CHAPTER 1
CLARA
"Sasama ka sa akin, Carl?" tanong ko kay Carl na prenteng nakaupo sa sofa pagkababa ko. Nag-angat siya at tumango saka mabilis na tumakbo paakyat. Siguro'y magbibihis. Umupo muna ako sa sofa at nagkalikot saglit sa cellphone.
Nang makababa na si Carl ay tumayo na rin ako at nauna nang lumabas. Tumingala ako at napansin ko ang pagdidilim ng langit. Sana huwag umulan.
Medyo matagal na rin kaming hindi nakabisita sa puntod nina Lola at Lolo. Alam kong bukas pa ang undas pero mas mabuti nang maaga kami para hindi siksikan sa loob. Sa ngayon, kami lang ng kapatid ko ang nandito sa bahay. My parents are working abroad tapos 'yong mga grandparents ko naman ay patay ng pareho.
"Ate, may tanong ako," biglang bulalas ni Carl.
"Ano 'yon?" I answered while focusing on the road. Baka mabangga kami kapag hindi ako nag-focus sa pagda-drive.
"Nakakita ka na ba ng multo?"
Nagulat ako sa tanong niya kaya napalingon ako. Pero nang nanatiling seryoso ang expresyon niya, tumawa ako. "Bakit mo naman natanong?"
He shrugged and averted his eyes outside the window. "Wala lang. Gusto ko lang malaman. I just remember Lola told me before na nakakakita ka raw ng multo."
Hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil nandito na kami sa sementeryo kung saan nakalibing sina Lola at Lolo.
"Ikaw na magdala nitong bulaklak," utos ko sa kan'ya pagkababa. Nauna na agad ako dala ang dalawang box ng hopia. May mangilan-ngilan ding tao na gaya namin, maaga rin sigurong bumisita para makaiwas sa siksikan bukas.
'Yong sa father side ko na Lola at Lolo, nasa probinsiya habang 'yong sa mother side ko naman ay ang nandito na mabibisita namin kapag may pagkakataon. Pero kapag pumupunta naman kami sa probinsiya, bumibisita rin naman kami sa puntod nila.
Pagkarating namin sa puntod nina Lola at Lolo, napangiti agad ako pagkabasa ko sa pangalan nila.
"Ilapag mo na 'yang mga bulaklak, Carl," utos ko.
Kumuha ako ng dalawang kandila at sinindihan 'yon bago nilapag sa ibabaw ng lapida.
"Kumusta na kayo, 'La at 'Lo? Okay lang naman siguro kayo riyan, 'di ba?" I said and chuckled. It always feels good talking to them as if they're still alive. They may be are gone, but in my heart--our hearts, they're still alive and deeply engraved in our hearts.
Kinuha ko ang dalang hopia at nilapag iyon. "Ito nga pala, hopia. Alam kong paborito ninyong dalawa ito."
"Miss na miss ko na kayo, 'Lo, 'La," I said, wearing an almost sad smile.
I remember the days. Close na close kasi ako kina Lola at Lolo kaya hindi ko maiwasang hindi maging emotional tuwing naaalala ko sila.
"Sorry rin kung minsanan na lang kaming makabisita. Huwag kayong mag-alala, kapag may time ulit kami, bibisita ulit kami. Baka kasama na rin namin sina Mom and Dad when that time comes."
Hinaplos ko ang lapida nilang dalawa and smiled gently. "Mauuna na po kami, 'Lo, 'La. Sa susunod ulit."
Nilingon ko naman si Carl na nakatingin na sa akin. Ngumiti ako sa kan'ya. "Kanina ka pa? Tara na?"
Hindi siya sumagot at tumango lang. Bago kami lumisan sa lugar, nilibot ko muna ang kabuuan ng sementeryo. May mga iilang kaluluwa akong nakikita which is normal na sa akin. I mean, sanay na ako kasi halos araw-araw ko rin naman silang nakikita.
To answer Carl's question, oo, nakakakita ako ng mga kaluluwa. Nakakausap ko rin sila pero medyo matagal na rin nang huling may kinausap ako. Paminsan-minsan, kahit sa eskwelahan, may nakakasalubong ako. Mga kaluluwang hindi matahimik. Pero binbalewala ko.
"Tara na, Ate," aya ng kapatid ko. Nilingon ko siya at nginitian.
Bago ako tuluyang sumunod sa kapatid ko, napukaw ako ng isang kaluluwa dahil parang nakatingin siya sa akin. Tumitig ako pabalik. Kumunot ang noo ko nang ngumiti siya sa akin pero agad din namang tumalikod. Weird.
Umiling ako at sinawalang bahala na lang iyon at sumunod sa kapatid kong nauna na. Iniwan pa nga ako.
Pagkarating sa bahay, deretso agad ako sa kuwarto dahil sa pagod. While I was trying to sleep, biglang pumasok sa isipan ko na klase na naman sa susunod na araw. May mga homework pa naman akong hindi ko pa nagagawa.
Tumunog ang cellphone ko kaya mabilis akong tumihaya at hinugot ito. I immediately answered it without looking at the caller.
"Hello?"
"Inaantok?"
Sumilay agad ang ngiti sa labi ko pagkarinig sa pamilyar na boses. It's Haze. Na-miss ko 'tong kumag na 'to. "Oh, napatawag?"
"Bakit? Bawal?"
Humalakhak ako. My eyes were closed but I was listening attentively to his comforting voice. "Miss mo lang ako, e," I teased.
Mahinang tawa ang nangibabaw sa linya na sinundan din naman niya ng sagot na oo. Kunwari pa talaga, e.
"Ikaw ba? Hindi mo ako na-miss?"
Halakhak lang ulit ang sinagot ko sa linya. Siyempre, inasar ko muna siya bago ako um-oo. Lumipas ang minuto ay nagpasya na rin siyang magpaalam dahil may gagawin pa raw siya.
Pagkababa ng tawag, nakatitig lang ako sa kisame. Bigla ko namang naalala 'yong lalaking kaluluwa na nakita ko kanina sa sementeryo. It just really feels so weird. Ewan ko ba.
Bumangon ako at tumungo sa veranda. Sinalubong agad ako ng malakas at malamig na hangin kaya napapikit ako. I inhaled and exhaled, at sa pagmulat ko, isang tao ang sumalubong sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at napaatras sa gulat. Kinusot ko pa ang mga mata ko dahil baka namamalikmata lang ako pero hindi pa rin siya naglaho. Nandito talaga siya sa veranda ng kwarto ko--sa harapan ko.
Bakit siya nandito?
Bakit nandito 'yong lalaking nakita ko kanina sa sementeryo? Sinundan niya ba kami?
Tinuro ko siya. "S--Sinundan mo ba kami?!"
Umawang ang labi niya. "Nakikita mo talaga ako?!" hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi ako sumagot. Nakatitig lang ako sa kan'ya. Nagtagpo na rin ang mga kilay ko dahil pagtataka. Bakit siya nandito? What is he up to?
"Akala ko kasi may iba kang tinitingnan kanina kaya ka nakatingin sa direksiyon ko. Pero nakikita mo talaga ako?!" may bakas ng kasiyahan ang boses niya na para bang may nakaka-excite sa katotohanang may nakakakita sa kanya.
"Hi, ako nga pala si Bright," he happily introduced. Napatitig ako sa ngiti niyang sobrang lapad. It was full of hope and excitement.
Bigla akong na-weird-uhan sa inasal niya. Matagal bago ko kinuha ang kamay niyang tinagusan lang din ng kamay ko. Then I realized, I can communicate with them but I can never touch them like they're humans. For a fact, patay na sila at isa na silang kaluluwa.
Binawi ko ang kamay ko. "I'm Clara," tipid na pagpakilala ko. Medyo kumalma na rin.
Maybe, I should get to the point kung bakit nga ba siya nandito at kung bakit niya kami sinundan dito sa bahay.
"Let's make things clear here, kasi nagulat lang ako na sinundan mo kami."
I looked at him and he's still smiling like he was the happiest. Makikita rin kasi ang labis na kasiyahan sa mga mata niya. How it twinkled and all.
"Bakit mo kami sinundan? Ano ang kailangan mo?" seryosong tanong ko sa kanya. I want a clear answer.
Nawala ang suot niyang ngiti. Umiwas siya ng tingin at ibinaling iyon sa paligid. Naghintay ako nang ilang minuto para makuha ang sagot niya pero isang iling lang ang ginawa nya telling me of his supposed answer.
"Look, hindi kita matutulungan kung gusto mong humingi ng tulong sa a--"
"I am not here for help. Sumunod lang talaga ako kasi gusto ko lang malaman kung nakikita mo ba talaga ako. That's just it," he explained. Dahil lang doon? Why is it so big deal?
"Bakit?" I asked, naguguluhan.
Tumawa siya pero halata mo ang lungkot sa tawa niya at kahit sa mga mata niya, alam mong malungkot sila. "Kasi, pagod na akong mag-isa. Wala namang nakakakita sa akin bukod sa mga katulad ko ring kaluluwa pero ayaw naman nila akong maging kaibigan. Kaya sinundan kita kasi gusto ko nang makakausap. Gusto kong maranasan ulit na parang buhay ulit ako kasi isang totoong tao ang nakakakita at nakakausap ko."
Natahimik ako at napabuntonghininga.
"Pero bakit nandito ka pa? Should you be in heaven na dapat 'di ba or sa kung saan ka man dapat mapunta? Ba't nandito ka pa? Ba't nandito pa ang kaluluwa mo?" tanong kong naguguluhan. I was just also curious to why was he still here.
Nagkibit siya. It looks like he doesn't even know all the reasons why. I sighed.
"Wala akong alam kung bakit ako nandito. Wala akong alam kung bakit hindi pa natatahimik ang kaluluwa ko, and its' so frustrated knowing that I don't know anything," he answered frustratingly.
Bumuntong ulit ako.
"Paano ka ba namatay?" tanong ko.
He shrugged. Kahit iyon man lang wala rin siyang ideya.
"Wala akong matandaan. Wala akong maalala. Ang alam ko lang ay ang pangalan ko," sagot niya na nakakunot ang noo. He's trying to remember pero mukhang malabo para sa kan'ya.
Kaya siguro hindi pa siya matahimik dahil maraming katanungan na hindi pa nasasagot. Maraming katanungan na kailangan ng sagot.
"Kung tulong talaga ang nais mo para matahimik ka na, hindi ko alam kung paano kita matutulungan."
Tumango siya.
I stayed for some time bago ako nagpaalam na papasok na ako sa loob. Deretso naman ako sa pagbaba para makapagluto nang hapunan. Nadatnan ko naman si Carl na nanonood ng palabas sa sala. Dinaanan ko lang siya at deretso na ako sa kusina at hinanda na ang lulutuin ko.
Napansin kong umupo si Bright sa isang bakanteng upuan habang nakatingin sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at tinuon na lang sa niluluto ang buong atensiyon.
"Na-miss ko tuloy kumain ng gan'yan, sayang lang at hindi ako makakakain ng gan'yan," kuwento niya. Napalingon ako.
"'Di ba kinakain n'yo naman ang nilalagay sa puntod n'yo?" tanong ko.
Ngumuso siya.
"Puro dessert lang naman ang nilalagay nila sa puntod ko, e."
Natawa ako. Kaya pala. Binalik ko ang pansin sa niluluto at hinintay ito hanggang sa maluto. Tinawag ko naman si Carl para makakain na rin kaming dalawa.
"Wow! Adobo! Na-miss ko tuloy 'to, Ate," sabi niya, takam na takam.
Napalingon ako kay Bright na nakapangalumbaba at nakatingin sa kapatid kong sobrang excited nang kumain. Npakibit ako at nagsimula na ring kumain. Pagkatapos mag-dinner, bumalik ako sa k'warto ko para magawa na 'yong mga dapat kong gawin.
Habang nagsasagot sa isang assignment, bigla kong naalala kung babalik pa ba siya sa sementeryo. Lumingon ako para hanapin siya at nakaupo lang siya sa sahig at nakatingin sa akin. Bigla tuloy akong nalungkot sa katotohanang wala siyang alam kung bakit nandito pa siya sa lupa at hindi matahimik.
"Wala ka bang balak bumalik sa sementeryo?" tanong ko.
Nag-isip naman siya saglit pero agad din siyang umiling.
"E, bakit?" segunda ko.
"Boring doon. Mas gusto ko rito kasi nakikita mo ako at nakakausap."
"Sa bahay ng pamilya mo? Ayaw mo roon?"
Natahimik siya at marahang umiling.
"Ayoko roon. Wala rin naman akong makakausap at mas malulungkot lang ako. Ta's, kapatid ko lang naman nakakaalala sa akin na bumibisita sa puntod ko. Ni hindi ko nga nakita mga magulang ko na bumisita, e." He shrugged.
Natahimik ako sa mga sinabi niya. It was surely hard for him.
I sighed. "Ikaw bahala."
He nodded and just smiled widely.