Paano ba mangarap ang isang mahirap?
Posible bang mangyari ang isang pangarap sa tulad kong mahirap?
Posible kaya yun?
Kung OO. Paano kaya?
"Okay, Klass. Kumuha kayo ng isang buong papel. Isulat ninyo ang pangarap ninyo paglaki niyo. Lagyan ninyo ng pamagat para naman ramdam at alam niyo kung ano ang gusto niyo sa buhay." sabi ni ma'am Cristel- ang Filipino teacher namin.
Mas bata ito tingnan kaysa sa edad niya. Maalaga kasi ito sa katawan, kahit araw-araw kaming sakit ng ulo sa kanya. Sobrang bait pa nito at very understanding pa. Kaya paboritong teacher namin siya.
Nasa huling taon na kami ng High school noon.
"Uyy, bessy, anong pangarap mo?" tanong ng ka-klase at best friend ko na si Joan, payat ito,kayumanggi at kulot ang buhok.
"Wala pa nga eh. Diko nga alam kung ano ang isusulat ko. Hirap naman kasi. Saka matutupad ko ba yun eh, mahirap lang kami. Wala kaming pera," mahina ko ritong sabi. Umiling-iling nalang si Joan sakin.
"Ano kaba. Walang imposible no, s-saka maraming paraan para matupad mo ang pangarap mo-"
"Tulad ng ano?"
"Sumayaw sa puting ilaw o kaya magbenta ka ng lamang loob mo!" natatawang sabi nito
"Aray! Ba't mo naman ako binatukan. Nag sa-suggest lang naman ako ahh!"
"Wow!galing naman ng suggestion mo! Ikaw na lang kaya!" irap kong sabi rito.
Napansin naman kami ni Ma'am Creste. Tiningan ko lang ito at saka ngumiti.
Bigla akong akong napatitig kay ma'am Crestel. Ngumiti ako at saka ibinalik ang atensyon ko sa pagsusulat.
Eksaktong nagsalita na si Maam Crestel- Ipasa na raw ang papel.
"Tapos at hindi tapos, ipasa na ang papel. Mula sa likod,pa harap." sabi ni maam sa malumanay na boses. Ang lambing talaga ng boses ni maam.
Binasa ko ulit ang papel ko saka ipinasa ko na. Gusto pa sanang basahin ni Joan ang papel ko, pero iniwas ko agad ito. Sumimangot na lang ito sakin.
Pagkatapos makolekta ni maam ang mga papel ay nagpaalam na ito. Ipinaalala rin niya ang assignment namin. Sakto naman nag ring na bell. Recess na.
Nasa canteen kami ni Joan. Kulit nang kulit pa rin ito kung ano ba talaga ang pangarap ko. Siya kasi ay gusto niyang maging Flight attendant. Gustong gusto niya kasing libutin ang buong mundo.
"Bessy naman, sabihin mo na lang sakin kung ano ang pangarap mo. Daliii na."
"Teacher." malumanay kong sabi rito. Nakapila kami noon sa canteen. Medyo maraming pila. 10 minuto na lang ay tapos na ang recess namin.
"Wow! Talaga bessy. Hmmm. Sabagay , bagay sayo ang pagiging teacher, para kang si maam Lilia. Ang hinhin at ang bait. Mas mabait pa nga siya kay mama eh."
"Nang iinsulto kaba?"
" Bilisan na nga natin at malapit na ang next subject natin. At alam mo naman si maam Lilia,kapag late ka,hindi kana makakapasok ng room. Haay. Iba iba talaga ugali ng mga teacher natin.Dragona-tulad mo" tawang tawa ito na ikinainis ko naman.
Inabot kami ng limang minuto sa pila.Bumili lang kami ng isang fudge bar at isang 12oz na coke. Hindi nga malamig ang coke nila sa canteen. Parang may sinat. Pero wala na kaming nagawa dahil nailagay na ito sa plastik na may straw.
Pagkatapos ay bumalik na kami sa room.
Ang gugulo ng mga kaklase ko. Nagtatakbuhan ang mga lalaki. Si Gian at ang grupo nito. Sila ang pasiga-siga sa room namin. Binu-bully ang mga kaklase kong mahihina. Pero ako. Aba! Subukan lang niya at baka mabangasan ko siya.
"Aray!"
"Bessy? Okay ka lang ba? Nag-aalalang tanong ni Joan sakin.Hinaplos-haplos nito ang noo ko."
May bigla kasing tumama sa noo ko. Nang makita ko ay isang sapatos. Pinulot ko ito at itinaas sa ere.
Nang tumingin ako sa paligid ay natahimik ang lahat.
"SINO ANG BUMATO SAKIN!" sigaw ko. at napatingin ako sa kinaroroonan ni Gian. Seryoso ito at akmang lalapit sakin. Pero hindi pa man nakakahakbang ay ibinato ko ito sa kanya.
Sapul sa mukha nito. Tumakbo ito palabas habang sapusapu ang mukha.
Bigla naman akong nakonsensya sa ginawa ko. Bumalik na lang ako sa upuan ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa desk. Ramdam ko parin ang sakit sa ulo ko. Hanggang matapos ang last period ay hindi na bumalik si Gian. May nakapagsabi sakin na umuwi na ito. Naiwan din nito ang kanyang bag.
"Ano kaba, bess. Sobra kana man sa ginawa mo kanina kay Gian. Sapul sa mukha yung sapatos, mabuti nalang at hindi masyadong malakas ang pagkakabato mo kundi naku. Baka ipinatawag ka sa guidance."
"Gumanti lang naman ako ahh.(lintik lang ang walang ganti)sa isip-isip ko.
"Kahit na. Sana inalam mo muna kung siya ba talaga ang bumato sayo ng sapatos na yun."
"Anong ibig mong sabihin?" tumingin ako rito
" Hindi naman kasi si Gian ang ang nakabato sayo eh. Si Carlito."
"Ano??"
"Oo. Kaya mag sorry ka sa kanya bukas no. Saka ilang buwan na lang ga-graduate na tayo. Sige ka. Ga-graduate kang may kaaway.
"Aba! ba't di mo sinabi mo kanina?"
"Sasabihin ko sana kaya lang naibato mo na ihh! sowwryy'- nakangsuo nitong sabi sakin sabay peace sign.
Bigla naman akong nakonsenya sa nalaman ko. Ang buong akala ko talaga si si Gian ang bumato sakin, yun pala ay si Carlito- ang pangalawa sa bully sa room namin. Hindi katulad ni Gian, si Carlito ay palaban. Hindi ito nagpapatalo. Dahil mas malaki ang katawan nito kay Gian.
5:30 na nang makauwi ako sa bahay. Naabutan ko si mama na naglalaba.
Marami na naman nilabhan si mama.
"Mano po mama."
"Kaawaan ka ng Diyos anak."
" Magbihis kana at ibigay mo saakin ang uniform po. Pagkatapos magluto kana diyan." utos ni mama sakin.
Siyam kaming magkakapatid. Limang babae at apat lalaki. Pang pito ako sa kanila. Sina Ate Ellise, kuya Russel, Kuya Raven, Ate Mika ay may kanya-kanya ng pamilya. Nasa maynila na sila nakatira.
Kami na lang nina Kuya Daniel, Mellisa at Rose ang kasama nina mama at papa. Mahirap lang kami.
Si Papa isang karpentero,samantalang si mama ay naglalaba sa kung saan-saan.
Kaya naman hindi ko alam kung ano ang pangarap ko dahil alam kong imposible iyon sa tulad naming mahirap.
" Leigh, bilisan mo na dahil gabi na."sigaw ni mama sakin.
"Opo." pagkabihis ko ay ibinigay ko na agad ang damit ko.
" Ma, nasaan si Lisa at Rose, saka si Kuya Dan." tanong ko kay mama habang nakaupo ako sa harap niya.
"Kasama ng kuya mo si Rose at Lisa. Bumibili ng ulam. Kaya magsaing kana lang at mayamaya ay darating na ang papa mo. Matagal pa ako rito."
"Okay mama."
Pagkatapos kong magsaing ay bumalik ako sa kinaroroonan ni mama. Nagbabanlaw na ito at malapit na rin matapos.
Dumating na rin sina kuya. Bumili ito ng dalawang sardinas at dalawa ring itlog. Gigisahin lang ito ni kuya at yun na ang ulam namin para sa hapunan.
Natapos na ang paglalaba at nakasampay na rin kami ni mama pero wala pa si papa. Pasado alas-otso na pero wala pa rin ito.
"Kumain na kayo at hihintayin ko pa ang papa niyo." utos ni mama habang nakaupo sa labas ng bahay namin.
Maliit lang ang bahay namin. May dalawang kwarto na di-kalakihan. Isa sa aming apat at isa kina mama at papa. May maliit rin kaming kusina.
"Leigh, anong nangyari diyan sa may noo mo at may pasa." tanong ni kuya habang kumakain kami. Nakaupo kami sa sahig dahil wala kaming mesa. Magkakaharap kaming apat. Pabilog kami at nasa gitna ang mga pagkain. Sardinas at kanin lang naman ang pagkain namin. Pero masaya na kami rito kasi minsan wala kaming maiulam.
" Wala kuya. Natamaan lang ako ng sapatos ng kaklase ko". pag-amin ko kay kuya.
"Natamaan o nakipag-away kana naman sa kaklase mo."
"Ay si kuya ang oa ahh. Hindi naman ako pala-away no." sagot ko rito.
"Sus. Hindi raw. Ikaw ha. 4th year high school kana, hindi kana bata. Dapat ikaw ang ginagaya ng mga kapatid mo."
"Kuya,tinalo mo pa si papa kung manermon."
"Tapusin niyo na ang pagkain niyo. Mauubos na ang kandila, kakain pa sina mama."
Ilang saglit pa ay tapos na kaming kumain. Naghugas na rin ng plato si Lissa. Si Rose naman ay lumabas at pinuntahan si mama sa labas. Wala parin kasi si papa. Mag alas-nueve na rin.
Nag ayos na rin ako ng higaan namin. Naglagay na ako ng kulambo dahil maraming lamok kapag gabi. Mayamaya pa ay pumasok na rin si Lissa, tapos na itong maghugas.
"Ate,pwede magpatulong sa assigment ko?" biglang sabi sakin ni Lissa.
"Tungkol saan" maikli kong sagot. Imbis na sagutin ako ay ibigay saakin ang notebook niyang kaunti na lang ang sulatan.
Kinuha ko ang kandila at saka binasa ang assignment.
Madali lang naman pala ito. Gagawa lang ng isang sanaysay tungkol sa magulang.
At dahil expert ako sa pagsusulat ay ginawa ko agad ito. Isinulat ko ito sa isang hiwalay na papel. Saka naman niya isusulat sa papel niya.
"salamat ate."
"Welcome.sige na matulog kana."
Hihiga na rin sana ako ng may narinig kaming sumigaw. Malakas ito na ikinagulat namin ng kapatid kong si Melissa.Yumakap ito saakin. Si kuya naman ay patakbong pumunta sa labas. Sumunod naman kami rito.
Napabuntong-hininga na lang ako ng malaman ko kung sino ang narinig naming sumigaw.