Chapter 74 - CHAPTER 75

" APOY SA APOY "

PREVIOUSLY...

Nalaman ni Father Santiago ang pinagtataguan nina Rowell, At Karen.

RIGHT NOW...

" Pagsisihan mo ang paglapastangan mo sa Bahay nang diyos!" Sabi ni Rowell.

" Bakit Rowell Hindi bat ang mga Marka sa katawan nyo ay Tanda nang Pag anib ninyo sa Kadiliman. " Sabi ni Father Santiago.

" Marka lang ito Santiago... Pero Hindi kami bibitiw sa panginoon na gumawa saatin.." Dagdag na Sabi ni Karen.

" Mag dasal na kayong Tatlo... Dahil makakasama nyo ang panginoon na sinasabi nyo. " Sabi ni Father Santiago at biglang dumilim ang kalangitan. Umiihip ang napakalakas na hangin sa Paligid.

" Ate Jes Anong nangyayari?" Tanong ni Chacha.

" Dito ka lang sa Likuran namin.. wag kang aalis. " Sabi ni Jessel.

" KATAPUSSSAAAANNN!! NYO NA!!! HAHAHAHA " Sabi ni Father Santiago habang tumatawa na parang Demonyo.

" Mag iingat kayo.." Sabi ni Rowell. Nang Biglang nagliwanag ang kalangitan.

" Kidlat... Mag-iingat kayo!" Sabi ni Karen. At agad namang kumuha nang isang Hibla nang Buhok na galing sa kanyang Ulo. At Itinapon nya ito sa ire at sinasakal ng kakaibang lenguahe.

" Hindi yan tatalab saakin! Mag lalaho nanaman kayo? Di kayo makakatakas saakin.." Sabi ni Father Santiago at mas lumakas pa ang Kulog at pati na ang ihip nang hangin ay mas lumakas pa.

" Pakawalan mo na ang mga babae.. nakikiusap ako father Santiago.. alam kung may Kabutihan parin sa Kalooban mo." Pakiusap ni Rowell nang biglang may napakaliwanag na patungo sa kinatatayuan ni Rowell.

" Father ilag!!" Sigaw ni Chacha. Lumingon sakanya si Rowell nang mapansin din nyang may Kidlat ang patungo sa kinatatayuan ng bata.

" Jessel ang bata!!" Sabi ni Rowell sabay Tulak sa Bata. Pagkatulak ni Rowell sa bata ay sya ang natamaan ng malakas na kidlat.

" Nailagan mo man ang Kidlat na para sayo.. sapol ka naman sa isa pang kidlat.. kung ganun.. papano kung ang dalawang babae naman ang patamaan ko ng kidlat. Sasaluhin mo rin ba?" Sabi ni Father Santiago.

Agad namang nilapitan ni Karen sina Chacha at Jessel. Habang ang aso naman nila ay patuloy pa din sa pagtahol.

" Wag mong bibitiwan ang aso mo..." Sabi ni Karen at sa ikalawang pagkakataon kumuha nang gunting si Karen sa kanyang Bulsa. At ginupit nya ang kanyang buhok.

" Anong ginagawa mo? " Tanong ni Jessel.

" Gagawa ako ng Harang dumikit kayo saakin.." Sabi ni Karen habang si Rowell ay Wala pading Malay. At isang napakalakas na kidlat ang tumama sakanila nang biglang may Anong harang ang natamaan ng kidlat.

" Gumana nga... " Sabi ni Jessel.

" Oo pero, masdan mo ang buhok ko.." Sabi ni Karen sa hawak nyang buhok.

" Unti-unting nagiging Dilaw ang aking buhok. At pag naging dilaw nang tuyan ito ay mawawalan na nang bisa ang harang ko." Salaysay ni Karen.

" Ako naman tutulong nako... Wala pa din malay si Father Rowell. " Sabi ni Jessel kumuha sya nang apat na buto nang Halaman.

" Hoi Father Santiago.. gusto mo ba ang mga paputok.?" Sabi ni Jessel sumagot naman ang Pari nang..

" Nagpapatawa kaba?" Pamamaliit na Sabi ng pari sakanya. Dahil doon agad nyang tinapon isa-isa sa Pari ang mga buto. Nang bumagsak ang mga buto sa Lupa ay nagsiputukan sila..

" Ang Lakas nang loob mong gawin akong katawatawa! Heto ang sayo.." Galit na sabi ni Father Santiago. At galing sakanyang bibig lumabas ang napakaraming Langaw at umaatake ito sa kanila.

" Jessel nagiging dilaw na ang mga buhok ko... " Alalang Sabi ni Karen ibig sabihin mawawalan na nang bisa ang harang.

" Pasensya na Di ko memoryado ang mga mahiwagang Salita sa libro..may namememorya noon pero naka Mali eh.." Sabi ni Jessel. Nang may malaking Bolan apoy ang tumama sa pari ng kadiliman.

" May kelangan ba nang tulong ko? " Sabi ni Katalina.

" Kat? " Gulat na Sabi ni Jessel.

" Naiwan mo ang libro.. mo kaya ayan tuloy.." Sabi ni Katalina.

" Sino sya Jessel. ?" Tanong ni karen.

" Si Katalina.. asawa nang kababata ko." Sagot ni Jessel habang si Katalina ay nagbabaga ang apoy na nasakanyang kamay.

" Bat may apoy sya sa kamay? Isa din ba syang may tatak ng demonyo..?" Tanong ni Karen at ibinababa nya ang kanyang mga kamay sa pagkakataas.

" Hindi galing sa mga oroskopyo ang kapangyarihan niya.. actually Gabay din nya ang dalawang Diwata. Si Lalahon at Dalikmata. " Salaysay ni Jessel.

" Di ko Alam ang sinasabi mo.. pero tulungan natin sya..." Sabi ni Karen. Samantala hinarap ni Jessel ang Pari.

" Sino ka? Bat may kapangyarihan ka?" Sabi ni Father Santiago.

" Ako ba...? Ako si Katalina.. o Mas sabihin nating Ako ikaw? Hahaha!" Sabi ni Katalina habang binabago-bago nya ang kanyang itsura.

" Taksil ka sa panginoon natin.." Sabi ni Father habang paatras atras ito.

" At Di ko nakuha ang Kapangyarihan mo sa panginoon mo.. dahil galing ang kapangyarihan ko sa Liwanag..." Sagot ni Katalina..

" Kidlat ng kadiliman at Hangin ng pagkawasak. Sundin ang aking utos..." Bago pa naman natapos ni Father Santiago ang kanyang sasabihin nag biglang may Apoy ang Pumalibot sakanya.

" Wag ka nang magsalita lolo! " Sabi ni Katalina.

" Bakit!!!" Sabi ni Father Santiago.

" Dahil maluluto kana...." Sabi ni Katalina.

" Anong Uri ka ba nang nilalang!" Sabi ni Father Santiago.

" Tao ikaw.? Demonyo? " Tanong ni Katalina.

" Sandali kat total Di na makatakas si Father Santiago . Nais kung ibalik mo sina chacha at Nonoy! " Sabi ni Jessel.

" Heto na pala ang libro mo.." sabay abot ni Katalina sa libro . Agad namang kinuha ang Libro ni Jessel.

" Salamat pero.. dahil na sakin na ang libro. Kaya ko na silang kalabanin... " Sabi ni Jessel.

" Sasamahan pa din..kita !" Sabi ni Katalina nang biglang nagliliwanag sya.

" Anong nangyayari sakanya?" Gulat na Sabi nina Karen at Chacha. Pati rin si Father Santiago.habang di sya makagalaw.

" Sandali... Bumalik ka sa dati mong anyo!" Sabi ni Katalina sabay himas sarili.

"Anong nangyayari?" Sabi ni Karen nang makamalay. Sumunod naman si Chacha at Toto.

" Kat Anong nangyayari sayo... " Sabi ni Jessel.

" Baka nasunog sya nang sarili nyang apoy.. Apoy sa Apoy!" Sabi ni Father Santiago at sa isang iglap ay nag anyong itim na ibon ito.

" Makakatakas na ang pari.. " Sabi ni Karen.

Habang si Katalina naman ay unti unti syang nawawala.

" Sundan natin.." Sabi ni Katalina nang...

" Umuwi kana Kat.. magkikita nalang tayo pag oras nanang digmaan. " Sabi ni Jessel.sabay buklat sa libro.

Sa isang Iglap naman ay nawala si Katalina.

" Tulungan nyo ko si Father Rowell.." Sabi ni Karen at Charity.

" Sge.." agad namang nagtungo si Jessel.

" Ngunit ate nangyari?" Tanong ni Nonoy.

" Mahabang kwento. Halika tulungan mo kami..." Sabi ni Jessel.

Abangan ang Karugtung ng ating kwento... Keep safe mga mahal inaantok nko.. don't forget to comment below and ur votes is very appreciated. Thanks