili
At nang makita na nila na nakauwi ng ligtas si Ning ay umalis na rin sila Noah