Chereads / Her Darkest Yesterday / Chapter 2 - CHAPTER 9

Chapter 2 - CHAPTER 9

Saktong papasok na siya sa kanilang pintuan ay saktong palabas naman ng kaniyang ina.

"Magandang Hapon nay,saan po kayo pupunta?"tanong ni habang nagmamano.Hindi niya pinahalata na may problema siya.Ayaw niyang mag-alala ito.

"Magandang Hapon din anak.Kukunin ko lang yung mga sinampay ko anak."sagot naman nito.

"Nay ako na po dadalhin ko lang yung bag ko sa sala.Pasok na po kayo."siyempre ayaw niyang napapagod ang kaniyang ina kaya siya nalang ang kukuha.Wala naman siyang gagawin.

"Ohhh sige sige anak,salamat!"mabilis naman na sabi ng kaniyang ina bago timalikod.

Dali-dali niyang nilagay ang kaniyang bag sa kanilang sala tsaka lumabas ulit para kunin ang mga sampay ng kaniyang ina.

Habang kinukuha niya ang mga sampay biglang sumagi sa isip niya si Dexter.π‘‚π‘˜π‘Žπ‘¦ π‘™π‘Žπ‘›π‘” π‘›π‘Žπ‘šπ‘Žπ‘› π‘ π‘–π‘”π‘’π‘Ÿπ‘œ π‘ π‘Žπ‘¦π‘œ π‘˜π‘’π‘›π‘” β„Žπ‘–π‘›π‘‘π‘– π‘›π‘Ž π‘˜π‘–π‘‘π‘Ž π‘˜π‘Žπ‘˜π‘Žπ‘’π‘ π‘Žπ‘π‘–π‘› π‘˜π‘Žβ„Žπ‘–π‘‘ π‘˜π‘Žπ‘–π‘™π‘Žπ‘›,π‘€π‘Žπ‘™π‘Ž π‘›π‘Žπ‘šπ‘Žπ‘›π‘” π‘‘π‘Žπ‘¦π‘œ π‘‘π‘ π‘Žπ‘˜π‘Ž π‘˜π‘Žπ‘˜π‘Žπ‘˜π‘–π‘™π‘Žπ‘™π‘Ž π‘π‘Žπ‘™π‘Žπ‘›π‘” π‘›π‘Žπ‘‘π‘–π‘›.πΎπ‘Žπ‘˜π‘Žπ‘˜π‘–π‘™π‘Žπ‘™π‘Ž π‘π‘Žπ‘™π‘Žπ‘›π‘” π‘›π‘Žπ‘‘π‘–π‘› π‘π‘’π‘Ÿπ‘œ π‘›π‘Žπ‘ π‘Žπ‘ π‘Žπ‘˜π‘‘π‘Žπ‘› π‘›π‘Ž π‘Žπ‘˜π‘œ.πΎπ‘Žπ‘¦π‘Ž π‘–π‘–π‘€π‘Žπ‘ π‘Žπ‘› π‘›π‘Žπ‘™π‘Žπ‘›π‘” π‘˜π‘–π‘‘π‘Ž.

Sabi nito na parsng naririnig naman ng binata ang kaniyang sinabi.Oo iiwasan ko na siya,kasi hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko.Bakit may nararamdaman akong ganito.Ito na ba yung tinatawag nilang pag-ibig??OMGGGG!!!no no no no,hindi ito yun.

Siguro nasaktan lang ako dahil sa mga sinabi ng babae na malandi at mang-aagaw ako.Oo yun nga,yun nga ang dahilan.πΎπ‘Žβ„Žπ‘–π‘‘ π‘›π‘Ž π‘ π‘–π‘›π‘Žπ‘ π‘Žπ‘π‘– 𝑛𝑔 π‘–π‘π‘Žπ‘›π‘” π‘π‘Žπ‘Ÿπ‘‘π‘’ 𝑛𝑔 π‘˜π‘Žπ‘›π‘–π‘¦π‘Žπ‘›π‘” π‘˜π‘Žπ‘‘π‘Žπ‘€π‘Žπ‘› π‘›π‘Ž π‘›π‘Žπ‘ π‘Žπ‘ π‘Žπ‘˜π‘‘π‘Žπ‘› π‘ π‘–π‘¦π‘Ž π‘‘π‘Žβ„Žπ‘–π‘™ π‘šπ‘Žπ‘¦ π‘˜π‘Žπ‘ π‘–π‘›π‘‘π‘Žβ„Žπ‘Žπ‘› π‘›π‘Ž 𝑠𝑖 𝐷𝑒π‘₯π‘‘π‘’π‘Ÿ.

Hindi niya namalayan na nakatulala pala siya ng matagal.Hindi niya siguro malalaman na nakatulala na lang siya kung walang yumugyog sa kaniya.

"Hoyyyy bunso anong nangyari sayo??okay ka lang ba??bakit ka nakatulala diyan??"tinignan niya ang nagsalita at si kuya Jake yun.Nahiya naman siya dahil sa sinabi nito.

"Ahmmm ehh kuya wala may iniisip lang hehe"totoo naman na may iniisip siya.

"Ano bang iniisip mo??parang ang lalim lalim eh."tanong naman ng kaniyang kuya.

"Ahmm yung project ko lang kuya,parang ang hirap kasi eh kaya nag-iisip ako kung paano ko sisimulan."pagsisinungaling nito.

Pansin niya na nakakasabi na siya ng hindi totoo sa kaniyang kasama sa bahay.Hindi naman siya ganito dati,kapag nga nagtatanong ang kaniyang magulang o ang kaniyang dalawang kuya ay sinasagot niya kaagad ng totoo.Perp ngayon hindi na niya nagagawa iyon.

Masama na ba siyang anak at kapatid dahil nagsisinungaling na siya?Pero okay lang naman siguro kapag minsan hindi ka nagsasabi ng totoo diba??

"Ohhh baka may maitulong ako bunso sabihin mo lang at tutulungan kita."nagulat naman siya sa sinabi ni kuya niya.Paano na yan wala naman talaga siyang project.

"Ayyy nakuuu hindi na kuya.Kaya ko na yun,ako pa ba??"pilit na ngiting sabi naman nito.

"Ohhh owww sabi ko nga na kaya mo yan,sana hindi nalang ako nagtanong"natatawang sabi naman nito.Napangiti nalang siya.

Hayysttt kuya kung alam mo talaga yung totoo kong problema baka mag-init ang ulo mo at sugudin mo nalang si Dexter.Pero siyempre hindi niya sasabihin yun.

"Ohh sige na kuya ipasok ko na ito.Btw,Good Afternoon."paalam nito sabay bati.

Hindi na niya hinintay pa na batiin siya pabalik ng kuya niya dahil tinalikuran na niya ito at dire-diretsong naglakad.

"Nay!nakuha ko na po yung mga nilabhan niyo tsaka nandiyan na po pala si kuya Jake."sabi nito habang naglalakad papunta sa sala.Siya na ang magtutupi nito para wala ng gagawin ang kaniyang ina mamaya.

"Wala pa ba si Kuya Jade mo anak?"tanong ng kaniyang ina."Ilagay mo nalang pala iyang mga damit diyan at ako na ang magtutupi mamaya."pahabol na sabi ng kaniyang ina.

"Nay ako na po ang magtutupi tsaka wala pa po si Kuya Jade,siguro kasama niya yung nililigawan niya ngayon" owww sh*ttttt lagot "Ahhh este baka nandoon pa po siguro sa School si Kuya."bawing sagot nito.Zeamra yang bunganga mo nga,diba sabi ni Kuya mo na huwag mo munang sasabihin?Halakaaa lagot ka.

Nagulat siya ng dali-daling naglakad palabas ng kusina ang kaniyang ina.

"Anong sabi mo Zeamra?hindi ba mali ang pagkakarinig ko sa sinabi mo kanina?"tanong ng kaniyang ina na may malalaking mata na nagtatanong ito na parang natutuwa.Jusmeeee ano ba itong nasabi ko kasi HUHUHUHU.

"Nay iba naman pagkakaintindi niyo eh.Linisin niyo nga iyang tenga niyo iba-iba na ang naririnig."sabi naman niya dito na kinakabahan.

"Hindi anak iyon yung sinabi mo eh na may nililigawan si Kuya mo Jade."pagpupumilit naman nito.Napahilamos nalang siya sa kaniyang mukha.Paano niya ito lulusutan?malilintikan talaga siya sa Kuya nito.

"Nay ang sabi ko po baka nandun pa kako sa School nila."sabi naman niya dito at sana naman umepekto.

"Sayang naman,akala ko kung nay nililigawan na siya.Nakuuu iyang mga kuya mo ang tagal nilang mag-asawa mga matatanda na sila.Gusto ko ng magka apo eh.Gusto ko pang maabutan ang mga apo ko."nagulat naman siya dahil naniwala siya na hindi iyon ang sinabi niya.Pero ano daw?gusto na niyang magka apo?HAHAHA juskoio si nanay talaga.

"Nakuuu nay sabihin niyo kasi kila kuya na gusto niyo ng magka apo.Sabihin niyo na na gusto niyo na silang magka-asawa.Ako den gusto ko na ng pamangkin."nakangiting sabi nito sa ina niya.

"Oo sasabihin ko talaga sa kanila mamaya ana-"hindi natuloy ang sasabihin ni nanay ng may sumigaw nalang.

"MAGANDANG HAPON NANAY AT BUNSO!"malakas na bati ng kaniyang Kuya Jade.Tinignan naman niya ito ng masama dahil ang lakas lakas ng boses niya kung makabati abot pa ata sa kabilang bayan.

Juskooo guro ba talaga ito?parang hindi eh.Parang bata lang.Pero wala na siyang magagawa dahil ganiyan na talaga si Kuya dati pa.Kaya sanay na siya dito.

"Magandang Hapon mga anak,hon."sinulyapan naman niya ang kaniyang ama na kararating lang.Dali-dali naman siyang pinuntahan ang kaniyang ama at yinakap ito.

"Magandang Hapon din gwapo kong tatay."balik na bati naman niya dito sabay halik sa pisngi.Hindi na niya sinulyapan ang kaniyang kapatid at hindi na niya binati ito.Nainis siya kasi ang lakas lakas ng boses.

"Magandang hapon anak at magandang hapon din hon."bati naman ng kaniyang ina."Kumusta naman ang trabaho niyong dalawa?napagod ba kayo?hali kayo at ipagtimpla ko kayo ng juice."sabi naman ng kaniyang ina.

Pero nasaan kaya si Kuya Jake?Itong lalaki talagang ito dumiretso na ata sa kwarto niya.May nililigawan den kaya ito?itanong niya nga mamaya HAHAHA.

Papunta na sila sa kusina dahil ipagtitimpla daw sila ng kaniyang nanay.

Hindi niya namalayan na nawala na ang kaniyang lungkot kanina.Kasi nandiyan naman ang kaniyang pamilya kaya dapat hindi siya nalulungkot.Huwag ko na nga lang iyon iisipin.