Chereads / ❤️TRUE LOVE WAITS❤️ / Chapter 4 - EPISODE 3: LOVE AT FIRST SIGHT

Chapter 4 - EPISODE 3: LOVE AT FIRST SIGHT

Tapos na akong kumain kaya bumalik na ako sa aking kwarto. I am currently reminiscing the time I first met her. I have been in love with her since first year high school.

Parehas kami ng section pero parang hindi naman niya ako napapansin kasi laging school at bahay lang siya. Palangiti siya pero parang lahat nginingitian niya kapag kausap siya as in, super bait niya.

Madami din siyang admirrers pero hindi niya din pinapansin. She never answers any love letters or cards given to her during valentines day. Alam ko ang mga iyon kasi halos sa kanya na nakatutok ang atensyon ko kapag nasa paligid siya.

Palagi kaming nagtatambay sa food court ng school dahil inaabangan ko talaga siya doon. Tinutukso na nga ako ng aking mga katropa kapag nandoon kami pero hindi ko pa din magawang lumapit sa kanya kahit isang metro na lang ang aming agwat. She became my inspiration in going to school daily since then.

Tingin ko naman hindi ako papatalo sa looks para hindi niya mapansin kasi madami din namang nagpaparamdam na girls sa akin. Hindi lang ako masyadong seryoso sa studies pero may ibubuga din ako kapag ginusto kong magseryoso gaya ngayon.

Bigla akong nagkaroon ng ganang makinig at magpakabait sa pag-aaral pero siyempre andoon pa din ang basketball at sports na hilig ko talaga.

First year pa lang noong magpapakilala ang lahat. Ang ganda niya, iyon ang lumabas sa bibig ko na narinig nila Rixor noon kaya ako laging binibiro mula noon. Mapapansin din na matalino ito at mabait din dahil laging nakangiti.

Sa orientation, narinig kong tinanong ng adviser namin si Courtney if pwedeng ilaban siya sa Ms. Intramurals in the coming months, kaso tinanggihan niya ang offer.

Ilang beses ko ng nakita after that na may pumipilit na sumali siya sa pageants pero ayaw niya talaga. Her reason was, ayaw niya sa crowd at ayaw niya ng attention." It is impossible, kasi talagang agaw atensyon ang katauhan niya!

She is almost perfect. Mabait siya kasi kahit hindi siya kumakausap ng ibang boys kapag tinatanong sumasagot naman ng nakangiti.

Sa lagi kong pagmamasid halos nakabisado ko na ang mga galaw niya at kung ano ang mga gusto niya. Kilala ko na ang mga taong nasa paligid niya.

May isa siyang pinsang lalaki na kaklase din namin at kaibigan ko si Jessie Ong. Lagi niyang tinutulungan sa mga assignments at projects kasi hindi gaya niya may pagkapasaway ito.

Mahirap makuha ang atensyon niya kasi makikita mo talaga na nasa pag- aaral ang konsentrasyon. Ayon sa pinsan mataas daw ang pangarap ng mga magulang para rito kasi.

Mula pa noon napapansin ko na kahit snob siya kung may magpapatulong ng projects at assignment willing na willing naman siyang tumulong, kahit sino pa ang lumapit.

Hindi siya ang tipong dadalo sa school events dahil mas gusto niyang umuwi ng maaga kaya wala talagang chance na malapitan siya o makilala personally.

Makikita mo lang siya saglit sa mga events for attendance dahil sa extra curricular activities points na habol niya for academic purposes too.

Matalino, simple, maganda at mabait pero mahiyain at snob kaya walang nagtatangkang manligaw ng harapan. Madalas puro mga love letters na binibigay in secret kasi nakaka-intimidate talaga kapag iyon ang sasabihin sa kanya.

Iyong iba nga tinatakot ko pa na huwag lumapit sa kanya sa takot kong baka magustuhan niya ang mga lalaking iyon.

Isang araw, habang kasama ko si bestfriend Rixor. Hindi ko siya kaklase kasi ang gago nalaglag ang grades kaya magka-iba kami ng section at mas easy going iyon sa akin kaya hindi tuloy umabot ang grades sa Science section.

Nabanggit niya na nililigawan niya iyong isa sa mga bestfriend ni crush. Sinamantala ko ang panahon para mapalapit at makakuha pa ng impormasyon sa kaibigan niya na kasindaldal ng radyo sa ingay kapag magkakasama sila.

Sobrang opposite sila pero magkasundong-magkasundo pa din sila ni Cristine. Sabi nga sa naririnig ko mula Kindergarten pa sila magkakaibigan.

Habang nagmumuni-muni naisipan kong itext siya. Hinanap ko ang cellphone number niya that I saved kanina.

Kent: Hi Ms. Can u be my text mate? I sent to her number na nakuha ko sa kaibigan niya.

I waited for 30 minutes pero hindi ito nagreply kaya tumawag na lang ako at magpapakilala baka ayaw magreply sa text talaga.

Ring....Ring...Ring.....after 3 rings may sumagot rin.

Hello, boses niya iyon pero sa sobrang excitement ko walang lumabas sa bibig ko na salita kaya hindi ako nakasagot agad.

Courtney : "Kung sino ka man po, please stop pestering me. Hindi po ako interested sa ganyan." She said still with composure then ends the call.

Kent: "Courtney, this is Kent. Joke lang iyon may tatanong lang sana ako." I replied in text habang nag-iisip ng sasabihin kasi wala talaga akong sasabihin gawa-gawa ko lang para may reason ako to talk to her.

Courtney: "Sorry ikaw pala iyan. Kung ano-ano kasi tinetext mong loko ka."

Ano ba itatanong mo baka matulungan kita if I know ang sagot.

Kent: I dialed her number....in 1 ring she picked it up.

Courtney: Hello, Kent bakit? ano iyong sasabihin mo dapat?

Kent: Hi , thanks for answering. Wait lang Courtney. Nakalimutan ko naman na bigla sasabihin ko. Isipin ko lang huwag mo papatayin nasa dulo na ng dila ko drama ko lang habang nag-iisip ng palusot.

Courtney: Hahahahaha. Ewan ko sayo. Just contact me if naalala mo na , may tinatapos kasi akong assignment pa natin. Ikaw ba tapos mo na?

Kent: Buti pinaalala mo, iyon pala ang itatanong ko. Pwede bang makuha iyong questions? Naiwan ko kasi sa school iyong notebook ko. Hindi kasi nagrereply ang team ko baka wala din sila nakopyang notes.

Courtney: Okay, iyon lang pala sige send ko sayo. Picturan ko na lang with other notes then send ko via messenger.

Ano pala name mo sa messenger add kita para mas madali mahanap.

Kent: Bigla akong napangiti na parang nakajackpot. Ayos magiging friends na din kami sa facebook. "Thanks a lot, ito account ko. Add na din kita nasearch ko na name mo.🥰"

Courtney: Welcome patayin ko muna ang call hanapin kita. Sent na po sabi nito after 2 minutes sa text.

Kent: Tinignan ko ang messenger ko and there meron na nga. Thanks,I'll be right back, Ms. pretty. Do not snob me if may questions pa ako, sabi ko na lang 🥰. I replied on her messenger na.

Courtney: Opo, mabait po ako saka hindi ako snobber! Mukha lang pero friendly ako promise 😁. Reply din niya via chat.

Kent: Promise mo yan Ms. pretty ha. Sige tapusin mo na assignment mo then sleep ka na after ka na din. Good night na. Huwag ka magpuyat para hindi ka magkasakit😉.

Courtney: 😁Goodnight din, Thank you.

Kent: Sweet Dreams. See you tomorrow.

From that day, we became textmates and callmates. Unti-unti kong binuild up ang sarili ko sa kanya para hindi siya mabigla kung manliligaw ako. Iyon ang advise ng Cristine na iyon kasi ayaw pa daw magboyfriend ng bestfriend niya talaga.

Kinaibigan ko siya, laging kinukumusta at pinapatawa lalo sa pagkakataon na magkatabi kami ng upuan sa mga subjects kasi may mga time na nagrereshushuffle ang teachers ng seats para wala daw magulo.

Most of the time natatapat na kami ang seatmates dahil madami kaming letter A na boys pero ang girls ilan lang ang nasa A to D na apelyido.

Madali lang din pala makuha ang loob niya kung talagang pagsisikapan. Hindi nga nagtagal naging textmates at callmates kami, kapag may extra time sa weekends tinatawagan ko siya para kumustahin.

Nagkukuwentuhan at nagtatanungan ng mga bagay-bagay para mas lalo pa namin makilala ang isat-isa.

Gaya ngayon, naisipan ko ulit mangulit before going to school.

Kent: Hi kumusta ang tulog mo ms. pretty? kumain ka na?

Courtney: Good morning ,oo naman tapos na and ready to go na sa school, see you there. Ikaw ba kumain na din?

Kent: Oo tapos na din, malapit na nga ako sa school. Excited akong pumasok masyadong napaaga and pagdating ko. Ingat ka, see you sa school. 🥰🥰.

Courtney: Wow, improving Kent, joke lang. Sige ingat ka din 🥰.

Kent: May inspiration na kasi ako na gustong makita araw-araw.

Courtney: Wow, ang sweet naman ganyan ka pala pag inspired.😁

Kent: Hindi lang inspired, in love na din. Malapit ka na ba? Like mo ng sundo sa gate? Wait na kita doon para may kasabay ako papunta ng room baka pagtawanan lang ako sa sobrang aga ng pagpasok ko kasi.

Courtney: Sige ba, malapit na din naman ako. Okay lang ba sayo maghintay diyan sa gate?

Kent: Willing na willing kahit gaano katagal, pretty Courtney 😉.

Courtney: Drama naman po ni Mr. Alvarez.

Kent: Totoo iyong sinasabi ko 😭, bakit di ka naniniwala? After that text, no more reply then biglang.

Hi, nasa tabi ko na pala kaya wala ng reply sa akin. Naglakad na kaming dalawa papunta sa classroom.

Pagpasok namin sa classroom.

Carlo: Woooo... May himala , napasobra yata ng aga ang pagpasok ng isa diyan.

Jessie: May bago bang love team dito na hindi natin alam? Guys look si Ms. Pretty kasabay si papa Kent natin. "Don't worry cousin, i will cover for you sabi pa nito sa pinsan!"

Carlo: Oo nga dude, mukhang may inlove kaya bagong buhay ang peg 😁😁😁. Akalain mo hindi na late pumasok.

Guy classmate: Ayieee, ang swerte mo naman Kent sana all nakakasana ni Courtney.

Other Girl: Oh no! Wala na talaga, taken ka na ba papa Kent? Huhuhuhu ! Kent, akin ka na lang please 😭😭.

Cristine: Iyong totoo Kent nililigawan mo na ba ang bestfriend namin?

Mara: Kaya nga , inaagaw mo na siya sa amin. Sabi , huwag na daw namin hintayin sa gate dahil may kasama siya. Iyon pala may naghihintay sa kanya doon.

Kent: 🤗😀 Oo nanliligaw ako , sana pumayag si Courtney pero hindi naman ako nagmamadali kung hindi pa siya handa. Focus muna sa pag-aaral lahat. I am willing to wait kahit gaano pa katagal iyon.

Girl Classmate: Ayieee. Hindi ka man lang nagpabebe Kent umamin agad na in love talaga 😂.

Angelica: Kinikilig ako, OMG! Bagay na bagay kayo promise, gaganda ng genes niyo kapag kayo nagkatuluyan.

Faye: Noisy! Tumigil nga kayo! Akala mo kung sinong magaling at modelong studyante may tinatagong kalandian naman pala!

Courtney: Napatingin ako kay Faye pero hindi ko na lang pinansin. I heard what she said loud and clear!

Guys! Stop na parating na si Ma'am baka marinig kayo. I said kasi hindi pa ako handa sa rebelasyon nito pero hindi ako manhid. Alam kong sa pinapakita ni Kent ay nanliligaw na talaga siya.

Cristine: Faye niyo bitter ! Palibhasa nireject ni Papa Kent. Kawawa naman ang loser 🥺.

Faye: Anong sabi mo Cristine?

Cristine: Guys, may narinig ba kayo na sinabi ko?

Mara: Ano ba iyon? Wala naman kami narinig girl. Classmates may sinabi ba si Cristine na masama?

Classmates: Wala naman! Ang dinig kong sabi niya, be better! Isa pang hirit ng kaklase ko na pinagtakpan talaga ang salita ni Cristine.

Kent: Guys, stop na iyan baka saan pa umabot ang asaran. Huwag niyo ng aasarin si Courtney loves ko. Nanliligaw pa lang ako baka mabasted ako kapag na stress. Lagot kayo sa akin sabi ko ng seryoso pero nakangiti naman.

Girl Classmates: Noted, papa Kent. Vote kami para sa inyo. Bagay na bagay kayong maging love team sa campus.🥰🥰

Courtney: Nanahimik na lang ako para tumigil sila sa pang-chicheer sa panliligaw ni Kent sa akin. Nakita ko na kasi ang teacher namin na parating.

Kent: Since magkatabi ulit kami, I talked to her ng pabulong lang para walang makarinig. Hindi siya makatingin na bigla sa akin kaya medyo natakot din ako.

"Courtney, don't worry hindi kita mamadaliin at pipilitin if ayaw mo pa sa relationship. Just please give me a chance please? Hayaan mo lang ako sa tabi mo para makasama ka, bulong ko kay Courtney."

Pansinin mo naman ako please 🥺. I said to her.

Courtney: Kent, just give me time to think sabi ko na lang ng mahina. Hindi ko tinitignan sa mukha as I felt shy yet kinikilig too. Magkatabi kami buong klase pero hindi kami nag-imikan.

Ring......

Class dismissed. See you next day and mag-ingat kayo sa pag-uwi.

Naglalakad na ako papalabas ng room ng bigla niya akong sinabayan.

"Courtney , galit ka ba sa akin? Bakit ang tahimik mo?" Kent asked noong pauwi na. Pagtingin ko sa mukha niya mukhang malungkot siya kaya naawa ako. Nakonsensya ako bigla sa ginawa kong hindi pagpansin sa kanya.

Sorry Kent ,nabigla lang ako. Don't worry hindi ako galit at lalong hindi kita iiwasan. Smile ka na ulit, mas pogi ka kapag masaya ka lang sabi ko kasi parang nasasaktan na din ako kapag nakikita ko siyang malungkot.

Really? Thank you so much!

Sabay hug pa sa akin ng mahigpit. Pagkatapos noon balik na ulit siya sa masigla at nakangiti na hitsura.

"Thank you pretty 😉. I really love you! Please remember that kahit hindi ka pa handa maghihintay ako."

Lumipas ang mga araw at ramdam kong wala na ang barrier sa puso ni Courtney. Buwan ng Agosto noong naging mas lalo pa kaming napalapit sa isat-isa. Unti- unti ko din naipasok ang sarili ko sa kanya.

Diretso lang ang text and calls pero hindi naman tungkol na sa lessons. Nangungulit lang ako pero hindi naman siya nainis kasi mabait naman siya saka magaling akong magpatawa.

Nasa tatlong buwan kaming nagtetextan at nagtatawagan ng palihim, kwentuhan ng mga nangyayari sa kanya-kanyang bahay. There, we ended up into a secret relationship that only our close friends knows about it.