"NASAAN KA REXY?"
Sa pagpapatuloy ng ating kwento, nalaman nating kaklase ni Rex si Jean. At naging mabilis ang mga pangyayari. Dahil dinukot ni Jean si Rex. Walang magawa sina Danny at Mycka dahil agad naglaho si Jean kasama ang walang malay na si Rex.
Dumating sina Myda at Christine kasama si Doc Santos.
"Maraming salamat at Dumating kayo. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Napakabilis ng mga pangyayari. " Nauutal na Sabi ni Mycka.
"Mycka relax. Nandito na kami. Ano bang nangyari?" Tanong ni Doc Santos.
Huminga ng malalim si Mycka bago nagsalita.
"Kinuha ng babae Ang kapatid ko. Jean Ang pangalan nya." Sabi ni Mycka.
Nagkatinginan naman ang tatlo nang marinig ang pangalan ni Jean.
"Bakit kayo natahimik?" Tanong ni Mycka.
"Wala Hindi safe dito. Sa Bahay nalang namin ipapaliwanag. " Sabi ni Christine.
"Nasaan si Danny Ate Mycka?" Tanong ni Myda.
Biglang sumulpot sa kanilang harapan si Danny pero malungkot Ang mukha nito.
"Sinundan ko si Ate Rex ngunit Hindi ko alam kung saan sila." Sabi nya.
"Okay lang yan. Hahanapin natin Ang ate mo. Sumama ka muna saamin okay?" Sabi ni Doc Santos.
Tumingin lang si Danny sakanya at tumango bilang randa ng pag sang-ayon.
Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa Bahay ni Christine. Doon ay pinakalma nila Ang magkapatid.
"Ano ba kasing nangyayari? Totoo ba yang mga sinasabi ninyo?" Tanong ni Mycka.
"Oo maniwala ka saamin ate miks. Pinadala kami ni Condé para bantayan kayong mga anak nya." Sagot ni Myda.
"Tama si Myda nurse Biore, Ang tunay kung pangalan ay Jacinto Santos. Kapatid ninyo sa ama. Noong 1985. Minsan na ko nang nakalaban si Jean. Pero ~" naputol Ang sasabihin ni Doc Santos ng dumating Ang isang babae na naka suot ng magagarang damit na halatang nasa sinauna panahon.
"May mga bisita ka Christine?" Tanong ng babae.
"Ay oo nga pala kapatid ko. Si Myan," pakilala ni Christine sa kapatid.
Nang Makita ni Myan sina Mycka at Danny ay agad itong yumuko sa kanilang dalawa.
"Sandali Hindi mo kelangang yumuko. Hindi ko kayo maintindihan." Sabi ni Mycka.
"Ako na magpapaliwanag kung naguguluhan ka." Ngiting Sabi ng babae na lumabas naman ang malalim na biloy sa kanyang pisngi.
"Ako si Myan Caballero, pinakakatiwalaang kanang kama ng Condé ang inyong ama sa nakaraang buhay.
Kapatid ko si Christine Gentallan. Kababata mo sya sa dati mong buhay." Pakilala at Paliwanag ni Myan sakanya.
Sumunod naman sina Myda at Doc Santos.
"Ako si Myda Navarro, ako ang kapatid ni Danny sa sinaunang panahon. Pinadala din ako ni Condé upang bantayan ka lagi ate Mycka. " Sabi ni Myda.
Nagulat naman si Danny sa kanyang nalaman.
"So papano kayo nabuhay ng ganitong katagal. Nasa year 2090 na Tayo. Mahigit 100 years old na kayo. Pero bakit Ang bata nyo pang tingnan?" Tanong ni Danny.
"Sabi ko nga kanina ako ang nakakatandang kapatid ninyo ni Rex. Ako si Chief Jacinto Santos." Pakilala naman ni Doc Santos.
"Tama kung nabuhay kayo noong 1985? Ilang taon na kayo? At papano kayo naging bata at ganyan tignan?" Tanong ni Mycka.
"Nasa higit isang daan na kami, totoo ang mga bampira Mycka. At wag kang mag-aalala, dahil Hindi dugo ng hayup o tao Ang iniinom namin. Di katulad ng mga nababasa ninyo at nakikita sa TV.
Tanging negative emotion lang ng mga tao kelangan namin" Sabi ni Myan.
"Huh? May ganun ba?" Sarkastikong Sabi ni Danny.
"Oo Danilo, at yan Ang pangalan mo sa nakaraang buhay. " Naiinis na Sagot ni Myda.
"Papano ba kami namatay noon? Eh bampira din kami? " Tanong ni Mycka.
Sasagot na sana si Christine ng biglang mag salita si Myan.
"May kasama ba kayong kaluluwa dito?" Tanong nya.
Naalala ni Mycka at Danny kung anong ginagawa nila sa lugar na yun bago mawala si Rex.
"Tanya nandito kaba?" Tanong ni Mycka.
"Magpakita ka!" Sabi ni Myan at Mula sa likuran ni Christine ay lumabas si Tanya. Duguan Ang mukha at dahan dahan itong lumapit sakanya.
"Sinundan ko si Rex dahil sya lang Ang makakatulong saakin ngunit mukhang kelangan Niya ng tulong ninyo. " Sabi ni Tanya.
"Nasaan ba si Rexxy?" Tanong ni Myan.
"Sinundan ko sya sa kasama ng babaeng dumukot sa kanya. Nasa isang lugar na puro luma mga kasuotan ay katulad ng Sayo. Tapos~ Sandali tinatawag ako ni Miss Rex. " Salaysay ni Tanya at sa isang iglap ay agad naglaho ang kaluluwa.
"Nakausap mo ba si Tanya?" Tanong ni Mycka.
"Oo, mukhang alam ko na kung nasaan si Rexxy. At kelangan natin syang mabawi bago makuha nila ang kakayahan nya. " Sabi ni Myan.
Tumayo si Doc Santos at Myda sabay sabing.
"Handa na kami." Sabay nilang Sabi.
"Myda maiiwan ka kami nalang ni Jacinto ang magpupunta ng Santa Helena. At kung Hindi man kami makabalik. Iligtas ninyo ang dalawang Reincarnation ng mangkukulam at Bampira. " Sabi ni Myan.
"Makakaasa ka saamin ni Myda." Sagot ni Christine.
"Teka sasama ako. Hindi ako mapapakali kung tatayo lang kami dito." Sabi ni Mycka.
"Oo nga ililigtas namin si Ate Rex. Isa pa may powers ako. Minsan ko nang nakaharap si Jean. " Sabi ni Danny.
"Bakit nakaharap din naman ni Doc Santos si Jean, kaso ibang labanan Ang naganap. " Pang-aasar ni Myda Kay Doc Santos.
Palihim namang napatawa si Christine dahil sabay nilang nilang nilabanan si Jean noong lalasunin na sana ni Jean Ang isipan ni Doc Santos. Mabuti nalang at tympong nag tungo silang dalawa ni Christine doon sa Opisina ni Doc Santos.
"Napangiti ka Christine? May naalala ka ba?" Tanong ni Mycka.
"Wala mabuti pa magbalik na Tayo sa Ospital. Dahil si Doc Santiago ay hinahanap ka." Sabi ni Christine at pinabasa nya sa kaibigan Ang text.
"Oo nga pala lowbat ako. Mabuti pa umuwi kana Danny. Wag nang susundan sina Doc Santos. Umasa nalang tayong maibabalik Nila si Rex dito." Sabi ni Mycka.
Samantala sa Santa Helena.
"Itali Ang babaeng yan!" Sigaw ng lalaki.
"Nasaan na Ang kalayaan ko senior?" Tanong ni Jean.
"Mag antay ka. Dahil sa oras na makukuha ko Ang gusto ko. Hindi ako magdadalawang isip na ibigay Sayo yan. Sa ngayon, kulang pa Ang aking kapangyarihan." Sabi ng lalaki.
Yumuko lang si Jean habang nakayukom Ang kanyang mga kamay. Tiningnan naman ng kanyang amo Ang kanyang mga kamay. At halatang naiinis ito.
"Wag mong sasayangin lakas mo. Parating na sila!" Sambit ng lalaki.
"Sinong sila Senior?" Tanong ni Jean.
"Mga pinadala ng Condé upang iligtas Ang kanyang anak. Kahit ilang beses pa nilang reincarnate si Rexxy malalaman ko at makikilala ko sya." Sabi ng lalaki.
Ilang sandali pa ay dumating na sina Myan at Doc Santos.
Agad silang sinalubong ng mga nakabantay na kawal. Mabilis Ang mga galaw nina Myan at Doc Santos at Isa Isa nalng napatumba ang mga nakabantay.
"Jacinto sa likud ka ako sa harap. " Utos ni Myan sa lalaki.
Tumango lang Ang lalaki at agad tumakbo ng napakabilis. Habang si Myan naman ay gumawa ng kamukha nya at nag tungo Ito sa pintuan.
Itutuloy.....