Chapter 2 - chapter 1

"𝗘ᴠɪᴇ is Bradley Harrison's daughter.Hindi puwedeng basta ikulong ko Siya sa attic at

magkunwari tayong hndi Siya nag e-exist.

Hahanapin Siya ng mga tao.Ang problema,

hndi mo rin Siya puwedeng basta-basta iharap sa publiko, Williams.Siguradong ipapahiya niya at gagawing katatawanan Ang pamilya mo at Ang kompanya."

Nagsalin ng alak sa baso niya si Will Harrison bago iniabot Kay Marcus Herrera ang bote nag alak.Marcus Herrera was Will's late father's oldest friend and Harcorp's company attorney.

Ito naman ang nagsalin ng alak sa baso nito.

"Evangeline is a sweet girl,":pagpapatuloy nito.

"Kaya lang, masyado yata siyang pinalaki sa layaw ni Rachel.Nakita mo Ngayon kung paano kumilos `yong bata.She's a complete hoyden.

Hoyden.Now there's a word you don't hear everyday, Will thought.I don't encounter it even from my American friends.Sigurado na siya ngayon na mas makapal Ang dictionary na binabasa nito kaysa sa kanya.It definitely sounded better and classier than ill-mannered, socially inept, or tomboyish-all of which had, unfortunately, been applied to Evie,his half sister.Hindi raw marunong makiharap sa mga tao Ang kapatid niya,galawgaw raw ito,may-kagaspangan Ang ugali,may mga salitang lumalabas sa bibig nito na hndi angkop sa estado ng pamilya nila.

Marcus Herrera was already seventy years old.Kaya hindi na siya nagugulat kung may pagkakonserbatibo man ang pamantayan nito sa dapat ikilos ng isang kabataang babae,

Sigurado siya,mas maraming kaedad ni Evie na dapat turuan ng magandang asal.Pero tama rin naman ang obserbasyon nito Kay Evie, may-kagaspangan nga ang mga galaw at pananalita ng kapatid niya at kung patuloy nila itong ihaharap sa publiko nang hndi ito nag babago,patuloy lang na mapapahiya ang pamilya nila.At kung gusto niyang mahinto na sa pagkutya Kay Evie at sa pamilya niya Ang mga kolumnista-the first thing that came to his mind was Tish Arceo-sa mga diyaryo na ang trabaho ay mangalap ng masasamang balita at mga baluktot na tsismis, kailangan na niyang kumilos.

Ayaw na niyang maulit ang nangyari noon na tuwing magbubuklat siya ng pahayagan,tabloid man o broadsheets,may nababasa siyang artikulo na ang intensiyon ay libakin ang pamilya nila dahil sa pagpapakasal ng kanyang amang si Bradley Harrison sa sekretarya nitong si Rachel na ang edad ay wala pa sa kalahati ng edad ng kanyang ama.Kahit sino ay nakakaalam,pati na Ang pamilya nila,na pera ang tanging dahilan kaya pinakasalan ni Rachel Ang kanyang ama.Alam nilang alam din iyon ng kanyang ama ngunit bale-wala iyon dito.Hindi ito nakikialam sa walang habas na paglustay ni Rachel ng pera.Gumagastos ito na parang hindi magtatagal at mawawala na sa uso ang pera.Everyday, an article mocking her and Bradley would come out.Nababasa iyon ng kanyang ama ngunit tuwina,ngiti lang ang reaksiyon nito.

"Bakit Sila nanggagalaiti sa mga ginagastos ni Rachel?" minsan ay natatawa at naiiling na wika ng kanyang ama."Pera ba nila Ang nilulustay ng Asawa ko?"

At sino na nga ba ang nagbiro minsan sa kanya na magsasawa sa pagpapasara ng mararangyang tindahan si Rachel upang makapamili ito nang pribado roon pero hndi nito mauubos ang perang handang ibigay ng kanyang ama rito?

Hanggang sa ipasya ng kanyang ama na sa Amerika na muna manirahan Kasama ni Rachel at ng limang taong gulang na anak ng mga ito na si Evangeline.Dalawampu't anim na taon pa lang siya noon pero siya na ang inatasan ng kanyang ama na magpatakbo sa higanteng kompanya nila.At habang pinaghihirapan niyang patakbuhin at lalo pang paunlarin ang kompanya ng pamilya, ang kanyang ama at ang mag-ina nito ay na kontento na lang sa paglilibot at pagliliwaliw sa buong mundo.Lumaki si Evie na walang alam kundi ang mga yaya nito at ang mga alalay ng mga magulang nito.

Magtataka pa ba siya na sa edad na labinlima,wala pa rin itong kamuwang-muwang sa pagharap sa mga tao?

Napunta rin sa kanya ang pangangalaga kay Evie pagkatapos masangkot sa isang aksidente sa sasakyan si Rachel isang buwan na ang nakararaan. Ang kanyang ama ay ilang taon na ring namayapa.

"Si Mrs.Reyes, hindi ba puwedeng Siya ang_"

"Mrs.Reyes is a housekeeper Will. Ang trabaho niya ay tiyakin na malinis at maayos ang bahay pati na ang mga isinusuot at kinakain n'yo. Ano ang alam niya sa pagtuturo ng etiquette at good manners sa isang teenager?"

"Yong mga tutor ni Evie, siguradong_

"Yong academic performance ni Evie ang problema nila Will. Kahit may alam sila sa pagtuturo ng magandang asal, hindi ko pa rin sila bibigyan ng karagdagang trabaho dahil baka sa klase naman mapagtawanan ang kapatid mo."

Kung siya lang ang masusunod,hindi siya mag-aapurang gawing pino ang ugali ni Evie dahil bata pa ito at maaaring kusang magbago kapag nadagdagan ang edad pero hindi niya gugustuhing suwayin ang kagustuhan ni Marcus.Isa ito sa mga haligi ng kompanya nila at isa rin sa mga sandigan ng pamilya nila. Alam niyang wala itong hangad kundi ang kapakanan ng kompanya at kabutihan ng pamilya nila pati na ni Evie. Sa sandaling maging kaaya_aya ang ugali ni Evie, walang makikinabang nang husto roon kundi ito rin. Isa pa, nagpapasalamat na rin siya Kay Evie ang buong atensiyon ni Marcus ngayon dahil napahinga ito kahit pansamatala sa pangungulit sa kanya nang mag-asawa na upang magkaanak na siya. Ngayon pa lang ay pinoproblema na nito ang sunod na mag-aasikaso sa kompanya.

"Sige, ako na ang bahala," mayamaya ay sabi niya."Ako na ang maghahanap ng magtuturo Kay Evie ng magandang asal at kung paano kumilos at makihalubilo sa publiko."

"Apurahin mo lang," wika ni Marcus."Marami nang nagtatanong kung saan siya. Nagdadahilan na lang ako na nagluluksa pa ang bata kaya hindi muna masyadong lumalabas at nagpupunta sa mga okasyon ng kompanya."

"Naaapura ba ang pagluluksa?" tanong niya rito. Siya. nang mamatay ang kanyang ina noon, ay inabot yata ng habang-panahon bago niya iyon natanggap.Isang magulang lang ang nawala sa kanya, paano pa si Evie na tuluyan nang naulila sa pagkawala ni Rachel?

"Alam ko ang pinagdadaraanan niya,Will, but she has responsibilities!"

Napakunot-noo siya sa narinig."Responsibilities,Marcus? She's only fifteen, she doesn't have any responsibilities!"

"Let me tell you this, William Harrison,"Marcus

said. kapag tinawag siya nito sa buo niyang pangalan, senyales iyon na naiirita ito."Evangeline must be introduced to society.

Hindi siya puwedeng maging taong-bahay lang, alam mo `yon. Ihaharap at ihaharap mo siya sa mga tao. Dapat `pag ginawa mo na iyon, nakasisiguro ka na hindi kayo magiging katatawanang dalawa."

Hindi na siya nagtankang kontrahin pa ang mga sinabi nito. Kahit gusto sana niyang sabihin dito ba kung gusto ni Evie na maging taong-bahay at Hindi maging bahagi ng lipunan at ng kompanya nila ay hahayaan lang niya ang kapatid niya.

𝐷𝐸𝐴𝑅 𝑀𝑖𝑠𝑠 𝐵𝑒ℎ𝑎𝑣𝑖𝑜𝑟

𝓘 𝓽𝓸𝓵𝓭 𝓶𝔂 𝓫𝓮𝓼𝓽 𝓯𝓻𝓲𝓮𝓷𝓭 𝓘 𝔀𝓪𝓼 𝓱𝓸𝓹𝓲𝓷𝓰 𝓽𝓱𝓲𝓼 𝓰𝓾𝔂 𝔀𝓮 𝓫𝓸𝓽𝓱 𝓵𝓲𝓴𝓮 𝔀𝓸𝓾𝓵𝓭 𝓪𝓼𝓴 𝓶𝓮 𝓽𝓸 𝓰𝓸 𝓽𝓸 𝓪 𝓬𝓸𝓷𝓬𝓮𝓻𝓽 𝔀𝓲𝓽𝓱 𝓱𝓲𝓶.

𝓑𝓾𝓽 𝓼𝓱𝓮 𝓰𝓸𝓮𝓼 𝓪𝓷𝓭 𝓫𝓾𝔂𝓼 𝓽𝓲𝓬𝓴𝓮𝓽 𝓪𝓷𝓭 𝓽𝓱𝓮𝓷 𝓪𝓼𝓴𝓼 𝓱𝓲𝓶 𝓽𝓸 𝓰𝓸 𝔀𝓲𝓽𝓱 𝓱𝓮𝓻. 𝓘' '𝓶 𝓼𝓸 𝓶𝓪𝓭 𝓪𝓽 𝓱𝓮𝓻, 𝓫𝓾𝓽 𝓼𝓱𝓮 𝓼𝓪𝔂𝓼 𝓽𝓱𝓪𝓽 𝓲𝓯

𝓱𝓮 '𝓭 𝓵𝓲𝓴𝓮𝓭 𝓶𝓮. 𝓣𝓱𝓮𝓷 𝓱𝓮 𝔀𝓸𝓾𝓵𝓭𝓷 '𝓽 𝓱𝓪𝓿𝓮 𝓪𝓰𝓻𝓮𝓮𝓭 𝓽𝓸 𝓰𝓸 𝔀𝓲𝓽𝓱 𝓱𝓮𝓻.𝓝𝓸𝔀 𝓼𝓱𝓮 𝓵𝓸𝓪𝓷𝓮𝓭 𝓶𝓮 𝓪 𝓹𝓪𝓲𝓻 𝓸𝓯 𝓼𝓱𝓸𝓮𝓼 𝓽𝓱𝓮 𝓵𝓪𝓼𝓽 𝓽𝓲𝓶𝓮 𝓘 𝓱𝓪𝓭 𝓪 𝓭𝓪𝓽𝓮. 𝓘 𝓽𝓱𝓲𝓷𝓰 𝓼𝓱𝓮 '𝓼 𝓫𝓮𝓲𝓷𝓰 𝓻𝓾𝓭𝓮.

𝓢𝓲𝓷𝓬 𝔀𝓮 𝓫𝓸𝓽𝓱 𝓵𝓸𝓿𝓮 𝔂𝓸𝓾𝓻 𝓬𝓸𝓵𝓾𝓶𝓷, 𝓘 𝓽𝓸𝓵𝓭 𝓱𝓮𝓻 𝓘 '𝓭 𝓵𝓮𝓽 𝔂𝓸𝓾 𝓭𝓲𝓬𝓲𝓭𝓮.𝓓𝓸 𝓘 𝓱𝓪𝓿𝓮 𝓽𝓸 𝓵𝓸𝓪𝓷 𝓱𝓮𝓻 𝓶𝔂 𝓳𝓪𝓬𝓴𝓮𝓽 𝓽𝓸 𝓰𝓸 𝓸𝓷 𝓪 𝓭𝓪𝓽𝓮 𝔀𝓲𝓽𝓱 𝓽𝓱𝓮 𝓰𝓾𝔂 𝓘 𝓵𝓲𝓴𝓮? 𝓽𝓱𝓪𝓷𝓴𝓼

Cinderella

Inabot ni Guwen ang tasa ng kape. Wala na iyong laman.Nagtalo sandali ang isip niya kung sasagutin na ba ang liham na binabasa o magtutimpla muna siya nang kape. Ipinasya niyang mas magigising siya at mas masasagot niya nang maayos ang tanong sa kanya kung iinom siya ng Isa pang tasa ng kape.Hindi basta-basta ang tanong na inihain sa kanya kaya kailangang gising na gising ang utak niya bago siya tumugon.Kailan ba naging madali ang pumagitna sa dalawang kabataang babaeng pinag-aawayan ang isang lalaki? She wriggled out of her chair, left her computer and went to the kitchen.

Miss Behavior, that was her

May siyam na buwan na rin niyang ginagamit ang pangalang iyon sa column niya na lumalabas sa Web site na Teenspace. Nang pumirma siya sa Web site na iyon upang magbigay ng mga payo sa mga kabataan, mga simpleng tanong lang gaya ng kung sino ang dapat yayain sa prom o kung dapat ba na maghati sa gastusin sa date ang lalaki at babae ang inaasahan niyang matatanggap niya. Pero mas komplikado na ngayon ang mga kabataan at mas masalimuot at agresibo ang pag-iisip.Hindi pa masyadong komplikado ang tanong na kinakaharap niya Ngayon.

Muli siyang naupo sa harap ng computer pagkatapos magtimpla ng kape. Pinapasadahan uli niya ang liham na nasa monitor nang bigla siyang mapaigtad, dahilan para lumigwak ang kape mula sa hawak niyang tasa. Nilundag na naman ng alaga niyang pusa na si Letitia ang suot niyang tsinelas -cute bunny slippers with oversized ears at pinanggigilan iyon. Itinaas niya ang mga paa niya pero huli na, may mga kalmot na naman siya sa binti. Kumaripas na palayo si Letitia. Pero alam niyang babalik ito sa sandaling malingat siya upang sagpagin na naman ang tainga ng tsinelas niya. Mula nang isuot niya iyon, hndi na napakali si Letitia. Parang sinapian ito ng masamang espirito sa tuwing magkakaroon ng pagkakataon ay sinasalakay ang tsinelas niya.

binasa uli niya ang liham at pagkatapos ay sinagot iyon.

Miss Behavior -that was also the title of her column- had been an instant Internet success, tripling TeenSpace's visitors in the last six months, and her real-life consulting business was benefitting from the popularity of her Internet column.Hindi na nakapag tataka iyon dahil sa panahon Ngayon, kung saan paunlad na nang paunlad ang teknolohiya na halos kontrolin na niyon ang buhay ng maraming tao, marami ang nangangailan-partikular sa mga kabataan na maturuan ng magandang asal at ng tamang pagkilos at pananalita sa publiko. Hindi sa sinasabi niyang nagtuturo ng kasamaan at kagaspangan ng ugali ang teknolohiya. Masaya siya sa trabaho niya ngayon, pero mas matutuwa siya kung magkaroon uli siya ng seryosong mga kliyente. Gusto niyang maging bahagi ng isang malaking kompanya o institution. She was trained to work with politician, heads of state, and corporate bigwigs; instead, she spent her time with debutantes and bickering, lovestruck Teenagers.

Ngunit umaass pa rin siyang isang araw ay iiwan niya ang pagpapayo sa mga pasaway na kabataang hindi maasikaso ng abala sa pagpapayamang mga magulang kung paano gumalaw nang pormal at maayos.Sigurado siya. isang araw ay pakikinggan din ang mga dasal niya Kasabay ng pag-asam niyang iyon ang pagtunog ng telepono sa harap niya.

"Good morning. Everyday Etiquette. this is Gwen Garces speaking."

"Miss Garces, this is Nancy Roxas calling from Williams Harrison's office at Harcorp International," sabi ng magalang na boses mula sa kabilang linya.

Agad na pinabilis ng sinabi nito ang pintig ng kanyang puso.

Harcorp International?

Ilang buwan na ba siyang nagtatankang makapasok sa kompanyang iyon?

Ilang proposal na ang nai-submit niya sa human resources ng Harcorp pero lagi lang namumuti ang mga mata niya sa paghihintay ng tawag mula sa mga ito.

Pero mukhang sa wakas ay nagbunga na ang mga dalangin niya.

"Yes, Miss Roxas," pinipigilang sumigaw sa tuwa na sabi niya sa kausap."What can I do for you?" Gusto raw siyang makausap ni Mr.Harrison nang araw ding iyon.Itinanong nito kung maaari siyang magtungo sa opisina nito nang alas-dos ng hapon.

She said "yes" and the conversatio9n ended.Saka lang niya hinayaang kumawala ang tuwa na nararamdaman. Hindi nabanggit sa kanya ng kausap Kung bakit siya gustong makausap ni William Harrison pero ano pa ba ang magiging dahilan kundi gusto siya nitong magtrabaho para sa kompanya nito? Maybe he had read her proposals and was impressed by them.

Talk about dream coming true, she had no doubt that this meeting would change her life.

SINULYAPAN ni Gwen ang relo niya habang pumapasok sa gusaling kinaroroonan ng opisina ng Harcorp International.One-fifty. Tamang-tama lang ang dating niya. Limang minuto bago mag alas-dos, saka niya pupuntahan ang secretary ni Mr. Harrison. Pupunta muna siya sa ladies' room para siguruhing maayos ang kanyang hitsura. Ayaw niyang dumating nang masyadong maaga,baka sabihing masyado siyang excited na makuha ang trabaho.

Inside the ladies' room, she felt satisfied with her appearance. She was wearing camel-brown suit, peach silk shirt, closed-toe shoes with coordinating briefcase and her grandmother's necklace for good luck. Hindi siguro siya mananalo sa Miss Universe o sa kahit anong beauty pageant pero kapita-pitagan naman ang hitsura niya at kabiha-bighani rin. But then, a protocol consultant like her should always look dignified and attractive.

Pumikit at huminga siya nang malalim bago lumabas at naglakad patungo sa kinaroroonan ng opisina ni Mr. William Harrison.

Nasa isang meeting pa raw ito at hindi pa siya mahaharap. Naupo siya sa sofa at naghintay.

Lima Hanggang sampung minuto lang daw ang ipaghihintay niya pero Mayamaya, pagsulyap niya sa relo niya, may dalawampung minuto na pala siyang naghihintay.

Ang dalawampung minuto ay mabilis na naging tatlumpung minuto.

Nakakaramdam na siya ng pagkasuya at parang gusto na niyang umalis na lang dahil tila walang balak ang Mr. Harrison na iyon na kausapin siya nang lapitan siya ng isang babaeng nasa limampu na marahil ang edad at nagpakilalang si Nancy Roxas. Ito ang nakausap niya sa telepono. Handa na raw siyang harapin ni Mr. Harrison.

Dapat lang,itinatago ang pagkainis na sabi niya sa isip.Pumikit uli siya at huminga nang malalim nang tumalikod sa kanya si Nancy upang igiya sa opisina ni Mr. Harrison.

Isang lalaking may kausap sa telepono ang napasukan niya. And it was William Harrison indeed. Nakita na niya sa ilang pahayagan at magazine ang mukha nito. One magazine, a reputable one, called him Manila's most eligible bachelor.

Sinenyasan siya nitong maupo sa silyang nakaharap sa mesa. Taking a deep breath again, she obliged. Nakaramdam uli siya ng pagkairita na kahit ngayong nasa opisina na siya nito ay hindi pa rin agad siya makakausap nito. But at least, he acknowledged her. Dapat na lang siguro niyang tanggapin na talagang masyadong abala ang mga katulad nito, okupado ang bawat minuto.

May buti rin namang idinulot na nakikipag-usap pa ito sa telepono. Napagmasdan niya ito. Mas guwapo ito kaysa hitsura nito sa mga babasahin. May karapatang kiligin dito ang mga kakilala niyang babae. Siya lang, kung hindi siya ngayon. kaunting pagkaasar, baka kinikilig na rin siya ngayon.kakaiba sa ibang executive, may kahabaan nang kaunti ang buhok nito. He had broad shoulders ang strong arms.

Ang kabuuan ng kuwarto ang sunod na pinagmasdan niya. Mamahalin at elegante ang mga gamit na naroroon. Nang ibalik niya ang tingin sa lalaki, wala na itong kausap sa telepono. Agad itong ngumiti nang magtama ang mga mata nila.

And oh, my God! He had charming dimple, one which would give any woman alive a pulse spike. At bilang patunay, naramdaman niyang bumibilis nga ang pulso niya nang mga sandaling iyon.pati na ang pintig ng puso niya. Tila uminit din nang bahagya ang silid. Idagdag pang nakatitig sa kanya ang magagandang mata nito.

Kinamayan siya nito. "Pasensiya na kung medyo pinaghintay kita, Miss Garces," hinging- paumanhin nito sa kanya. The hand he offered her was strong and warm. Nagbigay ng mga kamay nila. Parang mas gumuguwapo rin ito sa paningin niya habang lumilipas ang mga sandali. Focus, Gwen, mabilis na paalala niya sa sarili. Hindi ka naririto upang humanap ng bagong crush. Trabaho ang ipinunta mo rito at iyon ang gagawin mo. Binuksan niya ang dala niyang briefcase at sinimulang ilabas ang ilan niyang portfolio. "Everyday Etiquette has a reputation-" "Ang sabi sa akin ni Nancy, Ikaw ang pinakamagalin sa linya mo," putol nito sa sinasabi niya. "Kaya alam kong magiging successful ka Kay Evie. Ang problema, may deadline tayo at gusto kong malaman kung mabilis kang magtrabaho. Isang pang kailangan kong malaman ay kung maaasanhan ka na hindi malaman ng kahit sino,lalo ng media, itong gagawin natin."

Maiinis sana siya na pinutol nito ang pagsasalita niya pero naglubag kaagad ang loob niya sa sinabi nito na "ikaw ang pinakamagaling sa linya mo." She really was, darn it! Panahon na para malaman iyon ng maraming tao. Salamat sa Diyos at alam iyon ng Harcorp International. Kaya lang, sino si Evie at bakit kailangang ilihim ang trabahong gagawin niya sa kompanya?

"Three weeks away na lang `yong Hospital Benefit," sabi nito. Sa okasyong `yon namin ipakikilala si Evie." Lalo siyang nalito. Alam niya ang okasyong binanggit nito. Will's company was holding a huge party called Hospital Benefit or Med Ball to help a few hospitals raise funds. Nabasa niya iyon sa ilang society columns. Ang Hindi niya alam ay ang partisipasyon ng kompanya nito sa naturang okasyon bukod sa pagpirma sa mga tseke. Gusto niyang sisihin ang sarili kung bakit hindi niya hiningi kanina sa sekretarya nito ang lahat ng detalye tungkol sa serbisyong ipagkakaloob niya sa kompanya nito. "Mr. Harrison, to tell you the truth, hindi ko nasusundan ang sinasabi n'yo. Sino si Evie?"

Ito naman ang nakitaan niya ng bahagyang pagkasorpresa. "Evie is my sister -half sister, actually," Saka lang niya naalalang nababasa-basa na rin nga pala niya ang tungkol sa relasyon nito sa nabanggit nitong pangalan.

"Nasa poder ko na siya ngayon at medyo may kagaspangan pa ang pagkilos niya, patuloy nito, "I need you to teach her to be a lady.

kayang-kaya mo `yon, `di ba? Turuan mo siya ng table manners, kung paano makipag-usap at humarap sa mga tao, kung paano gumalaw sa isang party at kung paano magbihis."

Nakaramdam siya ng panlulumo. Gumuho ang pangarap niyang makapagtrabaho sa kompanya at makasalamuha ang mga may katungkulan doon. Tulad sa TeenSpace, isa rin palang teenager ang pagsisilbihan niya. Pero dapat ba talaga siyang manlumo? Kapatid si Evie ni William Harrison. Kung magiging maganda ang trabaho niya Kay Evie, puwedeng maging dahilan iyon upang tuluyang Kunin ng kompanya nito ang serbisyong niya at ng Everyday Etiquette. Nalihis lang siya nang kaunti ngunit napakalaki pa rin ng posibilidad na makarating siya sa gusto niyang paroonan.

"I'd be glad to work with your sister, pero parang kulang ang tatlong linggo para_"

"Exactly. kaya `pag nag-umpisa kayo, kailangang nasa tabi ka niya sa bawat Oras," Sabi nito bago naghagilap ng papel at may isinulat doon bago iniabot sa kanya. Nakasulat doon ang address ng isang bahay sa isang pangmayamang subdivision.

"Nasabihan ko ang housekeeper namin na si Mrs. Reyes na ihanda para sa `yo yong isang guest room. Puwede mo nang dalhin ang mga gamit mo sa bahay mayamayang gabi para makapagsimula na kayo bukas."

"H-hindi ko maintindihan...."

"Sa amin ka muna titira sa loob ng tatlong linggong `yon."

"S-sa inyo..."Huminga siya nang malalim upang paluwagin ang kanyang dibdib. Those who were in her kind of job shouldn't stutter.

"Hindi ko alam kung maaari `yon, Mr. Harrison.

May business akong pinatatakbo at may iba pa akong kliyenteng kailangan ko ring asikasuhin l."

"Several hours a day, tinuturuan ng tutors niya si Evie," Sabi nito. "Sa oras na `yon, puwede mong asikasuhin ang ibang bagay na kailangan mong asikasuhin, Don't worry, babayaran ko ang lahat ng magiging abala mo." May binanggit itong halang ibabayad sa kanya at dahil napakalaki niyon. Puwede talaga niyang isantabi ang lahat ng iba niyang trabaho para sa halagang iyon.

"Uulitin ko lang ,ayokong may ibang makaalam ng magiging trabaho mo para Kay Evie." Sa halagang handa nitong ibayad sa kanya,baka kahit ang ipaputol Ang sariling dila upang makatiyak lang na hindi siya makakapagkuwento sa iba ay gagawin niya.

ano kaya ang mangyayari abangan thank you guys chapter 1 Muna antok na ako eh 🤣🤣