Chapter 11 - EPISODE-ELEVEN

"The Real Villain"

Previously...

Inamin na ni Arke ang lahat tungkol sa pag set up nila kay Marife.

At Kasalukuyang nasa kamay ni Akira si Marife.

Sa pagpapatuloy nang ating kwento.

Nagising ako nang nakatali padin ang aking mga paa at kamay sa kama.

Kahit masakit ang katawan ko at di ko na maimulat ang mga mata ko dahil sa mga suntok na natamo ko kay Akira. Pinilit ko pa ding inimulat ang aking mga mata. Ngunit nakita kung nagbukas ang pintuan nang silid at dito iniluwa nang pintuan si Akira na tanging naka pang ibaba lang suot. May dala itong pagkain. Nang napansin nyang gising nako. Agad itong nag wika.

"Gising kana pala ito Kumain ka. Gusto mo subuan pa Kita? Saan ba gusto mong isubo ko? Tung burat ko o Tung pagkain." Ngiting demonyong ni Akira.

Hindi ako sumagot bagkus ipinikit ko nalang Ang aking mga mata.

Samantala,

May nakuha silang isang sulat na nangagaling kay Mark. Nakaipit ito sa Notebook ni Zina. At agad nilang binasa ang nakasulat.

"Zee alam kung may alitan Tayo tungkol kay Akira. Alam ko namang Ikaw ang pipiliin ni Aki kesa sakin. Pero isinulat ko tung liham para Sayo kapag sa oras na aalis na kami sa bayan nato. Pagkatapos nang Outing natin aalis na kami ni mama. Tungkol naman kay Tito James, iiwas nalang sguro ako. Alam mo naman ginagawa nakong comfort women. Pero alam kung magiging okay ako sa maynila. Susulatan nalang kita kapag nasa maynila nako. Pero tungkol kay Aki mag iingat ka din sakanya. May nakita akong old medical records tungkol sa kanya. Hindi pa ako tiyak saaking nakitang records pero kahit ganun baka may pagkakataon pang magbago si Aki." Naputol ang pagbabasa ni Zina nang tumawag si Akira sakanyang cellphone.

"Sasagutin ko ba? " Nanginginig nyang Sabi habang nakatingin sya Kay Justin at Arke.

"Go, act like normal na wala kang alam." Sambit ni Justin. Huminga nang malalim si Zina at sinagot nya ang tawag ni Akira.

"Aki nasaan ka?" Tanong nya.

"Tulungan moko babe, nagtatago ako dito sa isang lugar na di ko alam. Papatayin ako ni Mark." Umiiyak na sabi ni Akira sa kabilang linya.

"Ibigay mo yung address mo pupuntahan Kita. Magsasama ako nang mga police para dakip na si Mark. Sobra na ang pamimiste nya sa buhay natin" Sabi ni Zina.

"Wag Ikaw lang dapat. Sge na may nakikita akong isang barber shop at sa labas may nakikita akong Billboard ni Liza Rowe." Sabi ni Akira.

"Sge parang alam ko na kung saan yan. Wag mong ibaba ang cellphone aalis nako." Sabi ni Zina.

"Hindi pwde mag tatago ako ulit. Parang nandito na si Mark. Bilisan mo!" Sabi ni Akira na agad namang naputol ang tawag.

"Saan daw sya?" Tanong ni Arke.

"Parang alam ko na. Halika kayo sumunod kayo saakin." Sabi ni Zina. Agad namang sumunod ang dalawang lalaki pati na din ang mga police na tinawagan ni Justin.

Pagkadating ni Zina sa nasabing lugar. Agad sinalubong sya ni Akira.

"Mabuti naman nandito kana. Naitali ko si Mark sa loob. Ang galing ko diba?" Natatawang Sabi ni Akira. Patuloy pa din si Zina sa kanyang pag Arte kahit kinakabahan na.

"Kung ganun ipahuli na natin sya sa mga police." Sabi ni Zina.

"Wag dapat patayin natin sya. Hahaha" tumatawa na Sabi ni Akira.

Habang sa likod nang mga puno ay doon nagtatago sina Arke at Justin kasama ang mga police. Gamit ang headset na suot ni Zina. Inutusan ni Justin na sumunod si Zina.

"Basta kapag nasa alanganin na Zee, yung code natin for SOS. Sabihin mo lang para maka punta na kami. " Sabi ni Justin. At kitang kita nilang naglalakad ang babae kasama ang killer papasok sa isang lumang Bahay.

Sa lumang Bahay.

Dinala ni Akira si Zina sa isang kwarto. Pagka bukas ay nakita nyang nakatali si Marife at Wala itong malay.

"Si Marife? Akala ko ba si Mark?" Sabi ni Zina.

"Si Mark at Marife ay iisa. Nagbalik si Mark dahil gusto nyang magkalayo tayong dalawa." Sabi Akira. Hindi umimik si Zina bagkus nakatingin lang ito sa kanyang kaibigan.

Kinuha ni Akira ang isang kitchen knife at dito napaatras si Zina.

"Anong gagawin mo?" Nanginginig na Sabi ni Zina.

"Zee mag iingat ka ano? Pupunta na kami?" Sabi ni Justin. Bumulong si Zina nag "Wag!".

"Don't worry baby, Hindi Kita sasaktan. Si Mark lang ang papatayin ko. Sobra na ang pangi-ngialam nang baklang to saatin. Kung alam mo lang babe. Habang Wala Akong malay pinagsamantalahan ako ni Mark. Hindi ako papayag na ang sisira saatin ay Ang baklang ito!" Sabi ni Akira dahan Dahang lumapit kay Marife. Si Zina naman ay kinuha sa kanyang bulsa ang isang bagay na ibinigay ni Justin.

"Ito gamitin mo to sasandaling sasaktan ka ni Akira. May Kuryente itong nakakapagparalisado sa kaaway."

Nang akmang sasaksakin ni Akira si Marife, mabilis na idinikit ni Zina sa tagiliran nang lalaki ang gamit na de Kuryente. At dito temporaryong na paralisado si Akira. At bumagsak ito sa sahig.

"Code : Me! " Sambit ni Zina na agad namang sumugod sina Justin at ang mga police kasama si Arke.

"Marife gumising ka!" Sabi ni Zina habang inaalog alog ang walang malay nyang kaibigan.

"Zee? Anong ginagawa mo dito??" Tanong ni Marife.

"Itatakas Kita. Panandaliang nawalan nang Malay at paralisado si Akira. Kaya lumabas na Tayo." Sabu ni Zina habang tinatanggal ang mga nakatali sa kamay ni Marife.

"Salamat, nakakahiya " utal-utal na Sabi ni Marife.

"Hindi, ako dapat magpapasalamat Sayo. Dahil binalikan moko dito bes. Sorry " umiiyak na sabi ni Zina at niyakap nya ang kanyang kaibigan.

"Ganun naman talaga ang magkakaibigan diba?" Ngiting Sabi ni Marife.

"Sandali 5 mins lang mawawalan na nang bisa. Magigising na si Akira. Halika na. " Sabi ni Zina. At tinulungan nyang makatayo si Marife.

"Ito isuot mo." Ibinigay nya sakanyang kaibigan ang suot nyang jacket.

"Nasa labas na si Justin mo. Bilisan mo na!" Sabi ni Zina nang biglang may humila Kay Marife.

"Waaag!" Sigaw ni Zina at dumating na din sina Justin at ang mga police.

"Wag kayong lalapit kundi pupugutan ko nang leeg ang babaeng ito. Teka babae ba? Haha!" Tumatawang Sabi ni Akira.

"Pare wag mo namang sasaktan si Marife. Please.." sabi ni Justin.

"Nababaliw kana Justin, Hindi mo Mahal si Mark alam ko yun. Tanging sex lang habol mo sakanya. Kasi nga Wala syang uterus para mabuntis. Ewan ko sainyo. Bakit nagkakagusto kayo sa mga babaeng peke eh gawang science sila!" Sabi ni Akira habang nakatutok ang kutsilyo sa leeg ni Marife.

"Hindi naman babae at lalaki lang ang may karapatang mag mahalan. Kasi ginawa nang panginoon ang pag-ibig para sa lahat. Besides, Mahal ko si Mark noong Hindi pa sya si Marife. " Sagot ni Justin habang nakatutok ang baril Kay Akira.

"Hindi mo yan maiintindihan pare, alam kung gumaganti ka lang." Sabi ni Arke.

"Kuya?" Sambit ni Zina.

"Alam kung may nararamdaman ka saakin Aki.

Pasensya na tanging pagiging kapatid o kaibigan lang ang kaya kung e sukli Sayo." Sabi ni Arke.

"Baliw kana pare haha. " Sabi ni Akira at agad nyang inagaw ang baril nang isang police na nasa kanyang likuran. Naging mabilis ang galaw ni Aki upang ma agaw nya ito sa police.

Tinadyakan nya si Marife palayo at pinaputukan nya si Arke.

Natamaan si Arke sa kanyang kaliwang dibdib.

"Kuyaaa!!!" Sigaw ni Zina agad nyang pinuntahan si Arke.

Babarilin pa sana ni Akira si Marife na nakasubsob sa sahig ngunit inunahan na sya ni Justin.

"Deserve ko to zee, ihingi mo ako nang tawad Kay Mark. Magpatuloy ka sa iyong mga pangarap. Abutin nyo." Sabi ni Arke at tuluyan na itong binawian nang buhay. 

Si Justin naman ay inakay si Marife upang makatayo.

"Ayus ka lang ba?" Tanong ni Justin.

"Oo ayus lang. Si Arke." Sabi ni Marife.

Kinuha na nang mga police ang katawan ni Arke.

Habang nakayakap si Marife Kay justine nakita nyang buhay pa si Akira at dahan dahan itong kinalabit ang gatilyo nang baril at itinutok ito Kay Justin na sa mga oras na iyon ay nakatalikod ang lalaki.

"Waagggg!" Sigaw ni Marife.

Isang putok nang baril ang umalingaw-ngaw sa paligid. Biglang inikot ni Marife ang position nila. Siya na ang natamaan na nang baril.

"Marife !!!" Sigaw ni Zina at Justin.

Pinutukan nang mga police is Akira. Na naging sanhi sa kanyang agarang pagkasawi.

"Masaya akong lilisan sa Mundo, dahil nakita ko na ang dalawang tao na bumuo sa tunay kung pagkatao, ang mga taong tumanggap kay Mark." Nakangiting Sabi ni Marife.

"Bes no, lumaban ka tang Ina naman oh!" Sabi ni Zina.

"Kahit kelan nagmumura ka pa din." Utal utal na Sabi ni Marife.

"Buhatin mo Justin, dalhin natin sya sa Ospital." Sigaw ni Zina.

Dahil sa sigaw ni Zina biglang nagising si Justin sa kanyang pakakabato habang nakatingin Kay Marife.

Mabilis Niya itong isinakay sa ambulansya...

Itutuloy....