Chereads / She Who Burns Bridges / Chapter 4 - A person from the past

Chapter 4 - A person from the past

HERA's POV

"Aist!"

Napatingin ako sa baklang kasama ko nang padabog siyang umupo sa sofa. Padabog niya ding ipinatong magkabila niyang paa sa center table.

"Bakit ba ang tagal-tagal mo?!" Bagot nitong tanong kaya napairap ako.

"Oh! Don't worry." Tinignan ko siya saka ngumisi. "May mas itatagal pa ako."

Naningkit mga mata niya kaya maslalo kong nilawakan ngisi ko.

Kahit ma-istroke ka pa diyan, wala akong pake!

Bwesit kasi't nandito kami sa botique na dalawa kasama sina Jung at Chan. Yes, botique. Bakit? Simple lang.

Three days ago, nung ipinakilala namin siya ni Jung kay lolo as my boyfriend, sobrang nasiyahan ang matanda at gustong magpa-party! Ang saya niya raw kasi't nagka-boyfriend na ako.

Lolo doesn't know anything about Jerimy. He's been my boyfriend for 5 years now pero ang tanging may alam lang na may kami ay ang kaibigan kong si Irene. She's my closest friend and the only friend I trust. Treshia is on the other level.

I just want and need my life to be in private pero dahil nga sa kagaguhan ko, mukhang malabo na 'yong mangyari.

"Bakit kailangan ko pa kasing sumama?!" Rinig ko na namang singhal ng bakla.

"Eh, bakit ka nga pala sumama?" Humarap ako sa kanya matapos ayusin ng babaeng tumutulong sa akin ang lace sa likuran.

"Your grandfather told me to, so what choice do I have?!" Taas-kilay niyang sagot.

"Eh, ayun naman pala." I smirked and walked near him with a cocked brow, "alam mo, Miss EUNiverse—"

"Miss Universe who?!" Usal niya.

"EUNiverse kasi! Wrong spelling 'yang iniisip mo."

"WHAT NOW?!" Kumunot noo niya't nagsimulang ng mamula kaya agad na pumagitna si Jung.

"Kids, kids! Please stop." Mahina niyang sabi habang papalit-palit ang tingin sa amin at sa babaeng tumulong sa akin na nasa likuran ko pa pala.

Umayos nalang ako ng tayo saka umikot, "so? What do you think?"

"It looks duller in you."

Napatigil ako halfway sa pag-ikot at tinignan siya ng nakatabingi ang ulo, "I wasn't really asking for your opinion, so you have all the rights to remain silent! You might not like it if I'll be the one to do it in your behalf."

"Oh..." sarkastiko siyang tumango-tango saka ipinatong magkabila niyang siko sa mga hita niya't pakalumbaba akong tinignan. "Am I supposed to get scared then?"

"If you're smart enough then you'll know it's a yes," tinaas-baba ko mga kilay ko't nag beautiful eyes pa.

"Okay, that's enough really!"

Lumaki na boses ni Jung kaya ako na ang naunang umiwas ng tingin. Baka bigla nalang kasi akong atakihin ng topak at masakal ko lang silang dalawa.

"You look gorgeous, don't worry."

Napalingon ako sa may bintana nang magsalita si Chan. Nakaupo lang siya malapit dito habang nakangiting nakatingin sa akin.

"Andiyan ka pa pala?"

"Ay siya! Ako na nga lang pumuri sayo, sinusungitan mo pa." Tumayo siya't naglakad palapit sa akin. "You already look perfect for the party, might as well get ready for the wedding?"

"Better watch your words, dumbass! No one's getting married."

"I couldn't agree more!"

"Still wasn't askingggg!!" Usal ko nang makisawsaw ang bakla.

Pinaningkitan niya na naman ako ng mata, "you really are a piece of shi—"

"Ohhhhkayyy! That's it," agad na tinakpan ni Jung bunganga niya. "Are we finish now? Shall we go buy ice cream para lumamig 'yang mga ulo niyo!"

Iniwasiwas ng bakla paalis ang kamay ni Jung saka padabog na tumayo, "then let's go right away!"

"Libre mo, hyung?" Tanong ni Chan.

"Kailan pa ba naging hindi?"

Natawa nalang ako. Oo nga naman. Financer kasi nila 'tong kawawa kong pinsan. Uto-uto naman kasi, eh. Mabuti nalang at marami rin talaga siyang pera kaya bahala na siyang waldasin 'yan.

"Pero teka nga! Ayos na ba 'to?" Tanong ko kay Chan. Siya lang naman ang matinong kausap sa kanilang tatlo ngayon, eh.

"Oo naman. Maganda ka parin naman kahit anong suotin mo, eh," nakangiti nitong sagot.

"Ah talaga ba?" Ngiwi kong tanong at tumango naman siya.

Napaismid narin lang ako. Okay narin kasi 'to para sa akin, eh. Pink halter ito na may samot-saring diamond pang kolorete. Ang ganda nga kasi kung tutuusin at bakat na bakat 'yung pwetan ko ahem~

Gaya ng nakasanayan ni Jung, siya narin ang nagbayad ng gown ko at suit nilang dalawa ng bakla bago kami umalis papuntang ice cream shop gaya ng napagkasunduan nila.

May favorite shop din kasi sila dito na ipinatayo ng may-ari na avid fan nila and it was named before their group name, EcZoTIC.

All of us wore face masks to hide our identities from the eyes of the public hanggang sa makapasok kami sa toano. Of course, 'di kami nagtabi ng bakla. Nasa back seat siya kasama ni Chan habang ako, mag-isa lang sa second row. Nasa front seat si Jung katabi ng driver.

Walang nagsalita sa amin hanggang ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa shop na tinutukoy ko.

"Good day, ma'am, sir!"

Bati ng staffs pagpasok namin. Mukhang nainform silang lahat na paparating kami at nakahilera sila sa entrance. Sumalubong naman agad ang isang babaeng ang pagkakatanda ko ay ang may-ari ng shop na patay na patay kay Zen at kinamusta sina Jung, Chan at ang bakla.

Hindi man lang talaga ako pinansin ni ate niyo ghorl. Ikinaganda niya ata 'yan.

"Ew!" Bulong ko nalang nang magtama mga mata namin ng bakla. Hindi ko rin naman kasi namalayang katabi ko lang pala siya.

"Beheyb! Beheyb!" Biglang sabi ni Chan nang pumagitna ito.

Parehas niya rin kaming inakbayan saka kinaladkad papasok sa isang room nang magsimula ng kumuha ng litrato ang mga costumers.

"Anak ng—"naibulong ko nalang nang buksan ng may-ari 'yong pintuan at makita ko ang loob.

Kung punuin ba naman kasi ito ng samot-saring litrato ng EcZo aakalain mong memorial park. First time ko pang makapasok dito at hindi ko na gusto.

"Wow! This place is getting better and better whenever we come to visit," manghang sabi ni Jung.

Ngumiti 'yong may-ari, "I'm so glad you liked it! So? What's for today then?"

"The usual."

"SUNHOcolate caramel swirl ice cream, CHANberry buttermilk gelato, honey-EUNbarb ice cream and..." tumigil siya saka ako tinignan. "How about yours, miss Hera?"

Bahagyang napataas mga kilay ko nang tawagin niya ako sa pangalan ko.

She must be really obsessed with these jerks at pati ako kilala niya, 'di man lang ako pinansin kanina shet!

I cleared my throat ang smiled, "ahh—something without their names as name of your ice cream would be fine."

"EsprECZO matcha afogato it is then."

Napangiwi nalang ako nang kindatan niya ako bago nag-bow at lumabas.

"Devon is really cool, ah?" Sabi ni Chan nang ialis niya pagkakaakbay niya sa amin ng bakla kaya agad akong lumayo at naupo sa pinakamalayong sofa mula sa kanila.

Napabuntong-hininga nalang ako't palihim na inilibot ang mga mata sa paligid.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi maging bitter sa mga nakikita kong litrato ng bakla dito. Hindi lang pictures, ah! May mini figurine din at kung ano-anong merchandise pa. At hindi naman sa ano pero inaamin kong ang cool niyang tignan 'pag naka eyeliner.

'Pag naka eyeliner lang naman.

"Bakit parang feeling ko may nagnanasa sa litrato ko, hyung?"

Palihim akong napangiwi nang paringgan ako ng depungal.

"Sino kaya? Pakiramdam ko kasi galing dun 'yong awra."

Sinulyapan ko siya't parang tanga ang loko habang kunwaring hinahanap ang sinasabi niyang awra and yes, sa akin siya nakatingin.

"Eun! I swear to God!" Iritang sita ni Jung habang kamot-kamot noo niya. Magkatabi lang din naman silang tatlo at mukhang kanina na rin siya sinusuway ni Chan kaya sa awa ng Dios, tumigil siya agad.

Sarkastiko niya akong nginitian sabay bigkas ng I'm not finish with you at siyempre, ako ba naman papatalo? Itinaas ko kamay ko saka siya pinakyu. Naningkit mga mata niya't reresbak pa sana nang pumasok ang dalawang waiter kaya agad siyang napaupo ng maayos saka sila nginitian ng matamis.

Naku naku naku! Ang sarap ding tirisin at nagmumukha na siyang garapata sa paningin ko talaga!

Iirap na sana ako nang tirikan ako ng mata ni Jung.

"What?!" I mouthed.

"Come over here!" He mouthed back.

"No!" Pagmamatigas ko't napangiwi nalang nang turuin niya ako at ang space sa pagitan nila ng bakla.

"Come here now or so help me!!"

Napatingin ako sa mga waiter na mukhang naiilang na sa obvious naming iringan ni Jung. It's so not like him to cause a scene pero mukhang pikon na talaga siya ngayo't wala na siyang pakialam sa sasabihin ng mga ito.

Wala na akong nagawa at dahan-dahang napatayo at naglakad papunta sa kanila. Hindi ako umupo sa pagitan nila ng bakla, of course, at doon nakisiksik sa kabilang tabi ni Chan.

"Whatever!" Rinig kong bulong ni Jung saka binalingan ang mga waiter. "Thank you so much."

"Welcome po, sir," sabay nilang sabi and right after nilang makalabas, bumangas bigla si Jun Myung Kim.

"WILL THE TWO OF YOU PLEASE..." halatang nagpipigil niyang sabi.

"Wala akong kasalanan dito," pasimpleng sabi ni Chan at patay-malisyang tumayo dala-dala ang ice cream niya saka lumipat sa inupuan ko kanina kaya magkatabi na kami ng bakla talaga, anak ng kagang 'yan!

"Can you, two, please act okay around people?! Saka isipin niyong kapag buntis talaga si Ran, pwede kayong maikasal na dalawa. We can't give people the benefit of the doubt when that happen kasi ang gulo na. Maawa naman kayo sa puso ko jusmeyo!"

Napataas nalang ako ng kilay nang lingunin ako ni bakla.

"What? Wanna fight?!"

"Kung balikuin ko kaya leeg mo? Inaanay na ata utak mo, Miss EUNiverse!" Asik ko't inemphasize ang pangalan niya.

"Ahh!" Patango-tango niyang sabi. "So, that was my name?!"

"My gosh ang slow," panunuya kong banat.

"Narinig niyo ba sinabi ko?!" Asik ni Jung pero wala kami sa mood na dalawa para makinig.

"Nakakagigil ka talagaaaaa!" Gigil niyang sabi habang umaaktong parang pupunitin mukha ko.

"Sige subukan mo nang makita ko tapang mo!" Taas-noo kong banta pero hindi man lang siya natinag.

"Eun, stop it! Baka magka early miscarriage si Hera. Madagdagan mo pa kasalanan mo."

Parehas kaming natigilan ng bakla sa biglang sabi ni Chan.

"Excuse me," sabi ni Jung habang inisiksik sarili niya sa gitna namin. "Ran! Control your temper please," bumaling siya sa akin. "And as for you, Eun! You're a man so please… tone down!"

Napabusangot nalang siya saka ako sinamaan ng tingin.

"Fine..." mahina niyang sabi't tumalikod na.

Walang sino man ang umimik after at parang nagpapakiramdaman lang kami sa isa't-isa na siyang ikinailang ni Chan.

Titikman ko na sana 'yong ice cream ko nang biglang mag vibrate ang phone ko sa pouch. Agad ko 'tong kinuha at napaamang nalang nang mag pop sa screen ko ang pangalang sinisigaw ng aking buong pagkatao!

"Jerimy," I whispered through deep breaths, heart beating a few ticks faster.

Para akong nasemento sa kinauupuan ko habang nakatingin sa phone ko hanggang sa mag end ito at sundutin ako ni Jung sa braso.

"When are you planning to tell him?" He asked straightaway at wala akong nagawa kundi ang mapayuko.

"I need some fresh air. I'll meet you at the mansion," mahina kong sabi saka tumayo at lumabas.

Hindi ko man lang natikman ang ice cream ko. Saka nalang.

Agad kong sinuot mask ko at dire-diretso lang na naglakad papuntang exit at nagpara ng taxi para pumunta sa lugar kung saan kami madalas na namamalagi ni Jerimy nung andito pa siya at nang makarating ako dun, hindi ko maiwasang hindi manlumo.

I'm not alone and aware na aware akong malaking impact na naman ito sa grupo nina Jung since isa sa mga kinababaliwan ng mga babae ay 'yung baklang 'yun pero kasi social life lang nila 'yung magugulo, eh, sa akin 'yung personal life ko with Jerimy and the private life I've always wanted for the both of us.

Jerimy is my first boyfriend and the guy I wished to spend the rest of my life with. He is one of the biggest pieces that's been completing my whole world and I can't lose that piece or everything that I am will fall out of hand again.

The reason why I am back as being me is because of him: Nagtino ako because of him, I found myself again because of him, and my life became better because of him.

Now, tell me? Paano ko papakawalan ang taong nagbigay sa akin ng panibagong mundo?! 'Yong mundong malayang nakakalabas ang totoong ako.

Napaupo nalang ako sa wooden bench kaharap ng dagat at pakiramdam ko hindi na ako kayang buhatin ng sarili kong mga paa. Nanininsay ang buo kong katawan.

Napatakip nalang ako ng bibig sabay ng pagpatak ng mga luha ko.

I don't know what to do anymore!

Napakurap-kurap ako't agad na kinuha ang phone ko nang mag-vibrate ito. I felt lump formed in my throat when I saw Jerimy's name written on my screen again. Hands shaking, I slowly swiped right and tears started creeping down my cheeks when he called me through his sweet voice.

"My eieniiiiii!" I bit my lips, trying not to let out a sob.

Can you still call me your forever if I told you what I have done?!

"Eien? A-are you okay? Is there something wrong?"

Muli kong natakpan bibig ko't pilit na ikinalma ang sarili bago sumagot.

"A-ah, yeah! I'm fine, E-ein," I gasped through gritted teeth as I tried my best not to breakdown. "I just caught a cold yesterday and i-it became worse now."

"Aww, Eiennnnnn!! Have you taken medicine already? And wait! Did you skip meals again?"

Habang nagsasalita siya, punas lang ako ng punas sa mukha kong sobrang basa na ng luha.

"U-uy! Hindi ah," I denied. "I was just a bit busy so, so I take meals a b-bit late."

"Geez, Eien! You're still naughty as ever, that's why you always get sick. If I'm oooonly there with you," he sighed. "When I get back, I'll make it up with you, okay? Now, I want you to rest and your nose sounds so stuffed ahahaha. Please take care of yourself, Eien. I'll call again tomorrow, I'm still really busy and just sneaked out to call you. Aishiteruyoooo!"

And then he hung up. Ilang segundo pa ang lumipas bago ako nakapagsalita.

"Aishiteru," bulong ko nalang saka dahan-dahang ibinaba ang phone. "Hontotemo..."

I remained staring at the sea which was already stained by different shades of orange hue reflected by the flame drawn beyond the horizon which will soon be devoured by the abode of deities.

At sa hinaba-haba ng description ko, sunset lang naman ang tinutukoy ko and as colorful as this, I'm hoping that after all of this, Jerimy will also find it in his heart the forgiveness for what I did, not because that's what I deserve but to free himself from the chains of hatred and pain I will cause him.

I've been there and it made my heart darker as the realms of the devil and it's breaking my heart into pieces knowing I will be the one who'll make him feel the hell of a life I once had!

Do you want to end all this pain?

I gasped when I heard that voice!

That voice I've never heard for a very long time now kaya agad akong napatayo't ngali-ngaling naglakad papunta sa waiting shed para umuwi na sana nang tambangan ako ng pitong lalaking naka suot ng black suit.

"Shit! Of all times," gitla kong bulong sa sarili habang palapit sila ng palapit sa akin.

I know self defense pero laban sa pitong mga lalaki, ibang usapan na 'yon.

Lumingon-lingon ako sa paligid at nagbabakasakaling may pwede akong mahingan ng tulong pero dahil kumakagat na ang dilim, wala ng napapadpad dito. The owner of this place warned me once to leave before sunset kasi may mga adik daw talagang dumadaan dito at dahil nga mahilig akong pakyuhin ng tadhana, here I am now!

Pero kung tignan mo naman sila, mukha naman silang matitino. They look just around my age at mukhang mababait naman but the way they look at me says the opposite.

Nagsalubong mga kilay ko nang makita ko ang nakaburdang tatlong ahas na nakapulupot sa naka gothic font na letter G sa right part ng hooded jackets nila. These guys are from the Gorgon clan, one of our allies before.

Mukhang galing silang oval para mag jogging at naka pajama at runner shoes silang lahat. Nakasampay lang din sa balikat ng isang matangkad ang jacket niya.

Palapit sila ng palapit habang paatras naman ako ng paatras hanggang sa sumawsaw na mga paa ko sa tubig dagat kaya nagsimula na akong magpanic.

Wala na akong nagawa kundi ang harapin sila at umaktong hindi natatakot. Ilang dipa lang ang layo nila sa akin pero pakiramdam ko napapalibutan na nila ako't hindi na ako makahinga ng maayos!

"Stay back or—"

"Or?" Pagputol ng isa sa kanila. He then took a couple of steps towards me saka ngumisi. "I've been looking for you for ages and I'd only catch you here?"

"S-sino ka?!" I asked in a feisty way na siyang ikinaiba ng expresyon niya.

Nagtinginan lang din 'yong mga kasama niya at mukhang silang lahat nagulat.

"I think we got the wrong girl," rinig kong bulong ng isang maliit na nasa likuran.

Sumulyap lang 'yong nauna sa kanya saka mabilisan akong nilapitan kaya pakaripas akong napaatras at natumba patalikod.

"Shit my phone!" Hiyaw ko nalang nang sumawsaw pouch ko sa tubig.

"W-what the hell's wrong with you?!"

Parang gulat niyang sabi habang pilit akong tinutulungang makaahon. Pero dahil feeler ako, naiwan akong nakaamang at pouch ko lang pala 'yong sinalba niya at napakalma nalang dahil mukhang iyon lang ang pakay nito sa akin.

"Y-you can have my… my phone and all the money i-inside, so please let me go now."

Sabay silang napatingin sa akin ng nakangiwi.

"You think I'm a thief now?!" Bangas nung kumuha ng purse ko. "How could you hurt my feelings again, Z!"

"Z?" Gulat kong tanong.

"Well, duh! Stop acting dumb, I'm not stupid! You might look very—" huminto siya't tiningnan ako't napangiwi. "V-very haggard now, but you can't fool me! I know it's you and I also know you know it's me, V!"

Napabuntong-hininga nalang ako.

"L-look here, you little shit! I don't know who you are but—"

"Blah! Bablah!" Umirap siya saka binalingan ang mga kasama niya. "Help her out!"

Agad namang sumugod sa tubig 'yong iba saka ako tinulungang umahon at paupuin dun sa bench kanina. Nakapalibot pa talaga sila sa akin kaya pakiramdam ko, natutunaw na ako!

"I actually don't have any idea what happened to you," muling sabi nung nagpakilalang V saka inabot pabalik sa akin ang purse ko. Nasa harapan ko lang kasi siya. "It's just once upon a time, you disappeared."

Yumuko ako, "let me get this straight," saka siya tinignan. "You know me?"

"Will I approach you like that if I don't?"

"So you did that on purpose?!"

"W-well sort of!"

"And you called me Z..."

"Y-yes and..." sumama bigla tingin niya sa akin. "W-what's wrong with you?"

Napabuntong-hininga nalang ako, "are you friends with her or are you here to annihilate her?"

Mukhang nawala na siya sa ulirat sa sunod-sunod kong tanong at nanatili lang siyang nakanganga. Ganun din ang mga kasama niya.

"So you were saying you're not her?" Tanong ng isa sa kanila.

"No, what I'm trying to say is she's already go—"

Napasinghap nalang ako't nagulat sa sumunod na nangyari. Bigla-bigla nalang kasi akong sinugod nung V gamit ang isang dagger and as if on a cue, agad kong naibaliko ang kamay niya kaya nabitawan niya 'yong patalim.

"Woah!" Gulat kong bulong sa nagawa ko.

"Oh! So what my dad said was true," bulong din ni V. "You really are not Z to begin with."

Pakiramdam ko sumabog puso ko sa gulat nang biglang dumaan ang isa pang dagger sa mismong gilid ng pisngi ko't tumaob sa kahoy sa likuran.

"Get her out! NOW!" Sigaw niya't muli na naman sana akong atakihin nang higitin siya ng mga kasama niya.

"Stop it already, V! She's not Z! You might get her killed," sigaw nila pero pilit itong kumakawala.

"If she won't get out of that stupid body then she'll really gonna die right here, right now!"

Para akong naistatuwa sa kinatatayuan ko't kahit alam kong possible niya akong mapatay, hindi ko magawang maigalaw ang katawan ko hanggang sa hatakin ako ng kung sino man sa kanila pero imbes na tumakbo, maspinili ko ang tumayo lang sa harapan niya't matapang siyang hinarap.

"I believe I haven't got the chance to tell you t-that the Z you're talking about is long gone!"

Itinaas ko noo ko para ipakita sa kanya na hindi ako natatakot pero hindi man lang siya natinag sa ginawa ko at sa halip ay lumapit ito sa akin para makipagtagisan ng tingin.

"Whoever you are... your days are already counted," singhal niya sa mismong mukha ko. "I'm bringing Z back whatever it takes."

"WHY?! FOR WHAT REASON?!" Hindi ko na napigilang hindi mapasigaw. "I TOLD YOU SHE WON'T BE BACK! WHY CAN'T YOU UNDERSTAND THAT?"

"She still have to pay me a fortune!"

Napabuntong-hinga ako. "How much?!"

"I'm not talking about money, pabo! I have billions. I'm talking about this!"

Napataas ako ng kilay nang tinuro niya ang kanyang ilong. Napasampal nalang sa noo iba niyang mga kasama habang 'yong iba naman tumalikod na para bang nahihiya sila sa ginagawa nito.

"Z owe you a nose?" Sarkastiko kong tanong.

"No, pabo! I'm talking about this scar!" Sabi niya't muling tinuro ilong niya.

Naningkit mga mata habang pilit na hinahanap ang sinasabi niyang scar at napapaatras-abante eklabu na ako with matching back tumbling at bending pa 'yan pero wala parin akong makitang scar.

"'Wag mo akong inuuto, ah!" Duro ko sa kanya.

Sumama tingin niya sa akin at paniguradong hindi niya naintindihan sinabi ko. Gorgons usually came from South Korea and China.

"Z gave me this scar the last time we fought and it's bothering me everytime I look at myself in the mirror. Do you know how that feels?"

Matamlay akong kumurap-kurap habang walang ganang nakatingin sa kanya.

"Bakit 'di mo nalang ipina laser namoka!"

"What?!"

"Wala! Sabi ko, I am not Z! But..." tinalikuran ko sila't naglakad papunta sa kahoy kung saan tumaob 'yong dagger na ibinato niya kanina saka ito hinila't muli silang hinarap.

"Will you stop bothering me if I have a scar on my face, t-too?" Pautal-utal kong tanong na pinagsisihan ko rin agad at agad na tumango ang siraulo.

Napatikhim nalang ako sa ganda ng naisip kong paraan pero mukhang hindi talaga matatahimik ang isang 'to kapag 'di niya nakuha ang gusto niya.

I don't exactly know what happened between us before and what kind of person this idiot is but anyone can tell he's a spoiled brat!

Humugot ako ng napakalalim na hininga saka ko dahan-dahang ipinadaan ang hawak kong dagger sa sarili kong pisngi't napangiwi nalang nang maramdaman ko 'yong magkahalong sakit at hapdi.

I could feel the sharp blade cutting through my flesh!

Agad kong tong nabitawan at papikit-pikit siyang tinignan.

"Fair enough? C-can I go now?" Napatango-tango lang si V kaya naglakad na ako palagpas sa kanila.

Agad kong kinuha ang pouch ko sa kanila saka tumakbo papuntang shed kung saan agad akong nakapag-para ng taxi. Buti at nakadala ako ng panyo na siyang ginamit ko para takpan ang dumudugo kong pisngi.

Akala ko mag c-clot agad ito pero, hindi, eh, hanggang sa mapansin na ako ng driver.

"Ma'am? Ayos ka lang ba?! Ba't ka po duguan?! Teka lang po didiretso nalang tayo sa ospital!"

"N-Naku po! 'Wag na," agad kong sagot. "Hindi naman po 'to malalim, eh. Daplis lang."

"Namumutla na po kayo, ma'am."

Umiling ako, "okay lang po talag—"

Hindi ko natapos ang sinabi ko nang biglang umikot ang paningin ko't biglang umitim ang paligid!

"I told you I'd eventually find my way back!!"

Napasinghap ako't napamulat nang marinig ko ang boses na 'yon! I tried running my eyes everywhere pero wala akong makita. Everything's dark kaya nagsimula na akong magpanic adding the fact na hindi ko maigalaw ang katawan ko't wala akong maramdaman!

I-I've been here before!

"It's been a while, Hera!"

"Z!"