"Timothy!" Ang biglaang malakas na sigaw ko sa pangalan ng isang tao na minsan naging parte ng buhay ko at kasabay nito ang pagdilat ng aking mga mata.
Napanaginipan ko na naman siya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko siya makalimutan kahit matagal na siyang wala sa tabi ko.
Dahan-dahan akong bumangon at tumayo mula sa aking higaan saka napalingon sa aking paligid saka ko lang napansin ang mga kasamahan ko sa trabaho na mahimbing sa kanilang pagtulog.
Napatingin ako sa aking cellphone na nasa higaan ko at kinuha iyon para tingnan ang oras. It's 1:45am.
Nawala na ang pagkaantok ko kaya lumabas ako ng pintuan at nagpahangin sa may upuan sa tabi ng puno.
"I wonder, if paano kung hindi tayo naghiwalay? Paano kung hindi kita nasaktan? Paano kung hindi ako sumuko sayo?" Ang tanging mga katanungan na nasambit ko sa aking sarili habang iniisip ko si Timothy.
Aaminin ko na pareho kaming lalaki pero siya ang una ko na naging kasintahan, si Timothy.
Mahal na mahal ko pa siya kahit matagal na kaming walang kumunikasiyon sa bawat isa. Marahil siguro ay nakalimutan na niya ako pero siya ay hindi pa rin nawawala sa puso at isipan ko. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na magkikita kaming dalawa at muli ko siya na makakasama kahit mahigit dalawang taon na akong walang balita sakanya.
Hanggang ngayon naghihintay pa rin ako na may makita sa social media na mga update sa buhay niya. Sobrang namimis ko na siya.
Natatandaan ko pa ang bawat detalye ng aming relasiyon sa kung paano niya ako inalagaan at minahal. Ang pagpapadama niya saakin ng pagpapahalaga na sana iningatan ko at hindi ko dapat hinayaan na mawala.
Sana kung nasaan man siya ngayon ay nasa maayos na kalagayan siya kasi kung ako ang tatanungin ay gusto ko na muling makita siya.
Maaring nakalimutan na niya ako pero ang huling bagay na ibinigay niya saakin ay nakatago at nasaakin pa rin. Ang singsing na galing sakanya ng unang araw na dinalaw niya ako sa lugar kung saan ako nagtatrabaho dati sa mismong araw ng aking pagdiriwang ng kaarawan ko.
"Rick, gising ka na pala. Ang aga naman." Ang narinig ko nalang mula sa aking likuran. Napalingon ako sakanya at umupo naman siya sa tabi ko. Hindi ako sumagot sakanya.
"Lalim yata ng iniisip mo. Pwede ko ba malaman?" Ang tanong niya pa saakin. Isinandal ko lang sa balikat niya ang aking ulo habang itinaas niya naman ang kanyang kamay at ipinatong ito sa aking balikat saka marahan na hinimas ako.
"I know. Alam ko na naman ang iniisip mo. Kalimutan mo na siya. Ang tagal ng wala kayong kumunikasiyon at baka nga may iba na siya. Bata ka pa naman at paniguradong may mahahanap ka pa na mas higit sakanya." Ang sabi pa ng bukod tanging kaibigan ko na si Mark.
"Sana nga pero kahit anong gawin ko ay siya pa rin ang laman ng puso at isipan ko. Alam mo naman hindi ba na kung kani-kanino na ako nakikipag-meet at kung ano-anong mga dating apps na ang dina-download ko pero wala talaga. Siya pa rin ang hinahanap ko." Ang tanging naisagot ko sakanya saka niya tinanggal ang ulo ko sa balikat niya at umayos kami sa pagkakaupo. Napayuko lang ako habang nakaharap siya sa akin.
"Hindi mo siya makalimutan dahil ayaw mo siyang kalimutan. Ikaw, matagal ka na niyang kinalimutan kaya it's time for you to move on." Ang medyo pasigaw niya na sambit saakin pero mahina lang ang boses niya para hindi marinig ng mga natutulog namin na katrabaho.
"Anong gagawin ko? Sabihin mo kasi hindi ko alam. Ang alam ko lang kasi ay mahal ko pa siya." Ang tanging naisagot ko sakanya na parang maiiyak na ako. Naramdaman ko kasi bigla ang unang na naghiwalay kami sa pamamagitan lang ng chat sa messenger.
"It's enough. Nandito lang ako bilang kaibigan mo." Ang sagot naman niya saka niya ako niyakap ng mahigpit habang hinihimas pa ang aking likod na sinusubukan akong pakalmahin.
"Sorry." Ang salitang nabitawan ko kasabay ng mga luha sa aking mata na hindi ko na napigilan sa pagdaloy sa aking mukha.