Chapter 57 - CHAPTER 58

 " Ang lupit ng mga gabay diwata"

Previously...

 Nagkita-kita na sina Jenna, Jake, Katalina, Tyler at Theo. At si Mia naman ay gising na din ito. At napagpasyahan nilang magtungo ng mundo ng mga tao upang Sundan sina Susmihta, Jessel, Raven at Ian doon.

Right now....

" Nandito na tayo.." Sabi ni Ofelia. Habang palingon-lingon sila sa paligid.

" Guro, bakit walang mga tao ?" Sabi ni Alpia.

" Oo nga guro.. " dagdag na Sabi ni Mia.

" Marahil nag sisimula ng manggulo si Sitan sa mundo na ating pinapangalagaan. " Sagot ni Ofelia.

" Binibining Ofelia, magtutungo na kami kay Ian. " Paalam ni Theo kay Ofelia. Tumango naman si Ofelia senyales na sumasang-ayon ito.

" Wag kayong magtatagal.. masama ang aking Kutob. Nasa panganib ang mga tao ngayon." Sabi ni Ofelia.

" Opo.." Sabi ni Theo Sabay yuko. Sa pag alis ni Theo kasama nya si Katalina, at Jenna. Naiwan naman sakanila si Tyler.

Habang palakad lakad sila sa kalsada ay may nakasalubong silang isang matandang lalaki na akay akay ang isang bata.

" Manong sandali.. ano po ba ang mga nangyayari ?" Sabi ni Tyler.

" Nako Iho, Di na ligtas Dito.. magtago na kayo. " Sabi ng matandang Humahangos.

" Iyo.. heto uminom muna kayo ng tubig. " Sabi ni Ofelia sabay Bigay ng isang bote ng tubig na nasakanyang bag.

" Maraming Salamat... " Kinuha naman ng matanda ang Bigay na bote ng tubig galing kay Ofelia at pinainom nya ito sa kanyang apo.

" Guro Dito muna kayo.." sabi ni Alpia habang nasa Loob sya ng isang Health Center. Agad naman silang Pumasok Sabay ang matanda at ang kanyang apo na akay akay nya.

" Dito ho, umupo kayo dito." Sabi ni Tyler. At nang makaupo na ang matanda. Agad syang tinanong ni Ofelia.

" Iyo ako nga Pala si Ofelia. Nais ko lang itanong kung bakit walang tao sa Paligid. At bakit ka Humahangos. Sino ang humahabol sainyo?" Tanong ni Ofelia.

" Ewan ko Ofelia kung maniniwala kayo sa sasabihin ko. Lalong lalo na ang mga kasamahan mong bagets. Di nila paniniwalaan ang sasabihin ko. " Sabi ng matanda.

" Handa po kaming makinig sainyo.." Sabi ni Tyler.

" Oo nga po.. " Sabi ni Alpia at ngumiti naman si Mia.

" Sge ako nga Pala si Gastor.. isa akong albularyo sa baryo Mercedes. Kilala nyo ba ang mga sinaunang kalaban ng Bathala at ang ng mga Diwata ?" Tanong ni Gastor.

" Si-sino po ?" Kinakabahang sagot ni Tyler at nagkatinginan silang apat.

"Si Sitan.!

may lihim na samahan ang mga Albularyo dito sa ating mundo. Usap-usapan ang muling pagkabuhay ni Sitan dahil binuhay umano ito ng isang diwata. " Salaysay ni Gastor. At naalala ni Tyler ang dating nangyari sa Villa Casa Margarita nung una nilang nakasagupa ang isang diwata. Kung saan sina Jenna At Katalina ay nasa kontrol ng diwatang itim.

" Ngunit matagal ng Patay ang diwatang itim manong gaspar." Nadulas na Sabi ni Tyler.

" Ibig sabihin Kilala mo rin si sitan?" Tanong ni Gaspar. Tumayo naman si Ofelia, Mia at Alpia.

" Kilala namin ." Sagot nilang tatlo.

" Kaya manong gaspar. Anong nangyayari ? Nasaan ang mga tao..?" Tanong ulit ni Ofelia.

" Dinukot sila ng mga alagad ni Sitan. Apat na mga babae. Na dating naglilingkud sa liwanag ngayon ay kaanib ng kadiliman." Sagot ni Gaspar. At iisa lang ang kanilang naisip.

" Ang mga Gabay Diwata !" Sabi ni Alpia.

" Ngunit Manong gaspar.. anong gagawin ni Sitan sa mga tao?" Tanong ni Mia.

" dating isang diwata si Sitan. Na naatasang mangalaga sa mga tao dito sa sanlibutan. Dahil sa inggit sa Kapangyarihan. Nais nyang lagpasan ang kakayahan ng isang bathala. At pinakamakapangyarihan sa lahat. Nagtungo si Sitan sa isang mundo na tawagin ay Aydril. " Sabi ni Gaspar.

" Ibig sabihin nyo po ba ay Aydendril?" Sabi ni Tyler.

" Teka bakit ang Dami nyong Alam? Sino ba kayo?" Tanong ni Gaspar.

" Ssshh wag kayong mag-iingay Lolo dahil palapit na sila.. " Sabi ng batang kasama ni Gaspar. Agad namang sinilip ni Mia ang labas. At nagulat sya sakanyang nakita. Isang hukbo ng mga kakaibang nilalang ang dumaan sa kanilang tapat.

" Wag kayong mag-iingay mga ate at Kuya. " Sabi ng bata habang nakatingin lang sya ng deretchu sa bintana.

" Apo diba Sabi ko Sayo wag mong gagamitin ang kakayahang yan." Sabi niGaspar sabay yakap sa kanyang apo.

" Wala na sila.. nakalagpas na sila sa atin." Sabi ni mia.

" Manong Gaspar Di ko po maintindihan.. ang ibig nyong Sabihin. " Tanong ulit ni Tyler.

" Sakim si Sitan sa Kapangyarihan. Kaya ngat nagtungo sya ng aydril upang kunin ang mga Oroskopyo. Ilang siglo na ang labanang ito iho. Ngayon ay muling nabuhay si Sitan at ang dating tagapagtanggol ng mga tao ay umanib na sakanya. Papano na tayo.." Sabi ni gaspar.

" Gaspar.. may bagong isinugo si bathala para tulungan tayo. " Sabi ni Ofelia habang tinitigan si gaspar.

" Hindi ka Tao.. " Sabi ni Gaspar at napaatras ito sakanyang kinauupuan at inisa-isa nyang tinitigan sina mia, Alpia at Tyler.

Hinablot nya si Tyler sabay Sabi...

" Hindi mga tao ang kasama mo iho.. halika dito." Sabi ni Gaspar.

" Alam ko po.. mga Engkanto sila. " Sabi ni Tyler.

" Oo gaspar Hindi kami tao. Itong mga kasama ko. Kalahating Engkanto sila ako lang ang full blooded Engkanto dito. At Di kami mananakit. " Sabi ni Ofelia.

" Oo nga manong gaspar. Mabait si Binibining Ofelia. " Sabi ni Tyler.

" Teka manong gaspar. Bakit ho kayo tumatakbo kanina. Aside from escaping from those weird thing kanina.. " Tanong ni mia.

" Dahil.. lahat ng mga albularyo ay kinukuha ni sitan upang gawing Alipin. Sa pagkakaalam ko. Nakaselyado na ang mga Oroskopyo. Tama ba ako Engkanto..?" Sabi ni Gaspar kay Ofelia.

" Ofelia aking ngalan Gaspar.. tila malaki ang Galit mo saaming Lahi." Sabi ni Ofelia.

" Naka selyado na po.. dahil kami mismo ni Ate Jenna ang naglocked sa lalagyan nito." Sabi ni Tyler.

" Jenna ? Parang Kilala ko ang ngalang yan.." Sabi ni Gaspar.

" Lolo, sya po yung anak ni Lolo Apolo.. matalik nyong kaibigan. Si Lolo Apolo yung may Bigay ng kwentas nato." Sabi ng apo ni Gaspar.

" Si Jenna nga... " Sabi ni Gaspar.

" At lolo gaspar.. Di po sila bad sina ale at ate.. may Marka pa nga po sila ni Papa God. Diba ate.?" Sabi ng Apo ni Gaspar sabay Ngiti.

" Pano mo nalaman...???" Sabi ni Alpia.

" Ako nga po Pala si Helena.. Lolo ko po si Lolo gaspar. Walang taon na po ako.. " Sabi ni Helen.

" Totoo ba ?" Sabi ni Gaspar.

" Ipakita nyo Mia, At Alpia. " Sabi ni Ofelia.

Agad namang pinakita nina mia at Alpia ang marka nang pagkakapili sakanila.

" Totoo nga ang nasa propesiya.. at Ikaw iho sino ka anong papel mo sa Buhay ni Jenna isa ka din bang Albularyo?" Tanong ni Gaspar kay Tyler.

" Isa po ako sa mga tagalipon ng mga Oroskopyo." Sagot ni Tyler.

" Ikaw ang bagong tagalipon ?" Gulat na Sabi ni Gaspar.

" Opo.. " Sabi ni Tyler.

" Tama ako Lolo gaspar. Di sila bad.. " Sabi ni Helena.

" Kung ganun nasaan ang mga iba pang tagalipon?" Tanong ni Gaspar.

" Kasalukuyang--- " Sabi ni Ofelia ng maputol ito dahil may pana ang muntik ng tumama sakanya. Mabuti nalang agad itong napansin ni Tyler.

" Mukhang nakita nila tayo.." Sabi ni Gaspar.

" Papano na Ito Binibining Ofelia..?" Tanong ni Tyler.

" Magmadali kayo.. sundan nyo sina Theo. Ako na ang bahala dito. " Sabi ni Ofelia at agad nyang nilagyan ng kakaibang harang ang boung paligid ng health center.

" Papano kami tatakas?" Tanong ni Gaspar.

" Ako na ang bahala kay manong gaspar ate Alpia.. kaya ko syang isama sa aking paglaho. " Sabi ni Tyler.

" Saan tayo tutungo?" Sabi ni Gaspar.

" Naiinis nako Sayo matanda ka. Judgemental ka kanina.. " Sabi ni Alpia. At agad nyang inihipan si Gaspar at sa isang iglap ay nawalan ng Boses si gaspar.

" Ayan tumahimik din.. sensya kana helena.." Sabi ni Alpia. At nag Thumbs up lang si Helena at sabay tawa.

" Sge Tyler itakas muna sila.. susunod kami ni Mia. " Sabi ni Alpia.

" Pero papano si Binibining Ofelia?" Sabi ni Tyler.

" Tyler ayus lang ako..magmadali kayo Di ko na kayang pigilan sila. " Sabi ni Ofelia.

" Opo..." Sagot ni Tyler humawak sina gaspar at Helena sakanya at agad silang naglaho habang si Ofelia naman ay iniabot nya kay Alpia ang Crystalya ng Dalakit.

" Para sayo yan.. Ikaw ang nagmamay-ari nyan.." Sabi ni Ofelia.

" Pero guro.." Sabi ni Alpia.

" Susunod ako Alpia.. bilis itakas muna si Mia." Sabi ni Ofelia.

" Agad namang nag palit anyo si Alpia naging isang kulay pulang paru-paru si Alpia habang si Mia naman ay pilit ginagamit ang kanyang Kapangyarihan.

" Bakit di parin..." Sabi ni Mia. At nang mapansin ito ni Ofelia.

" Susunod ako.. " Sabi ni Ofelia sabay tapik sa Ulo ni Mia at sa isang Iglap ay naglaho ito.

 TO BE CONTINUE....