Sa kalagitnaan ng gabi, nag lalakad ako habang hawak-hawak ang teddy bear ko. Hindi ko mawari kung na saan ako, tila'y ako ay nawawala noong puntong iyon.
Into the woods I go, palalim ng palalim ang gabi,naglilitawan na ang mga makakapal na hamog, halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko. Mahamog ang paligid, nangdidilim na ang paningin ko.
Habang naglalakad ako, sa makapal hamog may nahagip ang mata ko na parang isang malaking istraktura sa gitna ng kagubatan. Dahil sa kuryosidad ko, nag taka ako kung ano iyon at nag lakad patungo doon.
Nang makalapit, tinignan ko ang gawi nito at sinasakop na ito ng mga damo at lumot. Sa tingin ko ilang taon nang nandito ito, napatingin ako sa mga pader ng istraktura nang napansin kong mayroong mga naka-ukit na mga marka, hinaplos ko ito at sinundan ang ukit. Nahawi naman sa damo ang tingin ko, hindi na ako nag paligoy-ligoy at hinawakan ito, ngunit noong hinawakan ko ay para itong naging pulbura at sumama sa hangin.
Nag taka ako noong puntong iyon biglang humangin ng malakas at sumisipol ito, parang may bagyong paparating. Dahil doon napatingin ako sa lumang istraktura, bigla itong umilaw ng napakalakas. Dahil doon hindi na ako makakita dahil sa sobrang liwanag, para bang nakatutok saakin ang flashlight.
"tapos ano pang nangyare?" tanong ng kaybigan ko saakin na payapang nakikinig.
"tapos hindi ko na alam kung anong nangyare." sagot ko sakanya, tinignan niya naman ako na parang bitin.
"huh? ano ba yan, nakakapangbitin ka naman." nakapout niyang sabi at kinain ang pagkain niya sa lamesa
"bata pa ako noon kaya malamang putol putol na ang mga alaala ko noong nangyare 'yon." sabi ko sakanya at ininom ang juice ko
"hayy, pero alam mo what if yung lumang gusali na yon is nakatira doon mga aswang? tapos gusto nilang pukawin ang pansin mo kaya umilaw ng napakalakas, tapos gagawin ka nilang sacrifice para sa gagawin nilang serimonya?!" gawa gawa niyang kwento habang puno ang bunganga niya ng pagkain
"that's nonsense oli." sabi ko sakanya habang nakaukit sa mukha ko ang pagkastressed habang pinakinggan ang sinabi niya kanina.
Habang kumakain sa may canteen, nag ring na ang school bell namin, that means uwian na. Pumunta na kami ni oli para kunin ang mga gamit namin at makauwi na.
By the way, ako nga pala si June, hindi ko alam bakit month ang pangalan ko pero ito ang naisip ng papa ko para maging pangalan ko kaya di nalang ako magrereklamo. Si oli ay ang kaybigan ko, ang totoong pangalan niya ay olivia, tinatawag ko lang siyang oli kasi 'yun yung nakasanayan kong itawag sakanya.
"june, hindi ako makakasabay sayo mamaya, may trabaho kasi ako sa may cafe, kulang sila ng cashier kaya ako muna mag papalit." sabi saakin ni oli at tumango ako
Nauna nang umalis si oli at ako inaayos ang mga gamit ko para makaalis na. Habang inaayos ang mga gamit nahawi ang pansin ko sa kurtinang sumasayaw dala ng malakas na hangin, napukaw ang atensyon ko doon at napatitig ako.
Habang nakatingin sa bintana, naiisip ko yung mga sandaling nawala ako sa kagubatan noong bata ako. Segundo ang nakalipas at biglang humangin ng napakalakas pati notebook ko ay nahangin.
"grabe ang lakas ng hangin." sabi ko at pinulot ang mga notebook saka umalis na sa room namin.
Nasa labas na ako ng school at nag para ng sasakyan.
Sa kalagitnaan ng byahe pauwi ay kukunin ko sana yung wallet ko dahil malapit na ako sa bahay, subalit noong tinignan ko sa loob ng bag ko ay wala ito. Nag panic na ako at nanatiling kalmado at inisip kung saan ako nanggaling kanina, sa room lang naman ako kanina.
"baka natilapon noong humangin ng malakas kanina sa room." saad ko sa sarili ko at agad sinabi sa driver na bumalik kami sa school
Bumalik kami sa school at agad akong bumaba para pumunta sa room, tumakbo na ako papunta sa room ko dahil gabi na, bubuksan ko na sana ang pinto ng room pero nakalock. Sumilip ako sa bintana ng room namin kung nasa loob yung wallet ko, at tama nga ang hinala ko nasa loob yung wallet ko.
"anong gagawin ko nakalock yung room." bulong ko at nag isip
"hindi ko naman pwedeng sirain yung pintuan ng room namin, mapupunta ako sa office, pero alam ko ganitong oras hindi naka open yung mga security cameras, kaya hindi nila malalaman na kagagawan ko 'yun. " sabi ko sa sarili ko at nag hanap ng pwedeng ipalo sa pintuan para masira
Sa hindi kalayuan ay may nakita akong bakal sa sahig at pinulot ko ito saka itinapat sa pintuan. Dali dali ko itong ipinalo sa pintuan at nasira ito, dumapa ako at dahan dahan na lumoob dahil maliit lang yung nasira sa pintuan, baka masugat pa ako.
Nakapasok na ako at nakita ang wallet ko, kaya agad ko itong pinulot saka dumapa ulit para makalabas. Nang makalabas na, may napansin akong ilaw na nagmumula sa likod ko, hindi ko na sana ito papansinin ngunit biglang humangin ng malakas.
Lumingon ako sa likod ko para malaman kung ano yung liwanag na iyon, pero noong lumingon ako walang sinyales kung saan nanggaling yung ilaw na 'yon.
Nag patuloy nalang akong umalis at parang walang nangyare. Pumunta na ako sa sasakyan at lumoob, umalis na sa school.
[someone's point of view]
"june..."