Chereads / THE BILLIONAIRE'S PART-TIMER / Chapter 50 - Chapter 49

Chapter 50 - Chapter 49

She slowly opens her eyes while she felt debility inside. She stares at the ceiling for a second while trying to move her fingers. Deja vu! A feeling of having already experienced the present situation. Marahan din siyang tumingin sa kaliwanag bahagi niya at naroon ang natutulog na si Zack. Tumingin din siya sa wall clock na nakasabit sa dingding. Umaga na! Noon lang sumagi sa isipan niya ang mga naganap kagabi hanggang nag-bleeding siya. 

Maya-maya pa ay nagising na rin si Zack saka nagmamadaling tumayo nang makitang nagising na rin siya. Muli niyang sinulyapan si Zack na tila hapong-hapo ito at walang tulog. Nakapagpalit na rin naman ito ng damit.

"Zack..." anas niya.

"How's your feeling?" Ginarawan siya nito ng halik sa noo.

"I'm not okay. How's our baby?" bungad niyang tanong rito.

"Magpalakas ka. I will prepare your food⸻"

"Zack, ang baby natin?" muli niyang tanong. Pakiramdam niya ay umiiwas ito sa usapin tungkol sa bagay na iyon.

"Zairah..." Muli siya nitong hinalikan sa mga labi. "I will love you until the last breath I have. Just promise me that...that you will still be a brave woman, I know."

Nangingilid na ang kaniyang mga luha hanggang sa unti-unting nagsilaglagan ang mga ito. "Zack... just tell me truth. I want to know, please!"

"Hey... Please, just calm down. Everything will be alright. Don't worry, and I will not leave you!" Pinahiran nito ang mga luha niya.

"B-Bakit hindi mo sabihin sa akin ang totoo?" Lalo lang siyang umiyak nang umiyak.

"Okay, I will tell you but be brave as I said."

Nahihirapan na siyang huminga dahil alam niyang may hindi magandang nangyari sa ipinagbubuntis niya sa tono pa lang ng pananalita nito. Hindi niya mapapatawad ang kaniyang sarili kung sakaling nangyari nga iyon. And she saw on his fiancee's eyes that it shown she's right on her instinct.

"Our baby... It didn't survive in your womb and miscarriage due to your nervous breakdown. But I'm not blaming you, Honey. I know that you're very careful of taking care of yourself, but...sometimes there's a chance we need to accept, and it has happened for a reason." Napabuntong-hininga ito. "Zairah, just promise me that you will be brave until we can overcome this kind of dilemma."

"How could I accept that thing, Zack? Bakit iyong baby natin ang kailangang magsakripisyo? Bakit hindi iyong mga masasamang tao? Bakit?!" Patuloy lang ang kaniyang pag-iyak nang dahil sa nalaman niya. Wala na ang bagay na pinakaiingatan niya at wala na ang kaniyang anak.

"Remember it, Zairah. I'm still here. Sa ngayon, magpahinga ka muna. Hindi ka maaaring ma-stress o mabinat."

Tumatango-tango lang siya habang pinipilit na intindihin ang lahat. "Si Raven? K-Kumusta si Raven?"

"He's out from danger. Daplis lang ang tama niya pero kailangan pa rin niyang magpahinga dahil maraming nawala sa kaniyang dugo. But your friend Jhen donated her blood to him."

"And that woman?" Muli na naman siyang napaluha. Bakit nangyayari sa amin ito? Napakasama ba naming tao?

"She's in jail. Don't worry about that evil woman; she will pay for it." Napabuntong-hininga ito. "Let's eat, and you need to take your medicine."

Iyon na ang pinakamasakit na nangyari sa buhay nila ni Zack. Hindi madaling tanggapin na nawala na ang isang mahalaga sa kanilang dalawa at alam nila pareho kung gaano kahirap na buuin iyon. Halos iyon pa ang dahilan na kamuntikan pa nilang hindi na magkitang muli.

Samo't saring mga naiisip niya habang nagpapagaling sa ospital at pati na si Raven ay nadamay pa sa kalokohang ginawa ni Lara. Mabuti na lang at daplis lang ang tama nito dahil baka hindi na niya makayanan na pati ito ay may masamang mangyari.

Nanagot na rin si Lara sa batas at hindi titigil si Zack hangga't hindi nabibigyan ng hustisya ang batang nasa sinapupunan niya na ngayon ay hinding-hindi na niya mayayakap. Labis din ang kaniyang kalungkutan ngunit hindi naman siya pinapabayaan ni Zack.

ISANG BUWAN ang lumipas at naging maayos naman ang panibagong buhay nila ni Zack. Naka-recover na rin si Raven ngunit may arm cast support pa ito sa kaliwang braso. Nasa Tagaytay Highlands sila kung saan nagbakasyon sila sa resthouse ng asawa niya. Yes! Life must go on and they continued the wedding was supposed to happen two days before the incident. 

"How are you, Zai?" tanong agad ni Raven sa kaniya. Nasa bilugang mesa sila habang katapat ang malawak na tanawin sa buong highlands.

"I'm okay and you? How's your wound?" tanong niya rito. Kakarating lang nito roon dahil sumunod lang ito sa kanila.

"Heto, pagaling na. Pero hindi ko pa rin maigalaw. Isa pa, malayo sa bituka ito kaya ayos lang ako."

"At masamang damo," sabat ni Zack.

Napasulyap sila kay Zack na naroon na habang may bitbit na tray na may tatlong tasang kape. Inilapag nito sa mesa saka siya ginawaran ng halik sa pisngi. Iniurong din nito ang upuan at umupo rin ito sa bakanteng gitna nila ni Raven.

"Ako lang ang masamang damong pinakagwapo," sambit ni Raven.

"I agree," tugon niya. Kahit papaano ay nakikipagbiruan na siya rito. Unlike, noong mga nakaraang araw ay lagi siyang tulala.

"Well, makikita naman sa mukha. By the way, hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kaibigan mong si Jhen. Dinugtungan niya ang buhay ko."

"Actually, takot na takot iyon sa karayom pero nang gabing kailangan mo ng blood transplant, nag-volunteer siya. Matapang siya nang gabing iyon subalit natauhan ulit," wika niya.

"I should have thanked her when I finally recovered. When will be your trip to Santorini?" tanong nito.

"Next week. We will spend our days there for a couple of weeks. Matagal na rin akong hindi nakakapunta roon," si Zack na ang tumugon.

"Tama iyan at maipasyal mo naman si Zairah. Uwian niyo na lang ako ng may lahing dayuhan. Baka hindi nga talagang may lahing Pilipino ang swerte ko."

Natawa siya.

"That's right, Zairah. Tumawa ka lang. And this is the best place to unwind and relax." Sabay tingin ni Raven sa malawak na kapaligiran.

Ipinilig niya ang ulo sa balikat ng asawa niya. "Next time, bumalik ulit tayo rito at sana ay kasama mo na ang the one mo, Ranzel," wika niya sa tunay nitong pangalan.

Sumulyap ito sa kaniya. "Ranzel pala, ha. Pangalawa ka na sa tumatawag sa akin niyan."

"At sino na naman ang nauna?"

Bumulong si Zack sa kaniya. "Iyong high school batchmate naming may crush sa kaniya at niligawan siya kaya lang ay binasted niya."

"Hindi nga? Maganda ba siya?"

"Hmm... Yes! Kaya lang ay napabayaan sa kusina." Sabay ngumiti si Zack sa kaniya.

"Narinig ko iyon! Nagbubulungan kayong dalawa nasa harapan niyo lang ako," may inis nitong wika.

Natawa na lang siya.

Hindi niya lubos maisip na may ganoong nangyari pala sa buhay ni Raven at natutuwa naman siyang may babaeng naglakas ng loob na manligaw dito. They have many things to talk about while on vacation and so far, it is their way how to ease the pain they have been through.