I - The Emergance
Isang bata ang nakasandal sa pader sa isang liblib na iskinita. Nanunuyot na ang kaniyang lalamunan ngunut kailangan niya pang maghintay sa kaniyang master. Ang kaniyang master lang ang pag-asa niya upang makabangon sa kinalalagyan niyang sitwasyon ngayon. Ngunit sa kaniyang pagkakatanda, ilang oras pa ang palilipasin niya bago muling bumalik ang kaniyang master. Hindu na kaya ng kaniyang katawan na maghintay ng ilang oras dahil masyado nang malala ang kalagayan niya.
"M-master, patawad h-hindi na k-kita mah-hinta-------
Hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay. Pahina na ng pahina ang pagtibok ng puso niya at hindi na siya humihinga. Unti-unti nang nanlalamig ang kaniyang katawan at maya-maya lamang, tuluyan na siyang nalagutan ng hininga.
Ang segundo matapos ang tuluyan niyang paghimlay ay may lumabas na bola ng enerhiya sa kaniyang katawan. Nagliliwanag ito at may mala-maharlikang aura. Bigla na lamang lumakas ang liwanag nito at muling pumasok sa katawan ng bata. Nang tukuyang makapadok sa katawan ng bata, tila bumalik ulit sa dati ang kalagayan ng katawan nito. Muli na itong humihinga at normal na ang pagtibok ng puso nito.
Ilang oras pa ang makalipas ay isang matandang lalaki ang nagmamadaling naglalakad papunta sa bata. Nasa isang metro na ang haba ng balbas nito at hanggang baywang na ang puting buhok nito. Kaagad niyang tinignan ang kalagayan ng bata ng makalapit siya dito.
"Akala ko'y hindi mo na mahihintay ang muli kong pagbabalik. Napakatibay ng katawan mo, nagagawa mong labanan ang lason ng kalayaan na aking pinaka-kinatatakutang lason. Ngunit masyadong matagal na panahon mo na iyang dinadala. Mukhang hindi na ito kayang pigilin pa ng iyong katawan. Buti na lang at nakita ko ang lunas para sa lason. Maghintay ka at gagawin ko itong sabaw upang iyong mahigop."
Ilang minuto lang ang nagdaan ay tapos na ang lunas sa lason ng kalayaan. Kaagad niyang pinainom iyon sa binata at mayroong kung anong nangyari sa tiyan nito. Umilaw ang tiyan ng binata at maya-maya lamang, ang kaniyang buto't balat na katawan ay bigla na lamang naging malusog. Gumaang din ang kaniyang pakiramdam at sumigla na ang dati'y matamlay niyang mga mata. Para bang bumalik ang kaniyang katawan sa dati nitong estado noong hindi pa niya nakukuha ang lason ng kalayaan.
"Sa wakas, lalabas na din ang iyong itinakdang mundo. Sana ay madakop mo agad ito upang magkaroon tayo ng pera para sa ating pang araw-araw na pangangailangan. Kailangan mong magpalakas agad dahil ikaw lang ang siyang makakatulong sa sarili mo. Kailangan mong lumaban, Asta!"
"Asta? Sa aking naaalala, wala akong pangalan. Sabi kasi nila, hindi daw kailangan ng pangalan ng isang tulad kong walang mundo."
"Paniwalaan mo man o hindi, minsan kang miyembro ng isa sa 4 Royal Clans ng Pennia. Ngunit sa oras na maisilang ka, sumugod at nag sanib-pwersa ang tatlo pang royal clans upang pabagsakin ang iyong pamilya. Sa ilang daang libong miyembro ng iyong Silva Clan, ilang daan na lamang ang natitira at sila ngayo'y iisa na lamang Silver Clan. Nawala na ang dating lakas ng pamilya na siyang tumulong sa akin noon. Palihim kitang kinuha at tinuruan sa kagustuhang maibalik ang dating Silva Clan. Ngunit wag kang magpapahalata sa tatlo pang Royal Clans dahil kaapg nalaman nilang ikaw ang tagapagmana ni Attravia at Astorrio, sigurado akong papatayin ka nila ng walang pag aalinlangan. Malaki ang galit ng tatlong Royal Clans sa iypng pamilya. Nakapunta sa kanila ang isang maling impormasyon na ang iyong Silva Clan, ang pumatay sa yumaong hari ng Pennia. Wala silang kadalanan sa nangyari kaya sana, ang gantihan mo ay ang nagpakalat ng maling balitang iyon. Isang balita na nagsanhi ng pag bagsak ng isang pamilya na umiiral na ng ilang milenyo."
"Ang gusto ko na lang malaman ay kung sino ang nagselyo ng aking kabuoang kapangyarihan. Sana ay isa na akong 6th Level Martial Artist ngayon kung wala lang nagselyo sa kabuoang laki ng aking mundo na sinabayan pa ng lason ng kalayaan"
"Sa ngayon, kailangan muna nating magtiis sa sulok habang ang natitirang Royal Clans ay oatuloy pang lumalakas. Nasa kamay ngayon ng Diamond Clan ang trono. At hindi sila mapigilan ng dalawa pang Royal Clans dahil sa kanila napunta halos lahat ng kayamanan ng iyong pamilya nang ito ay bumagsak sa pinagsama-samang puwersa ng tatlo. Kung sana ay pumanig lang sa iyong pamilya ang Eternal Ice Clan ay hindi sana ito mangyayari."
"Wag muna natin pag-usapan iyan master. Kailangan kong lumakas agad at matinding konsentrasyon lamang ang makakatulong sa akin ngayon."
"Sige, hahayaan muna kitang mag muni muni. Basta't siguraduhin mong magiging matagumpay ang iyong gagawin."
Inilahad ng master ni Asta ang kamay nito. Mayroong tatlong 2nd Level World Energy Orb dito na kinagulat ni Asta.
"Gamitin mo ito sa oras na masakop mo na ang iyong mundo. Magiging matatag ang iyong pundasyon kung gagamitin mo ito sa simula ng iyong paglalakbay bilang isang Martial Artist."
________________________
Nasa harapan na ngayon si Asta ng National World Asociation of Pennia upang mag rehistro para sa Awakening Ceremony. Pagkatapos ayusin ang mga kinakailangan, kaagad siyang hinatid ng isa sa mga tauhan doon papunta sa Awakening Stone. Magsisimula na ang Awakening Ceremony noong oras na iyon at buti na lamang ay nakaabot pa siya bago magsimula ito.
"Sa aking badbas, pinahihintulutan ko na ang pagsisimula ng seremoniya."
Isang boses ang umalingawngaw at iyon ay galing sa isang matandang lalaki. Siya ang sikat na Supreme Priest na miyembro ng Diamond Clan. Isa siya sa kanang kamay ng kasalukuyang hari at dahil doon, nakakatanggap siya ng mataad na paggalang mula sa mamamayan ng Pennia.
Siya ang may hawak sa Awakening Ceremony taon-taon at siya ang may responsibilidad sa pagbabasbas sa mga bata upang pumasok sa katawan nito ang kapangyarihan ng Awakening Stone.
Maya-maya, tinawag na si Asta upang lumapit sa Awakening Stone. Kaagad na pumasok sa kaniyang katawan ang kapangyarihang bumabalot sa bato. Isang liwanag ang bumalot sa kaniya at isang maliit na bilog na bagay ang lumabas sa kaniyang katawan. Lumaki pa ito ng lumaki hanhgang sa maging kasing laki na ito ng isang pakwan.