Si Gabby, nakaupo sa isang tahimik na sulok ng cafe, ay malalim ang iniisip habang iniinom ang kanyang kape. Sa tuwing makikita niya si Leo, lalo na kapag kasama si Rael, nadarama niya ang hapdi ng pagseselos. Pero sa araw na ito, iba ang kanyang nararamdaman.
Sa bawat pagtingin niya kay Leo, nagbabalik-tanaw si Gabby sa mga panahong siya ang sentro ng pansin at pagmamahal ni Leo. Mga panahong puno ng pagsisikap si Leo para sa kanya, mga oras na binalewala niya lamang. Ngayon, habang sinusubaybayan niya si Leo mula sa malayo, napagtanto niya ang mga bagay na hindi niya noon pinahalagahan.
Si Leo, sa kabilang banda, ay abala sa kanyang bagong trabaho. Ang kanyang sipag at determinasyon ay nagbunga. Siya ay mas kilala na sa komunidad bilang isang mahusay na graphic designer, at madalas siyang makatanggap ng mga proyekto mula sa iba't ibang kliyente.
Habang si Gabby ay patuloy na binabalikan ang kanilang nakaraan, natanto niya ang kahalagahan ng mga bagay na nawala sa kanya. Gusto niyang mag-sorry, gusto niyang bumawi, ngunit sa tingin niya ay huli na ang lahat. Si Leo, na dati ay palaging nasa tabi niya, ay tila malayo na at abala sa kanyang sariling mundo, napagtanto nya ang mga bagay na hindi niya noon napahalagahan.
**Sa kabilang banda
Rael, may pilyong ngiti: "Alam mo, Leo, kung hindi ko alam na magkaibigan lang tayo, maiisip ko talagang may something sa atin, lalo na kanina nang akbayan mo ako."
Leo, tumatawa: "Eh kasi naman, lagi mo akong tinutukso sa harap ng iba! Para kang bata, kaya pinipigilan kita!"
Rael, kunyaring nagtampo: "Eh, hindi kasi kita matiis eh. Pero tingnan mo, baka may iba na'ng mag-isip na may nangyayari sa atin dahil d'yan."
Leo, nag-iwas ng tingin: "Haha, alam naman nilang asaran lang 'to. Pero tama ka, baka nga."
Rael, pinisil ang pisngi ni Leo: "Aww, ang sweet mo talaga. Sana all. Naku Leo tigil tigilan mo ako sa ganyan, mamaya ma in-love ka sakin. *nag boses lalaki* Pre di tayo talo. *Hagikhik na tawa*
Bago pa man sila matapos sa kanilang pag-uusap, tumunog ang cellphone ni Leo. Agad niyang binuksan ang mensahe at napangiti siya ng malalim.
Leo, may halong excitement: "Rael! Look! Yung client na pinapangarap kong makatrabaho, gusto nilang makipag-meet sa'kin! Ngayon din!"
Rael, mata'y kumikinang: "Talaga? Yan na ba yung sinasabi mong malaking break? Tara, samahan kita!"
Habang si Leo at Rael ay naghahanda na para umalis, nagkataong napalingon si Leo sa direksyon ni Gabby. Sa maikling sandali, nagtagpo ang kanilang mga mata. Pero mabilis na umiwas si Leo, feeling niya wala nang interes si Gabby sa kanya. Si Gabby naman, akala niya ay sinadya siyang hindi pansinin ni Leo.
Habang sila ni Rael ay lumalabas ng cafe, si Gabby ay naiwan, tinitigan ang pinto na dinaanan nina Leo at Rael, at ang kanyang isip at puso ay magulo sa nararamdamang sakit at panghihinayang.
---
Nang naka labas na sila may mga marites na crew, este may ilang crew ang nag-uusap-usap habang nililinisan ang mga gamit at mga lamesa.
Crew 1, nakangiti: "Nakita niyo ba 'yung progress ni Leo? Grabe, ibang-iba na siya ngayon."
Crew 2, tumango: "Oo, at alam mo, dahil 'yan kay Rael. Swerte niya talaga kay Rael, bagay sila."
Crew 3, nag-agree: "Totoo. Ang dami ngang nagsasabi na bagay sila, e. Parang destined sila sa isa't isa."
Habang pinakikinggan ni Gabby ang kanilang usapan, ramdam niya ang kirot sa kanyang puso. Ngunit, bago pa siya tuluyang malugmok sa kanyang nararamdaman, biglang nagsalita ang isa pang crew.
Crew 4, may pag-aalinlangan: "Pero, mga bes, hindi ba may nabanggit si Leo dati na may babaeng gusto niya kaya siya nagsumikap? Mukhang malabo ang 'Leoel' (Leo & Rael). Parang may iba siyang dahilan."
Nang marinig ito ni Gabby, nagulat siya at muntik nang mabuga ang kanyang iniinom na kape. Hindi niya alam kung paano magrereact, pero isang bagay ang tiyak - nalilito siya at gustong malaman ang buong katotohanan.
Gabby: *Ehhh??!!*