WIERD,BALIW, MAY SAPI SA UTAK...., ganon ang tawag at tingin ng mga tao sa kanya.
Siya si Chanley Dimagiba. Ang babaeng hindi nagigiba ika-niya, Siya ang babaeng walang pakialam sa nararamdaman ng iba kundi ang Mr right lang na kanyang hinahanap.
Isa lang ang pangarap ni Chan, yun ay mahanap ang Mr right ng buhay niya at maging isang house wife siya.
Ayaw niya ng sobrang yaman, ayaw niya rin ng sobrang hirap. Gusto niya yung sakto lang, yung kaya siyang buhayin at wag pagtrabahuin.
Makikita kaya ni Chan ang pinapangarap niya'ng Mr right ng buhay niya? Oh mahihirapan muna siya bago makuha ang pinapangarap niya.
➖➖➖➖➖➖➖
Tumakbo si Kian ng marinig ang lagabog sa bahay ng pinsan niya.
Kanina pa niya naririnig ang malakas na pagdaing sa loob ng bahay ng pinsan, kaya naman hindi na siya naka tiis at lumabas na ng bahay nila.
Para puntahan ang bahay ng pinsan niya na katabi lang nila.
Nag-aalala din kasi siya dahil mag-isa lang ang pinsan sa bahay, nasa bakasyon pa ang mga magulang nito. Hindi kasi ito sumama dahil may kailangan daw itong gawin. Mas importante padaw ang gagawin niya kesa ang sumama sa mga magulang niya sa abroad para magbakasyon ng isang buwan.
Walang pasok sa school ang mga ito dahil bakasyon din.
"Chanley,Anong----" napatigil si kian ng makita si Chan na may bitbit na cruz at sinturun. Habang ang isa naman nito'ng kamay ay may hawak na kadena.
Gulat namang napatingin si Chanley sa pinsan niyang parang binagsakan ng isang sakong bigas sa mukha.
Hindi ito maetsura ang mukha dahil sa gulat.
"For god sick! Chanley anong ginagawa mo?" Madaling nilapitan ni Kian ang naghihingalong kaklasi na si Jonas.
Walang paki-alam na umupo si Chan sa malaki nilang sofa at uminom ng kape.
"CHAN, Ano bang ginawa mo?"
"Kita mo naman diba?" Kampanting sagot nito sabay turo sa duguang kaibigan ni Kian na si Jonas.
"Ano bang nakain mo at nilatigo mo siya ng sinturun at tinali sa kadena?"
Hindi makapaniwalang saad ni Kian at pinagkakalas nito ang kadenang nakatali sa classmate niya. pinaupo niya ito sa isa pa'ng malaking sofa malayo kay Chanley.
"Ghoster siya e, diba dapat ang mga multo binubuhusan ng holy water tapos nilalatigo para lumabas yong masamang spirit sa katawan tsaka ---"
"CHANLEY DIMAGIBA."
Napatigil sa pagsasalita si Chan ng sumigaw si Kian.
Makikita sa mukha nito ang inis at galit.
"Nababaliw kana ba? Tao to o, tao ang kaklasi ko, hindi multo o kong ano mang hayop na sinasabi mo. Nasan ba ang utak mo?"
"Nasa ulo ko nakadikit---"
"STOP....". Nakikita na ang ugat sa leeg ni Kian dahil sa inis sa kanyang pinsan.
Biglang umiyak si Chanley dahilan ng pagkalma ni Kian at agad na nilapitan ito.
Nawala sa isip ni Kian ang kaibigang duguan na nakahandusay na ngayon sa tiles dahil binitawan niya ito ng umiyak si Chanley.
"Ang sabi niya kasi, gusto niya ako tapos nong nag reply ako seneen niya ako." Wala sa sariling niyakap niya ang pinsan at pinupunasan ang mga luha.
Chan is 17 years of age, pero dahil nag-iisa siyang anak ng pamilyang DIMAGIBA, mahal na mahal siya parents niya. Lahat ng gusto niya nakukuha niya sa isang paghikbi at salita lang.
Kahit hindi man ito umiyak basta sisimangot na ito at hindi na nagsasalita wala ng magagawa ang mga parents nito kundi ang pagbigyan ang anak.
Ganon lumaki si Chan, spoiled brat. Bitch ika nga nila.
Ayaw niya'ng naiisahan siya gusto niyang siya lagi ang makakaisa.
Takot ang mga magulang niyang paiyakin siya dahil pag umiiyak na siya kulang ang dalawang araw para tumigil siya.
Hindi din siya nagbubukas ng kwarto niya kapag galit sa mga parents niya.
Ganon din ang ginagawa niya sa mga pinsan niya, oras na pinaiyak siya ng mga ito isang buwan niya itong hindi papansinin hanggang sa magsawa siya.
"Okay,okay... Fine hindi na ako galit. Just call your mom and dad para makauwi sila agad."
"But why?"
"Chan, dimo ba naiintindihan? May ginagawa ka na namang kabaliwan, kailangan natin ang parents mo para sila na bahala luminis ng kawierdohan na ginawa mo sa buhay." Napasimangot si Chan.
"I'm not weird, I'm an alpa kid."
"Chanley..."
"Yeah,yeah...."
Nakasimangot na dinial nito ang number ng parents sa abroad at tinawagan ang mga ito.
Hindi sumagot ang mga ito,kaya pinatay nalang ni Chan ang tawag.
Kahit naman hindi nito nasagot ang tawag niya, oras na makita nito ang missecall ng anak. Ora-oradang uuwi ito ng pilipinas.
Prenting nakaupo lang si chanley sa sofa at tiningnan ang papalabas na si Kian buhat-buhat nito ang kaibigang hinang hina na.
"Bakit kaya ganon? Diko talaga maintindihan si pinsan. Multo yang lalaking yan pero tinutulungan niya."
Napaikot ng mata si Chan bago tumayo at sinara ang pintong nilabasan ng pinsan niya kasama ang lalaking ginawa niyang punching bag.
➖➖➖➖➖
Maagang nagising si chanley dahil gagawa pa siya ng assignment niya sa English, at math.
Matalinong bata si chanley at kong hindi dahil sa pagkapasaway niya, nasa kanya na sana ang lahat.
Maganda, sexy, singkit na mga mata at matangos na ilong,manipis na mga labi. At higit sa lahat napakamayaman ng pamilya DIMAGIBA.
"Anak, are u awake?"
"Yes, mom... Why?"
"Can we talk?"
"Sure, come in."
Bumukas ang pinto at pumasok ang nanay niyang halatang kakarating lang dahil nakadamit pa ito mg formal.
Soot-soot pa nito ang bag nitong chanel pati narin ang mga alahas nito na Bulgari. Dumiritso ito sa kwarto ng anak para makausap dahil sa ginawa nitong kalokuhan.
Hindi niya naman ito pwedeng pagsabihan ng masasakit dahil kong magtampo ito'y halos isang buwan or isa't kalahati bago ka nito kakausapin.
Alam niya sa sariling mali na ang ginagawa ng anak ngunit hindi niya ito masisisi dahil palagi silang wala sa bahay ng asawa niya.
Simula maliit pa ang anak nito ay tanging mga katulong lang ang kasama at hindi sila na mga magulang.
Pinuno naman nila ito ng pagmamahal, pagmamahal na hindi tulad ng nasa tabi lang sila nito palagi kundi pagmamahal na lahat ng gusto ng anak ay sinusunod nila.
Sinisisi ng ina ang sarili dahil, nong mga panahong kailangan sila ng anak sa tabi nito ay wala sila. Hanggang ngayon hindi parin nila ngagawang mag-stay sa tabi ng anak dahil inaasikaso nilang mag-asawa ang negosyo sa ibat-ibang bansa.
Kaya kahit dalaga na ang anak ay wala silang magawa kundi tulad parin ng dating gawi nilang mag-asawa.
Uuwi sila galing sa ibang bansa,para lang makasama ang anak ng isang araw or worst limang oras lamang.
"Anak, bakit mo naman ginawa yon? Hindi mo ba alam na mali ang ginawa mo? Buti nalang at nakipag-areglo ang mga magulang ng lalaking pinaghahampas mo ng malalaking kadena."
"He's a ghoster Mom, i need him but he didn't need me."
"Edi, dapat hinayaan mo nalang."
"He's like a ghoster mommy, and humingi siya ng money, mommy. Tsaka pagkatapos niya akong hindi replayan may gana pa siyang magpakita sakin. Tsaka mommm...siya ang may gusto non. Para lang bigyan ko siya ng money, handa daw siyang gawin lahat ng gusto ko. And i said are you sure? He said yeah im sure. That's why ginawa ko ang gusto niya. Yon ang makakapagpawala ng galit ko kaya tinali ko siya din hinampas para nextime matutoto na siyang magreply wag siyang parang multo na nawawala nalang bigla pag chinachat siya." Mahabang litanya nito.
Huminga muna ng malalim si Chanley, napagod siya sa mahabang paliwanag na sinabi niya sa ina.
Hindi na nakapag salita ang ina nito at tumango tango nalang.
Kaagad na napalitan ng ngiti ang mga labi ng ina niya ng maalalA nito ang regalo sa anak.
"Guess what anak, i have something for you."
"Mom, hindi kona kailangang hulaan kong ano yan dahil sasabihin mo rin naman." Napakamot nalang ang ina nito at nilabas ang isang Louis Vuitton na bag.
Nagkunwaring masaya si chanley ngunit ang totoo niyang nararamdaman ay hindi niya nagustohan ang binigay ng ina.
Sa isip-isip niya ay hindi niya kailangan ang mamahaling mga bag's dahil ang tanging hangad niya lang at kailangan niya ay ang pagmamahal ng mga magulang niya.
"Masaya kaba?"
"Yes, Mom im so happy thank you." Kaagad niya itong niyakap at nagpasalamat rito.
"Welcome anak, o siya if you need anything just text me okay? May lakad pa kami ng daddy mo business meeting to Australia we have flight this morning sumaglit lang kami rito para kausapin ka tungkol sa ginawa mo."
"It's not my fault."
"As always anak, its not your fault i know that." Huminga ng malalim ang ina at tumayo na.
Hindi na siya nag-abalang tumayo pa, hinintay nalang niya'ng halikan siya ng ina sa noo at umalis na.
Hanggang sa makalabas na ang ina ay nakatitig parin sa pinto ang mga mata niya.
Gusto niya mang pigilan ang mga magulang ay hindi niya magawa.
Laging sagot ng mga parents niya sa tuwing sasabihin niyang kailangan niya ang mga ito ay Don't worry anak ill be there.
Ilang beses siyang naniwala sa mga salita'ng yon ng parents niya pero ni isa walang natupad dahil tuwing may okasyon sa school ay laging yaya niya ang kasama or aattend.
Kaya di na siya magtataka kong makakalimutan na ng parents niya lahat ng nangyari pagbalik nito galing business trip ng mommy at daddy niya.
Nawalan na siya ng ganang pumasok,hindi dahil sa natatakot siyang makita nong lalaking binugbug niya kundi dahil sa namimiss niya na naman ang parents niya.
Alam niya sa sariling hindi pa uuwi ang mga magulang niya hanggang sa hindi nito matapos ang dapat nilang gawin sa Australia.
➖➖➖➖➖➖➖
Paikot ikot na parang batang naglalakad si chanley sa hallway ng school nila.
May hawak itong lollipop sa kaliwang kamay at sa isang kamay naman ay isang latang stick o na strawberry flavor.
Napatigil siya ng marinig ang mga classmates nitong nagbubulungan, tiningnan niya ng masama ang mga ito at dahan-dahang nilapitan.
"Isigaw mo." Mahinahon na saad nito.
"Ha? Ang alin."
"Tanga! Sabi mo bitch ako. Buti alam mo,gusto ko iparamdam sayo kong gano ako ka bitch. Para naman magkatotoo yong chismis mo.hehe"
"Ouchhh! Let me go! I didn't say that."
"Oh really?" Napaigik sa sakit ang babae ng hawakan niya ito sa balikat.
"Hala! Sino yan? MY GOD! NEW STUDENT.." nawala ang atensyon niya sa babaeng kaaway ng sumigaw ang isa sa mga classmates niya.
Kaagad na binitawan ni chanley ang kamay ng babae at nilapitan ang babaeng parang maiihi na sa panty kong kiligin.
"Sssttt.. gwapo ba?" Feeling close na saad niya sabay akbay sa babae.
"O-oo s-super gwapo niya." Nanginginig na sagot nito dahil sa paglapit nya rito.