Chereads / Demon's Den / Chapter 2 - CHAPTER 0NE

Chapter 2 - CHAPTER 0NE

LEXI'S POV

 

 

KASALUKUYAN ako ngayong naglalakad sa gilid ng kalsada nang may biglang itim na SUV ang huminto. Lumabas mula rito ang isang di katandaang lalaki na nakasuot ng itim na black suit. Hindi ko masabi kung pinoy ba ito dahil napakatangos ng ilong niya at medyo asul ang mata. 

 ''You're Ms. Lexi San Diego?''tanong nito nang makalapit sa akin. Tumango ako bilang tugon. Nabigla ako nang may dalawang lalaki ang biglang humawak sa magkabilang balikat ko. Saan ba galing ang dalawang 'to? Paano…

 ''T--teka po, saan niyo ako dadalhin?'' kinakabahan kong tanong. 

''Bitawan niyo ako!'' Mabilis nila akong pinasok sa kotse at nilagyan ng piring sa mata.

 ''Teka…''

 ''May gusto lang kumausap sayo. Don't worry, we won't kill you.'' 

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o hindi. Pwede naman nila akong kausapin ng diritso, bakit kailangan pang idaan sa ganito. Maliban nalang kung-

 ''Kuya, fanboy ba kayo ng meteor garden?'' tanong ko.

 ''Me-meteor garden?''

 ''Parehong-pareho ng plot eh. Si Dao Mingsi ba 'yong kakausap sa akin? Tapas aalukin niya ako ng pera para maging jowa niya? Tapos tatangi ako. Ihahagis ko 'yong sandal sa kanya…teka dadalhin niyo ba ako sa bahay niya at bibihisan ng magandang damit? Lalagyan ng make-up-''

 ''Tape her mouth.''

 ''Huh? Te-teka-hmmmpp..''

 Gusto ko lang naman malaman kung si Dao Mingsi ba kakausap sa akin eh. Dahil kung oo, tataanggapin ko agad-agad ang pera niya. Kahit pa alukin niya ako ng kasal. Wala akong pakialam sa pagmamahal na 'yan, kailangan ko ng pera! Pero teka, saan ba talaga nila ako dadalhin?

 

Makalipas ang ilang oras, huminto na ang kotse. Tatanggalin ko na sana ang takip sa mata ko nang may pumigil sa kamay ko.

 ''Keep it covered, or you'll forever go blind.'' malamig nitong saad. Napalunok ako. Di naman mabiro 'to.

 Inalalayan nila ako pababa. Rinig kong bumukas ang pinto ng bahay. Ginaya nila ako papasok. Para akong madulas sa kinis ng sahig. Ilang beses ba nila 'tong nilagyan ng floorwax? 

Pinaupo nila ako sa sofa. Napalingon ako sa likod nang marinig ko ang lakas na tunog ng takong. Naramdaman ko na lang na may nagtanggal na sa piring ko. Hinimas-himas ko ang mata ko dahil medyo naging blurry ito.

Bumungad sa akin ang mukha ng isang babae. Hindi ko alam kung tao ba siya o isang anghel. Ang ganda niya. Ang liit at ang kinis ng mukha. Wala man lang pimples o blackheads. Kulay pula ang buhok niya na nababagay sa sobrang puti niyang kutis. Siya ba ang gustong kumausap sa akin? Nasaan si Dao Mingsi?

 

''You're looking for a job?'' tanong nito na ikinakunot ng noo ko.

Paano niya nalaman? Isa ba siya sa may-ari ng mga kompanyang ina-aplayan ko?

 

''100,000 monthly salary, free boarding, food, everything. Including your college tuition fee.''

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. 100,00? Free tuition? Seryoso ba to o isa 'tong scam? Pero ano namang makukuha nila sa akin? Listahan ng mga problema? Wala naman akong kahit na ano na pwede nilang mapakinabangan.

 

''Take it or leave it?''

 

Napayuko ako at napaisip. Chance ko na 'to. Hindi ko na kailangan pang padaloy-daloy sa daan at maghanap ng trabaho pero…

 

''A--ano po ba ang kailangan kong gawin?''

 

''Be my son's personal maid.''

 

 

HUMIGPIT ang hawak ko sa bag nang makita ko ang gate ng eskwelahang papasukan ko. Hindi ko alam kung eskwelahan ba 'to o sementeryo.

Puno ito ng bungo at may lapida sa gilid na may nakasulat na (Welcome to Graveyard) Mag-aaral ba talaga ako dito or dito nila ako ililibing?

 

''Ms. San Diego?'' Sinalubong ako ng isang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, siya 'yong lalaki kahapon.

''Mrs. Mashiro has been waiting for you.'' Nauna na siyang maglakad kaya sumunod ako sa kanya. Hindi ko maiwasang hindi mamangha nang makita ko ang loob ng university. Kung nakakatakot ito sa labas, kabaliktaran naman ang itsura nito sa nakikita ko ngayon. Ang ganda. Para akong nasa loob ng Hogwarts Academy. Halatang mayayaman lang ang kayang mag-aral dito. 

 

''Aray!'' daing ko nang may biglang bumangga sa akin. Parang matanggal ang balikat ko sa lakas.

 

''Ano ba! Hindi ka ba-'' napatigil ako ng makita ko ang isang mala-anghel na mukha sa harapan ko. Ang gwapo!

P--pero… bakit ganoon. Bakit parang bigla akong nakaramdam ng takot? Ang lamig ng mga titig niya. Ang mata niya, para itong mata ng isang patay. Walang man lang kahit anong emosyon.

 

Pero bakit parang pamilyar siya sa akin? Nakita ko na ba siya noon?

 

Yumuko nalang ako at patakbong sumunod sa lalaki. Lumingon ako sa likod pero 'agad ring napaiwas nang makita kong nakatitig pa rin siya sa akin. He's weird.

 

Binuksan ng lalaki ang isang itim na pintuan. Bumungad sa akin ang pokerface na mukha ni Maam Zheira. Pero kahit ganoon, ang ganda niya pa rin. Hindi halatang may anak na siya. Mas bata pa siyang tingnan kesa sa akin eh.

 

''Here's your class schedule.''

Inabot niya ito sa akin na 'agad ko namang tinanggap.

 

''After your class, dumiritso ka 'agad sa address na 'to,'' may maliit na papel siyang inabot sa akin.

''It's my son's house.''

Tiningnan ko ito. This is it. Wala ng atrasan 'to. Para sa pera.

 

''Alis na po ako.''

Nagbow ako sa harapan niya at akmang aalis na nang magsalita siya ulit.

 

''What I said yesterday, don't forget about it.''

 

(''If you're willing to take the job then you must remember one thing, don't let him taste your blood.'')

 

Nakaramdam ako ng kaba pero pinagwalang-bahala ko na lang. Wala naman siguro siyang ibig-sabihin doon.

 

 

Nakataas ang kilay na tiningnan ako ng instructor pagkapasok ko ng classroom.

 

''Transferee?''tanong nito. Tumango ako.

 

''Next time, don't be late. Introduce yourself.''

 

Pumunta ako sa harapan para magpakilala. Ang lawak ng ngiti sa labi ko pero ang mga tingin nila para akong pinapatay. Nakakatakot ba mukha ko?

 

''Hi! Good morning everyone! My name is Lexi San Diego. I'm 19 years old and I live in Barangay Anonang, purok tuwabong. You can call me Lex. Nice to meet you!''

 

Walang kahit sinong nagsalita. Lahat sila tahimik lang na nakatingin sa akin. Bumuntong-hininga ako. Nakakatakot nga yata ang itsura ko. 'Yong tindera lang yata sa palengke ang nakakagandahan sa akin.

 

''Okay Ms. San Diego. You can take your seat at the back.''

 

Naglakad ako papunta sa likod. Wala ng ibang vacant seat bukod sa tabi ng isang lalaki. Magpapaalam sana ako sa kanya pero naka-ub-ob siya sa mesa kaya umupo nalang ako.

 

''For transferees, I'm Lani Alvarez, your English instructor. Now, let's continue. Can someone tell me the definition of nouns?''

 

Marami ang nagtaas ng kamay. Sumandal ako sa upuan at matamlay na nakikinig sa kanila.

Magiging loner ba ako dito? Paano kung wala akong magiging kaibigan?

 

''Mr. Park, can you give me one example of noun?''

Tumingin lahat ng estudyante sa katabi ko. Ang mga babae, parang kilig na kilig. Ito yata si Mr. Park.

 

''Mr. Vaghn Eros Park!''

Gumalaw ang kamay nito at dahan-dahang umayos ng upo. Nanlaki ang mata ko nang lumingon siya sa akin.

 

Siya…siya 'yong-

 

''Tss.''

Tumayo siya at hinarap si Ms. Lani.

 

''Frog.'' malamig nitong sambit at sumulyap sa akin. A--ako ba 'yong tinutukoy niya? Wala naman akong natatandaang kasalanan sa kanya ah. Siya nga 'tong nakabangga sa akin kanina.

 

''Good. But let me remind you, Mr. Park. This is not a sleeping room. Pay attention to my class,''sita rito ni Ms. Lani.

 

Parang wala naman itong narinig at bumalik sa pagkaka-ub-ob. Walang-modo.

 

Alas-kwatro na ng hapon nang matapos ang klase. Sumakay ako ng taxi papunta sa address na binigay sa akin ni Maam Zheira. Excited na kinakabahan, ewan.

 

''Wow!'' bulyaw ko nang makita ang isang mahabang gate na kulay itim. Ito na ba 'yon? Bakit parang nasa harap ako ng bahay ni Dracula? Nagtataasan yata ang balahibo ko. Wala kahit isang bahay sa paligid maliban rito, ang tahimik.

 

 Pagkapasok ko, bumungad sa akin ang isang kalsada na may mga nagtataasang kahoy sa gilid. Daan ba 'to papuntang impyerno? Humigpit ang pagkakahawak ko sa dalang maleta. Palingon-lingon na binilisan ko ang paglalakad. Lumipas ang sampong minuto, natanaw ko na ang isang glass house. May malaking swimming pool ito sa harapan. Medyo nakahinga ako ng maluwag. Akala ko mapupuno na naman ito ng bungo.

 

Pumasok na ako sa loob. Dahil naka-off ang ilaw, nagflashlight pa ako saka ini-on ang switch. Hindi naman halatang mahilig sa black ang anak ni Maam Zheira eh nuh? Lahat ng kurtina ay kulay itim, pati ang sofa at kisami. May mga painting na nakasabit sa gilid pero kung hindi bungo ng tao, isa namang kabaong. Ang weird ng taste ng anak niya. Maliban sa tv at isang picture frame, wala na itong ibang gamit.

 

Pumunta ako sa taas. Meron itong dalawang kwarto. Sabi ni Maam Zheira sa kaliwa ang kwarto ko kaya pumasok ako rito. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang normal lang ang itsura nito. Kulay puti na kurtina, isang kama, cabinet at study table. 

 

Binuksan ko ang maleta at nagbihis ng pangbahay; isang short na hanggang tuhod at pink na t-shirt.

Dahil malapit na mag-6pm, iniwanan ko na muna ang mga gamit ko at nagtungo sa kusina. Tiningnan ko ang ref kung ano ang pwedeng lutuin. Mahilig yata sa karne ang anak niya dahil wala man lang akong nakitang iba bukod dito. Ni gulay o itlog, wala. 

Sinarado ko na ito nang mahagip ng mata ko ang isang puting box na parang cooler sa pinaka-ibaba ng ref. Kinuha ko ito at nilagay sa mesa. 

Ano ba laman nito, pagkain? Bubuksan ko sana ito pero nakakandado ang bawat dulo.

 

''Who are you?'' biglang tanong ng isang napakalamig na boses na nanggagaling sa likod. Dahan-dahan akong lumingon. Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ito.

 

Nanlilisik ang mata niyang nakatingin sa akin. Gusto kong magsalita pero parang may bumara sa lalamunan ko.

 

''What are you doing here?''

 

Anong ginagawa niya dito? Siya ba ang anak ni Maam Zheira? Bakit-

Nabalik ako sa katinuan nang may biglang nagbuhos sa akin ng tubig. Napahilamos ako sa mukha ko.

What the!

 

''Leave.'' 

Ang takot na naramdaman ko kanina ay biglang napalitan ng inis at galit. Nakakadalawa na 'tong lalaki na 'to sa akin huh.

Tinawag niya pa akong frog kanina, tapos ngayon.

 

''You must be her son. You're Vaghn, right? Kung nakikinig ka sa self-introduction ko kanina, alam mo na ang pangalan ko-''

 

''No. And I don't care. Now leave.''

 

''Leave. Leave. Leave! Pwede patapusin mo muna ako magsalita? My name is Lexi, and your mom hired me to be your personal maid. Kaya kahit anong leave ang sasabihin mo, hindi ako aalis. Sayang ang sweldo.'' pasigaw kong saad at nakapameywang na umiwas ng tingin. Kulang nalang sasabog na ang dibdib ko sa kaba. What the. Bakit ba nakakatakot tingnan ang lalaking 'to.

 

''That old witch.''

 

Pumunta ito sa taas. Maya-maya nakita ko na lang ang maleta ko at backpack na lumipad papunta sa harapan ko.

 

''Leave.'' Kailan ba siya matatapos sa leave na 'yan.

 

''Ayoko.''

 

"Leave or I'll throw your dead body out this house?'' seryoso nitong saad. Napalunok ako.

 

''Who told you, you can fire her?''

 

Biglang dumating si Maam Zheira. Hindi kagaya kanina, nakasuot siya ngayon ng black jeans at black tshirt na pinatungan ng leather jacket. Mas lalo siyang bumabata tingnan.

Ngumiti siya sa akin at tumingin kay Vaghn.

 

''Stop your childish act, Eros. I personally pick her as your maid. You can't fire her until I say so.''

 

Natatawa namang tumingin sa akin si Vaghn. Sinapian ba siya?

 

''You call her a maid? Look, get this frog out of my house. You know me, I can't-''

Napasapo ito sa mukha nang bigla itong sinuntok ni Maam Zheira. Hindi makapaniwalang napatakip ako sa bibig.

 

''She's a lady, not a frog.'' Dapat ba akong matuwa o ano, ang weird ng mag-inang 'to.

 

''This is for your own good. Maybe she can help you.''

 

Humarap sa akin si Maam Zheira at inabot ang isang paper bag.

 

''Kung may problema ka sa lalaking 'to, tawagan mo ako. Or just beat him. Hindi naman 'yan namamatay. Sige, ikaw ng bahala dito. I'll go ahead.''

 

May tao bang hindi namamatay? Maliban nalang kung halimaw ang anak niya.