Nahagilap ni Miah ang half brother ni Kiara na papalabas na ng mansion. Agad niya itong sinundan at pumasok na rin sa kotse kung saan ito sumakay.
Dahil dito, tiningnan siya ni Vrix without saying a word.
"B_bakit? Ayaw mo ba akong kasabay? Malelate na ako kaya makikisakay na lang ako dito" paliwanag ng dalaga.
Napabuntong-hininga si Vrix bago naisipang bumaba sa kotse.
"Huy, saan ka pupunta kuya? Ayaw mo ba akong katabi?" tanong niya habang sinusundan ng tingin ang binata.
Huminto ito sa gilid niya na pinto at binuksan ito.
"Stop acting weird Kiara. Get out" sabi niya in a cold tone of voice.
"B_bakit mo papababain ang maganda mong kapatid?" walang prenong tanong niya kay Vrix.
"Gusto mo bang kaladkarin kita mula dyaan?" nakakunot noong sabi nito.
"Eto naman"
Wala nang nagawa ang dalaga kundi bumaba na lang sa kotse.
"Mas masungit pa ata ang isang ito kesa sa amo ko sa Isla, kaya pala hindi sila magkasundo ni Kiara eh" bulong niya sa sarili.
Hinanap na lang niya si Manong Buno para magpahatid sa kumpanya ng mga Zhi. Inayos-ayos niya pa ang kanyang dress na suot kasi di siya sanay sa ganoon.
"Ma'am, halika na't baka malintikan ka pa kapag nalate ka" ani ni Manong Buno nang maihinto ang sasakyan sa harapan ng dalaga.
"Buti na lang Manong Buno" ani nito habang nakangiti sa driver.
"Happy yan?" tanong nito habang nakatingin sa rear-view mirror.
"Di ba nga, dapat happy lang lagi? Kasi nga ang buhay ay maiksi lang para maging malungkutin" sabi ng dalaga.
"Sa bagay may punto ka, pero saka mo na sabihin iyan kapag natapos mo na iyang mission ninyo ni Ma'am Kiara."
"Kaya nga eh, nag-iisip pa ako nang mas mabisang paraan para makidnap natin saglit ang kapatid ni Kiara" mahinang sabi ng dalaga habang nakatingin sa mga dinadaanan ng sasakyan.
"H_ha? seryoso ka? Saka natin?? Huy, labas na ako dyan sa mga kalokohan ninyo. Kikidnapin mo pa talaga si sir Vrix huh" gulat na sambit ni Manong sa dalaga.
"May iba pa bang paraan para mabuksan namin ang sikretong silid na iyon? Hindi naman pwedeng putulin ko ang daliri niya para sa fingerprint na kailangan namin, di ba? Saka may isa pa akong problema, 'yung encrypted code na iyon. Mukhang mas mahihirapan akong kunin iyon lalo na't masyadong mailap ang kuya ni Kiara" problemadong saad ng dalaga nang mapagtantong mahirap pala ang sitwasyon na napasukan niya.
"Eh kung hindi ka ba naman kasi bida-bida, payapa pa sana ang buhay mo ngayon" sagot naman ni Manong sa kanya.
"Yung amo mo kasi....mahirap tanggihan" nasabi ng dalaga.
"Hay naku, maswerte ka na lang kung makuha mo ang loob ni sir Vrix. May sariling mundo iyon eh"
"Tapos masungit pa, hmp!"
---
Ilang oras pa, nakarating na sila sa Office building ng mga Zhi.
Pagbukas ni Miah ng glass doors ng opisina, halos mawalan siya ng hininga. Ang marble floors, makintab na chandelier, at mga high-tech na kagamitan ay tila ibang mundo para sa kanya. Lumapit ang sekretarya ni Kiara, si Ms. Perez, dala ang isang clipboard. Professional at walang bahid ng emosyon ang mukha.
"Good morning Ma'am Kiara. Narito po ang schedule ninyo ngayong araw. Nasa boardroom na ang mga directors para sa quarterly meeting."
Namulagat ang mga mata ng dalaga dahil sa narinig.
"Agad-agad?" tanong nito sa secretary.
"Yes ma'am, hindi po ba kayo nainform ng Chairman or even ni sir Vrix?"
"Ah.....eh.....oo....naalala ko na ang patungkol sa quarterly meeting. Tama! Siyempre... Uh, ready na ako!"
Bumuntong-hininga siya at sinubukang magmukhang confident.
"Let's go na Ma'am?"
Tumango na lang ang dalaga, pinipilit na ngumiti habang kabadong sinundan ang kanyang secretary.
Pagdating niya sa boardroom, sinalubong siya ng malamig na tingin ni Vrix. Si Vrix ay kilalang perfectionist at isa sa mga mahigpit na kritiko ni Kiara. Ayaw na ayaw rin nitong may nalelate lalo na kapag sa mga ganoong importanteng meeting.
"You're late" ani nito sa dalaga.
"Eh kung pinasakay mo lang sana ako kanina, di sana ako malelate" bulong nito sa isipan niya.
"Be responsible nga Kiara" ani ni Vrix.
Bahagyang namula si Miah pero pilit niyang pinanatiling kalmado ang boses.
"Traffic kasi" Matipid na lang na sagot niya habang nauupo.
Nagsimula ang meeting, ngunit hindi maintindihan ni Miah ang mga terminolohiyang ginagamit ng mga directors. Habang ipinapaliwanag ang mga financial projections, unti-unti nang bumibigat ang pakiramdam niya. Napansin ito ni Vrix, na nakakunot ang noo.
Tumayo ito at tumingin nang diretso sa dalaga.
"Kiara, it seems like you don't fully understand the data. Why don't you explain your plan for the next quarter yourself?" ani ng binata being the COO.
Dahil dito, napalunok ang dalaga at sinubukang mag-isip ng dahilan.
"Uh... Alam mo, Vrix, gusto kong marinig muna ang mga opinyon ninyo. Collaboration ang key, di ba?" ngumiti ito nang pilit, habang umaasang makakalusot sa kapatid.
Tumahimik ang lahat.
Nakita ni Vrix ang tila hindi pamilyar na kilos ng dalaga. Ngunit bago pa ito makapagtanong, tumunog ang telepono ni Miah.
"Uh..paumanhin pero, emergency lang" sabi ni Miah habang dali-daling kinuha ang cp niya't lumabas ng boardroom. Sinigurado niya munang malayo na siya dito bago sinagot ang tawag ni Kiara.
"Kiara" sabi nito nang sagutin ang cp.
"Miah, I forgot to tell you na may board meeting pala this time."
"Oo nga eh, di mo ba alam na gusto ko nang maglaho kanina dahil wala talaga akong maintindihan sa mga projections ng inyong kumpanya. Pansin kong nagtataka na rin ang kapatid mo dahil sa nangyari kanina" alalang sabi nito kay Kiara.
"Okay, ganito na lang. Ilagay mo ang earpods sa tenga mo at makinig ka sa mga sasabihin ko during your presentation."
"Tamang ideya iyan!"
"And make sure na hindi nila makikita ang nasa tenga mo, ayt?"
Sinunod naman ng dalaga ang sinabi ni Kiara bago bumalik sa loob.
"Good morning, pasensya na kanina. So, since Vrix wants me to explain about the plan...for the next quarter. Well.....over the past month's business transactions, I have noticed and been refining the budgets and projections. Of course, we wanted to present an approach that not only highlights growth potential but also mitigates risks while ensuring sustainable profitability…"
Ang mga BOD ay sumandal, halatang interesado, lalo na ang iilan sa mga investors na kasama nila sa meeting na iyon.
Habang nagsasalita si Miah, patuloy na nagdaragdag si Kiara ng konteksto, pinalalawak ang paliwanag tungkol sa mga estratehikong hakbang na konektado sa mga numero. Nagtrabaho sila nang magkakasundo, na para bang perpektong nagkakabagay ang isa't isa.
Napaupo si Vrix nang patalikod, gulat na gulat. Ang datos sa screen ay labis na mas mataas ang kalidad kumpara sa kanyang inihanda. Pansin rin niyang tumatango ang mga investors bilang tanda ng pagsang-ayon, malinaw na nahikayat ang kanilang interes.
"And I believe, this plan positions us to achieve a 35% growth trajectory over the next fiscal year" conclude ni Miah, then the room erupted in applause.
"This is exactly the kind of leadership and foresight we want to back. Outstanding work!" ani ng isa sa mga major investors ng company nila.
Dahil dito, medyo nakahinga na ng malalim ang dalaga. Ibinaba na rin ni Kiara ang cp niya upang bumalik ulit sa flower shop.
Nilapitan naman ni Vrix si Miah nang makalabas na ang iilang BODs at investors.
Tinitigan niya ng mabuti ang dalaga.
"Ano na namang problema mo?" medyo akward na tanong nito nang mapansin ang grabeng tingin ng binata sa kanya.
"You're voice and the way you act, you're a little bit weird Kiara" sabi nito trying to confirm something.
"Alam mo, praning ka lang. Kulang ka lang ata ng tulog eh" tanging nasambit nito sa binata habang dali-daling kinuha ang kanyang mga dala kanina.
Natigilan lang ito ng hawakan ng binata sa braso ang dalaga at dahan-dahang inilapit ang kanyang bibig sa tenga nito.
"I'll be watching you from now on...Kiara" bulong nito sa kanya bago tuluyang lumabas ng boardroom.
Napalunok ng di oras si Miah dahil dito.
"Luh...huwag po" mahinang sabi nito habang sinusundan ng tingin si Vrix.
Mas lalo tuloy siyang nabahala sa susunod na mga hakbang na gagawin nila.