Chapter 2 - BOOK 1.

Year 1996.

TOKYO JAPAN, BIG BOSS BARS.

Nagsasayaw Lorena sa itaas ng stage at pinagpi piyestahan ang kanyang hubad na katawan ng aming kasamahan sa Yakuza Gang.

"Hi! Francis!" Halik na salubong sa'kin ni Shana Kiyota. (First Grand Daughter ni Mr. Shiro Kiyota) ang bumuo sa Gang na kinabibilangan ko.

"Koko de nani o shite iru no?" (What are you doing here?)

Sa ganitong klase ng lugar, dapat nga ay wala ako rito.

"Allen!" Mariin pa niyang tawag ng lampasan ko lamang siya.

"For this!" I raised up my middle finger in response to her sh*ts question.

Hinarangan ako ng kanyang body guards nang magtangka ako na pumasok sa loob ng office ni Mr. Kiyota.

"Kare o hanatte oite kudasai, kare wa watashi no yoi hitodesu" (Let him be, he's my good guy).

Paliwanag pa ni Shana sa kanyang guards at pinapasok na ako sa loob.

Sa tagal ng panahon na pinagsisilbihan ko sila ay kakaunti lamang ang aking kaalaman pagdating sa lengwahe ng mga hapon, kadalasan ay mga madadaling bigkasin lang ang naiintindihan ko sa kanila.

Sa Loob ng office ni Mr. Kiyota.

"Boss, Allen is here to see you!"

"Aete ureshī" (Nice to see you.) Yun lang ang alam ko.

"Owh! It's nice to see you too, Allen!" Binatawan niya ang kanyang hinihithit na sigarilyo at nilapitan ako para lamang tapikin ang aking balikat.

Sinundan ko iyun ng tingin pagkatapos ay inilapag ko ang una kong report sa kanya.

"He is now in the Philippines and as far as i know, he will be living there with his wife and his child!" Paliwanag ko.

"Living?" Kunoo't noo nya sa'kin.

"Ibig sabihin pang matagalan!" Saad ko pa na umiikot ang aking mga mata.

"Speak english or i will kill you!" Pagtutok sa'kin ng kanang kamay niya nang isang katana sword.

"Relax, Kaino! He's just 14 years old! Call Lorena!" Pag uutos nito sa kanyang tauhan.

Maya maya pa ay bitbit na ni Kaino si Lorena at inihagis ito sa sahig.

"Mr. Kiyota? I don't know what's going on here?" Nanginginig ang tono ng pananalita niya sabay tingin sa'kin.

"Tell me, what he's talking about this traitor?" Ipinakita nito ang litrato ng isang kababayan namin na tumakas dala ang isang milyones na pag aari ni Mr. Kiyota.

"Don't hurt her! I will do everything to catch up this man just for you, Mr. Kiyota!" Nakangiting sabi ko.

"Okay, fine but I want Lorena to be with you until you come back here with my million money and don't let this man alive! Just k!ll him!" Tiningnan nya ako ng tuwid.

Tumungo ako bilang pag sang ayon sa bagong misyon na ini-atang niya sa akin.

Nabigyan pa ako ng pagkakataon para makasakay sa Mercedes C300 4Matic benz diretso sa airport.

"A 13 years old, save my life! Hi!" Pakikipag kilala sa'kin ni Lorena.

"Warranty ng kalayaan mo Mrs!" Naka ngising anas ko.

"How did you know na Mrs. na ako? Do i look like your mother?" Sinamaan nya ako ng tingin.

Napamasid ako sa bintana at habang nasa biyahe ay naalala ko ang lahat kung bakit naging ganito ang buhay ko pagkalipas ng tatlong taon.

3 years ago, Masayang namumuhay ang buong pamilya namin sa isang maganda at malaking bahay. Kumakain ng sabay sabay habang karga ni Mama ang bunso kong kapatid na si Ivan. Buhat sa maliit na negosyo lamang ang pinagkakakitaan ng aking mga magulang hanggang sa napalago na ito ni Papa at doon nagmula ang pagiging marangya ng aming buhay.

Nagulat na lang ako nang isang araw bigla na lang pinagbabaril ng kung sinong mga lalaki ang nanghimasok sa aming bahay ang aking mga magulang. Kinuha nila si Ivan at ibinigay sa mag asawang hindi ko nakilala.

Habang ako naman ay nakatakas sa kanila. Napunta ako sa isang bahay. Kina Mr. Felidino Santos at Mrs. Cristina Santos. Inampon nila ako hanggang sa dumating ang araw na ito.

Ang araw na naging Hired Killer ako ng Yakuza Gang, dahilan rin iyun para magkaroon ako ng mga impormasyon sa kung sinong pumatay sa aking mga magulang at akinuha nila ang bunso kong kapatid at ibinigay sa mag asawang hindi ko nakilala.

Habang ako naman ay nakatakas sa kanila. Napunta ako sa isang bahay. Kina Mr. Felidino Santos at Mrs. Cristina Santos. Inampon nila ako hanggang sa dumating ang araw na ito.

Ang araw na naging Hired Killer ako ng Yakuza Gang, dahilan rin iyun para magkaroon ako ng mga impormasyon sa kung sinong pumatay sa aking mga magulang at ang kumuha sa nakababata kong kapatid.

"Oh sige, ganito na lang! Let's have a deal!" Buntong hininga niya at umayos na sa kanyang pagkakaupo.

"Makikinig ako!" Gagawa ba sya ng paraan para takasan ang mala impyernong buhay niya dito sa japan kung makikipag tulungan ako sa kanya?

"Pagdating sa Airport, may magpanggap na mga magulang natin tulad nang napag planuhan ninyo ni Mr. Kiyota hanggang sa makuwi tayo sa pilipinas but then kailangan natin silang takasan! Deal?" Walang kwentang saad niya kaya napa ngisi na lang ako.

"Hindi mo ba naiintindihan huh? Bata ka lang at hindi mo sila kayang talunin!" Usal pa niya.

"Sino naman ang nagsabi sa'yo na tinatalo ko sila? I'm not fighting against them, I'm fighting for my life with this sh*t mission!" Kuyumos ko sa aking palad.

"Akala mo ba bubuhayin ka pa nila kapag nagawa mo na ang misyon na ipinapagawa niya sa'yo? Marami na ang sumubok na magmagaling para sa kalayaan nila sa gang na iyun pero ano? Pinap*tay din sila at itinatapon sa dagat! Walang kwenta ang pagiging masunurin mong tauhan para sa kanila!" Gigil pa niya.

"I don't defend my life to anyone kaya tumigil ka na!" Inirapan ko na siya at sumimpid ako ng sandal at pumikit.

"Alam ko kung nasaan ang kapatid mo!" Napamulat ako sa sinabi nyang iyun.

"Is this how your life doing? Huh?" Alam ko na ang pasikot sikot ng pag uusap na ito kahit nasa ganitong edad pa lamang ako.

Tulad ng naging utos ni Mr. Kiyota ay ligtas kaming nakabalik sa pilipinas. Sa pagkakataon na ito ay pinabayaan na kami ng kanyang mga tauhan.

"Allen!" Matinis na tawag pa rin nitong si Lorena.

"Puntahan mo sya kung kinakailangan mo ng tulong! He will help you!" Pagbibigay niya sa akin ng isang papel na may pangalan.

Bakit kilala nya sina Tito Dino at Tita Cristina?

Tatanungin ko pa sana siya ngunit bigla syang nawala sa aking paningin. Namasid ko rin sa malayo na may nagmamatyag sa aking mga kilos kaya hindi na muna ako dumaretso sa bahay nina Tito Dino.

Ayoko silang mapahamak.

Pumunta ako sa kalahati ng bagong gawa na school. Ang Senior High School na ipinapatayo ni Tito Dino.

Sa isang maliit na espasyo ng library ako nagpahinga. Napapa isip lang ako sa nasabi sa'kin ng Lorena na iyun tungkol sa pagtakas sa aking misyon sa Yakuza Gang.

"Hindi ba dapat nasa misyon ka na? Anong ginagawa mo sa masikip na lugar tulad nito?" Malalim na tinig ni Kaino.

"Fluently in tagalog translation!" Nakatawa kong sabi at binuksan ko ang ilaw sa madilim na silid na ito.

"Narinig ko ang mga sinabi ni Lorena sa'yo. So, What's your plan? are you going to dis obey the orders of Mr. Kiyota?" Baling pa niya sa'kin.

Namulsa ako sa kanyang harap.

"I will do it just tell him to wait!" As i said.

"You're really grown up now!" Hihimasin niya sana ang aking ulo ngunit napigilan ko na ito.

"Get lost, Kaino! Baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo!" Pagpilipit ko sa kanyang kamay na kaagad niyang ikinasakit.

Ibinalya ko na siya pagkatapos ay saka siya umalis na animo'y nabahag ang buntot sa kanyang takot.

***

NAKALIPAS ang ilang araw, Gabi na naman at ito ang oras na ibinigay sa'kin ng pagkakataon.

Isang malakas na pag iyak ng sanggol ang aking narinig sa labas pa lamang ng bahay. Pagkapasok ko sa loob ay tumambad na sa aking harapan ang dugu*an at walang kamalay malay na si Mr. And Mrs. Rodriguez.

Ang nakasaad na Traydor sa Yakuza Gang's List ni Mr. Kiyota.

Hinipo ko ang leeg ng mga ito at pinulsuhan. Wala na silang buhay, ibig sabihin may naganap na inside job habang nag iisip ako kung itutuloy ko pa ang misyon na ito.

"Nalintikan! Si Kaino!" Bagting ng aking panga sa galit.

May bumar!l sa'king likuran kung kaya't naging alerto ako habang palakas ng palakas ang pag iyak ng sanggol.

"Did Lorena told you that i will kill you too?" Sipol na matyag ni Kaino sa paligid.

Nakapagtago kase agad ako sa likod ng sofa at lahat ng kilos niya ay nakikita ko sa repleksyon ng salamin sa kabilang sulok ng salas nitong bahay.

Binar!l ko ang chandelier nang siya ay matapat rito kaya bumagsak ito sa kanya.

"Nonsense! Puro kayabangan lang naman!" Lumapit ako sa pinagbagsakan niya at nakita kong unti unti na syang nakakapusan ng hininga.

Utal utal pa syang humihingi sa'kin ng tulong ngunit hindi ko na sya pinansin pa.

Pinuntahan ko ang sanggol na umiiyak sa itaas ng kwarto at kinuha ko ito bago pa dumating ang mga pulis.

Sa likod bahay lang ako dumaan habang panay ang tulo ng aking dugo mula sa aking likuran.

Daplis lang ito ngunit malalim ang pagkakasugat ng tinamaan ni Kaino.

Sh*t kailangan kong makalayo sa mga pulis na humahabol sa'kin.

Isang van ang tumigil sa aking harapan pagkalabas ko sa isang masikip na eskinita.

Umiiyak pa rin ang sanggol.

"Bilisan mo na!" Paghila sa'min ni Lorena at kaagad pinaharurot ng kanyang tauhan ang sasakyan.

Nanghihina na ako at parang hindi ko na yata kakayanin na makaligtas sa mga oras na ito.