Chereads / The Dawn of the Red Moon / Chapter 1 - Chapter I: The Beggining

The Dawn of the Red Moon

Atheena_Kim
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 1.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter I: The Beggining

sa di kalayuang siyudad ng mga bampira, mayroong mag asawa ang nakatira sa isang barong barong, halatang napakatanda na nito dahil sira sira ang mga pader at butas butas ang bubong. Ang mag asawang iyon ay sina Aaron at Ahira. Si Ahira ay nagdadalantao sa isang batang babae, at ngayong araw na ito december 16 ipinanganak niya ang isang magandang babae na si Arez Dawn.

Lumipas ang panahon at si Arez ay na sa tamang edad na.

"Arez anak, gumising ka na riyan at tayo'y kakain na" mahinahong sabi ng aking ina habang tinatapik ang aking balikat "limang minuto pa ina, dahil inaantok pa ako" ang sabi ko na pupungas pungas "hindi pwede anak, naghihintay na ang iyong ama sa hapag kainin" pagtatalo niya at wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya, tumayo ako at sinabing "sige ina, susunod po ako, maghihilamos lang ako bg mukha" tumango siya at bumaba na sa maliit na hagdan at sumunod rin ako sa kanya, pumunta ako sa lababo at naghilamos ng mukha, pagkatapos ko ay nagpunas ako ng mukha gamit ang malinis na pamunas, pag tapos ko ay umupo na ako sa aking upuan kaharap ni ina at nagsimula na kaming kumain. "anak, aalis ka ba ng bahay?" tanong sa akin ng aking tatay "balak ko pong gumala kasama ang aking mga kaibigain" at sagot ko, "kung papayagan niyo po ako" idinagdag ko at tumingin sa kanilang dalawa, nakita kong nagtinginan sila sa isa't isa at sabay tumango sa akin ngumiti ako sa tuwa dahil alam kong pinayagan nila ako "maraming salamat po" ang sabi ko at tumango sila, tapos na akong kumain kaya naman tumayo na ako at pumunta sa aking kuwarto at nagsimulang mag ayos. Tapos na akong mag ayos at nakapag palit na rin ako ng aking damit, bumaba na ako ng mabilis at nagpaalam sa aking mga magulang. Pumunta ako sa head quarters naming magkakaibigan doon kami lagi pumupunta kapag kami ay malungkot o gusto mapagisa pero halos lahat ng oras ay pumupunta kami roon upang gumala kasama ang isa't isa. Habang ako ay masayang naglalakad nararamdaman ko na para bang may nakatingin sa akin, hindi ko alam kung ano ito ngunit alam kong hindi siy- sila tagarito hindi siya nag iisa, marami sila. Nilibot ko ang aking mata at tumingin sa paligid ligid ng may mapansin akong lalakin na naka tingin sa akin sa itaas ng malaking puno. Ngunit nung nakita ko siya ay bigla itong tumalon papaalis, sinubukan ko itong habulan ngutin may tumawag sa akin "Ari, saan ka pupunta?" ang tanong ng aking kaibigan na si Lecs, napatingin ako sa kanya at nakita ko ang iba pa naming kaibigan na naka tingin sa akin, pumunta ako sa kinaroroonan nila at hinila sila patungo sa aming head quarters, nung kami ay nakarating na ay pinaupo ko sila, "may nais akong sabihin sa inyo" ang sabi ko na may pangaba, "ano iyon at bakit ka kinakabahan?" ang tanong ni Lisa, sasabihin ko na sana ang aking sasabihin nang putulin ako ni Zaira, "saan ka pupunta kanina nung tinawag ka ni Lecs kanina?" ang tanong niya, "ito na nga, kanina habang ako ay naglalakad papunta rito, naramdaman ko na para bang may mali, at yon maraming mata ang nakatingin sa akin, malayo sila ngunit nararamdaman ko pa rin, at iyon na may napansin akong isang lalaking nakatago sa isang malaking puno, guwapo siya, maganda ang ngiti, singkit na may pagka mustiso" ang pagpapaliwanag ko na may seryosong muka at tono ng boses, "ay sus baka naman manliligaw mo yan ha?" ang tugon ni Lecs na may pagka nang aasar na tono, tumingin ako sa kanya at nagtaka "mukha ba akong nagbibiro ha?" ang sabi ko at binatukan siya na may pagka malakas, "aray naman!" ang sigaw niya at nagsimula kami mag away ng laruan lamang, di rin nagtagal dahil inawat kami ni Zai "tigil niyo na nga iyan" ang sabi niya, tumawa kami at nagsimula na kaming mag kwentuhan tungkol sa kanya kanyang kwento. Napansin ko na palubog na ang araw, nalibang ako at di na namalayan ang oras "kailangan ko nang umuwi" ang sabi ko habang nakatingin sa araw, "hindi ka ba dito matutulog? kasi kami dito kaming lahat matutulog" ang sambit ni Zai, umiling ako "kailangan kong umuwi" ang sabi ko, "magiingat ka Ari, alam mo naman na nakakatakot sa atin lalo na't gabi na, baka atakihin ka ng ating kalaban" pag aalalang sabi ni Lisa, tumayo ako "wag kayong mag alala mag iingat ako, tsaka hindi ito ang unang beses na lalabas ako ng gabi" ang sabi ko habang nakangiti sa kanila, tumangi sila at tsaka ko nilisan ang aming head quarters, wala namang mga mata ang nakatingin sa akin habang ako ay naglalakad wala rin namang masamang nangyare, masaya akong naglalakad ng may marinig aking kaluskos sa damuhan, napatigil ako para pakinggan itong muli ngunit wala akong narinig, kaya naman ay nagsimula ulit akong maglakad at inisip na guni guni ko lamang iyon ngunit narinig ko itong muli, sa ngayong pagkakataon ay hindi ako huminto, dumeretso lang ako at hindi ito pinansin, ngunit may kung ano mang tumalon sa akin at pareho kaming gumulong gulong sa may damuhan, nahihilo ako at di ko namalayang nahimatay na pala ako. ilang minuto bago ako nagising pagkabukas ko ng aking mga mata may na aninag akong lalaki na nakangiti habang nakatitig sa akin, maganda ang kanyang ngiti ngunit sa mga mata niya napukaw ang atensyon ko, umiling ako at tinulak siya papalayo, tumayo ako at kumuha ng patpat at itinutok ito sa kanya, "sino ka?! anong kailangan mo sakin!?" sigaw ko habang tinututok ang patpat sa kanya "huwag ka mag alala magandang binibini, hindi kita sasaktan, hindi kita sasaktan kailanman" ang mahinhin niyang sabi, na mangha ako sa kanyang boses dahil napaka sarap nitong pakinggan, "sino ka? ikaw ba ang laging sumusunod sa akin?" ang sabi ko at ibinaba ang patpat na aking hawak ng dahan dahan, ngumiti siya nung nakitang na sa lapag na ang patpat "ako si jiane, ako ang laging nakabantay sayo" ang sabi niya ng mahinhin habang nakangiti, "bakit mo akong binabantayan? sino ang nagutos sa iyo na gawin yan?" ang tanong ko pa, gulong gulo ako, bakit niya ako binabantayan? sino ang nagutos sa kanya para gawin iyon? at bakit sabi niya kanina 'hindi kita sasaktan kailanman' anong ibig niyang sabihin don? gulong gulo ang aking utak, nagiisip pa rin ako kung bakit at sino siya nang buhatin niya ako sabay tumakbo ng mabilis, hindi na ako nagpumiglas nyng huminto siya sa likod ng bahay namin "magiingat ka aking binibini" ang sabi niya at hinawakan ang aking palad sabay halik sa aking kamay, pag tapos niya ay tumalon na siya sa puno at umalis, nagulat ako sa mga pangyayari ngunit isinantabi ko muna ito, nag pagpag ako at nagayos, inayos ko ang aking buhok at kasuotan dahil madumi ito at gulogulo, pagkatapos ay pumasok na ako sa aming bahay, pagkapasok ko ay napansin ko na wala ang aking mga magulang, lagi sikang umaalis ng bahay kapag gabi kaya naman sanay na ako sa kanilang paguugali na aalis ng gabi, alam ko na medyo na kapagtataka iyon ngunit hindi ako nangingi alam sa kanila o sa kung anong gusto nilang gawin kaya naman umakyat na ako sa aking maliit na kwarto, binuksan ko ang maliit na bintana at nilibot ang aking mga mata sa kagandahan ng bundok, nilingon ko ang buwan at tumitig dito ng napaka tagal, totoo na napaka ganda ng buwan, lalo na't kung buo ito, isinampal ko ang aking katawan sa aking higaan, ipinikit ko ang aking mga mata at inisip ko ang nangyare kanina, "hinalikan niya ako sa aking kamay" ang bulong ko habang pinagmamadan ang aking kamay, umiling ako at ipinikit ang mga mata, sinubukan kong matulog ngunit lumamig ang hangin, nakalimutan kong isara ang aking bintana, sambit ko sa aking isipan, may kumalabog na para bang may tumalon sa napaka taas nalugar at lumando, binuksan ko ang aking mga mata, at nakita ko siyang muli, napatayo ako sa gulat tumingin siya sa akin at hinila ako paalis ng bahay, tumalon kami sa isang mataas na puno ang bilis ng pangyayari "sasn mo ako dadali-" hindi ko natapos ang aking sasabihin nung tinakoan niya ang aking mga labi "huwag ka maingay aking binibini, pinaghahanap ka nila, na sa piligro ang iyong buhay, mahal ko" ang sabi niyang pabulong sa akin habang nakatingin sa aming bahay maya maya nagsalita siya "párdòn" ang sambit niya na pabulong párdòn isa itong salita sa amin na ang ibigsabihin ay 'nandito na' nakatingin pa rin siya sa aming bahay ngunit nagliwanag ang kapaligiran, hindi ito puti kundi pula at kahel ang kulay, tumingin ako kung saan ito nanggagaling, napaiyak aki nung nakita ko na ang bahay namin ay nasusunog, nakakita ako ng mga kung ano man sa ibaba at nakita kong, mga masasamang bampira ang mga salarinin, paano ko na laman? sa lahat ng mga masasamang bampira ang kulay ng mata nila ay pula, dahil sa dugo ng kanilang haring si Dwayne, at sa mga mabubuting bampira naman, na nasasakupan ng aming misteryong hari ay iba't iba ang kulay, mayroong itim, kahel, puti at iba pa, misteryoso ang magasawang rohales. sinikipan ni jiane ang pagtakip ng aking bibig nung humagulgol ako ng iyak, binuhat niya ako at tumalon sa isa pang puno, inalis niya ang takip sa aking mga labi at hinawakan ang aking mga pisngi, ngumiti siya sa akin ay pinunasan ang aking luha sa pisngi gamit ang kanyang hinlalaki, niyakap ko siya, niyakap ko siya ng mahigpit, niyakap niya ako pabalik, "tahan na binibini wag ka ng umiyak" ang mahinhin niyang sabi, "paano ako titigil sa pagiyak kung alam ko na wala na kaming titirhan? kung alam ki na wala na kaming tutulugan?" ang sabi ko habang humahagulgol, ngayon ko lang natandaan ang mga magulang ko! na saan sila? tiningnan ko si jiane "kailangan ko hanapin ang aking mga magulang" ang sabi ko sa kanya at tumayo ng mabilis