Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Hanggang sa nakilala kita.

Carmille
--
chs / week
--
NOT RATINGS
1.5k
Views
Synopsis
"Huli Na Ba Talaga Ako?" ay sumusunod sa masalimuot na paglalakbay ni Frans, isang lalaki na, matapos ang walong taon ng katahimikan, nagpasya na aminin ang malalim na lihim sa kanyang matagal ng minamahal, si Christina. Habang kanyang ibinubukas na ang katotohanan, siya'y sinalubong ng mga tanong na hindi maipaliwanag ni Christina at isang bugso ng damdamin. Si Frans, sa pag-unawa ng kahalagahan ng kanyang naiibang pag-amin, ay dumadaing ng tawad, nagpapakita ng panghihinayang para sa nawalang panahon. Si Christina, nahihirapang pumili sa pagitan ng galit at ng pag-ibig na kanyang naramdaman noon, ay nag-aalitang makiayon sa kanyang pag-amin. Ang kuwento ay umuunlad sa isang serye ng mga pagtatagpo, pagsusumamo, at nakakapagluluksang mga sandali habang sinusubukan ni Frans na harapin ang mga kahihinatnan ng kanyang mga aksyon. Sa kabila ng sakit dulot ng huli ni Frans na pag-amin, si Christina ay nananatiling bukas sa pakikinig sa kanyang salaysay, nagbibigay ng isang malabong pag-asa para sa pagbabalik-loob. Ang kuwento ay nagkakaroon ng di-inaasahang takbo nang pumasok sa eksena ang kasalukuyang asawa ni Christina, na nagdadagdag ng karagdagang kumplikasyon sa emosyonal na alon. Si Frans, na naiintindihan ang bigat ng sitwasyon, ay desperadong sumusubok na iligtas ang natirang bahagi ng kanilang nakaraan habang nagtatanong kung talagang huli na ba para sa kanya ang pag-angkin sa kanyang minamahal.

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - New Beginning

"Thank you for coming, Mr. Gomez." Dad greeted.

 

Kakatapos lang ng business meeting. Even I'm just 14 years old palagi akong dinadala ni daddy sa mga business meetings niya.

 

"Francisco, come on! Ang tagal mo naman, male-late na tayo." tawag ni Daddy.

 

"Coming." sagot ko.

 

"Ayusin mo 'ko Frans, wag mo 'kong ipahiya sa kanila." sabi ni Dad.

 

'Di ko talaga gusto yung pagbe-business man pero pinipilit talaga ako ni Daddy.

 

"Dad, gusto kong lumipat sa Public School." sinabi ko habang papunta kami sa hotel kung saan sila magme-meeting.

 

"Anong nakain mo, ba't ka lilipat sa public school?" tanong niya. Ang panget sa public school puro spoiled brat.

 

"Gusto kong maranasan ang nasa public, Dad."

 

Dad sighed. Masaya ako dahil alam kong papayag siya. "Pagkatapos mong mag grade 9, pwede kanang lumipat ng school kung saan mo gusto,"

 

Nakalipat na nga ako, kaso ngalang naka-bantay sarado ako ni Daddy. Kahit saan ako pupunta, may body guard talaga, nakaka-irita.

 

It was my first day. Naninibago talaga ako sa ambience, ang i-ingay kahit ang aga-aga pa. Tumutingin yung mga estudyante sakin, nakatutok, dahil nga may body guard. HAHA

 

"Hintayin niyo nalang po ako sa may GYM, kuya." sabi ko sa body guard ko. Hindi din pwedeng hanggang sa room nandun siya.

 

Naka-upo lang ako habang naghihintay sa adviser namin.

 

"Transferee siguro to pre. Yayamanin ang porma."

 

Mga narinig ko sa likuran. Unti-unting dumadami yung mga estudyante sa room. At maya-maya dumating na si maam.

 

"Good morning students. Before we start let me introduce myself."

"I'm Mrs. Manuel, and I want you to introduce yourself here in front." sabi ni maam, Tinuro nya ako so it means ako yung u-una.

 

"Good morning, I'm Francisco Santos. Transferee ako, and I hope we'll get along." bumalik agad ako sa aking upuan pagkatapos kong mag introduce.

 

Pinagpatuloy nila yung pagi-introduce hanggang sa babae na sobrang attractive. Ang ganda ng kutis niya, mahin-hin. She's so pretty.

 

"Hi I'm Christina Fajardo." bumalik agad siya sa kanyang upo-an pagkatapos niyang mag introduce. Grabe ang ganda ng boses niya.

 

Tinititigan ko talaga si Christina hanggang matapos ang klase. May lumapit sakin dalawang lalaki, "Francisco? Francisco right?" tanong nila.

 

I nodded. "Ah, Carl pala pre." sabi niya. Sumabay ako sa kanila palabas ng school at sinusundan padin ako ng body guard ko.

 

Narinig ko sa kanila na pinag-uusapan nila si Christina. "Wala talagang tutumbas sa kariktan niya. Ang ganda talaga nung Christina yung pangalan, pre. Antayin mo, liligawan ko yan."

 

"Ang ganda nga ni Christina." sabi ko.

 

"Ikaw Francisco ha, secret admirer ka pala niya." HAHAHA. Tama nga sila, ang hirap pakisamahan yung mga nasa public school. Minuto palang kaming nagkakilala, hindi ko

na-feel na iba ako sa kanila.

 

"Maganda naman talaga siya." sinabi ko ulit. Nagtataka ako ba't hindi sila nagsasalita kaya tinignan ko sila, para silang nakakita ng multo.

 

"Uy pre?, Anong nangyari sa inyo? Para kayong nakakita ng multo. Tinignan ko yung tinititigan nila, hanggang sa...

 

Nasa tabi na pala namin si Christina. Namumula ang kanyang mga pisngi, grabe ang ganda niya. Hindi ako nakapagsalita, yumuko nalang siya at parang nahiya ata.

 

"Christina, may gusto daw si Francisco sayo." sabi ni Carl.

 

"Ayy talaga ba? Bagay naman kayo besh." sabi ng kanyang kaibigang babae.

 

"Hi Christina," inunahan ko na.

 

She just smiled at me.

 

Aray, rejected agad.