Chapter 68 - Chapter 68

"Ano ang bagay na 'yun Dylan?" tanong ni Mira. 

"Isang micro-robot na ginawa ni Kuya Sebastian, bukod sa pagiging businessman niya ay bihasa rin siya sa iba't-ibang klase ng technology. Ang isang yun ay isang maliit na parte lang ng mas malaking plano ni Kuya. Kumbaga, yun ang magiging susi niya dito sa loob para mapasok ang system ng Orion." Paliwanag ni Dylan at dumukot ito ng isang bagay sa kaniyang bulsa. Isa iyong napakaliit na pito na gawa sa parang buto ng kung anong hayop. Kakulay nito ang pangil ng isang elepante at kasingliit lang ito ng isang barbeque stick na may habang dalawang pulgada.

"Para saan naman yan?" Tanong ulit ni Mira habang maiging pinagmamasdan ang bagay na iyon.

"Pantawag sa ating mga kaibigan." Nakangising sagot ni Dylan bago nito hinipan ang bagay na iyon. Walang narinig na ingay si Mira ngunit nakita niya ang pagkalma ng mukha ni Dylan. Bigla din itong natulala na animo'y may kinakausap sa kaniyang isipan. Nang mapagtanto niya ito ay aga naman niyang naalala ang taong nakausap niya rito sa loob.

"Nandito na kami sa loob," wika niya sa kaniyang isip. Ilang segundo niyang pinakiramdaman ang katahimikan bago niya narinig ang pagkonekta niya sa taong iyon.

"Dito, sa loob? Bakit kayo nandito? Sino ang kasama mo?" Sunud-sunod na tanong nito. Bahagyang napangiti si Mira at mabilis na ipinaliwanag dito ang kanilang plano.

"Napakadelikado ng plano niyo. Paano kung mabigo ang mga kasama mo sa labas? Habang-buhay ka nang makukulong dito at paniguradong pahihirapan ka ni Alejandro. " wika nito, bakas sa boses nito ang pag-aalala.

"Malaki ang tiwala ko sa kanila, kaya sana magtiwala din kayo sa amin."sambit ni Mira, agad niyang pinutol ang kaniyang komunikasyon dahil naalerto sila nang mga yabag na papalapit sa kanilang kinaroroonang kwarto. Maging si Dylan ay naging alerto at mabilis silang umupo sa higaan at umaktong walang nangyayaring kakaiba sa kanila.

Ilang sandali pa ay narinig nila amg pagbukas ng pinto at agad na bumungad sa kanila ang dalawang lalaki na animo'y mga militar dahil sa suot nilang camouflage trousers and jackets.

"Sumama kayo ng matiwasay sa amin kung ayaw niyong masaktan." Utos ng isa bago hinaklit sa braso si Mira at kinaladkad ito papalabas. Hindi na nanlaban si Mira at Dylan. Nag-akto silang nagtataka at natatakot.

"Sino ba kayo, ano ang kailangan niyo sa amin. Kung gusto niyo nang pera wala kami nun. Wala kayong mapapala sa pagkidnap sa amin." Nagpapaawang wika ni Mira at natawa naman ang mga ito.

"Pera, hindi namin kailangan ng pera niyo. Kung pera lang, marami kami nun." Maangas na saad ng isang lalaki.

"Kung ganun, bakit niyo kami dinala rito?" Muling tanong ni Mira.

"Malalaman niyo mamaya, sa pagharap niyo sa aming pinuno." Tugon naman ng isa bago sila pinagmadali sa paglalakad. Ilang kwarto din ang nadaanan nila ngunit wala silang nakikitang mga bihag dahil na din masyadong solido ang pagkakagawa ng ng mga pinto at isang maliit na siwang lamang ang meron doon na halos kasya lang ang isang palad ng tao. Wala din itong bintana katulad ng mga kwarto nila kaya aakalain mo talagang bartolina iyon. Hindi naman mawari ni Mira kung bakit ganoon ang desinyo ng mga kwarto. Ano ba ang purpose nito at bakit ganoon na lamang kahigpit ang mga taong nandoon.

Napakalaki nang lugar na iyon na bawat lugar na lalakarin mo ay guguhol ka ng lima hanggang sampung minuto bago mo ito marating. Sa pagkakataong iyon ay halos nasa labindalawang minuto ang ginawa nilang paglalakad na animo'y nasa isang maze sila. Sa pagkakabilang ni Mira mula sa kanilang pinagkukulungang kwarto ay nakasampong liko sila sa kanan at limang liko sa kaliwa. Mayamaya pa ay narating na nila ang isang kulay puting pinto at sa itaas nito ay may nakasulat doon na "private laboratory". Nagkatinginan naman si Dylan at Mira at nagtanguan.

Pagpasok nila ay kaagad nilang naamoy ang isang mabangong halimuyak na tila ba galing sa pinaghalo-halong bulaklak at halamang gamot. Hindi ito masakit sa ilong bagkus ay nakakahalina ang amoy nito na kapag iyong naamoy ay mare-relax ang buo mong sistema.

"Dylan, napakalaki mo na. Siguro ay hindi mo na ako natatandaan, napakaliit mo pa noon at wala ka pang muwang sa mundo." Saad ng isang boses. Pareho silang napalingon sa pinanggalingan nito at nag-akto silang nagukat nang makita ang taong iyon.

"Mr. Bernardo?" Gulat na wika ni Mira. Napatingin naman sa kaniya ang lalaki at nangislap ang mga mata nito.

"Napakaganda. Unang kilala ko pa lamang sa iyo sa siya na kaagad ang aking nakita sa napakaganda mong mukha." Saad nito bago lumapit sa kaniya. Pinakatitigan ni Alejandro ang mukha ni Mira nang may pagkamangha.

"Walang duda, ikaw nga ang anak niya. Nakakatuwang pagkakataon at nagkasama pa kayong dalawa ni Dylan. Nakakatuwa talaga," puno ng kagalakang wika ni Alejandro bago niya hinarap si Dylan.

"Sabi ko naman sa'yo Dylan, hindi sa bawat pagkakataon ay kaya kang protektahan ni Sebastian, kung noon pa lamang ay sumama ka na sa akin ng matiwasay, hindi sana tayo aabot sa ganito." Wika ni Alejandro at agad na sumenyas sa dalawang lalaki sa likuran nila . Mabilis namang kumilos ang mga ito at agad na pinaluhod si Dylan. Ang isang lalaki naman ay hinatak ang buhok niya pababa dahilan para mapatingala si Dylan at ang isa naman ay hinawakan siya sa ulo at panga at sapilitang pinanganga. Napangisi naman si Alejandro ay mabilis na inilagay sa nabukas ng bunganga ni Dylan ang isang kulag berdeng tableta at pinainom siya ng tubig. Kamuntikan pang mabulunan si Dylan at marahas siyang umubo at pilit na isinusuka kung ano mang klaseng gamot iyon. Ngunit huli na ang lahat. Unti-unti niyang nararamdaman ang oagkaparalisa ng kaniyag mga kalamnan at maging ang panungin niya ay biglang umikot na para siyang nkasakay sa isang bangka at maalon.

"Dylan? Anong ginawa mo kay Dylan?" Gulat na tanong ni Mira. Mabilis niyang inalalayan si Dylan subalit pinigilan siya ng dalawa pang lalaki.

"Huwag kang mag-alala Mira, hindi mo dadanasin ang paghihirap na ibibigay ko sa kanya. Dahil ibang pahirap ang gagawin ko sayo." Nakangising saad ni Alejandro.

"Alam mo vang natutuwa ako dahil nandito ka? Sa tingin mo, ano kaya ang marramdaman ng iyong ama kapag nalaman niyang nasa kamay na kita." Natatawang wika ni Alejandro. Kinuha nito ang isang injection sa lamesa at kinuha ang maliit nitong takip.

"Oras na para malaman ko kung ano amg magiging silbi niyo sa akin." Wika ni Alejandro, agad namang kumilos ang dalawang lalaki at walang sabi-sabing pinigilan si Mira sa magkabilang braso nito.

Napasigaw naman si Mira at pilit na iwinawaksi ang mga lalaking nakahawak sa kaniya. Ngunit anong magagawa niya kung higit itong mas malakas sa kanya. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang pagtusok ng karayom sa kaniyang balat. Unti-unting pumasok sa kaniyang sistema ang gamot na lubha niyang ikinahilo. Bago pa mawala ang kaniyang huwisyo ay palihim niyang napindot ang maliit na button na nasa singsing niya upang maipaalam kina Sebastian ang kasalukuyan nilang sitwasyon. Ilang sandali pa ay naramdama niya ang pag -angat ng kaniyang katawansa sahig at paglapag nito sa isang malamig na bakal. Nakamulat ang kaniyang mata subalit nakapagtatakang hindi niya maigalaw ang buong katawan niya. Marahil ay yun ang epekto ng gamot na maging ang pagpikit ng kaniyang mata ay hindi niya magawa.