Tinulak si Seth nang kanyang ina at sumigaw na "Anak takbo ako nang bahala dito iligtas mo ang sarili mo!" saad ni Marilyn.
Hindi na papayag muli si Marilyn na masaktan ang kanyang anak dahil sobrang mag aalala siya dito pag nagkataon pinigilan nya ang mga lalaking lumapit kay Seth
Agad na pinalibutan si Marilyn ng mga tauhan ni Nolan at
1
2
3
4
5
6
7 saksak ang natamo ng katawan ni Marilyn nag flash back lahat kay Marilyn ang mga masasayang ala ala ng kanyang anak mula nung bata pa ito hanggang sa lumaki, sobrang bait ng kanyang anak na ni minsan hindi niya sinuway ang utos nito.
Tuwing uuwi siya ay nakapag luto na ng pagkain ang kanyang anak kahit sa murang edad nito napaka responsableng bata ni Seth. At napaisip nalang siya na totoo nga ang kasabihan
Handang isakripisyo ng ina ang lahat mapaayos lang ang kinabukasan ng anak kahit na ang kapalit pa nito ay mismong buhay nya.
Natumba si Marilyn at punong puno ng dugo ang kanyang katawan
"Inaaaay!" tumakbo si Seth papunta sa ina na duguan sa kamay ng walang awang mga tauhan ni Nolan.
"We are equal now Seth! This is the consequence for offending me! Men, Let's go!" at agad na umalis ang mga ito.
"A-Anak p-patawarin m-mo a-ako, Ma-Mahal na mahal kita" saad ng ina habang nag hahabol ng hininga at tuluyan na nga itong binawian ng buhay sa huling salitang binitawan nya
"Inaaaay! Inaay wag mo ako iiwan!! May mga plano pa tayo diba? Ipapasyal pa kita sa park na punong puno ng bulaklak diba? Ma nangako ako sayo! Ma wag moko iwan, paano na ako?" ngunit walang responde ang ina. Wala na itong buhay
Nagflash back sakanya ang mga ala ala ng ina yung mga araw na masaya sila, walang iniintinding problema.
Lahat ginawa sakanya ng kanyang ina makapag aral lang siya kahit pagod na pagod na ito ay ni minsan hindi ito pinakitaan ng pagod at hinding hindi ito sumuko.
Ni hindi nya man lang naiparamdam sa kanyang ina na mahal na mahal nya ito at hindi man lang niya nasabi ang mga katagang yun kahit man lang sa huling hininga nya.
Ang dami nyang pinag sisihan. Totoo nga ang kasabihan, dapat pinaramdam na lahat, sinabi nya lahat ang mga katagang yun bago pa mahuli ang lahat.
At ngayon, wala nang paraan para masabi pa ito sa kanyang ina. Wala siyang ibang nagawa kundi
"WAAAAAAAHHHHHHHHKKKK!!!"
--------
"Utoy, kailangan mong magsalita para matulungan kami sa aming imbestigasyon para makamit mo at nang iyong ina ang hustisya."
"Kabaro, hindi parin nagsasalita?" umiling ang imbestigador at tinuon ang atensyon kay Seth
"Utoy, sige bibigyan pa kita ng oras para makapag isip isip. Alam kong masakit ang nangyari sa iyong ina. Para makamit ang hustisya kailangan ng iyong kooperasyon." lumingon sa kabaro at inaya itong umalis.
-----
Malalim ang kanyang iniisip dahil sa sinapit ng kanyang ina. Napag desisyunan nyang gumanti sa mga taong gumawa ng karumal dumal na krimen sa kanyang ina.
Tumayo ito at wala ni isang pulis o imbestigador ang nakapansin sa pag alis nya.
Umuwi ito at napagdesisyunang umalis sa kasalukuyang tinitirahan para lumipat sa ibang lugar para pasimulan ang kanyang plano.
Balak nyang tapusin ang kanyang huling taon sa kolehiyo at habang naghahalungkat ng mga gamit ay
biglang may nalaglag na box sa damitan ng kanyang ina.
Binuksan nya ito at nakita nya ang mga larawan ng kanyang ina at ang pumukaw sa kanyang atensyon ay ang kwintas na white gold na may Letter S at sa bandang pinaka taas ay may naka ukit na number 1.
Sinuot nya ito at umalis ng bahay dala ang mga gamit na kekelanganin nya.
-----
Siya ay nakapag tapos ng pagaaral sa kurson Business management at kasalukuyang nag aantay na tawagin ang kanyang pangalan sa graduatiob ceremony
"Our valedictorian is Seth Stevens, Congratulations!"
Nagpalakpakan ang mga tao at nagbigay na nga ito ng mensahe tungkol sa kanilang mga magulang na walang tigil sa trabaho masuportahan lang sila sa mga gusto nilang matamo sa buhay.
At kapag naabot nila ang tagumpay ay wag na wag nilang kakalimutan ang kanilang mga magulang. Lalo na ang kanilang ina.
Marami ang napaluha sa mensahe na ibinigay ni Seth at ang iba ay napayakap pa sakanya
----
Matapos ang graduation ay hindi na nga siya nag sayang pa ng oras dahil may pinangako siya sa sarili nya na kailangan nyang gawin at ito ay ang naghiganti.
Nag apply na nga siya ng trabaho sa isa sa mga tanyag na kumpanya sa Mainland City. Ang Serenity Corporation pero mas malaki parin ang Hayes Corporation kumpara rito.
'You are valedictorian right?"interviewer asked Seth
"Yes Ma'am" ngting saad nito. Naging maayos ang kanilang paguusap bawat tanong ng interviewer ay may sagot si Seth na impress ang interviewer subalit...
"Mr Stevens By any chance, do you know someone who's working in the company?" ngiting tanong ng interviewer kay Seth
"None Ma'am" Nagtatakang sagot ni Seth sa interviewer
"Okay that's fine, please keep. your lines open as we will contact you for the results later. That concludes everything do you have any questions for me?" interviewer asked
"none ma'am" they stood up nakipag kamay si Seth at umalis na ng company.
"What a waste! Matalinong bata pa naman kaso walang kilala sa loob. Fit pa naman ang position as manager kaso mukang mapupunta ito sa anak ng Wilson family dahil may kapit sa taas
-----
Kinabukasan nakareceive si Seth nang text galing sa kumpanyang inapplyan nya sa kasamaang palad hindi siya natanggap
sinubukan nya ulit mag apply sa ibang kumpanya subalit siya'y nabigo. Pero hindi ibig sabihin ay susuko na siya.
Hindi nawawala ang ideang iyon sakanya. Hangga't nabubuhay si Nolan ay patuloy syang mag papakahirap matuloy lang ang inaasam nyang paghihiganti