Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Seducing the Blind Billionaire

🇵🇭ursulapurifica
--
chs / week
--
NOT RATINGS
1.6k
Views
Synopsis
Isang kalapating mababa ang lipad, yan ang madalas na tawag sa mga tulad ni Juliana. Kahit anong pagtatama niya sa perception ng tao sa uri ng trabaho niya mababang uri pa rin ang tingin sa kanya. Pero ang pinakamasakit para kay Juliana ay ang ultimo taong mahal niya ay ganun din ng tingin sa kanya at mas malala pa kahit pa nga alam nito ang nature ng trabaho niya.Kaya lihim na pinangarap ni Juliana ang makalayo sa lugar at makahanap ng bagong buhay. Pero paano kung sa isang taong may mapansanan niya mahanap ang liwanag at tamang pagmamahal na inaasam? Magagawa kaya siyang mahalin ng lalaki sa kabila ng katotohanan ng kanyang pagkatao?
VIEW MORE

Chapter 1 - Seducing The Blind Billionaire Prologue

"Renzo anong ibig sabihin nito"

Gulat na tanong ni Juliana habang huling huli niya ang kanyang kasintahan na nagme make out sa madilim na bahagi ng club. Sa sobrang sakit at sobrang pagsisisi na nagawa niyang kalimutan at ipagpalit ang pamilya para kay Renzo ay ito pa ang ipinalit ng binata.Paanong nagawa ito sa kanya ng kasintahan? 

Pero ang mas ikinainis niya bukod sa di kagandahan ang babaeng ka make-out nito sa sulok na madilim na iyon ay kapwa rin lamang naman niya dancer sa club na mas lamang lamang sa knaya sa salapi dahil nangpapa take out.

Sa gitna ng masamang panahon kahit pa nga halos luwa ang katawan sa kasuotan ay tumakbo si Juliana palayo sa lugar na iyon.Ang tindi ng buso ng damdamin at hinanakit sa unfair na kapalaran ay bumulag kay Julianang harapin ang katotohanan.

Rinig niya ang pagtawag ng kasintahan.Ang galit na pagutos nito sa kanya na bumalik siya. Ang umaalingawngaw na mga kasinungalingang paliwanag nito ay parang sirenang bumibingi sa dalaga. At unti unti habang bumibilis ang takbo ni Juliana ay muling namumbalik sa kanyang isipan ang lahat ng sandaling tiniis niya sa piling ni Renzo.

Ang lahat ng sandaling nagpakatanga siya, nagbulagbulangan at nag bingi bingihan dahil mahal niya si Renzo. Kasabay ng mabilis na pagbuhos ng ulan ay naki duet sa dalaga ang matinding pagbuhos ng kanyang mga luha.

Malayo na ang kanyang natatakbo. Malayo na sa madilim at mapanghing eskinita. malayo na sa masakit na katotohanan. Humihingal at giniginaw man ay nagpatuloy si Juliana. Nasa malawak nang highway si Juliana pero ayaw pa rin niyang huminto sa pagtakbo para bang hindi lamang si Renzo ang tinatakasan niya kundi pati ang buhay at kinasadlakang kapalaran niya.

Dahil hilam ng luha at malakas ang pagdadalamhati ng kalangitan naging madilim ang daan at halos mapikit na ang mata ni Juliana. Kaya hindi niya nakita ang paparating na sasakyan ng bigla niyang maisipang tumawid pakabilang tulay.

Nagulat naman si Anthony ng biglang magpreno ng malakas ang kanyang driver na si Tino. 

"What's the problem Tino? bakit bigla kang nag p-preno?" tanong ng biyudong si Anthony.

 "Sir....sir sorry po mukhang may ano naku sir naano ko ata Sir, nabangga ako" kinakabahang sabi ni Tino . 

"What?" dumadagondong na sabi ni Anthony.

"Madilim kase sirano tapos ano pa rin kaya naano ko yung preno at ang malakas ng ano sir, hindi agad kumapit ang preno pero kase bigla namang sumulpot yung ano eh"

sabi niTino na nenenebiyos na baka nga nakadale siya at matatanggal pa siya sa trabaho eh manganganak pa naman ng asawa niya.

"Go Out at check mo Bilisan mo" utos ni Anthony na sinunod naman agad ni Tino. Naramdaman na lang ni Anthony na ipinasok ni Tino ang isang basang basang tao sa tabi niya"

"Sorry Sir may ano nga! Dios ko may nabunggo nga po ako. Anong gagawin ko sir?' tarantang sabi ni Tino na first time may nadisgrasya sa 10 taong pagmamaneho sa pamilya ni Anthony.

"What? eh bakit mo sinakay sa kotse. Anak ng... go! bilis!dalhin mo agad sa pinakamalapit na hospitsal, D*mn it!" nagaalala ring sabi ni Anthony na naabala na sa paguwi sa Villa ay mukhang may kakaharapin pang kaso.

Samantalang nahihilo naman at masakit ang ulo ni Juliana. Sobrang sakit. Pinilit niyang idilat ang mga mata ng kahit konti. Ang huling natatandaan ni Juliana ay tumawid siya at nagulat siya sa lagitnit ng gulong ng sasakyan pagkatapos ay natumba na siya.

Pinilit idilat ni Juliana ang mga mata. Isang guwapong mukha na may buhay na nunal sa dulo ng kilay ang nakita niya. Kaya yun ang tinandaan niyang nakasagasa sa kanya saka tuluyan ng nawalan ng malay ang dalaga.