Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Love between human and vampire

Gela_manunulat
--
chs / week
--
NOT RATINGS
908
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - Kabanata 01: Simula

"Love between human and vampire"

•| S I M U L A |•

"The main characters"

ANGELA-Masipag,napaka bait at may magandang pangangatawan at napaka puting mga balat sya ay ordinaryong tao lamang na magiging asawa nang hari,

CYRUS- Hari ng mga bampira na may makisig na pangangatawan at matapang/ Napaka galing sa pakikipaglaban,

LANCE-Hari nang mga masasamang lobo/karibal nang hari nang mga bampira,

VANESA-Ex girlfriend nang hari nang bampira/karibal nang reyna,

CHUDS-Makisig at magaling sa pakikipag laban bukod don ay mapang asar ito/kababata ni cyrus,

JALE-Maganda maputi at magaling din sa pakikipaglaban/Kababata ni cyrus,

KALIX-Gaya ni chuds ay makisig din ito at magaling sa pakikipaglaban mapang asar din ito/Kababata ni cyrus,

Nang imulat ko ang mata ko nakita ko ang mukha ng madatrasta ko or stepmom ko kasama ang dalawang stepsister ko, Maayos nila akong ibinangon sa higaan ko at sinabing mag pipicnic kami, Tumango ako sakanila at may ibinigay sila saking napaka gandang dress maayos ang pakikitungo nila sakin ngayon,

Naninibago ako sakanila dahil ang tunay na pakikitungo nila sakin ay parang isang kasambahay lagi nila akong sinasaktan pag hindi ko nagagawa ang gusto nila at palagi nila akong inaapi, Ang papa ko kase ay nasa ibang bansa nagtratrabaho sya don para may ipadala sya sa amin at para makaipon din,

Simula nung nag sama sila ni papa ay hindi anak ang turing sakin nang stepmom ko at lalong hindi rin kapatid ang turing sakin nang dalawa kong stepsister kaya naman labis akong naninibago sa inaasal nila,

Inayusan din ako ni hailey at ni anni sila ung stepsister ko at ang pangalan naman ng stepmom ko ay greta by the way ako nga pala si Angela,

Nang matapos na nila akong ayusan at tapos nadin silang gumayak ay sumakay na kaming apat sa kotse tila ba isang panaginip ang nangyayare ngayon dahil sa asal na pinapamalas nila sakin ngayon,

Nagtataka ako kung bat sa gubat nila napiling mag picnic malayo ito sa bahay namin at kung bibilangin ang oras nang byahe ay 3hours din ang pagyahe sa gubat natoh, Ang gubat ay napaka panglaw wala kang maririnig na ingay kundi ang mga ibon lamang, Madilim at nakakatakot dito ngunit diko un ininda kase alam ko namang ligtas kami dito,

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagpaalam sila na bibili nang pagkain namin dahil hindi sila nag dala nang pagkain,

Subalit ilang oras narin ang nakakalipas at ang langit ay unti unti nang nagdidilim ngunit hindi parin sila nakaka balik, Sa ngayon ay alam kona kung bat nila ako dinala dito upang iligaw ako, sabi ko nangalang ba ay may dahilan kung bat biglaang naging maganda ang pag trato nila sakin,

Ilang oras pa ang lumipas bago tuluyang balutin nang kadiliman ang maliwanag na kalangitan, Ang mga himig nang mga ibon na kaysarap pakinggan kanina ay napalitan nang kakaibang ungol nang mga hayop na parang halimaw, Ngayon natatakot nako dahil hindi ko alam ang daan para makauwi sa bahay,

Naglakad ako nang naglakad hanggang sa matagpuan ko ang isang bangkay nang babae at nakita ang halimaw na kinakain ang laman loob nito sisigaw na sana ako dahil sa sobrang takot ngunit may isang matandang humila sakin sa likod nang puno at tinakpan ang bibig ko dahilan kaya ang pagsigaw ko ay naudlot, Kitang kita nang dalawa kong mga mata kung paano lapain ng halimaw ang babae,

"Shhh iha wagkang maingay upang Hindi tayo marinig nang lobo" Bulong nito sa tenga ko,

"A-ano pong klaseng h-hayop yan?" Nanginginig kong tanong sa matanda,

"Yan ang lobo kumakain sila ng tao at pinapalabas nila na ang mga gumagawa nito ay ang mga bampira" seryosong ani nito sakin,

"Bampira? totoo ho ba iyon?" Tanong ko sa matanda, medjo nangingilabot ako sa itsura nang matanda dahil ang mga mukha nito ay kakaiba may mapupula itong labi at ang katawan nito ay sobrang maputi,

Naudlot ang usapan namin nang may sumulpot na lobo sa harapan namin na syang dahilan kung bat napahiyaw ako nang malakas,

"Haahhhhhhhh!!" Hiyaw ko dahil sa sobrang takot, Akmang aatakihin na kami ng lobo nayon nang bigla itong suntukin nang matanda na dahilan kaya ito ay napaungol na para bang nasaktan sa pag suntok nang matanda, Ang lobong sinuntok nang matanda ay Kumaripas nang takbo na para bang takot na takot sila rito, Nang tumingin sakin ang matanda ay nakita ko ang matutulis na pangil nito at sobrang pupulang mga mata,

Dahilan kaya nawalan ako nang malay dahil sa sobrang takot jo sa matandang ito....