—ONE SHOT—
Nag lalakad ako nang mabilis ngayon papauwi at baka gabihin ako.
"Cris!" Dinig kong tawag sa pangalan ko sa isang pamilyar na boses.
Agad kong nilingon ito at nakita ko si Kevin.
S'ya ang childhood bestfriend ko, tinuring ko na rin s'yang kapatid tulad ng turing n'ya sa'kin.
Napaka kulit nito at gusto n'ya laging mag adventure sa lahat ng nakakatakot na lugar kaya minsan ayy ayaw ko sumama kapag niyaya ako nito.
"B--Bakit Kevin?" Nauutal kong saad dito. Tumakbo 'to palapit sa'kin at tinanong ako. "Pwede mo ba akong samahan?" Saad nito at ngumiti.
"Saan naman? hindi ako sasama kung mag aadventure ka nanaman sa mga nakakatakot na lugar" Saad ko rito at aalis na sana nang pigilan ako nito.
"Sa haunted village na sinasabi nila, at kung hindi ka papayag ayy isusumbong kita kila Tito at Tita sa ginawa mo kahapon sa school!" Nakangising saad nito.
"Ano naman ang ginawa ko at bakit mo'ko isusumbong aber?" Tanong ko rito.
"Isusumbong kita dahil nag cutting ka kasama ang mga kaibigan mo! ohh ano sasama ka ba o hindi?" Tugon nito.
Pinilit lang naman akong isama ng mga 'yon at wala akong magagawa kung humindi man ako.
"At saka wala ka naman yatang gagawin ngayon, minsan lang naman ako mag pasama eh. Hmpp"
"Okay, ayos mukha. Ang pangit, hindi bagay sa'yo. Mukha kang ninuno ko." Tawa ko, dahil naka-nguso na siya.
Siguro gusto ni Kevin na ipag-higanti ang Papa niya at sinama pa ako? wth? gusto niya pa akong idamay kapag may nangyaring masama sa kaniya.
Nang maalala ko ang sinabi sa'kin ni Papa tungkol sa haunted village na 'yon, na pupuntahan namin ngayon.
May isang lalaki raw na pumapatay rito at lahat nang pumapasok dito ayy hindi na muling nakalalabas, dalawa sa mga pumasok dito ay si Tito Ken ang Papa ni Kevin, alam lahat ni Papa 'yon dahil s'ya ang kasama ni Tito Ken sa loob ng haunted village. Ngunit si Papa lang ang nakaligtas.
Iniligtas daw s'ya ni Tito Ken sa lalaking pumapatay.
Si Papa raw dapat ang sasaksakin ngunit hinarang daw ni Tito Ken kaya s'ya ang nasaksak, dadalhin sana dapat ni Papa si Tito Ken sa hospital kaso huli na ang lahat.
Nang dalhin ni Papa si Tito Ken sa hospital ayy nalagutan na'to ng hininga.
Kaya gano'n na lang ang takot ko sa haunted village na 'yon at sinabi rin ni Papa na huwag na huwag daw ako ritong pupunta.
—BACK—
At nag lakad na kami papunta sa haunted village at nasa tapat na kami ng gate ngayon, kinikilabutan ako at nag sisitaasan ang mga balahibo. Para akong maiihi sa kaba.
Kaso nandito na'ko, sorry Pa.
Sasamahan ko si Kevin para ipaghiganti namin si Tito Ken at para tulong na rin sa pag ligtas n'ya sa'yo.
Pumasok na kami ni Kevin sa haunted village walang mga ilaw rito kaya sobrang dilim buti na lang at may dalang flashlight lagi si Kevin, pa'no ba naman kasi gusto araw-araw nag aadventure.
....
Nang may na-rinig akong tumakbo kaya sinabi ko 'to kay Kevin, hinigpitan ko pa tuloy ang pag hawak ko sa braso n'ya dahil sa sobrang kaba.
"Ke--vin, napansin mo ba 'yung tumakbo?" Nauutal na tanong ko rito ngunit hindi ako nito pinansin at nagpatuloy na kami sa pag lalakad.
Nang itinapat ni Kevin ang dala n'yang flashlight sa harap ng sira-sirang bahay, may nakita kaming lalaki na naka maskara at kulay itim ang suot nito at may hawak na kutsilyo na puro dugo na ikanugalat namin ni Kevin.
Paatras kami nang paatras ni Kevin ngayon dahil palapit nang palapit sa amin ang lalaking puro dugo, bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot nang bumukas bigla ang mga ilaw sa village na'to.
...nakakapag-taka
Nang malapit na ito sa amin, sasaksakin na sana si Kevin buti na lang at naka-ilag ito. Kaya naitulak niya ako dahilan upang hindi ako matamaan.
Lumaban si Kevin dito at pilit n'yang kinukuha ang panaksak na dala ng lalaki.
Hindi ako makatulong kay Kevin dahil sa bilis ng tibok ng puso ko at takot na sanhi nang hindi ko paggalaw.
Nang makuha ni Kevin ang panaksak nito ayy sinapak 'to ng lalaki na kan'ya namang ikinahiga, hindi man makalaban nang maayos si Kevin dahil masyadong malakas ito.
Biglang bumunot naman ng baril ang lalaki na ikanagulat kong ipunutok nito kay Kevin. punong-puno na ng dugo ito halos hindi na makilala dahil sa daming lumalabas. Napahinto ang lalaki dahil sa kaniyang nagawa. Kaya naman ro'n bumalik ako sa wasto.
Lalapitan ko na sana 'to ng biglang humarap ang lalaki, tututukan na sana ako nito ng baril ng sipain ko ito sakan'yang ari at dahil doon ay nabitawan n'ya ang baril na hawak nito at agad kong kinuha at ibinato sa malayo.
Itinapon ko ito dahil 'di ko kayang iputok ang baril, 'di ko kayang pumatay ng tao. (Tao pa ba s'ya kung tutuusin?, mas malala pa siya sa hayop.)
Humanap ako sa paligid ng maaring magamit, paglingon ko ay nakakita naman ako ng kahoy at kinuha ito, dahilan upang paluin s'ya sa ulo at makatulog 'to.
Pinuntahan ko si Kevin, iyak ako nang iyak dahil wala man lang akong nagawa.
Bumalik ako sa lalaki at tinanggal ang maskara nito.
Nang tanggalin ko na ang maskara nito, laking gulat kong kilala ko ito.
....
"P-papa?" Nauutal at nagtataka kong tanong. Na gumugulo sa isipan ko ngayon.
"Pa'no, bakit, nangyari ito, b-bakit i-ikaw?"
—FLASHBACK—
Kakauwi ko lang ngayon galing trabaho nang makita ko ang aking asawa na kahalikan si Ken, dito pa talaga sa pamamahay ko? Napa-mura na lamang ako dahil sa galit at napa-upong umiiyak.
Nang matapos sila sa kanilang ginagawa ayy agad akong nag-ayos, pinunasan ko ang aking mga luha at agad na tumayo.
Pumasok na'ko sa bahay at mabilis na tumayo ang aking asawa dahil sa gulat at pumuntang kusina.
"Ahh Pare, kakarating mo lang ba?" Tanong ko rito at nginitian na lamang 'to kahit ang sakit sa loob ko na ginawa nila 'yon sa akin.
"Bakit mo ginawa ito, may tiwala ako sayo eh" Tanong ko sa aking isipan.
"Ahh oo" Saad nito.
"Napakasinungaling" Bulong ko.
"May sinasabi ka ba pre?" Tanong nito
"Ahh wala, Kumain ka na ba?" Saad ko rito upang ibahin ang usapan. Yumuko naman 'to halatang hindi pa kaya na-isipan kong dito na s'ya mag hapunan.
"Ahh, dito ka na mag hapunan" Dugtong ko at tumango na lamang ito.
Hindi ko alam bakit ko pa paghahapunin ang isang kaibigan na malaki ang tiwala ko at ganito lang pala ang gagawin sa'kin.
.....
Tapos na kami kumain kaya niyaya ko s'yang lumabas para mag pahangin, pumayag naman ito at nagpaaalam na sa asawa ko.
Nag-lalakad kami ngayon papuntang haunted village, lugar na kung saan ako pumapatay ng taong nag-papagalit at nag-papakulo ng dugo ko.
Bigla kong kinuha ang kutsilyo sa likuran ko, na kinuha ko muna sa kusina bago itago sa likod at inaya s'yang lumabas kanina.
Pinagsasaksak ko 'to, wala siyang nagawa kaya naman ito ang sanhi ng maaga niyang pagkamatay. At dahil na rin sa umaagos na dugo n'ya.
Hindi lamang isa ang saksak ko sa kan'ya. Tinadtad ko 'to na parang baboy na kinakatay.
"Dsurb"
Nagawa ko 'yon dahil sa galit na napupuno sa aking katawan na gustong ilabas.
...pagkalipas ng aking nagawa
Dinala ko 'to sa hospital para kunwaring hindi ako ang gumawa no'n.
Kinuwento ko kay Cris ang lahat ng nangyare na puro kasinungalingan lamang.
Dahil ako, Ako ang lalaking pumapatay sa village na 'yon.
—END OF FLASHBACK—
...
—5 months later—
Dahil sa mga nangyari, Ang Papa ko na pumatay kay Kevin at kay Tito Ken ayy hinusgahan ng habang buhay na pag kakakulong.
"A meurtrier (murderer)"
*Kung papanigan mo ang galit na nararamdaman mo at puot sa puso mo, magagawa mong makapatay ng tao na kahit kailan hindi mo inaasahang gawin.
At ilang beses pilit pang pigilan.
Kung patuloy kang magpapalamon, ang galit mo pa rin sa isang tao ang mananaig.
Kung nag sisisi ka talaga sa mga ginawa mo, dapat mo lang panindigan.
Dahil dapat sa una pa lamang ay inisip mo muna kung ano ang magiging bunga kung gagawin mo 'yon.
—THE END—