Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

What's Your Destiny? [FILIPINO]

🇵🇭KuyaEDsherke3
--
chs / week
--
NOT RATINGS
1.2k
Views
Synopsis
Ishana Iraya, an ordinary senior high school student, has been receiving various messages on her phone through her social media accounts. At first, she didn't pay much attention to what it was saying, but as days went by, the messages became increasingly creepy. It seemed to somehow predict what would happen next. Whether for the worse or for the better, Whether for love or for hate, Can destiny be changed? One thing is certain, we are destined. I am destined. You, what's your destiny? Language used: Taglish This is love story
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1: Ishana Iraya?

Kuntento na ako sa buhay ko. Masaya na ring nasa simpleng pamumuhay ang buhay ko. Simpleng kapaligiran, simpleng eskwelahan, at simpleng tao.

Nakatira ako sa probinsya ng Bicol. Dito sa Camarines Sur. Well you know, hindi ibig-sabihin na nakatira ako sa Bicol ay maalam na rin akong magsalita ng lenguwaheng Bicol.

Tanging mga magulang ko na lang ang maalam sa aming pamilya at nakakaintindi ng language na 'yon. Filipino talaga ang salitang ginagamit ko.

I am in my room, sa kuwarto ko. Kagigising ko lang. I was in shocked when I saw the time on the clock earlier that was been glued at the wall. But that shocked was last just a seconds. It shows 7 in the morning.

7:30 ang time ng klase namin. Kahit na bilisan ko pa ang pag-almusal, pagligo, pagsipilyo, pagbihis at pag-gayak ng mga gamit ko ay male-late pa rin ako. Maliban na lang kung sasakay ako. Pero masyado akong masipag para lakarin lang.

Malayo-layo rin kasi ang bahay namin kung saan ako nag-aaral. Aabutin ng 45 minutes kung lalakarin and kung sasakay naman sa tricycle, aabutin ng 15 minutes.

Nag-iipon ako for college ko kaya tipid-tipid muna. At isa pa, maganda kaya sa kalusugan ang paglalakad, exercise na rin 'to. Mukhang nagmumukhang ginagaslight ko lang ang sarili ko ah.

But anyway, I will take this easy. Hindi muna ako masstress at magpapanic for todays video. I will take every situation calm. Currently ginagawa ang itinuro sa akin ng bestfriend kong si Leah kung paano n'ya ihandle ang kaniyang araw. Super astig n'ya. Kung hindi ko lang kilala ang bestfriend kong 'yon, siguradong yuyuko ako sa t'wing magtatama ang aming mga mata. Nakaka-intimidate.

I'm chilling. Currently nakahiga pa rin sa kama kong malambot while feeling the chilling wind coming in my room through open window.

Huminga ako ng malalim. Pagkatapos ay umalis ako sa pagkakahiga at umupo sa aking study table.

Nakakalat ang mga notebook, libro at papel ko roon. Nakakabuwisit kasi kahapon. Akalain mo, lahat ng subjects may assingment! How cruel my teachers is! Hindi tuloy ako nakatulog nang ayos! and—  Oops... nalimutan kong calm nga pala ako ngayon hehehe.

I inhale and exhale multiple times to make my self in cool mode again.

Hays... mas mahirap pala gawin 'to kaysa sa inaakala ko.

How can she remain so calm?

I fixed my study table and put all the necessary things inside my bag without thinking anything that will ruin my mood. Matagal-tagal ko rin inayos ang bag ko, hindi kasi ako ganoon kagaling maglinis. Lagi nga akong pinagagalitan ni mama sa tuwing napupunta s'ya rito sa kuwarto ko. Well, kahit sino naman sigurong nanay kapag nakita nilang makalat ang anak nila ay pagagalitan. 

Hindi naman sa tamad ako o bastos sa pamamahay, nawawalan na lang ako ng time sa pag-aayos because of schoolworks. Doon na kasi halos nauubos ang oras ko buong araw.

Well dahil naisip ko na rin ang tungkol sa paglinis, siguro ay simulan ko na ring linisan muna ang kuwarto ko. Isang linggo na rin kasing hindi ko man lang nawawalisan. Kawawa naman baka magtampo.

Sampung minuto ko ring nilinisan lahat ng sulok nito. Pati na rin ang maaalikabok na gamit rito.

I was about to go out and have some breakfast when my phone suddenly notif.

I guess isa nanamang mention sa comment na "paki-heart po ng profile," Siguro 'yan talaga ang purpose ng Facebook ko. Ang maging reactor.

Dala na rin ng curiosity ko, lumapit ako sa malambot kong higaan kung saan nandon malapit sa unan ang phone ko. Nagbabakasakaling hindi isang mention kun'di isang friend request coming from a handsome guy. Manifesting!

I quickly get my phone with a amazing thoughts in my mind. Kulang na lang siguro mag-heart na ang mga mata ko sa kaka-daydream ko.

Pagkaclick ko ng facebook na icon ay tumambad sa akin ang isang... Notif syempre. Ano pa ba iniimagine ko?

"Paki-like po ng post, salamat," Like? I like mo mukha mo! Sa halip na like nireact ko, angry react ang binigay ko.

You deserve that for ruining my dreams.

I am frustrated. Gusto kong sumigaw... Grrr. Sobrang hirap talagang maging chill. Naku. Hindi ako tatagal ng isang oras kapag pinagpatuloy ko pa 'to. Ang hirap maging calm. It is so much easy to panic.

I throw my phone at my bed with audacious manner.

"My God!" I said to myself.

Nahulog ang phone ko sa sahig! Basag na basag na nga ang phone ko, Di-tape na nga yon madagdagan pa! Ayaw ko na! Ayaw ko nang mag-kunwaring  cool!

I immediately get my phone. Lahat ko chineck ang parte ng phone ko. I am relieved when I found out na sampung guhit pa rin ang meron sa screen ko.

I was holding my phone when suddenly it turn on. Nag notif sa akin ang isang friend request.

Ito na ba 'yon? Ang man of my dreams?

Heto nanaman ako. Dito talaga ako magaling eh. Sa pag-iilussion.

Inopen ko muli ang facebook ko sa pangalawang pagkakataon pero ngayon, wala ng halong imagination.

Sawang-sawa na ako. Ibang-iba talaga lagi ang expectation sa reality.

Ishana Araya? Ako 'to ah. Name ko 'to.  How can I Add friend myself?

It's definitely not me. Kasi hello, iisa lang ako, kaya imposibleng ako 'yan. Ano ba 'tong pinag-iisip ko, baka kapangalan ko lang. Or baka naman... may stalker ako?

Wala itong profile, pinindot ko banda sa may profile para tingnan ang kaniyang background information at ang kaniyang mga post. But, it turns out na naka-private ang account nito. Looks like isa nanamang loko-loko ang na-encounter ko ngayon.

Inalis ko na sa facebook ang cellphone without clicking confirm on that friend request. How can I accept someone who I don't know? Baka scam pa 'yan o budol-budol gang. Mapahamak pa ako kung sakali.

I went to messenger, nagbabakasaling mag-chat sa'kin ang matagal ko ng crushiecake. Super cute at pogi n'ya!

Pagkatingin ko, again, reality slap me again.

Ano pa ba ineexpect ko? Parang wala na talagang buhay ang messenger ko.  Tanging group chat lang ng section namin ang buhay. Lahat ay patay na siguro. Joke lang, baka magkatotoo.

Total wala na rin mang gamit 'tong messenger, it's look like it's time for me to rest for a while in social media. Kesa naman sa naghihintay ako ng message ng someone na hindi naman mangyayari, diba?

As I tap my profile in the left corner of messenger, napansin ko na may nakasulat na "1" sa may gilid ng message request... Uwah! Himala may message request, kanino naman kaya galing 'to?

Without thinking, I tap the message request and that name again earlier is what I just saw. "Ishana Iraya," I tap it and what it says make me confused.

Ishana Iraya

to me,

7:30 a.m

" I am you and you are me. I am your future you. 5 times older than you are now,"

Ha? What? Baliw ba 'to?," bulong ko sa aking sarili na sa una ay may pagtataka. Napatawa na lang ako nang malakas nang maproseso ko sa aking isip ang sinabi nito.

"Seryoso? From the future talaga? Naimbento na ba ang time machine?" Muli ay napatawa ako nang malakas. HAHAHA GAGO.

Ibababa ko na sana ang aking cellphone nang makita kong nag-message s'ya ulit.

Ishana Iraya

to me,

7:31 a.m

A call from your friend Leah Martinez will ring on your phone one minute from now. Magtatanong s'ya kung papasok ka ba o malelate lang? Dahil sa oras na ito, nag checheck na ng attendance si Mr. Guzman.

Don't tell me isa itong fortune teller?

Uso pa ba 'yan? For sure kaklase ko 'to. Sa oras na mahuli ko lang talaga kung sino ang nang-gogood trip sa akin ay mapapatay ko talaga.

You

Kung sino ka mang gago ka, 'wag ako ang guluhin mo. Huwag akong iprank mo. Wala na akong oras sa mga kalokohang ganyan. I have something important to do at hindi ka isa 'don.

Slay! Haba ng hair ko sa part na 'yon ah. Ang taray.

But anyway, kailangan ko nang mag-madaling maligo at bumihis ng uniporme. Wala na akong time pa para mag-almusal. Masyado na akong huli sa klase.

Ibinaba ko na ang phone ko sa higaan, pagkatapos ay tumungo na ako palabas pero napatigil na naman ako sa may pintuan nang marinig ang pag-ring ng phone ko. Ano ba 'yan! Kelan ba ako makaalis sa kuwarto na 'to?! Kanina pa ako kating-kati maligo!

Padabog akong muling lumapit sa kama at kinuha ang phone ko.

"Hello!" Pagalit kong sabi.

"Oh galit ka nanaman. Hindi mo ba sinunod ang sinabi kong maging chill?" A girl in a phone said. She is my bestfriend Leah.

"Papasok ka ba o malelate lang? I just want to tell you that Mr. Guzman is checking the attendance. Will I say absent, late or excuse?" Leah said with a worried voice.

Ibinaba ko ang phone ko. Hindi na ako nagsalita pa. I was in a deep confusion. Natigilan ako sandali nang maalala ko ang chat kanina ng weirdong nag message sa akin. Sinimulan akong kabahan. Kaparehong-kapareho nito ang sinabi ng bestfriend ko.

Pero... imposible. Siguradong nagkataon lang ang lahat. There's no way na galing s'ya sa future. Lokohin n'ya na ang lahat 'wag lang ako. Sinuwerte lang s'ya sa paghula kanina.

Ishana Iraya

to me,

7:34 a.m

Tama ba ako? Syempre tama ako. Ako ang future mo kaya napagdaanan ko na 'yan. Listen, I have something to tell you. You need to do what will I say. Or else... you will end up like this. Magiging ako na talaga ang future mo. Ang destiny mo. I want you to change that, Ayaw kong maranasan mo ang nararanasan ko ngayon. I want you to be at a better place. Because I know, you deserve better.

I can feel a hint of sad emotion in her chat. Kahit na wala itong boses dahil text lang naman, I can feel na sincere na sincere talaga s'ya sa mga sinasabi n'ya. Parang may pinaghahanguan talaga lahat ang sinabi n'ya.

Kahit na mahirap paniwalaan, kung totoo man ang sinasabi n'ya o hindi... no matter what,  I wouldn't trust her. Because I am in present... and present is a gift, full of surprises. At magtitiwala ako sa mga surprises na 'yon, whether it is good or bad, or for joy or sorrow. 

Present ko ang magdedesisyon sa magiging ako sa hinaharap at hindi ang hinaharap ko ang magdedecide kung ano ang gagawin ko sa kasalukuyan. PERIOD.