Chereads / THE ABYS WHERE I BELONG / Chapter 44 - THREAT

Chapter 44 - THREAT

"Yohan Del Carmen, King of Drakaya kingdom." Sagot ni Yohan habang yakap si Veronica na tahimik na umiiyak.

Napa-kurap sina Jenny at Zion dahil sa narinig. Well, hindi sila nagulat tungkol sa pangalan at estado ng buhay ng lalake. Nagulat sila dahil sa ginamit nitong lengwahe. Sabagay, hindi lang international language ang English. Kahit ang mga living creatures sa ibang firmaments ay gumagamit ng english. Bagamat iba nga lang ang accent ng mga ito. Ang accent ng bawat firmaments ay pinaghalong British at American accent, kung ikukumpara sa mundong ibabaw.

"Cool. Hindi na nakakagulat kung tutuusin." Patango-tangong sambit ni Zion.

"Yeah.. Anyway, hindi ba kami pwedeng pumaso---ugh!" Hindi na natapos ni Jenny ang sinasabi ng biglang tumama ang matalim na kidlat sa pagitan nila ni Veronica.

Marahas siyang napalingon sa sino mang pangahas na gumawa nun. A dragon suddenly appear in front of them at ngayon ay gwardyado si Veronica at Yohan. Ang mga mata nito ay kumikislap na parang electricity at ang kanyang dalawang paa na parang kamay sa unahan ay may hawak na electric bomb.

"Wait, is that Leviathan Ravine?" Bulalas ni Jenny habang ang mga daliri ay nakaturo kay Ravi na natigilan din.

"... Who are you two?" Tanong din ni Ravi.

"Ravi, tumigil ka at bumaba." Pasigok-sigok na sambit ni Veronica. "She's our friend, hindi mo lang siguro siya makilala dahil iba na ang kanyang anyo." Dugtong pa ni Veronica.

Mabilis na nag-palit anyo si Ravi. Si Zion naman ay natahimik at hindi makagalaw. Paano ba naman, nasa harapan siya ng King of all Dragons. Maaring isa sa pinaka-makapangyarihang dragon si Yuso. Pero ang totoong pinanggalingan ng dugo ng mga dragons ay nanggaling sa kauna-unahang dragon. Ay iyon ay walang iba kundi si Leviathan Ravine o tinatawag ngayon sa pangalang Ravi.

"Banawa?" Panghuhula ni Ravi.

"Ravine..! Tuwang-tuwa na sambit ni Jenny kasabay ng pag-balik anyo niya bilang tao.

Pagkatapos ay dumamba siya dito at niyakap si Ravi ng mahigpit. Bagamat mabilis ding hinila ni Zion at pinaghiwalay ang dalawa.

"Your husband is here yet you dare embrace other man in front of me?" Malalim ang kunot ng noo ni Zion.

Napa-pout si Jenny bagamat naka-ngiti parin. "Na miss ko lang si Ravi."

"Ako ang bestfriend mo pero mas inuna mo pang yakapin si Ravi? Tsk! By the way, how'd you get here?" Pailing-iling na sambit ni Veronica.

Mabilis naman siyang dinambahan ni Jenny at mahigpit na niyakap. "Bago ko sagutin yan, bakit iba na din ang itsura mo? Anong nangyare this past 10,000 years?"

"Let's talk inside. Marami din akong gustong itanong sayo. Especially tungkol sa portal na ginamit mo." Sagot ni Veronica. Hindi niya napansin na naka-pulupot parin ang mga braso ni Yohan sa katawan niya.

Pumasok sila sa loob ng palasyo. Nagulat pa si Clewin ng sabihin niya ang katauhan ng kanyang mga bisita. Mabilis itong umutos sa mga taga-silbi upang mag-prepare ng bakanteng silid para may magamit ang dalawang bisita. Si Veronica naman ay wala parin sa sarili dahil gulat parin siya sa biglang pag-sulpot ng kaibigan galing sa mundong ibabaw.

"Wanna drink some water?"

Narinig niyang tanong ni Yohan. Hindi niya namalayan na nasa loob na rin ng kanyang silid ang binata. Nang sa wakas ay nahimasmasan siya, parang nakuryente na mabilis siyang kumalas sa pagkakayakap ng binata. Sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib, she's afraid that Yohan hears it. Paano pa niya pangangatawanan ang sinabi niya na hindi na niya ito gusto?

Lalo siyang nanlamig ng makita niyang napa-smirk si Yohan. He's staring at her as if he already knows the truth. Automatic na napa-atras siya ng humakbang ang binata palapit sa kanya.

"Veronica, Veronica, Veronica.. Sa dami ng karanasan ko sa buhay, sa palagay mo ba hindi ko malalaman kung may tinatago sa akin ang isang tao o wala? You maybe a true Goddess of this world but, true God don't know how to lie." Mahina at puno ng lamig ang boses ni Yohan.

Pakiramdam ni Veronica ay nanuot sa kanyang mga buto ang lamig ng boses neto. It's making her tremble as if she's cold. Nagsimula na ring manuyo ang kanyang lalamunan. She wants to run away kaya ipinikit niya ang mga mata to hopefully teleport. However, her nape suddenly grabbed by the person who were just talking a while ago. Ang mga matang kanina ay naka-pikit ay biglang na lang namilog nang marealize kung ano ang susunod na gagawin ni Yohan.

Yohan captured her lips and kiss them aggressively. His tongue even entered her half open mouth due to her surprise. Bawat pag-salakay ng dila ng binata ay para bang sinasabi nito na wala siyang karapatang tumakas dahil nahuli na siya ng lalake. Ramdam ni Veronica nang pag-pawisan ang kanyang mga palad kaya mariin niyang ikinuyom yun.

"Hmmm..."

What's that fucking sound? Tanong niya sa sariling utak.

"Kiss me back, Nika.. Please." Paos ang boses na pakiusap ni Yohan nang pansamantala niyang pinakawalan ang labi ng dalaga.

Napa-singhap naman si Veronica. Kiss back the fuck?! Paano siya magki-kiss back kung wala naman siyang alam kung paano humalik?! Sa isiping yun, parang naging kamatis ang kulay ng kanyang mukha. At hindi yun nakaligtas sa paningin ni Yohan. He's not stupid to do not realize something.

"How cute, sinong mag-aakala na ako pala ang first kiss ng Dyosa ng buong Terra Crevasse? Aren't I so much fortunate?" Naka-ngiting sambit ni Yohan.

"Y-you... You shut up!" Sinikap ni Veronica na maging malakas ang boses subalit paos ang naging resulta.

Dahil dun, napataas ang isang kilay ni Yohan. Another smirk showed up to his lips. Pagkatapos ay isang French kiss ang muli niyang ibinigay sa namumulang labi ni Veronica. Honestly, he wants to eat her up. Kaya lang, alam niyang hindi pa tamang panahon. Naka-first base na siya, of course he can continue to the second base next time. Yup! Next time!

"Mukhang okay kana, let's go back to your friends. Baka hinihintay ka na nila." Naka-ngiti pa rin na sambit ni Yohan.

Hindi sumagot si Veronica. Mabilis lang niyang itinulak si Yohan at tsaka siya tumayo ng tuwid. Walang lingon likod na tinungo niya ang pinto.

"Don't you dare run away from me again, nor avoid me too. Dahil kahit ikaw pa ang Dyosa ng mundong ilalim, I already marked you as mine."

Hindi siya sumagot at tuluyan lang na lumabas ng kwarto. Although, her lips curbs a bit. Dumiretso siya sa Hall kung saan naroon ang mga taong Nag-hihintay sa kanya.

"What the fuck?! Pinaghintay mo kami dito ng ilang minuto dahil lang nakipag-tukaan kapa sa lalake mo?!" Pang-aasar ni Jenny ng mapansin ang pamumula ng pisngi at labi ni Veronica.

Isang mahinang Electricity ang tumama sa kanyang noo. Galing kay Veronica.

"Shut up! Mind your husband!" Gigil na sagot niya habang sinisikap na maging mahinahon.

"Whoah! After 10,000 years. You dare hit me? Halika dito, parang namiss kong makipag-spar sayo. Come'er...!" Mabilis na binalot ng lumiliyab na balahibo ang katawan ni Jenny. Handa nang makipag-spar sa matalik na kaibigan.

"You wanna go?!" Sa isang iglap lang din, mabilis na humaba ang buhok ni Veronica na naging half blue and white. Ang kanyang katawan ay parang naging tubig na may kumikislap na Electricity. Her true form showed up. Her eyes flickers too.

Sa lahat ng Dyos at Dyosa na in-assign ni Nyuweko sa bawat firmaments, ang dalawa lang ang natatanging matigas ang ulo na palaging nakakatanggap na disiplina mula kay Nyuweko. May panahon pa noon na naka-sakay si Suzerain kay Banawa at lumipad ng paikot-ikot sa trono ng kanilang Amang Dyos. And the ending, 10 years silang grounded at hindi nakalabas.

"Both of you stop!" Dumagundong ang malakas na boses ng tatlong lalake na sina Ravi, Zion at Yohan.

Naka-pameywang pa ang talo habang naka-titig sa dalawang mabilis ding bumalik sa normal na anyo.

"For Nyuweko sakes! Hanggang ngayon ba naman hindi pa rin kayo nagbabago? May asawa na ang isa sa inyo. Ang isa naman naglalandi pa lang. Tumigil na kayo sa childish war ninyong dalawa." Si Ravi ang nag-salita.

"Sinong nag-lalandi ang tinutukoy mo?!" Marahas na napa-lingon si Veronica sa pwesto ni Ravi.

"Pfft! I know right! Suzerain, kung may mga gusto kang itanong, come to me. I'm willing to share you some tips, yah know?" Si Jenny naman pigil ang tawang nag-salita.

"Narinig mo naman ang sinabi ni Banawa, Master. Kung may mga bagay kapang hindi alam..."

"Isang salita mo pa, ibubunyag ko kay Rowel na hinalikan mo siya habang natutulog nung nandun tayo sa Sediorpino Kingdom." Pagbabanta ni Veronica sa kanyang dragon na bigla namang natigilan.

"Who kissed me?"

Lahat ay natahimik nang biglang nalang nagtanong ang bagong dating na si Rowel. Palipat-lipat ang tingin nito sa mga taong na roon. Huminto lang ang tingin nito kay Ravi na ngayon ay dinaig pa ang nawalan ng kuryente.