Chereads / Gemini(bl) / Chapter 6 - VI

Chapter 6 - VI

Gemini Pov

Hindi ko sya nagawang mahalin kagaya o higit pa sa pag mamahal ko kay Albert

"Dad!"gulat at nag aalala nyang sigaw.

Naramdaman ko ang likidong dumasausdos mula sa leeg ko pauntang dibdib. Napupuno din ng likidong lasang kalawang ang bibig ko.

Kumilos nanaman ako ng di nag iisip. Kahit ng hihina at nag didilim ang paningin ko pinilit kong lumakad palayo. Wala akong lakas ng loob na lingunin ang asawa ko.

Ang huli kong naaalala bumagsak ako sa bisig ng isang lalaki.

Nang magising ako nasa tabi ko na si Pilo. Bakas sa mga mata nya ang pag iyak at pag aalala.

"Sinong nag dala saakin dito?"tanong ko.

"Ako."sabi ni Albert na kalalabas lang ng cr.

"Salamat. Kundi dahil sayo baka patay na ko."

"Ano bang nangyari bakit puro dugo ka nung nakasalubong kita?"tanong ni Albert

"Bumuka lang yung sugat ko s leeg."

"Alam na namin ni Tiyo Pilo yan. Ang tinatanong ko bakit bumuka ang sugat mo."

"Tiyo? Mag kamag anak kayo?"

"Wag mong ibahin ang usapan Gemini. Sagutin mo ang tanong ko!"galit nyan sabi.

"Wag mo akong taasan ng boses! Di kita tatay!"galit kong tugon.

Bigla nya kong hinawakan ng mahigpit sa braso.

"Aray Albert nasasaktan ako."

"So kilala mo ko."nakangisi nyang sabi "Kaya mo ba ginagamit ang pangalan ko?"doon ko lang na realize na di pa pala kami mag ka kilala. "Sabihin mo paano mo ako nakilala?"

"Naikwento ka ni tatay Dan."di ko alam kung uubra.

Minsan na kasing naikwento ni tatay Dan saakin na may anak syang Albert ang pangalan at isa pa pareho silang Sandoval.

Tama. Kung sya ang anak ni tatay Dan ibig sabihin sinubukan nyang gumanti saamin. Pero nasukol sa ni Papa. Kaya napilitan syang pakasalan si Ate Lira.

Binitiwan nya ko. At umupo sa tabi ko.

"Alam mo ba yung bulongbulunga tungkol sa ugnayan nyo ni tatay Dan?"

"Hindi kita kapatid."yun ang naging tugon ko. "Pero sana ng sya nalang ang tunay kong ama."di ko napigilan ang pag tulo ng mga luha ko.

Niyakap ako ni Albert. Humagulgol ako sa bisig nya. Ang dami kong gustong sabihin at ikwento sakanya.

Kay Albert ko lang nasasabi lahat ng hinanakit, sama ng loob at takot ko noon. Pero sa huli sya ang pinaka dumurog saakin.

Nung lumabas ako ng ospital nalaman kong pinsan ng mommy nya si Pilo. Maliit lang ang mundo para amin ni Albert kaya sa huli magiging mag kakilala parin kami.

Tungkol naman sa tatay ng asawa ko. Dahil sa ginawa ko na paralyzed ang kalahati ng katawan nya. Balak sana akong ipakulong ni Alfred. Dahil di sya naniniwala noon sa rason ko.

Pero nung yung tao na ng tatay nya ang nag sabi ng totoo. Ginusto nya sanang layasan ang ama nya.

Kaso sa kalagayan ng ama nya di nya yun magawa. Kasi kahit mka syang masungit. Sya parin ang pinaka mabuting taong maaaring makilala ng sino mang tao.

"Alfred hindi man ikaw maraming maaaring pumalit kay Edgar. Ang inaalala ko lang baka abusuhin nila ang posisyong yun."

Sabi nang ninong nya. Pinipilit kasi nila si Alfred na pumalit sa ama nya.

Hindi pala basta leader lang ng sindikato ang ama ni Alfred. Miyembro sya ng yakuza. Oo Yakuza. Maraming ganon dito sa pilipinas at meron ding mga mafia. Ang akala ng lahat mga sindikato, gangs at fraternities lang ang meron. Pero ang totoo mga front lang sila sa mas malaki pang grupo dito sa pinas. At yung mga nahuhuli lang ng mga pulis yung mga latak na binitawan na ng grupo  dahil nais ng  mag bagong buhay.

Yung mga namamatay naman yung mga nais mag siwalat ng katotohanan sa lahat.

"Pero ayokong manira ng buhay ng tao."tutol nya.

"Tulad mo ayaw rin yun noon ni Edgar bago nya pinalitan ang lolo mo. Pero ito ang realidad. Tayo ang realidad na di alam ng lahat. Akala ng iba simple lang ang lahat. Lamang lang naman mayayaman. Dahil alam nila. Alam natin ang tunay na kalakaran ng mundo. At maaari mong maprotektahan ang mga taong mahalaga sayo mula sa realidad na ito. Kung ikaw ang papalit sa iyong ama." Paliwanag pa nito.

"Kung sakaling pamunuan nya ang grupo. Maaari banyang pigilan ang paglaganap ng droga sa bansang to?"tanong ko.

"Ang totoo hindi. Ang totoo lingid sa kaalaman ng lahat. Di naman talaga droga ang nais ikalat ni Edgar kundi gamot laban sa pag kagumon ng tao sa bawal na gamot. Dahil ayaw nyang magaya sakanyang ama ang iba. Pero habang nakakagawa sya ng gamot. Mas lumalakas ang klase ng droga na ipinapa kalat ng ibang grupo."sagot nito.

Napatingin kami ni Alfred sa isa't isa. Pareho kaming nag iisip sa kung ano ba dapat gawin sa sitwasyo.

Ngayon maaring mas kilala na ni Alfred ang kanyang ama. Hindi na sya ang pinakamasamang tao para sa Alfred ngayon. Dahil sa pinag mulan kong panahon abot langit ang sama ng loob ni Alfred. Para sa kanyang ama.

Isa kasi sa biktima ng droga ang taong unang minahal ng asawa ko. Di naman nya yun naging kasintahan. Pero naging best friend nya ang babaeng yun. Hindi na binangit ni Alfred ang pangalan nung babae.

Pero ayon sa kwento nya. May asawaa na yung babae nung makilala nya sa isang mental hospital. Pag aari yun ng pamilya nila.

Nakakwentuhan nya yung babae. Doon nya nalamang sa murang idad nito na walo ay naranasan na nito ang sex. Paulit ulit itong ginagalaw ng kinikilala nyang ama.

At nung maikasal sya akala nito magiging maayos na ang lahat. Pero di sya pinayagan ng amang yun na makawala sa mga kamay nya. Sa madaling sabi. Patuloy parin itong binababoy ng kanyang ama.

Kahit kasal na ito at buntis. Di nag tagal natuklasan yung ng mga kapatid nya. Imbis tulungan sya ay ginalaw lang din nila sya. Dahil maging ang mga ito pala. Tulad ng nakagianan nyang ama ay gumon din sila sa droga. Ang asawa nya walang paki alam.

Nakatuon lang ang atensyon nito sa trabaho at pag hahanap sa taong dahilan kung bakit naging impyerno ang buhay nya.

Inamin din nito sa kanyang di talaga sya baliw. Ngunit ang lugar nayun lang ang ligtas na lugar para sakanya. Dahil sa lugar din nayun kaya nakatakas ang mama nya sa kamay ng ama nya. At yun na ang lugar na naging huli nilang mag ina. Dahil sa huli. Mas pinili na nilang wakasan ang buhay.

Sa twing naaalala nya ang babaeng yun. Dun nya naiisip kung gaano ba karami ang biktima ng droga. Dahil di naman ang gumagamit ng droga ang tunay na biktima.

Kundi ang mga taong nakapaligid sa kanila. Magulang, kapatid, asawa, anak, kamag anak, kaibigan, kakilala o kahit hindi kakilala. Basta mapag tripan nila ay kaya nilang sirain ang mga buhay ng mga yun.

Nasasaktan sya, nalulungko at naawa para sa kanila.

"Pero ninong ayoko paring gawin. Natatakot ako."-Alfred

"Kung ayaw mo ako ang gagawa."sabi ko. Napatingin sila saakin. "Ako ang papalit sa yong ama. Bilang leader."

Tumawa ang ninong nya.

"Anong magagawa mo bata kalang?"sabing ninong ni Alfred

"Hindi ito isang laro Gem."-Alfred

Isinaad ko ang lahat ng chemical para makagawa ng droga naikinalaki ng mata nila.

"Siguro nga bata ang katawan ko. Pero hindi ito."itinuro ko ang ulo ko. "Ito ang magiging lamang ko sa kanila. Di ko man mapipigilan ang droga. Pero sisiguraduhin kong maililigtas ko ang ibang biktima."

Pinagtawanan akong muli ng ninong ni Alfred.

"Bata ka pa nga. Kagaya ni Edgar nung panahong yun. Akala nya sapat na ang talino para lumaban." Biglang nalungkot ang tinig nya. "Pag nasahustong gulang kana. Malalaman mong di kasing simple ng iniisip mo ang lahat."

"Alam kong hindi simple ang lahat. Pero alam kong may magagawa ako. Dahil alam ko na kasabay ng pagiging moderno nang panahon. Mas magiging moderno rin ang pag papalaganap ng droga. Alam ko ring mga matataas na opisial ang mga na ngungunang pumoprotekta sa kanila. At ang mga pinakamalaking pagawaan ng droga ay nasa mga lugar na di mo inaasahan. Sakulungan, abando nadong gusali, lumang barko sa pier at sa basement ng mga lihitimong pabrika."ilan lang yun sa mga natuklasang pagawaan ng droga sa panahong pinag mulan ko.

Pero wala lang yun kumpara sa natuklasan ko. Ang pinaka nakakakilabot sa lahat. Ang pinakamalaking pagawaan ng droga. Ay nasa ilalim ng mga bahay simbahan. At ang mga pastor mismo ang lihim na nag bebenta ng mga drogang naroroon. Nakatago yun sa mga dala nilang maliliit na bersyon ng biblia.

Para yung mga Keychain ngunit kumpleto ang mga pangaral. Mabibili mo yun online. Ngunit maingat sila. Ang may mga ganong Keychain lang ang binebentahan ng mga pastor. Makikipag palit sila ng mga Keychain sa taong merong kaparehong Keychain. At ang paraan ng pag babayad ay ang pag bibigay kuno ng donation sa bahay sambahan.

Nagaganap iyon habang walang kamalay malay ang ina nilang kaanib. At ang pinaka nakakagalit habang nakikipag away ang mga miyembro nila sa miyembro ng mga kasalungat nila ng paniniwala. Ang mga kasuklam suklam na pastor nila ay mag kakakampi sa pagpapalaganap ng droga. Pero di lahat ng pastor alam ang bagay nayun. Ang problema mas mabibilang mo pa sa daliri ang tunay nag papalaganap ng salita ng dyos.

Kumbaga sa papel na may tuldok. Ang kasamaan nila ng mga religiyon ay ang papel at ang tuldok na bukod tanging mapapansin ay ang kabutihan nito.

Kabaliktaran naman para sa taong di masikmura ang ganong kalakaran. Ang pag kakamali nila sa nakaraan nalang ang makikita sa tao hindi ang kabutihan nito at magandang hangarin.

"Saan mo nalaman ang ganyang bagay?"

Continue...