(In Tobias' House)
"Kiara, nasaan na ang mga gamit mo? Ako na ang magdadala" ask ni Nickholai, trying to help her after nilang mapagdesisyunang bumalik na sa mansion.
Tahimik na itinuro ng dalaga ang kanyang kwarto habang nakasulyap kay Tobias. Nakaupo lang kasi ito that time sa sofa habang himas ang kanyang dalawang sentido.
"It seems like you wanted to talk to him" batid naman ni Nickholai ng mapansin ang dalaga.
Hindi naman umimik si Kiara kasi nagdadalawang isip rin siyang kausapin si Tob.
"You should at least thank him for letting you stay here" pabulong na sabi ni Nickholai bago umalis para maghakot na ng mga gamit nito.
Kiara sighed.
Kumuha siya ng lakas ng loob para makausap si Tob. Alam kasi niya sa sarili niyang galit ito sa kanya, pero this is the least thing that she can do before leaving.
"Tob...." tawag niya, mas malapit na ngayon. May bahagyang panginginig sa boses niya, pero sinubukan niyang panatilihing kalmado ang kanyang ekspresyon.
Wala pa ring sagot. Hindi man lang ito gumalaw o nag-abalang lingunin siya.
Pinilit ni Kiara ang isang matipid na ngiti, kahit pakiramdam niya ay para siyang bumabangga sa isang pader.
"Gusto ko lang sanang magpasalamat….." aniya, pilit na hinuhuli ang kanyang reaksyon.
"Sa pagpapahintulot mong manatili ako rito kahit na alam kong hindi mo naman talaga ginusto..."
Tob scoffed, bahagyang tumawa, pero walang halong saya.
"Are you done talking?" malamig niyang sagot.
Napakagat-labi si Kiara. Alam niyang wala siyang karapatang magreklamo dahil alam niyang nasaktan niya ito, pero hindi niya rin mapigilan ang kirot sa dibdib sa malamig nitong pakikitungo.
"Alam kong galit ka pa rin" mahina niyang sabi.
"At alam kong baka hindi na kita makausap ulit pagkatapos nito, pero gusto ko lang sabihin na… hindi ko kinalimutan ang lahat ng ginawa mo para sa akin. At kahit hindi mo ako mapatawad….nagpapasalamat pa rin ako sa iyo".
Tob didn't say a word kaya dahan-dahan, lumakad na papalayo ang dalaga sa kanya. Sa isipan niya, kahit papaano, nakapagpaalam siya dito bago tuluyang umalis.
"Kiara….may mga gamit ka pa ba sa loob?" tanong naman ni Gab habang bitbit ang natitirang mga gamit nito.
"My sling bag, I'll just get it." tugon naman ng dalaga habang papasok na sa kwarto.
"Let's go na..Nickholai is waiting na sa may entrance"
"Okay…" tila walang buhay na sagot nito sa sinabi ng kapatid.
"By the way Tob, pasensya ka na sa abala. Hayaan mo, kapag naging maayos na ang lahat…babawi ako sa iyo, okay?" ani ni Gab sa binata pero kagaya nung naging pakikitungo nito sa dalaga, hindi rin siya umimik sa mga sandaling iyon.
Bumuntong hininga si Gab bago tuluyang lumabas ng bahay ni Tob. Sumunod naman si Kiara dito.
Tahimik lang si Kiara habang naglalakad palabas kasunod ni Gab. Pakiramdam niya ay may kung anong bumara sa kanyang lalamunan, pero hindi niya alam kung paano iyon aalisin.
Nang makalabas sila sa pintuan, saglit siyang huminto at lumingon pabalik. Ang bigat sa dibdib niya ay parang lalong bumigat sa katahimikan ng buong bahay.
"Akala ko… kahit papaano, magiging maayos ang lahat bago ako umalis."
Napatingin sa kanya si Gab, halatang sinusukat ang emosyon sa kanyang mukha.
"Si Tob 'yon, Kiara. Alam mo namang hindi basta-basta nagpapakita ng nararamdaman 'yon."
Napayuko siya. Alam niya iyon. Pero hindi niya pa rin maiwasang umasa na sana, kahit papaano, may nasabi ito. Kahit isang maliit na bagay lamang…..
"Just give him more time…" dagdag ni Gab, tinapik ang kanyang balikat.
****
(ZHI's MANSION)
Naunang dumating sila Vrix at Miah sa mansion.
"Oh! Vrix..what happened?" gulat na tanong ni Aga nang makita ang mga sugat na natamo ng kapatid dahil sa mga pangyayari kaninang umaga lamang.
"It's nothing" he said in a cold tone of voice. Tapos, dire-diretso ito sa kusina para kumuha ng maiinom.
"Can you tell me kung ano ang nangyari?" Aga asked habang nakatingin naman kay Miah. He's really curious kung bakit nagmukhang binugbog ang kanyang kuya.
"Uhm….napaaway lang sa kanto" Miah just said.
Agad namang nagtaka ang binata. He noticed na parang may iba sa kausap niya ngayon.
"You know what?…. this past few days…parang may napansin ako sa iyo" agad namang sabi ng binata habang papalapit sa dalaga. Ibinaba niya ang glass of wine sa maliit na table at tiningnang maigi si Miah.
"Aga….just let her rest. Pagod lang siya this time" saway naman ni Vrix nang makita ang ginawa ng kapatid.
A moment of silence. Aga is still analyzing habang nakatitig pa rin kay Miah.
A minute after, he smiled.
"I'm just wondering" he said bago lumayo sa dalaga at binitbit ulit ang glass of wine niya.
Dahan-dahan niya iyong ininom at nakapamulsang lumakad na paakyat sa kwarto niya.
Tila nabunutan ng tinik si Miah matapos ang sandaling iyon.
(phone beeps)
FROM: ALPHA
"Pabalik na kami sa mansion. Make sure na hindi ka mahuhuli ni Vrix"
Dahil dito, agad na lumapit ang dalaga kay Vrix.
"Pabalik na raw si Kiara dito…" bulong na sabi niya upang walang ibang makarinig sa usapan nila.
"Okay. I'll pretend to not know anything. Just ask her kung saan kayo magkikita, make sure na hindi dito sa loob ng mansion okay?" seryosong saad nito kay Miah.
"Sige…" paakyat na rin sana siya taas para kunin ang mga gamit niya nang magsalita ulit ang binata.
"By the way, hmmmm…" may pag-aalangan na sa mukha ng binata this time.
"Ano iyon?" tanong naman ng dalaga habang naghihintay ng idudugtong niya sa kanyang mga sinabi.
"T_thank you kanina" he said bago tumalikod sa dalaga.
Miah blinked, nagulat sa hindi inaasahang pasasalamat mula kay Vrix. Napangiti siya nang bahagya, bahagyang iniiling ang ulo.
Napakamot naman sa batok si Vrix, halatang hindi komportable.
"It's not a big deal right?" sagot nito, umiwas ng tingin.
"Basta… salamat na lang."
Miah chuckled, iniwasang matawa nang tuluyan.
"Noted. Hindi na kita aasarin… masyado."
Bahagyang napataas ang kilay ni Vrix, pero hindi na ito sumagot. Sa halip, mabilis na siyang tumalikod, tila nagmamadaling makaalis bago pa siya tuluyang mapahiya.
Nakangiting tinanaw ni Miah ang papalayong binata. Kahit pala ang tulad ni Vrix, may moments din ng awkward sincerity.
Napailing siya bago nagpatuloy sa pag-akyat.
(phone beeps)
FROM: ALPHA
"Dumaan ka sa backyard garden namin, doon kita sasalubungin."
Matapos basahin ang text ni Kiara, agad na nagmamadaling tumakbo si Miah patungo sa lugar na itinugon nito. Ramdam niya ang bahagyang paghingal dahil sa pagmamadali, ngunit nang marating niya ang hardin, bigla siyang napatigil.
Saglit niyang nakalimutan ang kanyang pagmamadali nang mapansin ang kagandahan ng lugar. Namangha siya sa maayos na pagkakahilera ng iba't ibang klase ng bulaklak—mga rosas na pulang-pula, mga liryo na tila kumikislap sa ilalim ng liwanag ng buwan, at mga daisy na nagbibigay ng banayad na saya sa paligid. Ang hangin ay may dalang banayad na halimuyak ng mga namumulaklak na halaman, pinapakalma ang kanyang mabilis na tibok ng puso.
Hindi niya mapigilang humakbang palapit, hinahaplos ng tingin ang bawat sulok ng hardin.
"Miah….." napalingon siya sa kinaroroonan ng boses ng dalaga.
"Kiara, andito ka na pala" batid nito habang papalapit na sa kanya.
"It's good to see you again. Kumusta? How about the mission, ano nang balita?" tanong ni Kiara matapos umupo sa swing na nasa gitna ng hardin.
"Pasensya na Kiara kung wala akong lead patungkol sa kapatid mo….pero malakas naman ang kutob kong hindi siya ang iyong kalaban" sabi ni Miah matapos ring umupo at tumabi sa kanya sa swing.
"Kung ganon, sino?" tanong naman ng dalaga matapos maalala ang muntikang pagkidnap sa kanya kanina lang.
"Ang Midnight Enigma at alam ko na kung saan nila dinala si Dr. Ramirez…"
"Sa Isla de Majica?"
"Hindi, nasa warehouse siya malapit sa Duran Steel Company" sabi nito sabay tingin sa mga paligid.
"How sure are you? Where did you get those information?" amazed namang tanong ng dalaga without knowing anything.
"Kay Evan, 'yung kakilala mong journalist"
"Oh….that guy! How did you find him? I tried to contact him but hindi ko na siya mahagilap kasi eh"
Miah crossed her arms and exhaled sharply.
"Nagtatago siya kasi target din siya ng Midnight Enigma." May lalim ang tinig niya habang nakatingin sa sariling replica, tila sinusubukang itago ang buong nalalaman niya.
Kiara frowned.
"Shooks… that makes sense." Napalunok siya.
"If Midnight Enigma was after Evan, then whatever information he had must be significant."
Muling nagtagpo ang mga mata nila ni Miah.
"So… anong plano? What's the next thing to do?" tanong niya, may bahagyang pag-aalinlangan ngunit kita rin ang determinasyon sa kanyang mukha.
Miah took a deep breath before answering.
"Kailangan nating mahanap si Dr. Ramirez sa lalong madaling panahon."
Kiara straightened up. At that moment, she felt a spark of hope ignite inside her. Sa loob ng ilang sandali, parang nalulunod siya sa bigat ng lahat ng nangyari sa Isla, pero ngayon—sa wakas—may direksyon na, may dahilan na para magpatuloy.
******
"Para kang nabugbog ah, anong nangyari?" nakangiti namang tanong ni Gab nang makita si Vrix sa living room habang nakatulala.
"You're here...I thought you're dead" harsh na sabi nito sa nakakatandang kapatid.
"Ikaw talaga, kahit kailan…napakasama ng bunganga mo" sabi niya habang nakangiti pa rin.
"Where's Kiara?" he asked ng hindi mahagilap ng mata ang bunso nilang kapatid.
"I'm here….buhay pa" sabi naman ng dalaga after marinig ang usapan ng magkakapatid.
"Oh! Kiara! my baby sister!" react naman ni Aga ng makita ito habang pababa ng hagdan galing sa kanyang kwarto. Pababa ito kasi kukuha sana siya ng food sa ref nila.
"Please Aga, stop it" agad namang sabi ni Kiara matapos umirap. Ayaw niya kasing tinatawag siyang ganon ng kanyang kuya.
Napangisi si Aga, hindi natinag sa reaksyon ng kapatid.
"Eto naman, suplada ka talaga." May panunuksong kislap sa kanyang mga mata habang nakataas ang kilay.
Bago pa makasagot si Kiara, sumingit si Gab sa usapan nila.
"Himala at taong bahay ka ngayon" puna ni Gab habang nakapamulsa, pinagmamasdan ang kapatid na bihirang makita sa loob ng bahay.
"I should be the one saying that to you Kuya. Why are you here? Hindi ka ba natatakot kay Mr. Chairman of the house?" he said referring sa kanilang daddy.
"Well….nasanay na ako kay tanda…so I'm prepared" sabi ni Gab, trying to gain some confidence.
"By the way, what happened to your face Vrix? Mukhang napaaway ah, are you sure na hindi ka magpapahospital?" tanong ni Kiara na may kaonting pagkabahala sa kalagayan ng kapatid.
Pero instead na sumagot, agad na tumayo si Vrix at dumiretso na sa kanyang kwarto.
"Oh…he's really rude" nasabi na lang ni Kiara, naupo na siya sa sofa at agad na isinandig ang likod para makapagrelax.
"You know what guys? Excited na ako bukas!" nakangiting banggit ni Aga matapos tumabi kay Kiara at inakbayan ito.
"Tsk! why are you so clingy? Just stay away okay?" pagmamaldita na naman nito.
"Arte mo talaga, parang kanina lang..ang bait-bait mo eh!" sabi ng binata habang pinagmamasdan si Kiara.
"Wala kang libangan noh? Kaya ang kulit mo….magsparring na lang kaya tayo. Tara sa boxing ring sa kabila" yaya nito na agad namang sinang-ayunan ng kapatid.
"Nice idea, let's go!" balikwas naman nito sa sofa at agad na sumunod kay Gab.
Dahil dito, naiwang mag-isa ang dalaga sa living room.
She closed her eyes saglit until di na niya namalayang nakatulog na pala siya.