Chereads / Lakbay Tungo Sa Pag-asa: Bagong Yugto, Bagong Mukha / Chapter 2 - Kabanata 1: Ang Pagbabalik-Tanaw sa Kanilang Buhay

Chapter 2 - Kabanata 1: Ang Pagbabalik-Tanaw sa Kanilang Buhay

Walong taon na ang nakakaraan magmula't nagsimula ang buhay ng apat na magkakaibigan na dati'y magulo ang kanilang buhay. Mahigpit ang buhay nila dahil sa mga pagsubok na kanilang pinagdadaanan na dati rati'y hindi gaanong nagiging maganda dahilan sa matinding pagsubok bila sa buhay.

Ngayon, matapos ang walong taon: Kumusta na kaya sila at paano nila pinagdaanan ang walong taon na paghihirap buhat ng matapos nilang mapagtagumpayan ang kanilang pakikipagsapalaran sa buhay matapos nilang magkaroon ng pagkakataong manalo sa isang patimpalak maliban kay Jhayiannah Monique del Fierro?

Pero, bago natin muling tunghayan ang kanilang buhay: May kanya-kanyang karanasan ang bawat isa sa kanila. Sila na ang bahalang magkwento sa inyo ukol sa kanilang buhay buhat ng walong taon na ang nakakalipas.

SHADIJAH REYES

 Namiss mo ba ako? Walong taon na ang nakakalipas buhat ng magkaroon tayo ng pakikipagsapalaran sa buhay nati't sobrang mahirap pinagdadaanan ko, lalo na nung panahon na nagsimula ako sa kwento ng may-akda na ito.

 Ngayon, sa mga di pa nakakaalam kung sino ako, ipapakilala ko muli ang sarili sa inyo kung sino ako.

 Walong taon na ang nakakaraan nang malaman ko na talagang sa hirap ng buhay ay kailangan kong makahanap ng isang akademya na makakaahon sa buhay at yun ay ang LTSP Academy o ang Lakbay Tungo sa Pag-asa Academy. Sa sobrang pangangailangan sa buhay ay kailangan kong iwanan ang aking mga magulang upang maging independent ako sa aking buhay.

 "Ma, kaya ko na ito. Ako na ang bahala dito. Sa dami ng pwede kong pagdaanan dito at maenjoy sa buhay kong ito, magiging maayos ang buhay ko dito," pagpapaliwanag ko sa kanya noon walong taon na ang nakakalipas.

 Buhat noon, ilang pagsubok ang aking pinagdaraanan lalo na ang panahong sumali kami sa isang patimpalak na tinatawag na Miss Eco-warrior kung saan nagtuos kami ni Jhayiannah Monique Del Fierro na syang magpapakilala pagkatapos ko.

 Walong taon na ang nakakaraan buhat nang magkaaway kami ng una matapos na manalo kami nila Denica Antolines at Jenilyn Villa Cuesta sa Eco-warrior Recycling Competition. Isa sa naging dagok sa aming buhay ay ang pagkakadawit ng pangalan ni Jhayiannah sa away namin nang hatakin ako matapos kong makuha ang gold medal dahil sa kainggitan nya sa pagkapanalo ko.

 Nang mga panahong iyon, hindi kami nagkaunawaan nila Jhayiannah at nang biglaang tangkaing hatakin ako ng mga kaibigan:

 "Ah, ganon ha? Talagang pinagtatanggol ninyo mga kaibigan n'yo. Ba't kayo sumusunod sa akin, ha? Bakit?! Mga stalker ba kayo, Jen at Denica? Lumayas kayo sa paningin ko, layas! Pati na kayo, Cath at Pat. Huwag na huwag ninyong ihaharap ang mukha--," ang malatinis na galit ni Jhayiannah pero hinarangan siya ng kanyang ex na si Owen ng mga panahon na iyon.

 "Jhayiannah!" tawag ko sa kanya.

 "Uy, Shadijah, girl! Kumusta ka na? Walong taon na nagdaan na tayo'y hindi nagkakita. Ano nang balita sa iyo? Balita ko, may bago ka nang pinagkakaabalahan," ang mabait na ngayong Jhayiannah na bungad na bati sa akin.

 "Naku, bago yan natin pagusapan, naalala mo ba yung naging away natin walong taon na ang nakakaraan?" ang tanong ko sa kanya.

JHAYIANNAH MONIQUE DEL FIERRO

 Tama nga ang hinala ko kay Shadijah, inungkat nya pagiging magagalitin ko walong taon na ang nakakalipas. Walong taon na yun, akalain mo?

 Oo nga pala, siya nga pala, ako nga pala ang kontrabidang bidang-bida walong taon na ang nakakaraan. Ako nga pala si Jhayiannah Monique Del Fierro na natalo noong Eco-warrior Competition na kung saan hindi ako nakapasok sa Top 50 matapos na matawag ang tatlong magkakabarkada noong panahon na yun.

  "Puwede ba?! Huwag na huwag mong palalayasin at tangkang patayin ang mga kaibigan ni Shadijah. Kaya siguro, galit ka sa kanila dahil naiinggit kang 'di ka nakasama sa Final 50 ng kumpetisyon," ang pahamak na sabi sa akin ng aking boyfriend na ngayo'y ex ko nang si Owen.

 Pahamak na Owen na yun, pinaalala pa sa akin yung pagkatalo ko kaya nagalit ako sa magkakabarkadang iyon.

 "OO nga, pahamak na ex ko na yun na si Owen. Hindi ko makakaila na talagang sobrang naging masalimuot ang nangyare sa akin ng mga panahong iyon. Kaya siguro, gusto ko nang magpatawad kaagad noon na syang ginawa ko naman na kaagad. Naantig naman kaagad ang puso mo nung humingi ako ng tawad sa iyo," ang aking pagkamahiyaing sabi ko, sabay tumulo luha noon.

 "Haizt, ayan ka na naman sa iyak mo. Past is past! Move forward na tayo! Malapit nang dumating yung aking dalawa pang matalik na kaibigan na sina Denica at Jenilyn," ang mapanindigang nakakaantig na pananalita ni Shadijah. Kahit kailan talaga si Shadijah, napakabait na malapit na kaibigan ko na ito. Kung hindi lang sa SORRY ko walong taon na nakakalipas, tiyak, baka di na ako pansinin nito.

DENICA ANTOLINES

 Trapik na naman! Papaano ako makakarating nito ng mas maaga? Sa bagay, maaga naman akong umalis.

 Uyy, teka lang! Namiss nyo ba ako? Walong taon na ang nakakalipas, SHEESH! Grabeng ilang taon na nawala ako sa ere, namiss nyo na ako kaagad? Buti na lang at binuhay ulit karakter namin. Ako nga pala ang isa sa matalik na kaibigan ni Shadijah na si Denica. Salamat at hindi nyo kami nakaligtaan kahit may mga bagong buhay na kami kumpara sa buhay naming walong taon na nakakalipas.

JENILYN VILLA CUESTA

 TEKA, nasaan na ba itong Denica na ito? Makakausad na sana ako kung sasabihin nya kung nasaan na sya.

 Aba'y nandyan pala kayo. Walong taon na pala nakakaraan ha? Ako nga pala ang isa rin sa close friends ni Shadijah at ngayon na si Jhayiannah dahil sa pagiging malusog namin noon at ngayon. Ako si Jenilyn Villa Cuesta, ang isa sa dahilan kung bakit kami ang unang magkaibigan ni Shadijah at ni Denica. Lately ko lang naging kaibigan si Jhayiannah matapos maghilom ang kanyang sugat sa ginawa sa amin.

 Ilang taon na nga ang nakalipas nang buhat makilala ang apat na magkakaibigan na ito. Kahit nawala man sila nang matagal, nasa puso nila ang mga sumuporta sa kanila noon. Kaya, halina't simulan na natin ang munting pagtatagpo ng apat na magkakaibigan sa muling pagsisimula ng kanilang bagong yugto sa buhay bilang mga bagong mukha ng buhay tungo sa pag-asa.

Ang Pagsisimula ng Pagtatagpo ng Apat na Magkakaibigan

 Dalawampung minuto na nakakalipas buhat nang magkita na sila Shadijah at ngayo'y bagong matalik na kaibigan nya na si Jhayiannah. Mahaba-haba na naging kwentuhan nila habang hinihintay nila ang dalawa pang kaibigan nila na sina Jenilyn at Denica.

 "AYY grabe nga, Yannah! Ibang klase na rin ang pinagdaanan natin, diba? Grabe ang walong taon na nakakalipas na yan buhat ng magsimula buhay natin sa isang payak na paraan," ang madamdaming kasiyahang pagsabi ni Shadijah.

 "Oo nga, ibang klase nga, Sha! Matinde nga yung simpleng payak na pinagdadaanan natin. Teka, kumusta na kaya sina Denica at Jenilyn? Wala na akong balita sa kanila matapos na tayo'y dumaan sa isang kumpetisyon na kung saang nagsimulang magkatunggali, natapos sa pagiging matalik na kaibigan," ang payak na pagtataka ni Jhayiannah.

Samantala…

 "Aba'y maghahapon na, wala pa rin itong si Denica," ang nag-aalalang sabi ni Jenilyn. Nag-aalala na talaga at aligaga na itong si Jenilyn sa paghihintay kay Denica. Isa kase sa magkatalik na kaibigan sina Jenilyn at Denica na ilang taong din silang nagkaroon ng koneksyon sa isa't isa. Matagal na rin silang nawalay kanila Shadijah at Jhayiannah kaya naisipan nilang makipagtagpo muli sa kanila.

 Tatlong minuto na ang nakakaraan at nakarating na rin si Denica sa katatagpuan nila Jenilyn. Hindi malayo-layo ang kinaroroonan nila Denica at Jenilyn nang biglang…

 "Nasaan na ba si Jenilyn? Parang di ko pa sya nakikita ahh," ang maalalahaning sabi ni Denica.

 "DENICA!" biglaang sigaw ni Jenilyn, sabay lingon ni Denica sa malayuan. Patakbong pumunta itong si Denica papunta kay Jenilyn nang makita nya ito.