"Sorry."-Yael
"Di mo kailangan mag sorry."huminga ng malalim. "Ituro mo na saakin paano iluto."
Nag tungo silang kusina at inihanda ang lahat ng kailangan nila.
"Iisa lang talaga ang ingredients ng sinaing na tulingan. Pero nag kakaibaiba parin ng lasa."-Jhong.
"Kasi nga kung paano mo iniluto ang isang pagkainduon mag kakatalo. Kung minadali mo pwedeng maging maalat o matabang, maging over cook o hilaw."-Yael
"Kailangan tama lang ang lakas ng apoy. Bawat sangsak na ilalagay mo dapat makikita mo ang ngiti ng kakain."-Jhong
"Bakit alam mo yan?"
"Turo ni inay."-Jhong
"Wag kang malungkot. Magiging malungkot rin lasa nyan."-Yael
"Oo nga pala. Buti pinaalala mo."-Jhong
"Pero alam mo si Kid lang talaga ang anak ni mama."-Yael
"Ha? Paano?"-Jhong
"8 ako non ng makita namin ,si mama na parang baliw at palaboylaboy. Hinahanap nyang anak nya si Kiko. Naawa ako non kay mama. Kaya kahit ayaw ni papa. Kinupkop namin sya at inalagaan. Doon namin nalaman na may balang nakabaon sa bungo nya. At halos nakadikit na sa utak nya. Awang-awa si papa non kay mama. Pina imbistigahan nya noon si mama. Pero wala kaming na kuhang sagot. Hanggan mamatay sya dahil sa panganganak. Mahal na mahal ni papa si mama. Kaya ng mamatay si mama si Kid ang sinisi nya."tumulo ang luha.
"Kaya pala ganon sya kasama kay kid." Umiiyak din na sabi. "Pero may piture ka ba ng mama mo."
"Sa ilalim ng kama ko may maliit na box doon."-Yael
Tinapos nani Jhong ang pag luluto. At tinawag ang ama at si Kid.
"Sige na papa. Sabay sabay natayong tatlo." Pag lalambing niya.
"Bumalik na ba ang alaala mo?" Tumango si jhong dahil sabi ni Yael. "Anak ko." Umiiyak na sabi at niyakap sya mahigpit.
Biglaring tumulo ang mga luha nya. Para syang isang bata na naligaw at natagpuan ang magulang. Sabik sa halik at yakap nila.
"Tara na po."-Jhong
Sabay sabay silang kumain at nakangiting nag laho si Yael. Nang makita ni Jhong ang larawan ng tinatawag ni Yael na mama. Ay napahagulgol siya. Ang nasa larawan ay ang kanyang ina. Niyakap niya ang larawan ng napaka higpit.
"Kuya." Hinagod ni kid ang likod niya. Upang sya ay pakalmahin.
"Kid si na-mama." Iniabot nya ang larawan sa kapatid.
"Mama ko." Sa wakas ay nasilayan na niya ang inang kay tagal pinanabikan.
Pareho silang mag kapatid na umiiyak ng makita ng kanilang ama. Nakita nitong iniiyakan nila ang isang larawan na sa tingin nya ay ang asawa. Kahit sinunog nanya ang larawan. Alam nyang may itinago ang anak.
-
-
-
"Ayon ho sa imbestigasyon ko. Dati po syang kasintahan ng asawa nyo. Wala ho silang peronal nakaungayan ng lalaking ginaya nya ang muka. At yung kumuha sa anak nyo. Isa sa mga kaibigan nya nung college." Sabi ng imbestigador kay Vice.
"Salamat." Iniabot ang sobre na may pera. "Mag babayad ka Yael." Kuyom ang kamaong sabi. "Wala kang karapatan o ang kahit na sino na nakawin ang muka ng mahal ko."
"Pogi." Pag tawag ni Karylle sa asawa.
"Karylle lumabas ka muna." Mababakas sa muka ni Vice ang galit.
"Bakit? May problema ka ba?"-Karylle
"Nakakaintindi ka ba ng tagalog! Diba sabi ko lumabas ka muna!" Galit nyang sigaw sa asawa.
Di na pigilan ni Karylle umiyak sa takot. Para namang na buhusan si Vice ng malamig na tubig sa nakita.
"Kurba sorry." Pilit nyang niyakap ang asawang nag pupumiglas sakanya.
"Bitiwan mo ko. Halimaw ka. Halimaw ka. Halimaw ka. Bitiwan mo ako. Halimaw ka." Paulit ulit na sabi habang pilit kumakawala sa pahigpit na pahigpit na yakap ni vice.
"I'm sorry please di na ako uulit Kurba." Pagmamakaawa nya.
-
-
-
"Ibalik na kaya natin si ryan."-vhong
"Hindi. Hanggat di tayo nakakasigurong di nya iiwan ang kapatid ko." Tugon nito.
"Naiintindihan naman kita. Pero tignan mo naman ang kalagayan ni Isay halos mabaliw na sya kahahanap kay ryan. Billy maawa kanaman sa kapatid mo."
-
-
-
"May bago ka na namang kanta kuya?"-Kid
"Oo. Pag natapos toh. Aalis na tayo. Ibabalik ko na rin ang dati kong muka."nakangiting sabi.
"Bumalik na nga talaga ang kuya ko." Niyakap ni kid mula sa likod si Jhong.
"Nag lambing nanaman ang bunso ko."nakangiting sabi.
Kinabukasan ay nag punta uli sila sa radio station.
"Naritong muli si Mr. Atienza para sa bago nyang awitin. Pero para ba kanino ito?"
"Sa taong pinaka mamahal ko. Yung inpirasyon ko sa una kong awit. May mahal na kasi syang iba."
"Nakakalungkot namanyan. Pakinggan natin si yael."
"Ang title nito. Hindi na bale." Inumpisahan na nyang patugtugin ang gitara.
"Bakit ba kay hirap tanggapin
Na ikaw ay 'di na magiging akin
Sa lahat ng bagay sa mundong ito
Wala ng hihigit pa sa pag-ibig mo
Kung tunay na't 'di lang panaginip
Ang aking nararamdaman ngayon
Hanggang kailan kaya nagdurusa't
Malulumbay ako ng wala sa piling mo
Hindi na bale kung mawala ka
Basta't iniibig kita ng higit sa buhay ko
Hindi na bale kung mag wakas na
Ang buhay kong ito
Ngunit sa puso ko
Ikaw ay naroon at hindi maglalaho
Sadya ngang kay tamis ng iyong halik
Araw-araw ako sa inyo'y nananabik
Sana'y makapiling ka kahit saglit
At mayakap ka ng kay higpit
Hindi na bale kung mawala ka
Basta't iniibig kita ng higit sa buhay ko
Hindi na bale kung mag wakas na
Ang buhay kong ito
Ngunit sa puso ko
Ikaw ay naroon at hindi maglalaho
Hindi na bale kung mawala ka
Basta't iniibig kita ng higit sa buhay ko
Hindi na bale kung mag wakas na
Ang buhay kong ito
Ngunit sa puso ko
Ikaw ay naroon at hindi maglalaho" tuluyang bumagsak ang kanyang mga luha.
"Kahit kelan talaga tagos sa puso yang sinusulat mo eh noh." Umiiyak na sabi ng DJ. "May mensahe ka ba sakanya?"
"May mga bagay na mahirap paniwalaan. Pero tuluyan na akong lalayo. Sana makita nyo na ang anak nyo. I'm sorry kung sakasakaling iisipin nya na aagawin kita. Totoo yun. Pero Someone told me. Na kung mahal kita. Hayaan kong maging masayaka sa piling ng mahal nya. Ito na ang huli cutiepai pangako."-Jhong
"Tama ba pag kakaintindi ko sa message mo na binalak mong agawin sya sa taong mahal nya ngayon?"-DJ
"Oo." Walang takot na sabi.