Chereads / HEARTHLESS REVENGE / Chapter 5 - KABANATA 5

Chapter 5 - KABANATA 5

Alona POV. 

Nang nalaman ko ang aking tutuluyan sa mga sususnod na buwan ay nag byahe agad ako papunta roon at nais kong magpahinga ng maayos bago makisama na naman sa anak ni Chaplin. Nang tuluyan nang makarating ako doon ay sinilip ko muna kung may roong tao sa kabilang bahay o bahay ni kaito. Malaki ang bahay na iyon na yata ang pinaka malaking bahay dito. Napansin kong sarado ang mga ilaw kaya nasa loob ko na walang tao rito pero bilang may lumabas na matipunong lalaki.

"HI! why are you here. I dont mind if pumasok ka muna" Sinalubong ako neto ng may malaking ngiti mukang nakaka loko ah.

"Ah ser hindi na ho, balak ko narin ho magpahinga . pero salamat ho" Pagtugon ko naman na syang ikina kunot ng kanyang noo.Mukang nagalit yata sa aking naging tugon sa kanyang pag aalok.

"Diba sabi ko naman sayo call me kai?" Malumanay naman nitong tugon kahit mukang mainit parin ang kanyang ulo. Lumabas naman sya ng kanyang bahay kaya napatingin ako sa kanya dahil papunta sya sa aking direksyon.

"Nagsasanay pako eh'

" Alright"

"Pwede magtanong?"

"Yes, what it is hmm?"

"Bakit ka nga pala dyan nakatira, alam kong mayaman ka, lahat naman sino bang di nakaka alam, pamiya mo palang makapangyarihan na" Tanong ko sa kanya hindi ko naman napansin na naglalakad lakad na kami habang nag kkwentuhan.

"Why you don't like my house?" He chuckle. 

"Hindi naman! malaki sya pero para sa tulad mong big time. maliit yan" Tumawa naman sya ng tumawa hanggang sa namumula na ang kanyang tenga at muka. Habang ako ay naiinis sa kanya ang defensive ko daw kase.

"Look, i want a peaceful life"

"May isa pakong tanong sayo"Patuloy kong inuusisi ang personalidad nya na sana hindi nya mahalatang may balak akong iba. 'What is this? getting to know each other?"

"Edi wag na!"Pasigaw na pabiro kong tugon sa kanya, nagsimula na naman syang tumawa.

"I'm just kidding, okay. What it is my love"

"Tigilan mo nga yan, ang itatanong ko sayo kung hindi kaba maalam magtagalog?"

"Hindi ako maalam." Tumawa na naman sya kay iniwan ko nalang sya at naglakad na uwuwi. Nakaka asar palatalaga to kasama.Mas gusto kong makilala yung ruthless nyang personalidad kesa kwela pero nakakainis."hey, sorry,tampo ka naman agad," Hinabol naman nya ako at ngayon ay naka sampay na ang kanang braso nya sa balikat ko

"If you want na magtagalog na lang ako, then i will"

"Di naman nagtatanong lang naman ako grabe naman kung ipagbabawalan kitang gumamit ng lenggwahe na yan dinaig ko pa ng presedente para dika bigayn ng karapatan"

"I like that'

"ha?"

"i like na nagkkwento ka sakin, i feel that youre comfortable with me. "

'Ewan ko sayo, una nako SER!"Tumakbo naman ako habng tumatawa papasok ng aking bahay.Dahil hahabulin nya pa sana ako dahil tinawag ko syang ser

Nang sarhan ko ang pinto ng aking bahay ay napahawak agad ako sa may parteng puso ko.Walang tigil ang mabilis na tibok ng pusong nararamdaman ko ngayon. Hindi pwede im already 31 at alam ko ang ibigsahin nito.