Chereads / Under the Moonlight(The Reincarnated) / Chapter 1 - Under the Moonlight

Under the Moonlight(The Reincarnated)

🇵🇭Sheen_6932
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 2.2k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Under the Moonlight

Third person point of view

Sabi nila kapag nagmahal ka handa mong isakripisyo ang lahat-lahat ng meron ka. Kahit pa ang pinakaiingatan mong bagay ay handa mong isakripisyo para sakaniya.

"Gagawin mo talaga iyon para saakin?" nakangiting saad ni Johann sa kaharap.

Ngumiti naman si Zamara at yumakap sa kasintahan.

"Oo naman, kung ang kapalit niyon ay makasama ka pang habang- buhay ng walang iniintinding kahit na anong problema," saad nito at hinigpitan ang yakap.

Ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya.

Pinalibot naman ni Johann ang braso sa baywang nito at hinalikan ang noo ng kasintahan.

"Mahal talaga kita, Zamara," sambit nito ng malambing.

"Ganoon din ako, Johann. Mahal na mahal kita," saad naman ni Zamara gamit ang mahinhing tinig.

Bumitaw si Johann sa yakap at hinarap ang dalaga.

"Pero mahal paano naman tayo makakahanap ng lunas diyan sa sumpa mo?" alanganing aniya.

Pinakatitigan ni Zamara sa mata si Johann.

"Makakahanap tayo. Tiwala lang. Alam kong may isang tao dito sa baryo Masinag ang nakakaalam ng isang ritwal para matanggal ang sumpa saakin. Hahanapin natin siya," may determinasyon kang mababakas sa tinig niya.

Tumango si Johann atsaka niyakap ang dalaga.

Mayroon nga. Isang nilalang lang ang nakakaalam ng ritwal upang mawala ang sumpang nananalaytay sa dugo ng kasintahan niya.

••||

"Nasaan na ba tayo, Mahal?" tanong ni Zamara.

Kanina pa kasi sila naglalakad ng kasintahan sa loob ng gubat ngunit hanggang ngayon ay wala pa din silang patutunguhan.

"Basta. Gusto kong maligo sa ilog kaya hahanap tayo dito sa teritoryo mo. Ayaw mo ba?" sambit ni Johann habang naglalakad.

Napanguso nalang si Zamara.

"Gusto. Pero seryoso ka? Sa loob ng gubat ka talaga hahanap? Baka mamaya makasalubong ka pa ng mabangis na hayop dito eh," nag-aalangan na sambit ni Zamara.

Humarap naman si Johann sa dalaga ng may malamyos na ngiti sa labi.

"Andiyan ka naman para protektahan ako, hindi ba?" nakangiting saad nito.

May ngiting gumuhit sa labi ng dalaga.

"Oo naman. Hindi ko hahayaang masaktan ka," nakangiting sagot nito.

"Isang taong lobo at isang purong tao,"

Napatingin sila sa pinang gagalingan ng boses. Doon ay nakita nila ang isang babaeng nakaitim at mukhang nasa kasing edad lamang nila.

Nakasuot ito ng isang bestidang itim na umaabot sa talampakan nito.

May kabang umusbong sa pagkatao ni Zamara dahil sa mga salitang sinambit nito.

"P-paano mo nalaman na isa akong taong lobo?" mababakasan ng takot ang tinig nito.

May ngisi namang umukit sa labi ng kaharap.

Kumapit si Zamara sa braso ng kasintahan.

"Dahil nakikita ko sa puso mo ang tunay mong kaanyuan. Isa kang taong lobo na umiibig sa isang purong tao lamang. Isang ipinagbabawal na pag-ibig ay mayroon kayong dalawa," nakangising saad nito.

Humigpit ang kapit ni Zamara sa braso ni Johann. May takot ma lumukob sa puso niya dahil sa sinabi ng babae.

Mula sa isang ngisi ay napalitan ng makatotohanang ngiti sa labi ng babae.

"Kung inyong mamarapatin ay maaari ko kayong tulungan. May alam kong ritwal upang matanggal iyang itinuturing mong sumpa sa pagkatao mo," saad ng babae at inilahad ang palad sa harap.

Alanganin namang tumingin si Zamara sa babae.

"Kung inyong gugustuhin, tutulungan ko kayo sa abot ng aking makakaya," sambit pa nito.

"A-ano namang kapalit ng tulong mo?" Alanganing tanong nito.

Napatawa naman ng mahina ang babae.

Tumingin si Zamara kay Johann. Tumingin din ito sakaniya at hinawakan ang kamay niya. Ngumiti ito ng maliit sakaniya.

"Ang karapatan mo sanang mabuhay ng matagal sa pagiging taong lobo ang makukuha ko mula saiyo. Ngunit dahil bibitawan mo na ito ay ito na lamang ang hihingin kong kapalit saiyo, ang buhay na pangmatagalan," nakangising sagot nito habang nakatingin ng diretso sa mata ni Zamara.

Karaniwan sa taong lobo ay nabubuhay ng higit sa libong taon ngunit kung bibitawan niya ang pagiging taong lobo ay magiging kasing tagal na lamang ng buhay niya ang buhay ng isang pangkaraniwang tao.

At dahil sa kagustuhan niyang makasama si Johann ay tinanggap niya ang alok ng babae.

"Sige, tatanggapin ko ang alok mo," sambit niya at ipinatong ang palad niya sa palad na nakalahad sa harap niya.

Ramdam niyang hinigpitan ni Johann ang hawak sa kamay niya.

Labis niyang minamahal ang isang mortal na kagaya ni Johann, kaya naman handa niyang isakripisyo ang pagiging taong lobo niya para lamang makasama ito.

"Bago sumapit ang kabilugan ng buwan kung saan lalabas ang wangis mo bilang isang taong lobo sa hating gabi, pumunta ka sa tabing ilog malapit lamang dito. Doon natin gagawin ang ritwal,"

••||

At kagaya nga ng sinabi ng misteryosong babae ay hinanap nila ang nabanggit nitong lugar sakanila. Ang ilog sa loob ng kagubatan ng baryo Masinag. Tatlumpung minuto pa ang natitira bago tuluyang mabuo ang bilog na buwan.

Nang makarating na sila doon ay nakita nila itong nakatalikod. Tahimik na nakatitig sa buwang pabuo pa lamang.

"Sigurado ka na ba?" Saad ng babae habang nakatalikod sakanila.

Sa hindi niya malamang dahilan ay may kaba sa dibdib niyang hindi matanggal.

"Oo," simpleng sagot niya.

"Maraming maaaring mangyari sa oras ng ritwal. Maaaring hindi ka maging isang ganap na tao at manatili sa wangis ng isang taong lobo. Maaaring mawala ka sa iyong sarili at tataglayin mo ang asal ng isang lobo. Maaari din namang hindi natin matanggal ang sumpa ng pagiging isang taong lobo mo. Ilan lamang iyan sa mga posibilidad na mangyari saiyo sa oras na maisagawa ang ritwal," sambit niya habang nakatitig sa buwan.

Ang kabang sumisilip lamang kanina sa puso niya ay tuluyan ng sumiklab sa kalooban niya.

Masama ang mga maaaring mangyari sakaniya lalo na ang taglayin ang kaugalian ng isang lobo dahil maaaring mapahamak ang lalaking minamahal niya. Ngunit kagaya nga ng sinasabi nila 'hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan'.

"Kahit na ano pa man iyan ay itutuloy ko ito. Nandirito na ako. Wala ng atrasan ito," sambit niya na puno ng determinasiyon kahit na may takot siyang nararamdaman.

Humarap ang babae at binigyan siya ng malumanay na ngiti.

"Kung ganiyon simulan na natin," saad nito.

Naglakad ito ng palapit sakaniya.

"Pumasok ka sa bilog na ginawa ko kanina. Ipikit mo ang iyong mga mata at pakinggan mo ang mga sasabihin ko. Tinig ko lamang ang papakinggan mo," saad nito.

Ang bilog na sinasabi nito ay ang bilog na ginamitan niya ng dugo ng mabangis na hayop sa kagubatan. Dugo ng iaang Lion. Hindi alam ni Zamara kung paano niya nahuli ang hayop na iyon. Ang katanungang iyon ang ipinagsawalang bahala na lamang niya.

Pumasok si Zamara sa loob ng bilog.. Tiningnan niya si Johann. Gusto kasi nitong malaman kung anong reaksyon ang pipinta sa mukha nito. Ngunit tanging ngiti lamang ang sinagot nito sa dalaga.

Ipinikit nito ang mga mata. Bagama't naririnig ni Zaamara ang tibok ng kaniyang puso ay ginawa nito ang lahat upang mapakinggan lamang ang sinasambit ng babae.

Lengguwahe iyon na hindi maintindihan ng dalaga.

Ramdam nito ang lalong pagbilis ng tibok ng puso at ang malapot na pawis na bumubuo sa katawan sa katawan niya.

Hindi alam ng dalaga kung bakit nararamdaman nito ang tanging pakiramdam na dapat ay nararamdaman lamang niya sa tuwing nagbabagong ang kaniyang anyo.

Bumibilis ang paghinga niya at ramdam niyang nagbago na ang kulay ng mga mata niya. Pati ang pangil niya ay lumalabas na rin.

Hindi niya maintindihan kung ano nga ba ang nangyayari sakaniyang sarili. Basta ba'y sinusunod lamang ng dalaga ang sinabi ng babae kanina. Huwag niyang idilat ang mata niya.

Ang tono ng boses nito ay humihina at lumalakas. Pinakiramdaman niya ang hangin. Maski ito ay lumalakas din dahil ramdam niya ang hampas nito sa balat niya.

Nagpakawala siya ng mahinang angil na tila ba ay nasasaktan.

Ilang minuto din ang tinagal nito at narinig niya ang tawa ng babae.

"Isa kang hangal!" sigaw nito sa dalaga.

Sa sigaw na iyon ay naidilat ni Zamara ang mata niya. Nakita niya na nasa tabi na ng babaeng nakaitim ang kaniyang kasintahan.

Dahil sa nakita ay tila may apoy na sumindi sa dibdib niya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya sa mga oras na ito.

"Isa kang malaking hangal!" sigaw ng babae at tinawanan siya.

Umangil ito na tila ba'y galit.

"Anong ibig sabihin nito?!" pati ang boses ay nag-iba.

Ang boses niya ay tila ba nanggaling pa sa ilalim ng lupa. At ang tinig niya ay may halong angil ng isang mabangis na hayop.

"Ang mga katulad mong halimaw ay hindi nababagay sa mundong ibabaw! Alam mo bang ang mga kagaya mong taong lobo ang kinaaayawan ko? Dahil ang katulad mo ang siyang pūmātāy sa anak ko!" sigaw nito. Ang mga mata ng kaharap ay nag aapoy sa galit.

Sumisiklab ang apoy sa mga mata nito.

A-anak?

Napuno ng pagtataka ang mata niya.

"Anak namin ng itinuturing mong kasintahan mo. Ang lalaking ito ang siyang Ama ng anak naming pinatay ng kauri mo. Ang lalaking ito ang siyang kasintahan ko," sambit nito at pumaskil ang isang ngisi sa labi niya.

"Gumaganti lang ako. Totoong kaya kong mapawala ang sumpa ng pagiging isang taong lobo pero hindi ko gagawin iyon sa kagaya mo. Dahil ang mga uri niyo ang pumaslang sa anak ko," saad nito ng puno ng galit.

May kung anong pumitik sa puso niya.

Pakiramdam niya ay unti-unting nagbabago ang balat niya.

Tiningnan niya ang buwan. Malapit na itong mabuo ng tuluyan.

"Planado ang lahat ng ito mula sa umpisa hanggang sa pagkikita nating dalawa. Planado ang pagiging magkasintahan niyo hanggang sa sitwasyon natin ngayon. Ang sitwasyon mo ay hindi ka na makakabalik pa sa pagiging isang tao at tuluyan ka ng magiging lobo dahil hindi ko tinuloy ang ritwal hahahaha! Makukuha ko ang hustisya para sa namatay naming anak," sambit ng babae at pumaskil ang isang ngisi sa labi nito.

Dito ay tuluyan na siyang nilamon sa galit. Ang isipan niya ay napuno ng panghihinayang at pagtataka.

Kinaya niyang isakripisyo ang pagiging isang taong lobo sakabila ng mga posibilidad na maaari niyang harapin ngunit ang kaniyang iniibig ay hindi pala parehas ng sakaniya.

Paano ito nagawa ng kaniyang minamahal? Paano siya nito nagawang lokohin? Paano siya nito nagawang gamitin?

Lahat ng iyan hindi nabigyan ng kasagutan dahil aa muling pagdilat ng kaniyang mata ay nasa harapan na niya ang lalaking minamahal habang kaniyang kamay ay nasuksok sa dibdib nito.

Kita niya ang pagtulo ng dugo sa bibig nito at sa dibdib.

Ramdam niya ang tibok ng puso nito sa palad niya.

"P-patawad," sambit ni Johann at may luhang tumulo sa mata niya.

Alam niyang mali ang ginawa niyang paglinlang sa dalaga ngunit noong mga oras na nalaman niyang namatay ang anak niya sa kamay ng isang taong lobo ay nilamon siya ng galit kaya naman ginusto niyang maghiganti. Pina-ibig niya ang dalaga hanggang sa naisipan nitong isakripisyo ang pagiging taong lobo nito para sakaniya. Ang plano ay sa oras na makaramdam ng panghihina ang dalaga ay doon nila ito pāpātāyīn ngunit naduwag siya kaya naman binago nila ang plano gagawin na lamang nilang pang habang-buhay itong pagiging isang lobo.

Sa mga araw na nakasama niya ang dalaga ay tinubuan siya ng konsensya. Hindi kinaya ng prinsipyo niya ang ginagawa niya lalo na at hindi naman ito ang pumaslang sa anak niya. Kaya't sa oras na ito, humingi siya ng tawad kahit sa kahuli-hulihan ng hininga niya.

"P-patawad Zamara, p-patawarin mo 'ko," sambit niya at tuluyan ng naipikit ang mata niya.

Sa oras ng pagpikit ng mata niya ay nakaramdam siya nf panghihina.

Alam niya kung bakit. Ang lalaking napātāy niya ng hindi sinasadiya ay ang mate niya. Ito ang nakatakdang maging kabiyak niya. May luhang pumatak sa mata niya at ang puso niya ay tila ba biniyak sa dalawa.

"Hangal! Pīnātāy mo ang kasintahan ko!" sigaw ng isang boses.

Naramdaman nalang niya ang pagtusok ng isang sibat mula sa likuran niya.

May luhang lumandas sa mata niya.

Nabalik sa isip niya ang mga oras na kasama niya ang lalaking nasa ilalim niya. Ang kasintahan niya.

"J-johann," tawag niya dito.

Nahiga siya sa tabi nito. Nakita niya ang liwanag ng buwan na sinisinag ang kagaya niya.

Pinatong niya ang kamay sa ibabaw ng kamay ni Johann.

Sa mga oras na ito, masaya siya. Masaya siya dahil nakita niya ang liwanag ng bilog na buwan bago siya lagutan ng hininga. At masaya siya dahil katabi niya ang mahal niya.

Hanggang sa dulo, magsasama tayo.