Chapter 94 - CHAPTER 95

ANG NAKARAAN...

Nagsimula na ang mga Alagad ni Sitan sa paghahasik nang lagim, Habang ang mga tagalipon, at mga Itinakdang engkanto ay nagkita-kita na. Sa di inaasahang pangyayari may kung anong liwanag ang lumabas sa Katawan nito.

ANG KARUGTUNG...

" Wag kayong Matakot saakin, Di ako kalaban!" Sabi ng babae na nanggaling sa isang Puting Liwanag na lumabas sa katawan ni Tyler.

" S-sino ka? " Sabi ni theo.

" Anong ginawa mo?" Galit na Sabi ni Jake.

" Sandali.. H-hindi ako kaaway.. " Sabi ng Babae.

" Anong ginawa mo kay Tyler, bat di sya nagigising. " Sabi ni Katalina habang akay-akay nya si Tyler.

" Ako si Aises, Ako ang isa sa mga diwa ng mga Oroskopyo. ako ang diwa ng Pisces. " Pakilala ng babae sakanila.

" Kung ganon? bakit naririto kapa sa aming mundo? sa pagkakaalam ko. --" Naputol ang sasabihin ni Jenna.

" Opo, alam ko! pero nagpaiwan ako sa katawan ni Tyler upang tanggalin ang mga naiwang negatibong sumpa na ibinigay ng aking kakambal na si Paisa. Wala na akong oras na ikwento sa inyo ang aking papel sa buhay ni tyler, pero nais kung sabihin sainyo. kaya inilantad ko ang aking Anyo. " Sabi ni Aises.

" Ngunit, nag paiwan ako upang magamit nyo ang aking Lakas laban sa Kadiliman. Si sitan, ang mga nangyari sa mga sinaunang sandata na hawak nyo. dahil nagbalik na sila sa kanilang tahanan. at yun ang libro na hawak mo Jenna. " Salaysay ni Aises sakanila.

" kung gayun, papano namin matatalo si Sitan kung wala na ang aming mga sandata? " Tanong ni Ian.

" Gamit ang inyong mga talino at lakas. pinagsama-sama kayo nang tadhana upang maibalik sa mundo ang kapayapaan. hindi lamang sa mundo nang mga tao. pati na rin sa iba pang mundo. " Sabi ni Aises.

" Aises, bakit di pa nagigising si mahal? " Tanong ni Jake.

" Ay oo, nga pala nanghihina pa ang kanyang kalag dahil sa sumpa nang aking kambal.. Di na ako magtatagal, gamitin nyo ang aking lakas upang magapi si Sitan. " Sabi ni Aises at may lumabas na maliliit na puting liwanag sa kanyang katawan at isa-isa itong lumapit kina, Jake, Theo, Ian, Charlie, Jenna, Mia, Raven, Alpia at Katalina.

"Ililigtas kayo nang liwanag ko kung sakaling nasa panganib kayo. " Sabi ni Aises at nag balik na ito sa dati nyang anyo. Kasunod non ay nagbalik na ang malay ni Tyler.

" Anong nangyari?" Tanong ni Tyler.

" Wala na tayong oras mga kasama. kelangan nating mag hiwa-hiwalay.! " Sabi ni Jenna.

Sina Jenna, Tyler, Raven at Jake ay nagtungo sa Baybayin kung saan, doon si Diosca naghahasik nang lagim sa mga kawal ng magkapatid na sirena. At sina, Mia, Charlie, Ian at Alpia naman ay nasa kabundokan upang harapin ang mga alagad ni sitan na pinamumunuan ni Nica. Habang sina, Theo, at Kathleya. ay nasa kagubatan..

Sa Kanlaon..

" Nahati na sila sa tatlong grupo, ngunit hindi pantay ang kanilang mga bilang. sa Grupo ni Jenna at Alpia ay apat sila. samantala sa grupo ni Theo. dalawa lamang sila ni Katalina. hindi ito maari..! " Sabi ni Magayon.

" Kaya nga, ibabalik ko muli si Kathleya upang tutulong sa kanilang dalawa.. wag kayong mag aalala. dahil Sasama ako kina Theo." Sabi ni Alunsina.

" Hindi Pwde Alunsina.. kelangan ka dito sa Kanlaon upang mas magabayan natin sina theo. " Saway ni Bulan.

" Wag kayong mag aalala, may diwata na silang kasama na sanay sa Lupa.." Sabi ni Bulan.

" Sino si Gassia? nasa Aydendril pa ang aking anak.." Sabi ni Makiling.

" Hindi.. isang napakagiliw na diwata!" Sabi ni Bulan sabay ngiti.

" Papano si Kathleya...??" Tanong ni Alunsina.

" Di papayag sina Katalina, kung isasabak natin ang kanilang anak. mas mabuti nang dito na lang sya." Sabi ni Bulan.

Sa Baybayin...

" Narito na tayo! ngunit nasaan ang magkapatid na sirena?" Tanong ni Jenna

" Ilag Tai!!! " Sigaw ni Raven sabay tulak kay tyler, nang muntik nang matamaan si Tyler ng Palaso. parehas silang natumba sa lupa. at ngayon ay magkalapit na ang kanilang mga mukha.

" ayus ka lang tai?" Tanong ni Raven habang naka dagan kay tyler.

" A-ayus lang naman kaso, mabigat ka.. ! " Sagot ni Tyler.

" P-Pansensya na.. " Sabay abot nang kamay nya kay Tyler upang makatayo.

"OH MY GEE!! Nakakakilig sila! " Sigaw ni Jenna.

" Ehem.. !! Masaya ako di ka natamaan nang palaso.. salamat pare sa pag tulong mo kay tyler. " Sabi ni Jake.

" Walang anuman yun pare. basta para sainyo. tutulong ako!" Sabi ni Raven.

" teka saan ba nanggaling ang palaso na muntik na sanang tumama saakin?" Tanong ni tyler.

" Saakin! kung natamaan ka lang nang palaso ko. siguro ngayon unti unti nang Patay ka na sa lason na inilagay ko. " Sambit ni Diosca. habang may hawak na Pana. na nakatutok ang tatlong palaso sa kanilang apat.

" Eh bakit tatlo yan bruha? apat kami? " Saway ni Jenna.

" Oo nga kulang ang mga palaso mo para saamin.. " Dagdag na sabi ni Jake.

" Di ka ata marunong mag bilang?" Dagdag pa ni Raven.

" Tila yumayabang kayo? anong pinagmamalaki nyo?" Sabi ni Diosca. at naramdaman nilang Lumalakas ang Hangin at biglang dumilim ang kapaligiran.

" Nakapagtataka, bakit wala ang mga kawal nina Sierra dito..at bruha nasaan ang mga kasamahan mo ?" Tanong ni Jenna.

" Actually na una kayong dumating.. at nasa likuran ko lang ang mga Alagad ni Reyna Alice.. " Sabi ni Diosca, at lumabas ang napakaraming maiitim na nilalang .

" Para silang anino? tsaka bat kasama mo ang ibang kataw? " Gulat na sabi ni Jenna.

" Hindi lahat nang kataw ay pumapanig sa pamumuno nang mga batang pinuno. " Sagot ni Diosca, at isa-isang nagsi ahon ang mga kataw sa dagat, habang ang mga sirena naman ay nasa dagat nag aabang.

" nahuli naba kami mga kasama?" Tanong ni Rica.

" bakit ikaw lang? nasaan ang iba mong kapatid? " Tanong ni Jake.

" susunod na sila mamaya..." Sagot ni Rica, at nagulat sya nang may nakita syang kataw na nasa panig ni diosca.

" di ko alam na may mga nasasakopan kaming di gusto ang aming pamumuno.. nakakalungkot isipin. " Sabi ni Rica.

" Mukhang, madali lang natin sila matatalo!" Sabi ni Jake.

" Mag-iingat kayo dahil, Di natin alam kung anong bagong kapangyarihan ang meron ang babaeng yan.!" Sabi ni Jenna.

" Tama ka Jenna, mag iingat kayo.. Bwahahhaha!" Sabi ni Diosca.

" Sugod para sa Kaharian ng oceana...!! " Sigaw ni Rica at sumunod naman ang mga kawal na kataw.

" kataw laban sa kataw.. napakagandang pagmasdan. Hahahah!" Natatawang sabi ni Diosca.

" Tulungan natin sila... " Sabi ni Tyler.

" Sa likud mo lang kami tai..." Sabi ni Raven sabay kindat.

At tumulong sila sa pag puksa sa mga kaaway.

Habang sa kabundukan naman nagtungo sina Ian, Charlie, Mia, At Alpia. Nadatnan nilang nauubos na ang mga kasamahan ng lalaking tumulong sa kanila upang makatawid sa mundo ng mga mortal.

" Anong nangyayari Kumander? " tanong ni Alpia.

" Bakit alam mo kung sino ako?" Tanong ng isang lalaking may edad na.

( FLASHBACK :

" Nandito na ang mga kapanalig natin, protektahan sila.. " Utos nang isang lalaking may edad habang may Hawak na Baril. )

"Naalala ko na sila mahal na reyna.. " Sabi ni Mia.

" Oo, sila ang tumulong saating di matamaan nang mga Ligaw na bala. galing sa kanilang kalaban. Kung di ako nag kakamali. isa silang Bandido. " Sabi ni Alpia.

" Tama ka mahal na reyna, ang lalaking yan, siya ang leader nila. sya si Ka Mario. " Sambit ni Charlie.

" Bakit mo sila kilala Hon?" Tanong ni Ian.

" Sila ang tumulong kay mama noon, upang ipahinto ang pagputol sa mga puno dito sa kagubatan. " Sagot ni Charlie.

" mukhang nanga-nganib sila.. " Sabi ni Ian.

" Nandito din si Miguel.. kasama nang mga nakaitim na hood, ano ba sila?" Sabi ni Mia.

" Kung hindi ako nagkakamali sila ang mga alagad nang kadiliman. nakita ko na din sila noon sa California, nung minsang nagbakasyon ako doon. Gumagamit sila nang itim na salamangka. Hindi ko aakalain na pati sa pilipinas may branch din pala sila... " Sabi ni Alpia.

" tayo na!!!!" Sigaw ni Ian.

Abangan angĀ kasunod.... Wag kalimutang bomoto.