"CASE NO.1 Georgina Santos"
Ang nakaraan...
Napagpasyahan na ni Rex na bumisita sa isang Psychiatrist kasama si Mercedes.
At nakilala naman ni Rex ang anak ni Doctor Santos na si Georgina.
Sa pagpapatuloy...
"Talaga Doc?" Sambit ni Rex nang biglang nagpatay-sindi ang Ilaw sa opisina. Hanggang sa mag black out. Mabilis na kinuha ni Rex ang kanyang cellphone upang gamitin Ang flashlight. Pero laking hilakbot nya nang mailawan nya si Georgina na punong-puno ng dugo ang mukha.
Lumapit si Georgina sakanya sabay sabing...
"Ate, Tulungan mo ko."
Samantala si Mycka naman ay binalewala ang kanyang mga nakitang Pangetain at nagpatuloy pa din sa kanyang trabaho.
"Good evening sir, Kamusta na ang pakiramdam mo? E-checheck ko lang ang BP nyo ah. Sandali." Sabi ni Mycka pero di sumagot ang lalaking pasyente nya.
Pagkatapos nyang kunan ng blood pressure ang pasyente, aalis na sana si Mycka nang biglang hinawakan sya ng lalaki sa braso sabay sabing...
"Miss Tulungan mo ko, ayuko dito sa ospital nyo. Ginugulo ako ng isang Batang multo. At nakatayo sya ngayon sa likuran mo."
Agad nilingon ni Mycka ang kanyang likuran ngunit Wala naman sya ni anong kakaibang bagay na nakita.
"Mister! magpahinga na po kayo, epekto lang yan ng Antibiotics na itinurok sa katawan mo. Magpahinga na po kayo. " Sabi ni Mycka nang mahawakan nya ang kamay ng lalaki.
Nakita nya sa kanyang pangetain ang isang Batang namatay.
Habang si Rex naman ay nagmamadaling sinundan ang Batang si Georgina papunta sa isang kwarto.
"Sandali Georgina!" Sigaw ni Rex.
Naka sunod naman sina Mercedes at Doc Santos.
Biglang huminto ang bata sa isang kwarto at sabay sabing...
"Ate nasa loob po yung Bad guy. " At pumasok si Georgina sa loob ng silid..
"Sandali bes, Ang bilis mong tumakbo." Reklamo ni Mercedes.
"Miss Morales, is my daughter is still here?" Tanong ni Dr. Santos.
"Yes Doc, Sabi nya saakin Kanina. Nandito lang sa ospital ang taong pumatay sakanya. At Sabi nya nasa loob daw. " Salaysay ni Rex.
Agad binuksan ni Doctor Santos ang pintuan, at nakita nilang nakatulala ang isang nurse.
"Ate miks?" Sigaw ni Rex at agad niyang sinaklolohan ang kapatid.
Nagbalik naman sa Ulirat si Mycka ng hinila sya ni Rex palayo sa kanyang pasyente.
"Nurse Biore ? Anong nangyari sayo?" Tanong ni Dr. Santos.
"I'm okay doc, sorry!" Sabi ni Mycka.
Lumapit naman si Georgina Kay Rex at sabay sabing...
"Siya ang pumatay saakin. Siya ang driver ni daddy."
"Sir Santos?" Sabi ng lalaki.
"Mang Kadyo? Hindi mo pinasabi saakin na dito ka naka confined?" Sabi ni Doc Santos.
"Doc, Sabi ni Georgina siya raw ho ang pumatay." Sabi ni Rex.
"What? Papano? Eh nawala si Georgina sa School. Nahuli lang ng sundo si Mang Kadyo. Sabi mo mang Kadyo. Nakita mo si Georgina na kinuha ng mga naka kotse. Naguguluhan ako!" Sabi ni Dr. Santos.
Biglang nag salita si Mycka.
"Ang totoo doc, Hindi sya nahuli sa pag sundo sa anak mo. Nakaplano na lahat, imbes na tatakutin ka lang nila para makuha ang ransom money. Pero nakita ng anak mo ang mukha nya. Kaya nya binaril ang bata."
"At ang sugat na nasa kaliwang kamay nya ay gawa ni Georgina." Dagdag ni Rex.
Agad naman tiningnan ni Dr Santos ang kaliwang kamay ni suspect.
At nakita nya ang sugat doon.
"Mang Kadyo? Bakit mo nagawa saakin Ito. Itinuring kitang tatay ko. Pero bakit?" Umiiyak na Sabi ni Dr Santos.
Di naman makapagsalita Ang lalaki.
" Sa Batangas sa isang parang factory nandoon ang ebidensya na kelangan ng mga police. "Sabi ni Rex.
"Ate na iwan ko yung voice recorder na laging Dala Dala ko. Iniregalo pa yun ni mommy sakin. " Sabi ni Georgina.
Tumayo si Rex at muling nagsalita.
"Yung voice recorder ng mama nya, nadoon sa lugar kung saan nila pinatay si Georgina. "
Nagsalita naman si Mang Kadyo.
"Patawad sir, nagawa ko lang naman yun dahil sa Pera."
"Nurse ? Tumawag ka ng mga police." Sabi ng Doctor habang naka yukom, ang kanyang mga kamao.
"Yes Dok." Sagot ni Mycka na agad namang tumawag nag dial sa telepono.
Lumapit ulit si Georgina Kay Rex sabay sabing..
"Ate Pakisabi Kay papa, na Hindi na dapat ikulong si Mang Kadyo. Nasa Ospital na sya. Kawawa naman."
Tumango si Rex at nagsalita...
"Dok Sabi ng anak nyo, Hindi na kelangan ng Pulis nagsa-suffer na si Mang Kadyo. Kawawa naman!"
"Pero kelangan nyang panagutan ang ginawa nya!" Sabi ni Doctor Santos.
Samantala sa isang Bar kung saan mag isang umiinom si Danny.
May babaeng lumapit kay Danny at inalok itong makipagkwentuhan.
"Hey? Mukhang bago ka palang dito sa Bar? And I think your not at the legal age to be here? Let me guess nasa 16 or 17 kana? Pano ka nakapasok sa Entrance?"
"20 years old nko! " Pagsisinungaling nya.
"Okay? By the way, ako nga Pala si Jean. And you are?" Pakilala ng babae.
"Danny Ang pangalan ko?" Sabay abot ni Danny ng kamay nya sa babae. Agad namang inabot ng babae Ang kanyang kamay.
" So totoo pala na buhay kayong mga witch?"
Tumaas ang kilay ni Danny dahil sa kanyang narinig.
"What do you mean?" Tanong nya.
"Ikaw? Witch? Katulad ko! Kilala ko ang past life mo." Sabi ni Jean.
Tatayo na sana si Danny ng dahan-dahang umangat ang baso na hawak nya.
"Danica McKellar? Isa Isang matalik na kaibigan ng tagapagmana ng mga Morales family noong 1845. Pinanganak ka noon sa bansang France. Guro ako si Vina Robles sa nakaraang buhay mo." Salaysay ng babae.
"Nababaliw kana Miss!" Sabi ni Danny at umalis na Ito palabas ng Bar. Agad pumara si Danny ng Taxi.
Habang sakay ng Taxi si Danny nakatingin pa din si Jean sakanya.
Samantala sa Bahay...
Sa Kwarto ng magkapatid na Mycka at Rex.
"Rex may mukha naba yang Gelo sa panaginip mo?" Tanong ni Mycka.
"Wala pa ate, masyadong magulo! Pero nakikita ko yung sarili ko na tinatawag nilang Rexy. Palagi nalang Takbuhan kasama ko si Gelo sa gitna nang dalampasigan habang hinahabol kami ng di ko alam kung Sino. " Salaysay ni Rex.
"What if subukan ko kayang hawakan yang mga kamay mo baka sakaling makita ko yang man of your dreams?" Sabi ni Mycka.
"Sige..." Sagot ni Rex at agad niyang inilahad Ang mga palad. Agad namang hinawakan ni Mycka. Sabay nilang ipinikit ang kanilang mga mata.
Pero pagkalipas ng ilang minuto.. walang nakita si Mycka.
"Ano ate miks meron?" Tanong ni Rex.
"Wala? Hindi ko alam kung bakit ganito?" Sagot ni Mycka.
"Mabuti pa matulog nalang Tayo." Sabi ni Rex.
At ganoon nga Ang kanilang ginawa inayus Nila Ang kanilang higaan at sabay na silang humiga.
Dahil sa pagud agad nakatulog si Rex at Ito Ang naging dahilan upang mapaginipan nanaman niya na tumatakbo sila ng kanyang kasintahan na si Gelo sa may dalampasigan.
"Bilisan na natin Rexy, Wala nang oras! Hinahabol na Tayo ng mga tauhan ni ~ " nang biglang umalingaw-ngaw ang putok ng baril.
Napasigaw si Rexy ng Makita nyang duguan si Gelo dahil naaninag nya ang natamong sugat dahil sa Sinag ng buwan.
"Waaaaagggggg!! " Sigaw ni Rexy at sumunod naman syang natumba kaharap sa bangkay ni Gelo. Pero di padin nya ito nakikita.
Agad napabangon si Rexy habang hinahabol nya Ang kanyang hininga.
Tiningnan nya si Mycka, mahimbing pa din itong natutulog.
Nagtungo sya sa may Veranda upang makalanghap ng sariwang hangin. Nang biglang magpakita si Georgina sakanya.
"Ate Rex, salamat. Dahil sayo nakausap ko si papa kanina. At masaya nko dahil nalaman na din ni papa kung sinong pumatay sakin. Salamat!" Sabi ng Batang multo at dahan-dahan itong nawala.
Ngumiti lang si Rex at kumaway Ito sa multo.
Itutuloy.....