Chereads / Seven Flowers For You (Filipino) / Chapter 5 - MIRROR IMAGE

Chapter 5 - MIRROR IMAGE

Sa Amusement Park….

Isang makulay na paraiso na puno ng kasiyahan at ingay. Sa bawat sulok ay matatagpuan ang mga matataas na roller coaster na pumapaikot at pumapaspas sa hangin, puno ito ng mga taong sigaw nang sigaw habang binabaybay ang mga nakakatakot na kurba at loops. Sa gitna, may isang malaking Ferris wheel ang dahan-dahang umiikot at nagbibigay sa mga sakay nito ng tanawin ng buong parke, mula sa taas hanggang sa baba.

"Aren't you afraid of heights?" tanong ng binata sa dalaga nang mapansing nakatingin ito dito.

"Hindi naman" matipid niyang sagot.

"Do you want to ride on that?"

Umiling ang dalaga.

"Okay"

Biglang napangiti ang binata dahil nakakita siya ng mga balloons. Binilhan niya saglit ang dalaga at ibinigay ito sa kanya.

"Why are you giving me this, Greg?" pagtatakang tanong ng dalaga dito.

"Ah…George ang pangalan ko, not Greg" natatawang sabi nito. 

"Whatever. Eto nga pala, hawakan mo muna saglit huh…Uhm, iihi lang ako saglit." she lied. 

Sinisimulan na kasi niya ang kanyang planong pagtakas.

"Samahan na kita" he said.

"No worries, I can go to c.r by my own…d'yan ka na muna ha?" 

"Do I have a choice?"

Hindi na ito pinansin ng dalaga. Dali-dali na siyang lumakad papalayo rito. She made sure rin na hindi siya sinusundan nito.

"Hoo! Sorry bro but...I really need to do this. Saka may pupuntahan pa akong mas importanteng bagay kesa dito." sabi niya sa sarili habang napapagitnaan na siya ng mga crowd. 

Dinadayo talaga kasi ang parke na iyon, lalo na ng mga magkasintahan.

Napansin rin ito ng binata habang tahimik lang siyang nakaupo sa gilid, sa isang bangko, at hinihintay ang pagbabalik ng dalaga.

Kaso lumipas ang halos isang oras ngunit walang Kiara ang bumalik.

Nag-alala na siya dito kaya ibinigay niya sa bata ang balloons na kanyang hawak at sinimulan nang hanapin ang dalaga sa kung saan-saan.

 Nagtanung-tanong na rin siya sa mga stalls kung may nakita ba silang babaeng matangkad, malaporselana ang balat at magandang babae na nakabucket hat, kaso pare-pareho sila ng sagot….wala.

"Asaan na ba kasi siya?" 

Pinagpapawisan na siya sa kakaikot sa amusement park pero di talaga niya mahagilap ang dalaga. Naisipan niyang maglakad-lakad outside ng amusement park, sa pagbabakasakaling makita niya ito doon.

"Miss Zhi!!!" nasambit ng binata when he saw a girl na kasing tangkad, kasing puti at kasing ganda ng dalaga. Agad niya itong nilapitan at hinawakan sa kamay.

"Don't ever let go of my hand again Kiara. Kanina pa kita hinahanap, andito ka lang pala" he said na agad namang ikinagulat ng girl.

"Kuya, excuse me?" nakataas kilay'ng sabi nito sa binata.

"Kuya? George na lang please." he said while smiling awkwardly kasi tila kanina pa nito nakakalimutan ang pangalan niya.

"Eh sino ka ba kasi, pasensya na ha pero kailangan kong magmadali't mapapagalitan ako nito" sambit ng dalaga habang tinatanggal ang nakahawak na kamay ng binata sa kamay niya.

"Uuwi ka na? Eh kararating lang natin…saka nagbihis ka ba?" may pagtatakang tanong ng binata sa kanya, not knowing na ang kaharap niya pala ngayon ay hindi si Kiara kundi si Miah, ang doppelganger nito.

"Pinagtitripan mo ba ako kuya? Alam mo, kahit gwapo ka…hindi ako natutuwa sa biro mo." medyo naiinis na banggit ni Miah sapagkat nag-aalala na siyang baka mapagalitan siya ng kanyang amo kapag nagtagal siyang bumalik sa flowershop.

Inutusan kasi ni Tobias si Miah na bumili ng bagong set of vases sapagkat nabasag ang mga ito nang magwala siya kahapon. Sakto namang walang available na stocks sa pinuntahan ng dalaga kaya nagmamadali na siyang bumalik sa isla.

"I'm not joking Kiara, pero kung gusto mo na talagang umuwi, ihahatid naman kita. Just stay here at kukunin ko lang muna yung Audi ko" he said trying to calm down kasi kahit siya ay tila naiinis na sa mga nangyayari.

"Wala akong pakealam kuya kahit spaceship pa iyang sasakyan mo, pero….di talaga ako sasama sa iyo. Bye!" agad na itong naglakad papalayo sa binata.

"Hey!" sambit ni George.

"Huwag mo akong mahey-hey dyan, di ako kabayo!" sigaw naman ng dalaga habang patuloy pa rin sa paglalakad. 

"Are you sure about this?" he asked but she didn't reply kaya hinayaan na lang siya ng binata since ayaw naman talagang makinig nito sa kanya.

"Crazy.." he murmured habang sinusundan ng tingin ang dalaga na papalayo na sa kanya.

"Baliw!" sabi naman ng dalaga sa sarili, referring to George.

Nang makarating na ito sa hintuan ng mga sasakyan, agad na siyang sumakay sa jeep.

Iidlip muna sana siya.

Not until, may sumigaw bigla ng tulong.

"Ay snatcher" bulong ng mga pasahero sa loob na nakasaksi sa nangyari.

Hahayaan na lang sana ni Miah ito kaso, nangibabaw ang awa niya sa babae kaya agad siyang bumaba sa jeep at hinabol ang snatcher. Mabilis ring tumakbo ang dalaga sapagkat noong highschool pa lamang siya ay sanay na siya sa habulan, lalo na't 'yung nanay pa niya ang humahabol sa kanya habang may dala-dalang walis tingting na pamalo noong araw.

"Hoy! Magnanakaw na payatot!" sigaw ng dalaga nang halos abot-kamay na niya ang hinahabol.

Ngunit lumiko ang binata sa may palengke malapit, kung saan marami ring mga tao. Nakipagsiksikan ito sa crowd kaya medyo nahirapan ang dalagang mahuli ito. Nagawa pang tumalon ng magnanakaw sa isang stall para makadaan sa mas masikip pang eskinita na sinundan naman ng dalaga. Halos madulas pa nga ito dahil sa basang daanan at medyo makalat na lugar.

"Ibalik mo iyang ninakaw mo!!!" 

"No way!" batid nung snatcher.

"I-ingles ingles ka pa ha? Ito!" naisipan ng dalaga na batuhin ito ng kahit na anong mapulot niya sa gilid. Sakto namang nasapul niya ito sa ulo kaya nadapa ito't nabitawan niya ang wallet nung babae.

Agad namang pinulot ito ni Miah habang hingal na hingal sa paghahabol niya.

"Pinahirapan mo pa ako ha?" babatukan sana niya ang snatcher kaso nagmakaawa ito.

"Pasensya na ho Ma'am, eh mahirap po talaga ang buhay…wala na po kasing makain ang mga kapatid ko kaya ko ito nagawa" ani nito na mangiyak-ngiyak dahil sa nangyari.

"Eto ang tatandaan mo ha? Hindi porket maganda ang motibo mo sa sitwasyong ito eh tama na ang ginagawa mo. Masama ang magnakaw Tot, sinasabi ko sa iyo" medyo mahinahon nang sabi ng dalaga.

"Tot?" natanong pa nung snatcher.

"Payatot, di ba? Saka alam mo, ganito na lang….kung gusto mong magkatrabaho, subukan mong mag-apply dito…marami kang pwedeng pasukan, tapos sabihin mo lang ang pangalan ko" sabi nang dalaga habang nagsisimula na itong bumalik sa kanyang dinaanan.

"Sigurado ka ba? Ano bang pangalan mo Miss?"

"Miah" 

"Kilala ka ng mga taga-rito?"

Hindi na nagsalita pa ang dalaga. She just waved her hand without looking on him. Kailangan niya pa kasing hanapin ang may-ari ng pitaka para masauli na ito sa kanya.