ANG gwapo gwapo talaga boyfriend ko!" nangangarap na saad ni Penelope habang nakatitig sa screen ng computer niya. Kung saan may picture si Jarren Kirk Cardarelli.
Napakagwapo nito doon kahit na wala man lang kangiti-ngiti sa gwapong mukha ng binata. Naka simpleng white button down shirt lamang ito at ang dalawang kamay ay nakasuksok sa magkabilaang bulsa ng suot na pantalon habang nakasandal sa isang mamahaling sasakyan. Napaka-cool nitong tignan. Mistulan itong isang international model na nagmomodelo ng sasakyan. Tiyak na kung modelo nga ito ay talagang maaakit ang kahit sino na bumili ng kahit anong produkto na iendorso ng lalaki. Gano'n ang tingin niya kay Jarren.
Sa loob ng twenty-six years niya sa mundo ay sa binata lamang niya naramdaman ang mga nababasa niya sa mga pocketbook.
Yung kakaibang emosyon na mararamdaman mo pag nahanap muna ang taong mamahalin mo ng sobra. Yung taong pag-aalayan mo ng lahat.
Yung tipong handa kang hamakin ang lahat, makamtan lang ang pinakanais-nais na pagmamahal.
Napahagikgik siya sa naisip. Kung anu-ano ng kakornihan ang pumapasok sa kanya dahil sa binata.
She remember the first time she met him. Gabi na noon ng makaramdam siya ng gutom. Napagpasiyahan niya na lumabas at bumili ng pagkain. Sa isang kilalang convenient store siya napadpad dahil wala na siyang makitang bukas na tindahan malapit sa apartment na tinutuluyan niya. Dahil abala sa pagkain ay nagkabungguan sila ,palabas siya niyon habang papasok naman ito. Natapunan niya pa ito ng ice cream kaya namura siya ng lalaki pero hindi niya nagawang magalit nang makita niya ang gwapong mukha nito. Matangos ang mataas na ilong, makapal ang kilay, malalalim ang maiitim na mga mata na tila gustong arukin ang nasa loob niya at ang mga labi nito ay tiyak kinaiiingitan ng maraming kababaihan dahil maganda ang hugis niyon, mamula-mula at tila napakalambot talaga.
It was love at first sight. Hindi siya naniniwala noon na posible talaga 'yong mangyari sa totoong buhay. Akala niya ay sa mga libro lang 'yon at sa mga pelikula pwedeng mangyari. But she was wrong. She fell in love with him at first sight. Animo huminto ang mundo niya ng ilang minuto habang nakatitig sa mga mata ng binata.
Kung hindi pa ito tumalikod ay di pa siya matatauhan, sinubukan niya itong habulin at ialok ang tissue niya ngunit tinalikuran lang siya nito. Tila ni hindi man lang siya napansin ng binata, samantalang ito ay tumatak sa isip at puso niya
Ngunit hindi siya natinag. Mula noon ay inalam niya ang lahat ng pwede niyang malaman tungkol sa lalaki, lucky her. Her friend, Roe knows him. Palihim niya kasi itong kinuhanan ng picture na siyang ipinakita niya sa kaibigan. Kaibigan daw ito ng pinsan nitong si Falcon na isang race car driver. Sinabi nito sa kanya ang mga bagay bagay na nalaman nito kay Falcon tungkol kay Jarren. Nagtanong kasi ito, bilang supportive na kaibigan niya. sa pinsan para sa kanya. Pero siyempre ay hindi nito sinabi na para sa kanya ang mga impormasyon.
Mula rin ng araw na iyon ay inangkin na niya ito bilang boyfriend niya- or mas tamang sabihin na secret boyfriend dahil siya lang naman ang nakakaalam at ang ilang kaibigan niya.
Tila tadhana na mismo ang gusto na mapalapit siya kay Jarren dahil hindi niya akalain na konektado pa ito sa Cardarelli Group of Companies.
Anak pala ito ng President mg CGC na si Gustavo Cardarelli.
Pakiramdam niya ay ito ang nakatadhana para sa kanya, her destiny! At sa mga nangyari pa ay mas tumibay ang loob niya na ito talaga ang para sa kanya. At soon ay magiging sila talaga nito.
No'ng unang mga taon niya sa trabaho ay ang Daddy nito na si Mr.Gustavo Cardarelli- na isang half- Italian pa ang boss niya. Marami rin siyang nalaman tungkol kay Jarren sa ama nito. Katulad na ang pagiging happy-go-lucky ng una. Ang pagiging babaero nito at pagiging reckless. She was disappointed when she learned about those things pero hindi 'yon naging hadlang para mawala ang feelings niya sa lalaki. Tulad ng mga nabasa niyang pocketbooks noon, ang heroine ang madalas na nagpapabago sa isang hero na playboy.
Hanggang isang araw ay inabisuhan siya ng matanda na magre-retired na ito dahil at ang anak nito ang papalit sa puwesto. Labis ang galak niya sa narinig. Mula noon ay mas lalong tumibay ang loob niya na para sila sa isa't-isa ni Jarren.
Hindi naman siguro siya mai-inlove dito at mas lalong hindi siya pagbibigyan ng tadhana na mapalapit dito kung hindi ito ang 'the one' niya.
Akmang hahalikan niya ang screen ng tumunog ang intercom niya. Nakangiting sinagot niya yon. Agad na narinig niya ang gwapong boses ng lalaki.
"My coffee" maikling sabi nito, ni walang hi or hello. Iritado 'yon ngunit hindi niyon nagawang burahin ang ngiti sa nga labi niya. Sanay na siya sa ugali nito sa mahigit dalawang taon na pagtatrabaho niya dito.
Kung tutuusin ay mas mabait ang papa nito pero ewan niya ngunit hindi niya magawang magalit sa lalaki.
Napailing na lang siya ng ibaba agad nito ang tawag, bago tumingin sa salamin. Ni hindi man lang siya hinintay sumagot but nothing's new.
She's not fond of make-up , pulbo at pink lipstick lang ang ginagamit niya eversince. Kahit anong subok niya sa make-up ay hindi talaga siya matuto kaya sinukuan niya na lang, unless kasama niya ang isa sa mga kaibigan na ready tumulong sa kanya.
Matapos makontento sa repleksiyon ay nagtungo na siya sa pantry ng kumpanya para igawa ng black coffe ang boyfriend niya.
"YOUR COFFEE, SIR." nakangiting sabi niya matapos ibaba ang request nito.
But he didn't even look at her, he just nodded while still busy reading some papers. May kunot sa noo nito na tila gusto niyang padaanan ng daliri para mawala. Minsan ay gumagalaw ang labi na gustong-gusto niyang matikman. Isipin pa lang niya ay kinikilig na siya. She wonder how would it-
"What?" napakurap-kurap siya sa untag nito. Now, his eyes are pointed to her.
Muntik na niyang batukan ang sarili. Really, Penny? Sa harap ka pa talaga niya naggaganyan? She know how unreasonable and strict he is sometimes or rather most of the times. Ayaw nito ng mabagal at nakatulala na empleyado. Ngayon lang siya nito nahuli! Eh paano ay na-miss niya ito dahil galing ito sa isang out of town meeting. Hindi siya nito sinama dahil ayon dito ay hindi siya nito kailangan doon, kaya three days din niya itong hindi nakita.
Ngayon tuloy ay parang gusto niyang pagsawain ang sarili sa kakapantasya dito.
"Ah wala sir. Gusto ko lang ipaalala yung meeting niyo later with Mr.Tan." salo niya sa sarili.
"You don't have to remind me. I know my schedule." supladong sabi nito bago ibinalik ang pansin sa mga papeles.
Naging abala na siya sa trabaho pagkatapos niyang bumalik sa pwesto niya sa labas ng opisina ni Jarren. May kailangan din kasi siyang tapusin na reports na naantala dahil sa pagde-daydream niya.
"HEY, BABE!" masayang salubong kay Penny ng isa sa mga kaibigan niyang si Love pagdating niya sa bar. Nagbeso sila nito bago siya iginiya sa table kung saan naroon din ang iba pa nilang barkada.
"Finally!" sigaw ni Monroe bago siya niyakap. Natatawang hinila niya ang buhok ng kaibigan bago binati sina Frances at Ellery.
Ayaw niya sanang tumabi kay Monroe ngunit tila 'yon talaga ang inilaan na pwesto sa kanya.
Inabutan siya ni Ellery ng margarita, may ngisi sa labi ng kaibigan. She groaned internally. Kilala na talaga nila ang isa't-isa.
Matagal na rin silang limang magkakaibigan. Siya, si Monroe or Roe at si Ellery ay highschool pa lang ay magkakaibigan na. Sa kolehiyo naman nila nakilala sina Frances at Love. Naging kaklase niya sa ilang subjects si Love, si Frances naman nakilala nila dahil sa ex-boyfriend nito na sinubukan pormahan si Roe. Hindi pa break ang dalawa nung time na 'yon, ngunit gusto na manligaw kay Roe.
Hindi nila 'yon alam nung una siyempre. May hitsura ang lalaki at sikat sa university at medyo type rin sana ni Roe, ngunit nakita niya na may kasama itong iba habang pumoporma kay Roe- ang kasama nito ay si Frances. Kaya siyempre, nagalit siya at kinompronta ang lalaki in behalf of her bestfriend. Siyempre nagalit si Frances sa boyfriend nito during that time, sinampal at tinuhod nito ang lalaki sa harap niya, gusto sana itong gantihan ng lalaki ngunit siyempre hindi siya pumayag, bilang babae ay nakisimpatya siya kay Frances dahil hindi naman nito alam na babaero pala ang boyfriend nito, pati na rin ang kaibigan niya ay naintindihan ang sitwasyon at nakisimpatya kay Frances, simula nga no'n ay sumama na ito sa kanilang barkada and the rest, as they says is history.
Speaking of boyfriend "How are you and Josh nga pala?" una niyang tanong kay Frances. The last time kasi na nagkausap sila ng kaibigan sa phone ay nabanggit nito na nagkakalabuan na ang relasiyon nito sa nobyo.
Nalukot ang magandang mukha nito. Mestiza si Frances at may pagka-singkit ang mga mata kaya nga maraming nagkakagusto rito 'yon nga lang...
Inisang lagok nito ang tequila. "Break na kami." kapagkuwan ay sambit nito.
Hindi na siya nagulat sa sinabi nito. Sa tagal kasi ng pagkakaibigan nila, ilang beses na rin niya 'yon nasaksihan. Nauuwi lahat sa hiwalayan ang relasyon ni Frances. Katulad ng mga dating nobyo nito ay halos tatlong buwan lang din nagtagal ang relasyon nito kay Josh. Ngunit siyempre ay umasa siya na iba si Josh dahil nakita niya na mahal na mahal nito ang kaibigan niya.
"Nandito lang kami babe. " inabot niya ang kamay nito at pinisil. She can't tell her that everything's going to be okay dahil sa ilang break-up nito ay nasabi na niya-nila 'yon. Ngunit ngayon ay heto at umiiyak uli ito.
"Gusto mo ba ipakulam natin? May kilala ako. Magaling daw mangkulam." lumapit si Love kay Frances at inakbayan ito.
Natawa naman ang kaibigan kahit na bakas pa rin sa mukha nito ang sakit. Napailing siya sa sarili.
Sa buong buhay niya ay hindi niya pa naranasan na mabigo sa pag-ibig. Oo nga at nagkaroon siya boyfriend, isa no'ng highschool at isa rin sa college. Ngunit hindi rin seryoso. Ang una ay siya ang nakipaghiwalay dahil feeling niya ay hindi siya satisfied, sinagot niya lang kasi ang lalaki dahil sa kagustuhan niya na maranasan na magka-boyfriend ngunit hindi niya nagustuhan na parang bodyguard na ang ex niya. Nung college naman siya ay mutual ang break-up nila, pupunta na sa ibang bansa ang ex-boyfriend niya at ayaw nito ng LDR samantalang siya ay nawalan na rin ng time dahil busy sa pag-aaral.
"Gayuma, Love? Meron ba?" nang-aasar na tanong ni Roe.
"I think so. Wait- seryoso ba? Gusto mo?"
She secretly rolled her eyes at her bestfriend. Alam niya ang gusto nitong sabihin. At mukhang na-gets naman yon ni Ellery sa pag-irap niya. Tumawa ito kay Roe at itinuro siya.
"Its for her, right?" sa sinabi nito ay lahat ng mga kaibigan niya ay tumawa. Kahit ang humihikbi pa rin na si Frances
"Its been what? You're still into that guy?" hindi niya pinansin si Love at sa halip ay itinuon ang atensiyon sa inumin bago ibinaling 'yon sa dance floor.
"Yeah. Penny, I know that he's hot. I mean, we've seen him in flesh right? So we understand your attraction to him. Pero its been years. Hindi ka na nag-boyfriend after John Paulo. Naka-focus kana kay Jarren."
"Its not my fault kung wala akong gusto-"
"Meron. Si Jarren pero its been years, four or five na ba? Pero walang progress. Why not confess? Para makapag- move on kana kung hindi mutual ang feelings. "
Napabuntong-hininga siya. Tila ngayon lang tumitino sa isip niya na ilang taon na nga rin pala talaga. Yeah, she enjoy working at CGC pero dapat ay dalawang taon lang siya do'n but because of her feelings for Jarren ay nag-stay siya sa company. Naging limang taon na ang dalawang taon niya lang sana na pananatili sa kumpanya. Because she wanted to get close to him, to impress him and maybe to make him fall in love with her.
Tila nahalata naman ni Roe ang iniisip niya.
"I'm being pakielamera again, babe. I'm sorry. I'm just worried about you. We are worried about you. Parang masiyado ka ng naka-focus kay Jarren. Ngayon ka na nga lang uli pumayag na sumama samin mag-bar."
"I was busy-"
"Working just to impress Jarren. Jarren. Jarren. Mabuti pa 'tong si Frances, kahit laging nauuwi sa break-up, di sumusuko sa love. Pero ikaw na-stuck ka na kay Jarren pero wala naman nangyayari. Boss mo pa rin siya at executive assistant ka niya. Minsan gusto ko ng pagsisihan ang pagtulong ko sa kabaliwan mo. Kung alam ko lang na aabot sa ganito, sana hindi ko na sinuportahan ang feelings mo for Jarren."
Isa 'yon sa reasons niya kung bakit ayaw niya minsan sumama lumabas sa mga kaibigan. She loves her bestfriends dearly. Para na niya itong mga kapatid at gagawin niya ang lahat para sa mga ito pero ginigising siya ng mga ito, especially Roe sa katotohanan. Na hindi niya boyfriend si Jarren at ni hindi nga nito alam ang feelings niya.
She's grateful sa concern nga mga ito pero anong magagawa niya? Its her first time to feel this way. Ayaw niyang pakawalan ang feelings niya kay Jarren dahil baka hindi na niya 'yon uli maramdaman sa iba. It took her so long to found someone like Jarren at gusto niya 'yong ingatan.
"Gusto ko siya." she shrugged.
"We know. Pero hindi ba masiyado ng matagal ang limang taon. If you really like him, as Roe said, confess. Do you want a grand confession? We can help. " tila excited na sabi bigla ni Ellery. Isa itong event organizer kaya mahilig sa nga surprises.
"I don't know what's more painful. Ang break-up or ang one-sided love. Atleast, pag break-up kahit paano naranasan mo na mahalin ng mahal mo, yun nga lang, masakit din kasi naranasan mo na mahalin kaya hahanap-hanapin mo talaga. While one-sides love? Pwedeng hindi mo nasabi ang feelings mo or nasabi mo pero hindi kayo parehas ng feelings. Masakit kasi kahit paano umasa ka.Pero atleast wala kang memories na babalikan na mas lalong magpapahirap ng proseso ng pagmo-move on." si Frances na abala sa hawak nitong kopita. Ngayon lang nila itong nakitang nagkagano'n. Oo nga at umiyak din ito sa past break-ups nito pero pagkatapos ng tawanan ay balik na ito sa dati. Ngunit ngayon ay mukhang iba talaga ang tama nito kay Josh.
Nagkatinginan silang apat na magkakaibigan at tumahimik. Siya ay sumimsim ng cocktail. Maya-maya ay binasag rin Roe ang katahimikan.
"Gosh! Why are we talking about corny shit again? We should enjoy this night." inirapan niya si Roe na siya naman nagpasimula.
Tumayo ito at hinila si Frances, hindi na siya nagpahila dahil alam niya na gagawin nito 'yon kung hindi siya tatayo.
"Come on, up up. Let's dance." and they all headed towards the dance floor.